Chapter 11
~Lies~
Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ang unknown number na tumatawag, nagtaka naman ako kung sino iyon dahil lahat ng kakilala ko lang naman ang may alam ng number ko at lahat din sila ay may pangalan na naka-indicate.
Nasa apartment ako ni Beatrice, pumunta ako dito pagkatapos kong mag-walk out kanina. Ang puso ko at utak ngayon ay parehong drained at wala akong ibang pagsasabihan nuon kung hindi si Beatrice, siya ang tanging babae na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng secrets ko.
Pasado alas dose na ng gabi at nambulabog pa ako sa kaniya, ngayon ay mahimbing na siyang natutulog. Pinagpalit ni'ya lang ako ng kaniyang damit at inalok kumain ngunit tumanggi ako. Hindi siya nagtanong kung ano ang nangyari sa akin dahil paniguradong alam niya na hindi ko iyon maishe-share sa kaniya sa ganitong sitwasyon.
Namatay ang tawag kaya naisip ko na wrong call lang kaya inilagay ko na muna iyon sa bedside table, pumikit ako na dapat pala ay hindi ko ginawa dahil bumalik lang ang pinaka-masakit na salitang narinig ko kanina.
"Ayaw ko sa lahat ay ang mga brat na katulad mo, anim na taon pa tayong magsasama kay ayusin mo iyan!"
Brat, ganuon ba ang tingin niya sa 'kin since then? Hindi niya pa nga ako nakakasama ng matagal.
I can't accept that fact, yes nakikita ko din na sometimes ay bratty ang ugali ko but hindi ko pa nga ipinakita sa kaniya iyon.
But his reason is not valid, he see me as an employer at pinagmukha niya akong mukhang pera.
"Dahil kilala ka na nila Mom, magkakaroon ka naman ng pera kada taon kaya huwag ka na magreklamo at gawin mo ng maayos ang trabaho mo!"
Napatingin ako sa labas ng bintana, iyong ulan ay hindi pa humuhupa at mas maigi na iyon para hindi magising si Beatrice sa nililikhang ingay nang hikbi ko.
Gawin nang maayos ang trabaho ko kasi may matatanggap naman ako na pera every year? Nakaka-insulto, hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa taong bulok ang pag-iisip.
Napalingon ako sa cellphone ko na nasa bedside table ng marinig ko na may tumatawag ulit, inabot ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Same unknown number, tumayo ako at saka lumabas ng kuwarto para sagutin ang tawag.
"Hello?" Sagot ko habang pinupunasan ang sipon ko. Pinanatili kong diretso ang boses ko upang hindi mapansin ng kung sinoman ang nasa kabilang linya ang pagka-garalgal ng boses ko.
"Lori." Malamig at nakakapaninig balahibo na sabi ni Jacob.
Kumabog nang mabilis ang puso ko pagkarinig ko pa lang ng boses ni'ya, fuck this feeling, traydor.
"Listen, sorry sa mga nasabi ko kanina. I'm just...I'm just tired." Tired? Tired makipagharutan kay Hannah?
Did I sound a jealous wife? But hell yeah, I am.
"Saan mo nakuha ang number ko?" Pag-i-iba ko ng topic, I don't need his sorry.
What's done is done, sorry can't heal my wounded heart.
I heard him sigh, "Nakuha ko sa cellphone ni Venice."
Sa cellphone pa ni Venice? Edi umuwi siya kila Tita just to get my number? Dream on Lori, nagkataon lang na baka iche-check niya ang kaniyang kapatid tapos naisip niya na kuhain ang number ko.
"Bakit ka napatawag?" Seryosong sabi ko habang kumukuha nang tubig sa refrigerator.
Para akong natuyuan ng lalamunan sa mga naiisip ko, masyado na akong nagi-imagine.
"Just cheking up on you, hindi na kasi kita nakita pagkabalik ko sa kotse. Nasaan ka?" May bahid ng pag-aalala ang boses nito.
Malamang mag-aalala siya para sa business partner, baka kasi hindi ko na naman magawa ng maayos ang trabaho ko.
"Nasa maayos po ako na kalagayan, huwag po kayong mag-alala aayusin ko po ang trabaho ko sa susunod." Diretsahang ani ko.
Ayaw ko mag-tunog sarcastic ang salita ko ngunit bahala na siya kung anong isipin niya.
"Lori I didn't mean to say that and-" I immediately cut him off.
"Gets ko na po, matutulog na po ako at may pasok pa ako bukas." Seryosong sabi ko at saka pinatay ang tawag.
Brat na naman tingin niya sa akin, lulubos-lubusin ko na.
Mariin akong napahawak sa baso ko na may lamang tubig, alam ko na nagswi-swimming ako sa dagat na may lason pero patuloy pa din ako sa paglangoy kahit na alam ko na hindi magiging maganda ang kahihinatnan ko kapag nagtagal pa ako.
Mahirap ma-involved sa pag-ibig, masyadong madaming isu-sugal.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Beatrice sa labas ng kuwarto, agad-agad naman akong tumakbo palabas at nadatnan ko siya na may hawak na payong, nakatapat siya sa kalan na may tumatalsik na kung ano.
"Ano ba iyan, gusto ko lang naman magluto!" Natatarantang sigaw niya at saka mabilis na binaliktad ang itlog sa kawali.
Imbis na tulungan ay tinawanan ko siya ng malakas dahilan para mapalingon siya sa akin ng nakasimangot.
"Huwag mo akong tawanan Lorraine huh, effort ito para sa iyo. Maupo ka diyaan at magluluto pa ako ng daing," natatarantang sabi nito at saka mabilis na humarap sa kaniyang niluluto.
Napailing na lang ako at saka lumapit sa kalan para hinaan iyon, "Ang lakas kasi ng apoy mo kaya tumatalsik, itlog lang naman ang niluluto akala mo naman ay liempo."
Tinapunan ko siya ng tingin nang tahimik niyang pinupunasan nang tissue paper ang mga talsik sa kaniya ng mantika.
"Ikaw ang umupo duon at ako na ang magluluto, hirap talaga kapag trying hard. Kapag nalaman ni Lucas ito paniguradong aasarin ka nuon buong taon." Tumatawang ani ko at saka hinango na ang itlog na sunog na ang mga dulo.
Pinunasan ko ang kalan at saka kumuha ng panibagong kawali, sinimulan ko na ang pagluluto nang umagahan namin ng mag-salita si Beatrice.
"May utang ka sa aking explanation dzai, totoo ba na kasal ka na kay Sir Jacob? Hindi ko lang maintindihan kasi hindi mo naman siya naikuwe-kuwento sa amin ni Lucas." Seryoso ngunit puno ng kuryusidad na tanong nito.
Nilingon ko siya saglit at saka muling tumingin sa niluluto, "Yes at bibigyan niya daw ako ng pera every year, mukha ba akong pera Bea?" Mahinang sabi ko at saka inilipat na sa plato ang kakaluto lang na itlog.
"Gagi, parang nobela lang ang peg ah. Bakit ka pumayag? Huwag mo sabihing dahil sa pera." Pumalakpak pa siya.
Napahinga ako ng malalim, "Dahil may gusto ako sa kaniya, Bea. May nangyari sa amin pero lasing siya at ang nasa isip niya ay ako ang girlfriend niya." Pagsiwalat ko sa katotohanan.
Ka-agad ko namang narinig ang pag-usog nang upuan hudyat na tumayo siya, nakita kong nakahalukipkip siya sa sa tabi ng refrigerator na may pagkagulat sa mukha.
"Hala eh? You mean, nag-made love kayo?" Gulat na sabi niya.
Lumingon ako sa kaniya at saka tumango, napakunot ako ng nuo ko ng makita kong ngumisi siya.
"Wow, nauna ang honeymoon." Nakangising ani nito at saka humawak pa sa kaniyang baba na animo'y nag-i-isip nang masama.
Inambahan ko siya ng sandok kaya napalayo siya, seryoso iyong usapan e.
"Tukmol ka, halika dito at ibubuhos ko itong mantika sa iyo." Sabi ko habang naka-turo sa kaniya ang dulo ng sandok.
Ka-agad naman siyang nag-peace sign, "Pero gagi, may girlfriend pala bakit ka niya pinakasalan?" Tanong nito at saka hinila ang upuan malapit sa akin.
Napakagat ako sa labi dahil sa tanong niya, "Para maging mapanatag iyong Daddy niya, ayon kasi kila Tita ay six years na lang ang itatagal nito. Gusto ni Tito na ma-secure niya na ang buhay ni Jacob at kung sakali ay magkaroon na ito ng anak."
Huminto ako sa pagsasalita para mailagay na ang daing sa kawali, "Eh hindi ba may girlfriend? Alam nuong girlfriend niya na kasal kayo?"
Umiling ako, "Nasa condo siya ni Jacob, pagkarating namin duon at naanduon na siya. Ipinakilala ako ni Jacob bilang pinsan."
"Pinsan? Ay wow huh, may magpinsan pala na nagse-sex." Sabi nito at saka payak na tumawa.
Muli ko siyang inambahan nang sandok, "Words mo, Bea. That was a mistake okay? Kasalanan ko kasi nagpadala ako, walang impluwensya ng alak sa sistema ko ng madaling araw na iyon."
Hinango ko ang daing at saka pinatay na ang kalan, "Nagmahal ka lang, Lori. Wala kang kasalanan kasi sinunod mo lang ang iyong puso, pero sa sitwasyon mo ngayon kailangan mong makawala diyaan sa nararamdaman mo. Kasi alam mo, ikaw lang ang maiiwang luhaan." Seryosong sabi nito.
Dinala ko ang itlog at daing sa lamesa at saka nagsandok nang kanin, "Alam ko Bea, may alam ka ba para ma-deprived iyong attention ko sa feelings na nararamdaman ko para kay Jacob?"
Desperado na akong mawala ang bwisit na love na ito sa sistema ko, ayos ang pamumuhay ko dati kahit na walang pag-ibig pero ngayon nagulo ito.
"Punta tayong club sa saturday, sumayaw tayo duon hanggang sa sumakit na ang ating mga paa at makalimot. O kaya naman i-set kita sa blind date, fling-fling lang." Nakangiting ani nito na parang naka-isip nang sobrang gandang ideya.
Napasimangot ako, "Parang panandalian lang naman iyang solusyon mo, Bea."
Tinaasan ako nito ng kilay, "Kung si Sir Jacob ay may love life habang kasal kayo dapat ikaw ay meron din ano! Tutal ay set up lang naman ang relationshit niyo, walang problema hindi ba?"
Napabuntong hininga ako, "Ang ganda talaga ng mga idea mo 'no? Ang galing, kaya ka walang boyfriend e." Sarcastic na ani ko.
Ngumisi lang siya at animo'y may pinagpag na alikabok sa magkabilang balikat, napailing na lang ako at saka nag-simula nang kumain.
Nag-tsismisan pa kami ni Bea sa kung ano-anong bagay kanina, ngayon ay nasa tapat na ako ng condo ni Jacob.
Wala akong choice kung hindi bumalik dito dahil naandito ang mga gamit ko, pumasok ako at nadatnan ko ang sweet moments nila ni Hannah.
Nagtama ang mga mata namin ni Jacob ngunit aki na ang nag-iwas ng tingin, "Hi, Lori! Good morning, wala ka kagabi. Pinuntahan mo ba ang boyfriend mo?" Nakangiting sabi ni Hannah at saka yumakap pa sa braso ni Jacob.
Nanatili ang paningin ko duon at saka diretsong tumingin sa mga mata ni Jacob, "Morning, wala akong boyfriend pero may asawa na ako."
Nakita ko kung paano siya nasamid na ka-agad naman tinapik-tapik ni Hannah ang kaniyang likod, "Love, okay ka lang ba? Kuhaan ba kita ng water sa kitchen?" Nag-aalalang ani nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top