Chapter 12

~Confession~

"Lori? Puwede ba akong pumasok, I just wanna show you my dress." Malamyang sabi ni Hannah sa labas ng pinto habang patuloy pa din sa pagkatok.

Kahit nanghihina pa ako dahil sa presensya ni Jacob ay buong lakas ko pa din siyang tinulak, thank God at hindi na siya nagmatigas. Ka-agad ko namang binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Hannah.

May dala siyang isang silver dress sa kaliwang kamay niya, ka-agad na dumapo ang mata niya kay Jacob na ikinakaba ko.

"Oh, Love, what are you doing here?" Nagtatakang tanong nito.

Napatingin pa ito sa akin at nanghihingi nang kasagutan, napakamot naman ako sa aking pisngi. Alangan naman sabihin ko ang totoong nangyari, akmang magsa-salita na sana ako ng biglang lumapit sa gilid ko si Jacob.

"Sinabihan ko lang si Lori na pinapapunta kami ni Mom mamaya sa bahay, may party." Seryosong sabi nito.

Napatingin ako kay Hannah at mukha namang naniniwala siya sa sinasabi ni Jacob.

"Okay, may sasabihin din ako sa 'yo mamaya. Girls time na muna, lumabas ka na muna Love." Malambing na sabi ni Hannah at saka hinalikan sa pisngi ang kaniyang nobyo.

Napa-iwas na lang ako ng tingin, hanggang kailan ko kaya matitiis na may kahati?

Lumabas si Jacob at kaming dalawa na lang ni Hannah ang naiwan, umikot siya sa silid ko at saka nagsalita, "Maganda pala ang kuwarto mo, bagay naman sa 'yo iyong theme, plain." Hindi ko alam kung nanunuya siya o kaya naman ay patagong nangi-insulto.

"Yes, mas maganda naman ang plain hindi masakit sa mata." Sabi ko at saka naglakad para umupo sa kama.

Huminto siya sa harap ko at nagulat ako sa ipinukol nito sa 'kin na masamang tingin.

"Cousin huh? Akala mo hindi ko alam na isa ka sa flings ni Jacob? Hindi ka magaling umarte, Lori." Nakangising ani nito at saka hinawakan ang baba ko.

Alam niya na?

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot nuong sabi ko at saka ginalaw-galaw ang mga daliri.

May ganuon akong mannerism kapag kinakabahan o nae-excite. Nanatiling naka-plaster ang ngiti niya habang mas hinihigpitan ang hawak sa baba ko.

"Nasa field na ako ng acting industry simula nuong seven years old ako, at iyang acting mo? Basura, akala mo ba ay hindi ko nakikita ang mga tinginan niyo? Girl huwag ka nang umasa, ginagawa ka lang niyang rebound." Malakas itong tumawa at saka marahas na binitawan ang baba ko dahilan para mapabaling sa kanan ang mukha ko.

Ibang-iba ang nakilala ko kahapon na Hannah sa taong kaharap ko ngayon, muli kong naalala ang sinabi ni Venice tungkol sa babaeng ito.

Looks is deceiving nga, mala-anghel ang mukha pero may maitim na budhi sa kalooban.

"And then? Paano kung totoo nga iyang sinasabi mo, do you have proof?" Umirap ako dito at saka tumayo, kung maldita siya ay mas maldita ako.

Tumawa siya ng payak, "Ang kapal din ng mukha mo e 'no? Isa ka lang slap soil at isa akong porcelein, sa tingin mo sino ang pipiliin ni Kian sa ating dalawa?" Lumapit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ang slap soil ay puwedeng mahulma para maging magandang vase kahit na mabasag pa, ang porcelain na vase kapag nabasag ay hindi na muling magiging kasing ganda ng dati at worse part ay itatapon na lang." Seryosong saad ko at saka binangga siya sa balikat.

Pumasok ako sa palikuran at humarap sa salamin, "Tsk, lamunin pa niya ng buong-buo si Jacob." Umiling na lang ako at saka naligo na.

Paglabas ko ay wala na siya duon, mabuti naman. Nag-ayos na ako at saka lumabas na para pumasok sa school, paniguradong may mga gagawin na ngayon sa ibang subject.

Nakita ko pa sila Hannah duon sa sala ngunit hindi ko na sila pinansin, taas noo akong lumabas duon hanggang sa makalabas nang condo.

Mabuti na lang at may jeep agad na dumaan kaya mabilis ako na nakarating sa school, pagkarating ko duon ay sinalubong ako nila Beatrice.

"Gosh ang daming pogi sa engineering department, tara boys hunting tayo Lori!" Kinikilig na bungad nito at saka hinila agad ako sa braso.

"Tumigil ka nga Beatrice, idadamay mo pa si Lori sa kalandian mo. Wala bang pinipiling oras iyan? Tanghaling tapat oh." Sarkastikong sabi ni Lucas at saka inakbayan ako.

Tumawa na lang ako at saka hinila na sila sa bench na nasa field, kita duon ang main building, annex building at ang iba't-ibang courses building. Nasa gitna kasi ang field at halos lahat ng ibang estudyante ay dito ang tambayan, may mga nagchi-chikahan, naglalandian, naghahabulan at kung ano-ano pa.

"Oy Lori, parang may nakakalimutan kang sabihin sa akin." Sabi ni Lucas habang nakatingin sa kaniyang mga paa.

Naalala ko pala na hindi ko sa kaniya nasasabi ang tungkol sa kasal na naganap, tinignan naman ako ni Beatrice na parang nag-aalala. Hindi ko kayang sabihin kay Lucas ang totoong dahilan kung bakit ako pumayag, hindi pa ngayon.

"You know na it's prohibited sa school ang relationship between Teacher and Student, but we got married yesterday. Dahil ito sa health condition ng Dad ni Jacob, he will last for six years na lang." Malungkot na sabi ko at saka tumingin sa malayo.

Napatango naman si Beatrice ngunit ang reaksyon sa mukha ni Lucas ay hindi ko mabasa o ang mas madaling sabihin ay blangko ito.

"Lucas, ano ka ba! Nagtanong-tanong ka, tapos iiwan mo sa ere si Lori." Sabi ni Beatrice kay Lucas habang may kasama pang hampas sa balikat nito.

"Wala namang feelings na attached, right? Fake lang ang lahat." Malamig na ani ni Lucas at saka ako tinignan nang diretso.

Napalunok ako, napatingin sa akin si Beatrice at saka tumawa ng peke.

"Hehe, grabe ka naman Lucas. Ikaw ba ang guardian ni Lori? Daig mo pa ang adobe sa kapal ng mukha mo ah."

Hindi ni Lucas pinansin ang nagsasalitang si Beatrice bagkus ay nanatili lang ang mga mata niya sa akin, naghihintay siya ng kasagutan.

I need to lie in order to protect my self and our friendship, ayaw ko namang magtago nang kung ano kay Lucs ngunit alam ko na hindi niya lang ako maiintindihan dahil lalaki siya.

"Yes, no feelings attached." Nakangiting sabi ko at saka itinaas ang kamay ko para kurutin ang pisngi niya.

"Oh ano, Lucas? Masyado kang over protective kay Lori, tatay yarn?" Nang-aasar pa na ani ni Beatrice at saka humalakhak.

Mas hinigpitan ko pa ang kurot sa pisngi ni Lucas dahilan para mapangiwi siya, "Oo na Lori, sadista ka naman. Nagtatanong lang ako e." Ngumuso na ito kaya alam ko na humupa na ang tensyon.

"Over reacting ang lolo Lucas niyo ah, baka ma-fall sa iyo niyan si Lori. Baka wala pang isang araw ay break na agad kayo." Halos mapalingon na sa amin iyong ibang nasa bench dahil sa tawa ni Beatrice na pangkargador.

"Kapag na-fall sa akin si Lori, tawag duon himala. Ilang taon na nga akong nagpapa-cute wala pa ding effect, siguro ay may nakabalot na yelo sa puso niyan kaya naging manhid." Nagbi-birong ani ni Lucas at saka tumayo na.

"Ako na naman tinira ni'yo diyaan, bumalik ka na nga sa building mo Beatrice at baka ma-late na tayo sa kadaldalan ni'yong dalawa." Imbis na tumigil ay nagsapakan pa ang dalawa habang naglalakad.

Napalayo na lang ako dahil pumupunta sa iba't-ibang direksyon ang mga kamao nila, tumatawa lang sila habang pabirong nagsu-suntukan. Nag-hiwalay lang sila ng nasa gitna na kami sa pagitan ng HRM building at sa MMA building, malayo kasi talaga ang building ng engineering kaya malayo pa ang lalakarin ni Beatrice.

"Sabay-sabay tayo umuwi mamaya ah, kain tayo duon sa bagong bukas na ihaw-ihaw store, lilibre daw tayo ni Lucas." Nakangiting sabi ni Beatrice at saka tumakbo na palayo.

Nagkatinginan na lang kami ni Lucas at sabay na tumawa.

Wala kaming homeroom ngayon at ang Video, Audio and Film Production na subject ang siyang unang subject ngayon. May project pala kami, iyong gagawa nang sariling music video.

Pagka-upo namin ay saktong pumasok din si Sir, as usual ay ang presensya pa lang nito ay tumahimik na ang lahat. Tumayo ito sa harap at saka isa-isa kaming tinignan, napabuntong hininga siya at saka nagsalita.

"Kamusta ang pag-gawa ni'yo ng music video? Alam ko na ang sagot, ngayong araw ay may ituturo ako. Iyon ang magiging basehan ni'yo para maging maganda at hindi boring ang music video." Intimdidating na ani nito at saka sinet-up ang powerpoint.

"Bago mabuo ang isang music video ay kailangan ni'yo siyempre itong pagplanuhan gamit ang e-notes or sa papel mismo, dahil kung nasa isip ni'yo lang at sa tingin ni'yo ay okay na iyon ay nagkakamali kayo." Nagpabalik-balik ito sa harap at saka pinaglaruan ang kaniyang ballpen.

Tinuro niya kami isa-isa, "Kayong mga kabataan ay mga tamad, kahit hindi ni'yo sabihin ay halata na iyon lalo na at generation Z kayo. Kung sana ay ginagamit ni'yo ang mga data connection para mangalap nang mga bagay para matuto, pero anong ginagawa ni'yo? Inuubos ni'yo ang inyong mga oras sa social sites at sa mga taong hindi hindi naman kayo gusto." Seryosong sabi nito at saka huminto.

Dahil sa huling sinabi ni Sir ay biglang umingay ang classroom, may mga mag 'boo' at asaran. Nangingibabaw siyempre ang boses ng katabi ko, sino pa ba?

"Woohoo, I love you Sir!" Sigaw ni Lucas.

Napatakip ako sa tainga ko dahil halos iisipin mong may gamit itong naka-microphone sa lakas ng boses nito.

"Arcarte, silent! Everyone, silent!" Sigaw ni Sir at in instant ay parang dinaanan ng anghel ang classroom namin.

Kahit si Lucas ay natahimik dahil ang apilyido niya ang tinawag, ilang saglit pa ay narinig ko itong nagpi-pigil ng tawa kaya nilingon ko siya.

"Lori, nai-imagine ko na may lalabas na kulay orange sa katawan ni Sir kagaya nuong kay San Goku. Sir San goks," nagpipigil tawang ani nito.

Siniko ko naman siya at baka mapalabas na siya dahil sa pinag-gagawa niya. Pero aaminin ko na naiimagine ko na din na may yellow-orange sa katawan ni Sir, pauso kasi itong si Lucas e.

"Last warning, Arcarte. Isa sa mga important rules ng pag-gawa nang mv ay ang pag-connect ng music sa gagawin na video, hindi porque may music ka na ay okay na ang ganu'n. At dahil kayo ay nahuhumaling sa pag-ibig, iyon ang magiging theme ng music video ni'yo." Seryosong sabi nito at saka pinindot ang maliit na remote sa kaniyang kamay dahilan para lumipat sa susunod na slides ang nasa television screen.

Isang video ito, "Before, ang aking asawa at mga kaibigan ay ganito din ang ginawang music video sa isa naming subject. Panuorin ni'yo para magkaroon kayo ng ideya."

Plinay ni'ya ang video at ang una naming nakita ay isang bulaklak na logo.

Ang intro ay may naggigitara habang may babaeng nakatingin sa malayo, ang lalaking may gitara ay lumapit at hinalikan sa pisngi ang babae. Namumukhaan namin ang isang lalaking nakatingin sa malayo, iyon ay si Sir, may hawak siyang bungkos ng bulaklak.

Pagkatutok pa lang ng kamera kay Sir ay bigla nang nagsimula ang isang lalaking kumakanta, nasisigurado namin na si Sir din ang siyang kumakanta. Lahat kami napanganga dahil sa lamig at ganda ng boses nito, tagos sa puso ang mga lyrics.

Ipaglalaban ko
Kahit na masaktan pa ako
Oh aking duguang puso
Kailan kaya susuko?

Aking duguang puso, kailan kaya susuko? Kailan ko ititigil ang set up namin ni Jacob kung alam kong ako lang naman ang iiyak sa huli, kahit alam ko na ang puso ko lang ang iiwang duguan.

Nagpabago-bago ang scene at ang lahat ng iyon ay ang sweet moments nuong isang babae, isang lalaki at si Sir na laging wasted.

Isang scene sa chorus ay umamin ata si Sir duon sa babae ngunit umiling ito at saka ipinakita ang kamay na may singsing, nagbago ang scene at si Sir na lang ang naanduon. Nakahiga sa mga nabasag na vase, gumamit ata sila ng effects para duon, ang galing! Memories nila nuong babae ang nag-flash nuong malapit ng matapos.

Masyadong nanuot
Nais lamang makalimot
Sa nangyaring masalimuot,
Na ang dala ay lungkot.

At duon sa lines na iyon nagtapos ang music video.

Pumalakpak kaming lahat, for the first time ay nakita naming ngumiti si Sir.

"Ganuon ang halimbawa ng gusto kong mapanuod sa mga gawa ni'yo, kailangan tugma ang Title, story at ang music. Multimedia students kayo kaya alam kong hindi basura ang magagawa ni'yong music video dahil forte ni'yo ang mga ganito, may plus points ang pair na mapipili ko ang mv at ipapalabas ito sa buong school." Nakangiting sabi ni Sir at saka in-end na ang presentation.

Inayos ni'ya na ang kaniyang mga gamit at saka tumayo sa harap, "Maraming salamat, Class dismissed. Onting trivia, iyong babae na nasa video ay ang asawa ko." Nakangiting sabi nito at saka lumabas na ng room.

Gosh, sweet!

"Lori, partner tayo ah. Kailan tayo gagawa ng video?" Makulit na tanong sa akin ni Lucas habang niyuyogyog pa ang braso ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa pagyugyog nito sa braso ko ay feeling ko matatanggal na iyon sa lakas ng pag-uyog ni'ya.

"Bukas, Lucas, bukas. May pupuntahan ako mamaya, at puwede ba tigilan mo ang ginagawa mo at baka masapak kita sa lungs!" Iritadong sabi ko at saka tinanggal ng marahas ang kaniyang kamay.

Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko at saka pinisil ang ilong ko, paepal talaga ito.

Natigil lang siya ng lumapit si Abigail sa harap namin, "Lucas, puwede ba kita maging partner para duon sa music video?" Malanding sabi nito at saka hinawakan pa sa balikat si Lucas.

Nakita ko naman na napa-upo nang diretso si Lucas kaya halos magdugo na ang labi ko kakapigil na humalakhak.

"S-Sorry, Abigail pero partner na kami ni Lori." Diretsang sabi ni'ya at saka parang nandidiring inalis ang kamay nuong babae sa balikat ni'ya.

Natikom ko na lang ang bibig ko at saka tumingin sa florescent ng room nang tignan ako ng masama ni Abigail. Nakahinga lang ako ng maluwag ng padabog itong nagmartsa paalis at bumalik sa kaniyang socialite na group.

"Laugh trip ka, Lucas." Nang-aasar na sabi ko at saka inilapag ang kamay sa balikat ni'ya, ngumuso lang siya at saka inirapan ako.

Mas lalo naman akong natawa dahil ang cute ni Lucas, attractive naman kasi talaga itong mokong na ito kahit pilyo. Ang foreign looks ni'ya ay mas lalong nakakadagdag pogi points, si Jacob din naman pero mas iba ang dating ni'ya sa akin.

At bakit ko naisip si Jacob? Did I promise to myself that I won't say his name once again, this is frustrating.

Magsasalita pa sana siya ng dumating iyong Teacher namin sa Traditional Arts.

"Good day, students. I'm Ms. Lawis your teacher in Traditional Arts, I hope you're all doing well. Let's now proceed on our lesson for today, siguro naman at pamilyar na kayo sa iba't-ibang uri ng arts. Traditional Arts was called vintage because of it's looks and texture, in this type of arts we use materials in order to create a master piece." Seryosong sabi ni'ya habang nakatingin sa amin.

Nagpatuloy siya sa pagtuturo hanggang sa matapos na ito, familiar naman ako sa traditional arts pero mas gamay ko na ngayon ang Digital arts.

"Class dismissed." Seryosong sabi ni Ma'am Lawis at saka lumabas na ng room namin.

Normal lang na tagpo sa school ang sunod namin na mga ginawa, ang last na subject which is Photography sana ay hindi natuloy dahil may program na mangyayari sa gym.

Nasa amin naman ang desisyon kung uuwi na or manunuod nang program, pero ako pinili ko nang umuwi ganuon din si Lucas. Hinatid ni'ya ako sa condo ni Jacob at nasa parking lot na kami.

"Lori, if nafa-fall ka na sa lalaki na iyon ay agad mong sabihin sa akin. Ayaw kong masaktan ka lalo na at sinabi ni Beatrice na may girlfriend pala ang tukmol na iyon, remember na kasal lang kayo sa papel." Seryoso ngunit nag-aalalang sabi ni Lucas habang nakahawak sa manibela.

Ngumiti lang ako at saka tumango, lumabas na din ako sa kaniyang sasakyan at saka yumuko upang makita ang mukha niya, "Thank you sa pag-hatid, Manong Lucas!" Nakangising sabi ko at saka tumakbo na papuntang elevator.

Ngiti-ngiti ako habang naglalakad papuntang room ni Jacob dahil panay tunog ng cellphone ko, panigurado ay nag-aalburido na si Lucas dahil sa inis.

Pagkabukas ko ng pinto at ka-agad ko itong ni-lock, habang nagtatanggal ng sapatos ay narinig ko na may kausap sa cellphone si Jacob.

"On the way ka na ba, Matthew? Kila Mom ang diretso ha? Walang chix kaya huwag kang mag-expect." Rinig kong sabi ni'ya sa kaniyang kausap.

Paniguradong babaero iyong Matthew, nako kawawa naman ang mabibiktima nuon.

Ilalagay ko na sana sa shoe rack ang sapatos ko ng mapahinto ako sa narinig, "Bro, nakita natin na party girl siya duon pa lang sa Manila. Of course she's a slut as always, kaya ko lang naman siya inalok nang ganitong set up namin tungkol sa kasal ay dahil kilala na siya nila Mom. Hindi na sila medyo magtataka o magtatanong."

Ako ang tinutukoy ni'ya, ibig sabihin ay nakita ni'ya na ako? Don't tell me iyong party na tinutukoy ni'ya sa Manila ay iyong last party namin nila Beatrice. Kaya siguro niya ako tinawag na slut nuong unang kita namin sa bahay nila, how dare he i-bad mouth ako? He doesn't know the real me that night, that's why he called me slut. My black tube dress that I wore was descent!

"But honestly bro, she's cute. Kung hindi lang kami nagka-ayos ni Hannah ay paniguradong na-fall na ako, there's something na meron siya pero hindi ko maipaliwanag."

Deja vu? Ano namang sinasabi ni'ya ngayon?

Dahan-dahan akong lumakad nuong nailapag ko na ang sapatos ko, para mas maintindihan pa ang pinagsasabi ni'ya sa cellphone.

"Yeah, I admit bro. She's so damn attractive."

What's this sudden confessions? Is he drunk?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top