Chapter 1

~Unexpected~

"Lori, anak! Naka-ayos ka na ba?" sigaw ni mama sa kabilang kuwarto.

Tamad naman akong bumangon at saka hinila na ang maleta na inayos namin ni Mama nuong isang araw.

"Ayos na po," sagot ko dito habang pababa na nang hagdan.

Ngayon kasi ang alis ni Mama papuntang Dubai para magtrabaho, ihahatid ni'ya ako sa kaniyang best friend upang duon muna pansamantalang tumira habang nasa ibang bansa siya.

Pagod na naupo ako sa sofa at hinintay saglit si Mama na bumaba, mabuti na lang at naka uwi ako kaninang 2 a.m, halos paliparin na nga ni Lucas ang kaniyang sasakyan maihatid lang kami ni Beatrice pauwi.

Galing kaming BGC sa Manila, birthday ng isa naming friend at sa isang club napagkasunduan mag-inom. My mom probably kill me kapag nalaman niya na I sneaked out sa despidida niya kahapon, halos puro kaibigan niya lang naman kasi ang present. Ano naman gagawin ko dito 'diba?

"Ayan lang suot mo?" Napalingon ako sa hagdan nang marinig ko na nag-salita si Mama.

Tinignan pa nito ang suot ko na para bang may mali sa suot ko, nakasuot ako ng stitch terno na pajama at saka bedroom sleepers lang.

"Ano ka ba naman Ma, hindi naman fashion show ang pupuntahan natin. Pati hindi naman ako ija-judge ni Tita Cherry sa suot ko." Pangangatwiran ko pa.

Umiling-iling lang siya at saka iniabot ang isang card, "Oh ito pala, andito iyong inipon ko na pera para magamit mo sa mga expenses mo sa school. Ayusin mo ang pag-gastos diyaan ha. At tiyaka lagi kang mag-update sa 'kin, huwag kang gagawa nang mga kalokohan at nakakahiya kay Tita Cherry mo." Pinandilatan pa ako nang mata nito bago ini-abot ito.

"Yes, Ma." Tanging sagot ko at saka kinuha ang hawak niya na maleta bagolumabas na para ilagay ito sa sasakyan.

Habang nasa biyahe kami ni Mama ay may sinabi ito sa 'kin, "Lori, anak. Huwag mo dadalhin iyang kamalditahan mo kila Cherry ha, magpakabait ka hanggang sa makabalik ako."

Tumingin naman ako sa bintana bago sumagot, "Oo naman ma, kahit naman ganito ako may respeto pa rin ako sa ibang tao."

Tinawanan naman ako nito, "Alam ko pero baka manibago ka lang dahil wala ako sa tabi mo."

Sinamaan ko naman nang tingin si Mama, "Akala mo naman Ma, mamamatay ka na kung makapag-sabi ka nang ganiyan. Promise Ma, hindi ako gagawa ng ikakagalit mo habang wala ka. I love you, Ma!" Pagkatapos ko iyon sabihin ay hinalikan ko siya sa pisngi, medyo nagkikinimi lang naman ako. Kunwari ay cold person, cold person yarn.

Kahit naman pasaway ako ay mahal ko si Mama, simula nang mangibang bahay si Papa ay labis siyang nasaktan na halos ika-matay niya dahil sa labis na depression. Kaya naman lumayo ang paniniwala ko tungkol sa pag-ibig na iyan, sa pagba-basa ko nang mga libro ay halos pamilyar na ako sa bulok na sistema ng mga lalaki na naandito sa realidad. Like mga linyahan na, kumain ka na ba? Kainin kita. Duh!

Gaya nga ng sabi ni Mama sa 'kin dati, okay lang na gawin kung ano ang gusto pero dapat may limitasyon.

"Mahal na mahal din kita, Anak." Nginitian ako nito bago tumingin muli sa harap upang mag-focus sa pagma-maneho.

Hele nemen keshe se meme, si oa na naman.

Ilang saglit pa ay tuluyan ng napapikit ang aking mga mata dahil sa labis na antok, wala pa atang four hours iyong tulog ko. Nagising na lang ako sa mahinang tapik sa balikat ko at sa boses ni Mama.

"Anak, gumising ka na diyaan. Andito na tayo."

Kinusot-kusot ko ang mata ko bago tumingin sa labas ng bintana, naka-park ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ang bahay nila Tita Cherry.

Bumaba na ako sa sasakyan at saka kinuha ang maleta ko sa likod, napalingon ako nang lumabas na si Tita Cherry sa kaniyang bahay.

"Belinda, iyan na ba ang inaanak ko? Anlaki na ah, halika pasok na muna kayo." Nakangiting sambit nito sa 'min.

Umiling naman si Mama, "Ay nako mare, baka ma-late ako sa aking flight kung magtatagal pa ako," tumingin ito sa kaniyang relo at saka tumingin sa akin "Thirty minutes na lang pala ang mayroon ako."

Nakaramdaman naman ako ng lungkot, aalis na talaga si Mama. Ang hirap pala makita ang paglayo o pag-alis ng iyong minamahal, hindi ito hugot kasi masakit.

"Walang problema, Belinda. Mag-iingat ka duon ha, i-chat mo ako ka-agad kapag naanduon ka na, mami-miss kita bestie." Nagyakapan naman sila saglit bago naghiwalay.

"Paano ikaw na muna ang bahala sa anak ko." Garalgal na ang boses ni Mama nang tignan ako.

Namumula na din ang ilong nito, halatang pinipigilan lang ang pagluha.

"Makaka-asa ka bestie, aalagaan ko si Lori dear." Muli silang nagngitian.

Kusang gumalaw ang paa ko patakbo sa kinaroroonan ni Mama at saka niyakap siya nang mahigpit.

"Mami-miss kita Ma!" Umiiyak na sambit ko dito.

Yumakap din siya pabalik ngunit hindi na umimik. Ilang saglit pa ay nag-paalam na ito.

"Alagaan mo ang anak ko, bestie. Aalis na ako, huwag ka na umiyak anak pumapanget ka." Ngumiti siya muli bago pumasok na sa sasakyan.

Tumango naman si Tita at pagkatapos ay ngumiti.

Kumaway kami ni Tita Cherry sa kaniya at sinundan ang papalayong sasakyan, iginiya na ako ni Tita papasok sa kanilang bahay.

Napatingin ako sa sala nang makita ko na naanduon ang isang babae na ka-edad ko lang at saka ang isang sa tingin ko ay eleven years old na batang lalaki.

"Ito nga pala ang aking mga anak, Hija. Kulang sila ng isa kasi nasa Manila ito at sa makalawa pa ang balik kasama ng kaniyang fiancé." Nakangiting ani ni Tita at saka itinuro ang mga naka-upo sa sofa.

"Ay siya, Venice ikaw na muna bahala kay Lorraine. Maghahanda lang ako nang almusal." Hinawakan ni Tita ang balikat ko at saka pinisil bago ako muling ngitian at dumiretso na sa kusina.

Napatingin naman ako sa babae nang mag-salita ito, "Hi, ako nga pala si Venice! At ito naman si Liam ang bunso naming kapatid, wala pa si kuya busy iyon sa mga fans ni'ya sa Manila." Ngumiti ito sa akin at saka naglahad nang kamay.

Inabot ko naman ito, "Lorraine, pero puwede mo ako tawaging Lori." Ngumiti din ako pabalik.

"Nice to meet you, Lori. Liam say hi to Ate Lori," mahinang sambit niya sa kaniyang kapatid.

Masungit lang ako nitong tinignan bago tumayo tiyaka nagmartsa paalis.

Humingi naman ka-agad ng tawad si Venice sa inasal ng kaniyang kapatid, "Okay lang Venice, kakakita niya pa lang naman sa 'kin."

Kurutin ko 'yon pagdating ng araw tamo, pinaglihi ata sa sama ng loob.

"Hay nako hindi dzai, masama talaga ugali nu'n. Halika na sa kuwarto mo pansamantala habang inaayos pa iyong guestroom." Hinila niya ako paakyat nang second floor at saka diretsong naglakad sa kaliwang bahagi.

Kapag akyat mo kasi ay may dalawang pasilyo kung saan ang kanan at kaliwa, duon kami sa kaliwa pumunta.

Pumasok kami sa isang silid at nakita ko na gray ang theme ng kuwarto.

"Actually kay Kuya itong kuwarto, kaso wala pa naman siya so dito ka na muna pansamantala. May pagka-boring kasi iyon si Kuya kaya gusto ni'ya ng ganyang kulay, akala mo si Dracula e." Sabi nito sa akin.

Tumango naman ako at inilibot ang tingin sa kabuohan ng silid, may isang book shelves sa left side, may computer table at saka isang walk in closet sa right side. Siyempre hindi mawawala ang isang king size bed na kama at may lamp shade pa sa gilid nito na naka-patong naman sa isang maliit na kabinet.

"Okay lang ba na dito muna ako tumuloy?" Mahinang tanong ko kay Venice, na akala mo ay shytype pero ugaling kanal naman.

Hinampas naman ako nito sa balikat, "Oo naman, kapag dumating si Kuya papalayasin natin siya dito. Mabuti na nga na hindi muna umuwi iyon, alam mo ba kapag naandito iyon hindi ako makagala, palibhasa ay Teacher." ani nito at saka nag-peace sign nang mapagtanto ang ginawa.

Ahh, Teacher pala ang kuya ni'ya. Kaya naman pala madaming libro at naka-ayos ang lahat.

"Teacher siya sa Manila?" Tanong ko.

Tumango naman ito, "Oo kaso sabi niya nuong tumawag kay Mom ay dito na daw siya magtra-trabaho sa Antipolo, kainis nga e." umirap naman ito sa hangin at saka nagbugtong hininga.

Tumango-tango na lang ako at natawa sa reaksyon niya, naiimagine ko pa lang kapag nasa iisang lugar sila, siguro ay magiging war zone ito.

Iginiya niya ako upang maupo sa kama, "Bukas ay sabay tayong mage-enroll sa SCAS, sa lunes na kasi ang pasukan. Ano bang course mo?" Kuryosong tanong niya sa 'kin.

"Bachelor of Multimedia Arts, ikaw?" Balik na tanong ko dito.

Napahinto muna siya at saka tumawa, naisip ko kung nakatakas kaya ito sa mental?

"BS psychology ako, gusto ko kasing turuan iyong mga teens kung paano i-handle iyong mental health nila at siyempre madami pang iba."

Tumango naman ako, ang pagkaka-alam ko kasi duon sa BS Psychology ay more on mental health, kung paano ito i-handle but hindi ako sure kasi hindi naman ako interesado duon. Iba ang field nila sa Field ng MMA, ayon sa na-research ko ang forte nito ay traditional arts o basta iba't-ibang may kinalaman sa arts. May Photography din na kasama.

"Yep, freshmen ka na din?" Tanong ko.

Tumango ito at saka ngumiti nang nakakaloko, "Oo, 19 ka na din 'diba?" Tumango naman ako, "Ayon! Makakapag-party tayo or makakapag-sleep over sa mga friends!" daig pa nito ang nanalo sa loto kung makangiti kaya nag-agree na lang ako.

"By the way high way, may boyfriend ka na ba?" Duon ako tuluyang natigilan.

Para kasi sa 'kin ang pag-ibig lang ay nag-exist lang nuong mga kapanahunan nila Lola pero ngayon ay nag-extinct na ito, isa na lamang alamat. Hui saan galing ang hugot na iyan Lori?!

"Uh, wala. Hindi kasi ako naniniwala sa love, para sa 'kin ay mga character na lang sa libro ang siyang magpapatunay nuon."

Kumunot naman ang nuo ni Venice, "Kahit past relationships wala?" umiling naman ako.

"Mas boring ka pa pala kay Kuya, eh crush? Huwag mo sabihing wala kang crush?!" Nanlalaki pa ang mata nito.

"Wala," bored na sagot ko.

Hindi naman iyon required sa buhay.

"Aish, wala talaga? Mas boring ka nga kay Kuya, pero trust me mababago iyang pananaw mo kapag na meet mo na iyong magpapa-tibok ng puso mo." Ngiti-ngiting ani nito at saka sinundot pa ang tagiliran ko.

Nagkibit balikat na lang ako, mukhang hindi naman siya magpapatalo sa usapin na iyon. Aanhin pa ang relationship kung para ka lang nakikipag-business partner, kapag hindi pinagtuunan ng pansin ay malulugi o mawawala iyong bond para tumibay iyong connection. Sa huli, magiging sawi ka lang.

Ilang minuto pa kami na nag-kuwentuhan about sa kung ano-ano ng tawagin na kami ni Tita Cherry para kumain. Casual na kilos lang ang ginawa namin buong maghapon hanggang sa nakahiga na upang matulog, ng bigla kong maisip na tawagan si Lucas gamit ang cellphone ko.

Nakatatlong ring pa lang ito ng ka-agad niya rin sinagot, "Hello? Doracakes?"

"Hi, Lucas!" Siyempre kunwari lang na masaya ako kausap siya, hindi niya alam bored lang ako.

"Himala, ikaw una tumawag. May kailangan ba ang mahal na prinsesa ko?" Kadugyutan talaga.

"Hahanap na nga lang ako ng ibang kausap, pinapa-init mo na naman ulo ko."

Pinaglihi sa anger issue 'yan? Napakalandi kasi eh!

"Joke lang eh! At dahil wala ka lang magawa sa buhay mo, sakto rin at naisipan ko gumala. Date tayo bukas?" Natatawang saad nito sa kabilang linya habang naririnig ko pa ang mahinang paghampas niya sa dingding ng bahay nila.

Tignan mo? May sira na sa ulo, don't get me wrong, best friend ko 'tong si Lucas. You know, childhood friends. Kaso ay nagkamali ata ako na kinaibigan ko siya noon.

"Sume-segway ka lang eh, para-paraan para maisingit ang kalandian Lucas ha." Napangiti na lang rin ako.

Kinikilig? Ako? No way. Baka isako ko pa 'to, sa inyo na.

"Hindi 'no! Ikaw na nga itong inaaya gumala, ginaganyan mo pa ako." Kunwari ay nagtatampong saad niya.

Ang oa rin talaga nito.

"Date sabi mo, kalokohan mo rin eh 'no! Kasama ba sj Beatrice?"

"Hindi ata, sabi niya nuong nakaraan may Family Reunion sila. So basically, tayo lang talaga."

Napabuntong hininga ako, "Okay sige, libre mo ako ah."

"Oo na, kahit bilhin ko pa lahat ng chicken joy sa Jollibee para sa 'yo." Tumawa pa ito.

Well perks of having a male friend, masaya sila kausap kahit minsan walang sense.

"Matutulog na ako, daldal mo." Natatawa kong tugon at saka ibinaba ang tawag.

Sanay na iyan si Lucas sa 'kin, kapag wala kasi siyang kuwenta minsan talagang pinapatayan ko siya ng tawag.

Minsan kasi ay hindi iyan titigil sa kahanginan niya, mukha namang kulangot na idinikit sa pader, tapos minsan pa ay wala talaga siyang ginawa kung hindi sirain araw ko.


Naamoy ko ang panlalaking scent sa bed sheet kaya napabalikwas ako at tumingin sa kisame, hindi naman siya matapang o mabaho. Tamang amoy lang na alam mong lalaki ang may-ari ng kama.

Tumingin ako sa kisame, at nag-isip, kamusta na kaya si Mama? Hindi pa kasi siya tumatawag kay Tita Cherry, wala din namang update sa 'kin. Sana safe siya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising na lang ako nang may gumalaw sa tabi ko, natatakot man na baka ahas or something paranormal stuff ay kinapa ko ito.

Dapat pala binuksan ko iyong lamp shade kanina, patuloy lang ako sa pagkapa nang may mahawakan ako na hindi dapat hawakan.

"Mm.." ungol nito.

"Kyah!" Napasigaw ako nang dahil duon kaya napabalikwas din ng bangon ang tao na nasa tabi ko kanina.

Muntik pa akong malaglag sa kama, ka-agad kong kinuha ang baseball bat na nakita ko kanina at saka hinawakan ng mahigpit.

"Gosh, huwag ka sumigaw." Naglakad siya ngunit hindi ko alam kung saan tanging ang yabag niya lang ang naririnig ko.

Hawak ko parin ang baseball bat ng biglang bumukas ang ilaw, ngayon ay nakita ko na kung anong nilalang ang katabi ko kanina.

Isang matangkad na lalaki, magulo ang buhok nito at tanging boxer shorts lang ang suot kaya ka-agad akong nagtakip ng mata.

"Sino ka?!" Sigaw ko dito.

Bumuntong hininga ito at saka masungit na nag-salita, "Hindi ba dapat ako ang magtanong aa iyo ni'yan? Bakit ka nasa kuwarto ko?"

Kuwarto niya? Wait-

"Ikaw iyong panganay ni Tita Cherry?" Ngayon ay nag-angat na ako ng tingin.

Nakasuot na siya ng white t-shirt at naka-upo sa edge nang kama.

"Oo ako nga, ngayon sagutin mo na ang tanong ko. Bakit ka naandito sa kuwarto ko?" Masungit pa din na saad nito.

Napalunok naman ako, gosh akala ko ba ay sa makalawa pa ang uwi niya.

"Sabi ni Venice ay dito na muna ako matutulog habang inaayos pa ang guest room." Mahinang sagot ko.

Gosh bakit parang tinablan ako ng hiya ngayon? Kahit naman sino naman 'no!

Tumayo siya at saka tumingin ng diretso sa 'kin, hindi ko alam kung ilang minuto ni'ya akong tinitigan na para bang binabalatan nang buhay.

Gumalaw ang panga ni'ya at saka nag-salita, "Ah I see, namumukhaan na kita. What a slut."

Akmang sasagot pa sana ako ng lumabas na ito ng silid, wait what? Anong slut? Hindi ko naman sinasadyang makapa iyong ano ni'ya ah!

Akmang sasapak na ako sa ere ng muling bumukas ang pinto, iniluwa nito iyong lalaki kanina. Ka-agad ko naman naitago sa likuran ko ang kamay ko at saka ngumiti nang pilit, sinamaan lang ako nito ng tingin bago hinablot ang kumot at saka lumabas ulit.

"Lakas ng saltik nuon ah," bulong ko sa aking sarili.

Hindi na nakakapagtaka na ayaw ni Venice na naandito siya, abnormal iyong kuya niya. Sana bukas ay hindi ko na siya masalubong ulit, please lang Lord!

Gosh, this is so unexpected.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top