Chapter 18
~Pain~
Dumiretso agad kami ni Lucas sa clinic, hindi talaga titigil itong mokong na ito hangga't hindi ako nakikitang nasa maayos na kalagayan.
Hawak-hawak niya ngayon ang isang bulak na may betadine habang dinadampian ang mga kalmot nuong Artistang olikba na iyon, hindi ko mapigilang mapatingin sa maamo niyang mukha.
Halos magwala na ang kung anong bulate sa katawan ko dahil sa kakaibang nararamdaman, boyfriend material ang loko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nuong tumingin siya sa mata ko, gosh! Hoy, iyong puso ko hindi ko mapigilan sa bilis ng tibok.
Baka marinig niya, nakakahiya.
"Iyong si Abigail ba ang may gawa sa 'yo nito?" Seryosong saad niya habang nilalagyan na ng band-aid ang mga sugat.
Tumango naman ako, "Hindi ko nga alam kung bakit, pero ang sabi niya ay problema daw nila ako ng Ate niya. May alam ka ba or may nasabi ba ako sa iyo nuon na dahilan kung bakit kami ni Jacob kinasal? Hindi ko lang maintindihan." Nakakunot nuong tanong ko habang nakatingin pa din sa kaniya.
Saglit na dumaan ang irita sa mukha niya pero nawala din ka-agad, seryoso siyang tumingin sa akin.
"Set up lang dapat ang lahat, babayaran ka ni Sir Mercado every year kapalit ng pagpapakasal mo sa kaniya. Sabi mo sa amin ni Beatrice at six years na lang ang itatagal ng Daddy ni Sir kaya ka pumayag. Before the incident, sinabi mo sa 'min na nahulog ka na. Na-attached ka na hindi naman dapat." Nagbaba siya ng tingin at saka hinipan iyong isang natitirang sugat na wala pang band-aid.
Nagtataka ko naman siyang tinignan at tumawa, "Nagpapatawa ka ba? Sa mga libro lang iyan nangyayari oy, wala tayo sa kdrama sis." Tumatawa paring ani ko dito pero tinignan lang ako nito ng seryoso at saka umiling.
"Hala eh? Ako ma-attached agad? You know me naman, Lucas. I don't fall easily, suwerte na lang kung sa 'yo ako ma-fall." Dinaan ko sa tawa para hindi mahalata na may iba akong point.
Paano ako mafa-fall kay Jacob kung head-over-heels ako sa lalaking kaharap ko, but uh huh, in a low key way.
Binatukan ako nito at saka itinuro ang mga sugat ko na may band-aid lahat, "Tapos na, lagyan mo na lang ng ointment pagka-uwi mo para hindi mag-peklat. Bibilhan na lang kita mamaya para hindi ka na mapagod." Mahinang sabi nito at saka tumayo na.
Tumayo na din ako at saka niligpit iyong papel ng band-aid, nilagay ko iyon lahat sa bulsa ko. Nagulat ako ng may sumalubong na jacket sa mukha ko, binaba ko naman iyon at nakita ko ang nakangiting mukha ni Lucas.
Shocks, ang pogi!
"Echos ka, Lucas!" Kunwaring inis na sabi ko dito at saka inilahad ang jacket niya.
Umiling naman siya habang tumatawa pa din, "Suotin mo iyan, ang mabango kong amoy ang magpapa-bilis ng pag-galing ng mga sugat mo." Mayabang na ani nito at saka inamoy pa ang sarili.
Inirapan ko naman ito at saka isinuot na lang ang kaniyang jacket, in fairness mabango huh.
"Amoy matandang hukluban naman ito, siguro hukluban na ang may-ari." Panunuya ko habang palabas ng clinic.
Humalakhak siya at saka patakbong sumunod sa akin, habang naglalakad kami papuntang classroom ay inakbayan ako nito.
"Ang pogi ko naman masyado para maging matandang hukluban, Babe." Nakangising ani nito at saka kumindat pa.
Kung hindi ko lang pinaalala na low key lang dapat ang pagka-gusto ko kay Lucas ay nagtatalon na ako sa kilig.
Tumawa naman ako at saka umiling-iling na lang, pagkarating sa tapat ng classroom ay tinanggal ko na ang kamay ni Lucas baka may manabunot nanaman sa 'kin bigla.
May one minute pa bago ang subject naman na VMA production, nagkakilala man kami nuong teacher na ito before ngayon ay iba dahil para sa 'kin ay matuturing ko itong first day of school.
Ang aksidenteng nangyari sa akin ay mananatili pa ding sekreto sa gitna ng isipan ko, sana mabilis na bumalik ang aking ala-ala.
Nagbu-bulungan pa din sila at pasimpleng tumitingin sa akin pero si Lucas ang taga saway sa mga iyon hanggang sa dumating na ang Professor.
Mukha pa lang nito ay alam mo na Terror, magkasalubong ang makakapal na kilay at kakaunti na lang ang natitirang buhok nito sa ulo.
Hindi man lang ito bumati pero inilibot niya ang paningin sa aming lahat na animo'y may hinahanap.
"Nasaan dito iyong babaeng na-hospital?" Seryong saad nito.
Ka-agad naman ako nagtaas nang kamay, "Ako po." Tumingin ito sa akin at saka may kinuha na maliit na papel sa kaniyang bulsa.
Lumapit ito at saka inilapag sa mesa ko ang papel, "Before your incident Hija, may project akong ipinagawa sa inyong lahat. Ang proyekto na iyon ay ang gumawa ng music video, by pair. Si Mr. Arcarte ang ka-partner mo, mabilis ka naman naka-recovered at hindi pa tapos ang sem kaya pinapahintulutan ko na kayo ay makapag-pasa pa. Valid naman ang reason mo, wala naman tayong lesson today dahil may meeting kami sa faculty."
Itinuro nito ang papel, "Iyan ang letter para palabasin kayo ng guard sa gate, gumawa na kayo nuong music video para makapag-pasa na kayo ka-agad. I-Excuse ko na kayo sa inyong mga next teacher." Saglit na ngumiti ito at saka muli ng bumalik sa harapan.
Nag-announce lang ito na kailangan namin mag-advance study dahil may quiz next meeting, umalis din naman ito ka-agad.
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot ni Lucas dahil wala pa kaming naiisip na location, sabi naman niya ay may nagawa na kaming outline kaya ang location, ang pag-video at acting na lang ang pro-problemahin namin.
"Lori what about sa Ynares Center? Since ber months na, paniguradong bukas na iyong mga rides. May mga food stall din, duon natin i-shoot iyong happy moments!" Masayang sabi ni Lucas at saka huminto sa tapat ng kotse niya.
"Sige, basta ba ay ililibre mo ako. Wala akong pera, Lucas." Nakangiti ko ding sabi.
Kunwari siyang huminga ng malalim at saka inirapan ako, "You're so poor naman, Lori. Ay hindi poor, sadyang kuripot ka lang." Nang-aasar na sabi nito at saka binuksan ang nasa right side na front seat ng kaniyang kotse para makasakay na ako.
Isa sa nagustuhan ko kay Lucas ay ang pagiging gentle man niya, bibihira na lang sa panahon ngayon ang mga ganitong uri ng lalaki. Maliban na lang kapag nang-aasar siya, habit niya na atang asarin ako.
"Mas maganda ng mag-ipon 'no. Kapag marami na kayo naman ni Beatrice ang ililibre ko, arte nito." Sabi ko nuong pumasok na siya sa driver's seat.
Tumingin siya sa akin, "Niyayaya mo ba ako ng date?"
Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi niya, "Tungeks ka? Kayo nga dalawa ni Beatrice, assuming ang hukluban." Tumatawang sabi ko.
Tumawa na lang din siya at saka ini-start na ang kotse. Habang naka stop ang signal sign ay binuksan ko ang Bluetooth ng kaniyang kotse at saka ikinonek ang aking cellphone.
Nanlaki ang mata ko ng kuhain niya ang cellphone ko para siya na ang mamili ng tugtog, mabuti na lang at binago ko na ang Home screen wallpaper at lock screen nito.
Napatingin ako sa kaniya ng patugtugin niya ang Best friend by Jason Chen, halos manlamig ako nuong nagsimula na itong tumugtog.
"Ang astig nitong kanta na 'to, ka-relate." Nakangiting sabi ni Lucas habang ibinabalik ang cellphone ko sa 'kin.
'I fell in love with my best friend'
Sinabayan niya pa ang pagkanta kaya tuluyan na akong nanlambot, I know it sounds so crazy but yeah... I fell in love with my best friend.
But what the heck? Come again, did he say that he's relate on this song? But sinong best friend?
"Echos ka, Lucas. Paano ka naman makaka-relate aber?" Kuryosong tanong ko at saka hinigpitan ang hawak sa seatbelt.
Tumingin ito sa akin saglit at saka ngumisi bago ibalik ang tingin sa harap, "Secret walang clue, marites ka masyado Lori."
Napairap na lang ako at saka hinintay matapos 'yong kanta. Sakto naman na nasa parking space na kami ng Ynares Center ay tiyaka natapos ang kanta.
Kakaunti pa lang ang tao dahil hapon pa lang pero may mga bukas na naman na stall at mga rides, sabay kaming bumaba ni Lucas sa sasakyan niya pero mas nauna akong tumingin sa mga rides na naanduon.
May Octopus, Ferris Wheel, Vikings at iba pa. Nagkalat din sa paligid ang bilihan ng mga pop corns, drinks, foot longs, at marami pa. Napalingon ako nuong tinawag ako ni Lucas.
"Lori!" Saktong pagkalingon ko ay ang pag-flash ng camera.
Dala niya ang isang klase ng DSLR na camera para siguro pang-video, "Tukmol ka, mamaya mukha akong shokla diyaan huh?" Tumatawang sabi ko at saka hinintay siyang makalapit.
"Mukha nga pero huwag ka na mag-alala, kahit naman sa personal mukha ka pa ding shokla." Nakangising sabi nito at saka pinisil ang pisngi ko.
Hindi ko maiwasang mamula dahil sa pinaggagawa niya, sa nararamdaman ko pa lang ngayon ay duda na ako na na-in love ako kay Jacob.
"Utot ka ba? Patingin nga." Umiirap na sabi ko at saka naglahad ng kamay pero itinago niya lang ang kaniyang kamera sa likod ng kaniyang katawan.
"Ayaw ko nga, sa 'kin na lang kung anong hitsura mo doon." Nakangisi pa din na ani nito.
Imbis na kulitin pa siya ay umiling na lang ako bilang pag-suko.
"Lucas, first shoot natin, naka-uniform lang tayo 'diba? Tapos salitan sa pag-video, kunwari ikaw unang vi-videohan habang nangungulangot tapos alternate iyong pagpapakita sa camera."
Tumango naman siya at saka itinuro ang ferris wheel, "Mamayang gabi, babalik tayo dito para duon mag-video. That was the sweetest part ng music video natin." Kitang-kita ko sa mga mata ni Lucas na excited na siya.
Napangiti na lang ako, "Yep, kasi there's a three part ng shoot, the first one nga ay itong sweet high school moments, the second one ay iyong conflict like mag-aaway tayo sa condo, the third and last one ay iyong sa taas ng ferris wheel. Halika na." Mahinang sabi ko at saka hinila ang kamay niya papunta sa isang pop corn stall.
"Lori, slow down." Tumatawang sabi niya at saka mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.
Patago akong napangiti, naka-holding hands kami.
Habang bumibili ako ay nagsimula nang mag-video si Lucas, hindi ko alam kung maayos ba ang mukha ko duon dahil sa kakulitan ni Lucas ay panay tawa lang ang nagagawa ko.
Kahit ang tindera ay nakangiti habang tinitignan kami, "Ang sweet naman ng nobyo mo, Hija. Naalala ko nuong kabataan namin, ganyan din ka-sweet si Brendo." Sabi ni Manang at masayang inabot sa akin iyong dalawang pop corn at mismo na inumin.
Naramdaman ko namang nag-init ang mukha ko, "Ay hindi ko po siya nobyo, kaibigan ko lang po." Nakangiting sabi ko pero umiling lang iyong ale.
"Nagsisimula ang lahat sa pagkakaibigan, Hija." Marahang sabi niya at saka ngumiti.
Tumingin ako kay Lucas at nakita kong nakangiti din siya sa 'kin, may saltik ata 'to. Nagpasalamat na lang ako duon sa ale at saka hinila na paalis si Lucas.
Naglakad-lakad kami sa harap ng Ynares Center habang ang camera naman ay nakatutok kay Lucas, nakahawak ang kamay niya sa akin at ang resulta ay parang hinihila niya ako.
Natapos ang scene na iyon ng nag-iinit ang magkabilaang pisngi ko, " Medyo mainit pa pala, Lori. Hindi ka ba naiinitan diyaan sa Jacket ko?" Tanong nito habang iniaabot sa akin ang isang bote ng mineral water.
Umiling naman ako, "Hindi, naligo kasi ako."
Kumunot ang nuo nito, "Oh ano namang kinalaman ng pag-ligo duon?"
Umiling-iling naman ako, "Sabi kasi ni Mama, kapag nakaligo ka ay hindi ka ka-agad maiinitan. Unless hindi ka naligo, Lucas."
"Dami mong alam Lori, ano naman kung hindi naligo? Mabango pa din naman ako." Mayabang na sabi nito at saka nagpa-pogi points pa.
Humalakhak na lang ako at saka tumayo para ipagpatuloy ang shoot, ang kantang ginawa namin before the incident ay kakantahin na lang namin para mailapat na duon sa video na gagawin namin.
Natapos ang mga scenes duon at papunta na kami sa condo ni Jacob since napagkasunduan namin ni Lucas na duon na lang.
Mag-aalas singko na din kaya need namin bilisan, kinuha ko iyong susi sa aking bag at saka binuksan ang pinto.
As usual ay madilim dahil sa mga nakaharang na mga kurtina sa glass window dagdag mo pang hapon na.
"Lucas, hintayin mo na lang muna ako diyaan. Magpapalit lang ako ng damit, if may extra ka namang damit diyaan ay magpalit ka na din. Nasa left side iyong bathroom." Nakangiting sabi ko dito at saka patakbong ng tinungo ang aking silid.
Bago pa man ako makarating sa aking silid ay nadaanan ko ang kuwarto ni Jacob, bukas ito at may naririnig akong halinghing na nanggagaling sa loob.
Iniisip ko na masyado pang maaga para maka-uwi si Jacob, baka may magnanakaw? May magnanakaw ba na humahalinghing? Pero puwede din naman sa sobrang tuwa?
Para malaman ang kasagutan ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nanlaki ang mata ko nuong makita ko na naanduon si Jacob pero hindi siya nag-iisa.
Kasama niya iyong ex girlfriend niya na si Hannah, they're both almost naked. I saw them kissing intimately, para akong naistatwa sa nakita.
He's married for petes sake! I bit my lips and tries to leave the room backwardly but I accidentally bump the vase near at the door, they both stopped and look on my direction.
Ka-agad na napalayo si Jacob kay Hannah at akmang lalapit sa akin pero pinigilan ko siya, "Stop, you cheater!" Buong sigaw ko
Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga cheater, my Mom was a victim of it when my Dad cheated on her.
Nakita kong napahinto siya at saka itinaas ang kamay, "Lori, let me explain."
Hindi ko alam kung bakit rumaragasa iyong luha ko, kumakalat din ang sakit sa buong sisitema ko na ikinipag-taka ko. I know how much I like Lucas but this is different, I think my heart attached on this man.
Nakita kong ngumisi si Hannah habang inaayos ang kaniyang dress na nagulo pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin, mabilis akong tumakbo pababa.
Nakita ko si Lucas na inaayos pa ang pagkakabutones ng kaniyang damit pero mabilis ko na siyang hinila.
"Lorraine, wait!" Narinig kong sigaw ni Jacob sa likod pero mas binilisan ko lang ang pagtakbo kasama si Lucas.
Kahit naguguluhan ay nagpadala din naman si Lucas, hindi na kami nag-elavator dahil alam kong mas mabilis kaming masusundan duon.
Patuloy ang pagpatak ng aking luha na hindi ko parin alam kung bakit pero ang alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako sa nakita ko kanina.
Hindi man nakakaalala ang aking isipan pero ang puso ko ay kilalang-kilala si Jacob kaya ako nasasaktan.
I can't bear this pain, it's too much to bear for unknown reasons.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top