Chapter 13
~Unwanted~
Napadikit ako sa pader ng bigpa kong marinig ang papababang mga yabag, panigurado na si Hannah iyon. Hindi ko na rin narinig ang boses ni Jacob kaya nahinuha ko na pinutol niya na din ang usapan nila nuong Matthew.
"Love, may photoshoot kami today. Puwede mo ba ako sunduin sa likod ng Robinson? You know naman na hindi tayo puwede makita in public, masisira ang career ko." Narinig kong sabi ni Hannah.
"Puwede mo namang sabihin na kaibigan mo ako, Love. Ilang taon na tayo pero nananatili pa din akong secret boyfriend mo, hanggang kailan mo ako itatago?" Mahinang sabi niya at nakarinig pa ako ng yabag.
Bakit nga pala ako nagtatago na parang nasa action scene? Curiousity kills the cat, Lori!
"Love akala ko ba ay nagkaka-intindihan na tayo about this topic? Kapag ni-revealed kita paniguradong madi-disappoint ang nga fans ko at ang mas masama ay bumagsak ang career ko." Mahinahong ani ni Hannah.
"At bakit madi-disappoint, Hannah? Kasi isa lang akong teacher? Dahil ba wala ako sa field mo? Then let's end this relationship! Pagod na ako sa ganitong set up, Hannah!" Iritadong sabi ni Jacob.
"Hindi sa ganuon Jacob! Ipapakilala naman kita e pero hindi ngayon!" Sigaw din pabalik ni Hannah.
Is this the one na sinabi ni Venice sa 'kin? Na secret lang ang relationship nila ni Hannah? Lakas maka-telenobela.
"Sinabi mo din iyan nuon, Hannah! Pagod na ako, let's end this ill relationship!" Mahinahon ngunit madiing sabi ni Jacob.
Narinig kong tumawa si Hannah, "You want to end our relationship? Bakit Jacob? Dahil ba sa malanding babae mo na nakikitira dito sa condo mo? Ie-end mo kasi naakit ka na niya? Please remember that she's your student, a fucking student Jacob!" Nanunuyang ani ni Hannah.
Napakagat ako sa aking labi, totoo ba na dahil sa akin kaya nakikipag-hiwalay na si Jacob? My relationship with Jacob was also forbidden.
"Huwag mong idamay ang kung anong meron kami ni Lorraine sa problema natin, Hannah!" Sigaw muli ni Jacob.
"So may relasyon nga kayo ng malanding babae na iyon! Ipagpapalit mo ako sa pipitsuging babae na iyon? Huwag mo akong patawanin Jacob, alam kong katawan niya lang ang habol mo."
"Puwede ba Hannah, hindi involved si Lorraine sa problema natin. Sa Manila pa lang ay pagod na ako sa set up natin na ganito, kaya huwag mo ng pilitin na ayusin pa ang mga bagay." Madiing sabi ni Jacob at nakarinig na lang ako ng mga yabag papaakyat nang hagdan.
Nagulat ako ng makita ko si Hannah na nagpupunas ng luha habang papasalubong sa akin, na-estatwa ako at saka kunwari ay may hinahanap sa bag ko.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin, masama ang kaniyang mga ibinabatong tingin sa akin at pagkuway bigla akong sinampal nang malakas.
"Tandaan mo ito, Lorraine. Babawiin ko si Jacob at ipapamukha ko sa iyo na hindi ang isang katulad mo ang makaka-paghiwalay sa 'ming dalawa." Galit na sabi niya at saka nagmartsa na paalis.
Naiwan sa ganuong posisyon ang mukha ko, ramdam ko pa din ang hapdi sa kaliwang pisngi ko dahil sa sampal ni Hannah. Parang namanhid ang buo kong katawan, tama naman siya I'm just a nobody na napagtripan na isama para i-join sa buhay ni Jacob.
Napapitlag lang ako ng marinig ko ang boses ni Jacob sa gilid ko na tinatag ang aking pangalan, natingin ako sa kaniya at saka nakita kong nakakunot ang nuo niya.
"Kanina pa ang uwian, bakit ngayon ka lang?" Seryosong sabi nito at saka nag-cross arms pa.
Kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ni Hannah kanina ay iisipin ko na normal behaviour lang ito ni Jacob, pero sinong matinong partner na hindi umiiyak pagkatapos ng break up?
Kung totoo ang narinig ko kanina sa usapan nila ng kaniyang kaibigan ay natitiyak ko na ako nga ang dahilan ng change of hearts ni Jacob, pero is it possible na ma-inlove in a short period of time?
"Nag-usap pa kami ni Lucas about sa gagawin naming project sa VAF production. Aalis na ba tayo?" Diretsang tanong ko at saka nag-iwas ng tingin.
Nahihiya rin pala ang mga marites.
Tumango siya at saka lumapit sa akin, "I brought you a dress. Nasa kuwarto mo na, I'm sure it fits." Nakangiting sabi niya at saka hinalikan ang pisngi ko.
Bago pa ako makapag-react ay nag-jog na ito papuntang kusina. Ano iyon? Nakakain ba ng isang dosenang chocolate si Jacob?
Napailing na lang ako at saka pumunta sa kuwarto ko, excited na makita ang tinutukoy na dress ni Jacob.
The dress was elegent, white backless dress ito na off shoulder, above the knee din at hapit siya sa katawan ko. My shape is visible, I'd love it. Ganitong mga dress ang nasa shopping cart ko kaso hindi ko ma-check out kasi wala pa naman akong pera.
Nag-lagay ako ng light make-up pagkatapos kong parisan nang isang two inch heels ang dress at pagkatapos ay kinulot ang dulo ng buhok ko, napatingin ako sa whole body mirror na nasa kuwarto at nakita ko na ang ganda ko pala.
Umikot pa ako at nakita ang sexy kong repleksyon, before ay hindi ganito ang katawan ko. I'm obese or over weight but since na-bully ako ay naisip kong magpapayat, hindi para maiba ang tingin sa akin ng mga tao kung hindi para ma-satisfy ko ang sarili ko.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon, tumambad sa akin ang poging mukha ni Jacob. Naka-taas ang hair niya na paniguradong may laway para tumigas, ang broad shoulders niya at ang mga bisceps na kay sarap hawakan. Ang manyak Lori!
"You're so fascinating, my wife." Nakangiting sabi nito at saka pumalakpak pa.
Naramdaman ko naman na uminit ang mukha ko kaya nagkunwari akong nag-aayos ng damit para hindi niya mahalata ang namumula kong mukha.
"Aalis na ba tayo?" Mahinang tanong ko at saka dahan-dahang nag-angat nang tingin.
"Mm, let's go." Tumango siya at saka nginitian ako.
Gosh, ngiti pa lang makalaglag panty na.
Nauna na akong lumabas at saka dire-diretsong pumunta sa elevator, ka-agad din naman siyang nakasunod dahil sa kaniyang mahahabang biyas. Sana all.
Nang pipindutun ko na ang ground floor button ay nagkasabay kami ni Jacob, ka-agad kong nailayo ang kamay ko at saka umiwas ng tingin.
Daig pa ang na-electric shock ang lola mo dahil sa pagtatama pa lang ng mga balat namin, hindi sana ganito ka-awkward kung pinanindigan ko ang no feelings attached na rule.
Napatingin ako sa kaniya ng mahina siyang tumawa pero ng tapunan ko siya ng tingin ay umubo siya ng peke.
Bago kami makababa sa mismong ground floor ay padami ng padami ang mga sumasakay sa elevator dahilan para mapalapit ako kay Jacob.
Nang tuluyan ng napuno ang elevator at halos atakehin na ako sa puso ng madikit ang likod ko sa mainit na katawan ni Jacob.
"Stay still, my friend down there doesn't want to lose control." Mahinang bulong nito sa tainga ko na siyang ikinataas ng mga balahibo ko sa katawan.
Hanggang sa makarating kami sa ground floor ay nanatili akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.
Remember Lori, no feelings or string attached. Maybe he was joking or pranking his friend earlier about his confession.
Nakarating kami sa bahay nila Tita Cherry ng walang imikan, nakikita ko na nililingon niya aki sa biyahe ngunit wala namang sinasabi kaya hinayaan ko na lang.
Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay nila Tita Cherry, pumasok kami at saka nakita ang mga iba't-ibang mga mukha. Ang iba pa sa kanila ay kahawig nila Jacob, malamang Lori kamag-anak.
"Hijo at Hija, halika na at kanina pa namin kayo hinihintay." Masayang sabi ni Tita Cherry at saka ako niyakap.
Ka-agad din naman siyang humiwalay at saka muling ngumiti sa akin, "Nagpapasalamat talaga ako at ikaw ang napili ni Jacob bilang asawa, hindi pa din ako makapaniwala Hija."
"Si Mom naman, habang buhay na naman ang aming pagsasama. Hindi po ba sabi ni'yo na naghihintay na ang mga bisita?" Natatawang sabi ni Jacob.
Ngumuso lang si Tita at saka sinamahan na kami sa loob, nasa malayo pa lang ako ay ramdam ko na ang mabigat na aura na nanggagaling sa sala.
Nuong nasa harap na kami ng mga taong naka-upo duon ay halos manlamig ako sa mga tinginan nila, hindi normal dahil pakiramdam ko ay ine-examine nila ang aking buong pagkatao.
Sa hinuha ko ay ang edad ng mga kamag-anak ni Jacob na naanduon ay mga nasa mid 40s or nasa 30s, ang isang babae lang ang sa tingin ko ang mga nasa 60s na. Nakataas ang kilay nito at halata ang disgusto sa kaniyang mga mata, paglapat pa lang ng kaniyang paningin sa akin.
"Lola, Titas and Titos this is Lorraine Walter Mercado, my wife." Nakangiting sabi ni Jacob at saka hinila ako sa waist para mapalapit sa kaniya.
"Mukhang bata pa isang 'yan, Hijo. Baka puro luho lang ang hingin niyan sa 'yo." Seryosong komento nuong isang kulot na babae.
Bahagya pa akong napa-atras ng tignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"She's Nineteen na Tita Mylene." Seryoso ding sabi ni Jacob.
Mas nadagdagan pa ang bigat ng atmosphere dahil sa tensyon.
"Teen pa din Hijo, bakit hindi na lang iyong si Hannah? Desente at nasa tamang edad pa ang bata na iyon, dapat ay hindi ka agad-agad nagpapatali sa kung sino-sino lang." Masungit na sabi nuong nasa 60s na babae, paniguradong ito ang Lola ni Jacob.
Gosh, para akong nasa loob ng novel. Ganitong mga tagpo ang iniiyakan ko sa mga libro e, halata naman na hindi nila ako gusto dahil anim na taon ang pagitan namin ni Jacob.
"Ano ba Ma, si Lori ang pinakasalan ni Jacob dahil nagmamahalan sila. Respetuhin ni'yo sana ang desisyon nang apo ni'yo." Pagalit na sabi ni Tita Cherry at saka hinawakan ako sa braso.
Walang love na involved sa relationship namin ni Jacob, attraction lang ang nararamdaman niya para sa akin. Ako lang ang foundation ng love sa relationship namin and it's fatal.
"Whatever Cherry, pero halata naman na hindi ko gusto ang babae na iyan para sa aking apo. Suotan pa lang ay halata ng sa mga night club galing, nagkamali ka ba ng napuntahan Hija?" Nakataas ang kilay nito habang nakaturo ang daliri sa akin.
Napalunok ako, "Hindi po." nauutal man ay nagawa ko pa din siyang sagutin nang diretso.
"Ako ang pumili ng damit niya, Lola. Huwag ni'yo naman po sanang ipahiya ang asawa ko, ngayon ni'yo pa lang naman po siya nakilala. Nasisigurado ko po na magugustuhan ni'yo din siya." Madiing sabi ni ni Jacob.
Ramdam ko na humigpit ang hawak niya sa bewang ko, gumagalaw din ang kaniyang panga na katulad nuong nasa sasakyan kami nuong nakaraan. He's mad, ngunit hindi ko alam ang rason kung dahil ba sa akin o dahil sa inasal ng mga relatives niya sa akin.
Napalunok na lang ako ng matalim akong tinignan ng Lola niya at saka inirapan naman ako ng mga Tita niya. Tanging ang mga Tito lang ni Jacob ang nakangiti sa akin.
"Welcome to the family, Hija." Sabi nuong isang Tito ni Jacob.
Ngumiti naman ako at saka nagpasalamat, at least hindi lahat ng relatives ni Jacob ang may ayaw sa akin.
Pero totoo naman na sa club ako unang nakita ni Jacob, the party girl na hindi gugustuhin ng mga tao kasi ang iniisip ay malalandi.
Pumupunta nang club para ma-ilabas ang init sa katawan, pero hindi nila alam na may iba't-ibang rason kung bakit pumumunta ang mga tao duon.
But since iyon na ang paniniwala ng mga tao, specially ang Lola ni Jacob at mga Tita ay wala na akong magagawa duon.
Kahit naman si Jacob at malandi din ang first impression sa akin, yes I'm one of the Unwanted women.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top