TAA KABANATA 8

[Kabanata 8]

KINABUKASAN, maaga muling gumising si Isabelita upang maghanda sa paglalakbay pabalik sa Hacienda Natividad kasama si Segunda, nalulungkot man ay kailangan nyang umalis sapagkat hindi nya nais pagsamantalahan ang kabutihan ng kanyang Señor Pablo.

Niyakap nya ang kanyang Tay Romolo, Nay Amor, at Ate Glen ng mahigpit bago ito tuluyang umalis, alam na naman nilang dalawa ang daan pabalik kung kaya't hindi na kailangan pang sya'y ihatid ng kanyang ama. Bukod doon ay hindi na nya nais pang abalahin ang kanyang Ama sapagkat may trabaho rin itong pinagkakaabalahan.

Bago magtanghalian ay nakarating na sila sa Hacienda Natividad, dumiretso sila sa kanilang bahay kubong pinagtutulugan. Wala ito sa loob ng mansyon kung hindi nasa labas, ibinaba na nila Isabelita at Segunda ang kanilang mga gamit at nagpahinga muna saglit.

"Oh, naririto na pala kayo Segunda at Isabelita. Halina't tayo'y magsimula nang magluto ng tanghalian" utos ni Manang Juana, tumango naman ang dalawang dalagita at sumunod kay Manang Juana na noo'y nauuna sa paglalakad.

Inatasan ni Manang Juana ang ibang mga kasambahay na linisin ang buong salas maging ang hagdan, abala si Isabelita sa pagdidikdik ng bawang na syang nagbibigay ingay sa kusina ng mansyon. Habang si Segunda at ang isa pang kasambahay naman ang nakaalalay kay Manang Juana sa pagluluto, ilang sandali pa ay natapos na rin sila sa kanilang pagluluto at isinalin na ang linuto ni Manang Juana sa malaking mangkok. Ilinagay na ito sa mahabang lamesa.

Nang makababa si Señor Pablo ay nagbigay galang naman ang mga kasambahay, tumango lang ito at nagpalingon-lingon na tila ba ay may hinahanap. Napatingin si Señor Pablo sa kalalabas lang na si Isabelita sa kusina at pinupunasan pa nito ang basa nyang kamay, hindi nya namalayang nakatitig na pala sya dito ng matagal.

"Ika'y ayos lang ba Señor Pablo? Bakit ika'y nakatingin kay Isabelita, may kailangan ka ba sa kanya?" pagpuna ni Manang Juana na ikinabalik ni Señor Pablo sa reyalidad, nagulat sya sa sinabi ng matanda at agad umiling.

"W-wala po manang Juana, nais ko lamang kayong alukin kung nais nyo bang makisalo sa akin?" tanong ni Pablo na ikinagulat ng mga kasambahay maliban kay Manang Juana na nakangising napailing-iling, tila may napapansin syang kakaiba sa binata at alam nya ang ibig sabihin ng mga kinikilos nito. Nais talaga ni Pablo na yayain ang mga kasambahay ngunit mukhang nagmukha itong palusot na mata ni Manang Juana.

"T-talaga po Señor? Ngunit hindi po yata tama na kami ay sumabay sa inyo" saad ni Segunda, ngumiti naman si Pablo at umiling.

"Walang mali sa inyong pagsabay sa pagkain sa akin. Pakiusap, kayo'y sumabay na sa akin sapagkat kay tagal ko nang kumakain mag-isa sa hapag. Naway pumayag na kayo sa aking gusto" saad ni Pablo na ikinagulat lalo ng mga kasambahay, hindi nila akalaing ang kanilang señor pa ang makikiusap ngayon sa kanila.

Wala na silang ibang nagawa kung hindi isa-isang umupo sa mamahaling upuan, may kalayuan si Isabelita kay Pablo mula sa kanyang kinauupuan. Hindi naman sobrang dami ng mga kasambahay na narito sa hapag kainan. Si Manang Juana, Segunda, Isabelita, at tatlo pang kasambahay ang nakaupo sa upuan sa hapag kainan.

Nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain, si Manang Juana ang nanguna sa pagdadasal. Nang matapos iyon ay nagsimula na silang kumain, si Pablo ang bumasag sa katahimikan.

"Kamusta na pala kayo sa inyong trabaho? Kayo ba ay masaya? O may kailangan? Sabihin nyo lang sa akin" nakangiting saad ni Pablo, wala namang nagreklamo at ang lahat ay sinabing masaya sila sa kanilang pagtatrabaho rito sa Hacienda Natividad.

"Wala naman akong naririnig na reklamo mula sa kanila, sa katunayan nga ay natutuwa sila sapagkat ika'y hindi mahigpit at natutuwa rin sila sa iyong pamamalakad" nakangiting sabi ni Manang Juana, sya na ang nagsalita para sa mga kasambahay dahil sya naman ang mayor doma. Sumang-ayon naman ang mga kasambahay.

"Ako'y natutuwa sa inyong mga tinuran, maraming salamat" saad ni Pablo at nagpatuloy na sa pagkain, wala ng nagsalita dahil tama lamang na hindi mag-ingay sa harap ng hapag.

TAHIMIK na naglilinis si Isabelita sa loob ng mansyon, tahimik din sa loob maging ang kanyang pagwawalis ay tahimik lang rin. Maya-maya lang ay biglang may kumatok kung kaya't binitawan muna ni Isabelita ang hawak nyang walis at binuksan ang pinto, tumambad sa kanya ang isang lalaking kastila. Isang tingin mo pa lamang rito ay malalaman mo nang isa itong mataas na tao kung kaya't agad syang nagbigay galang dito.

"Magandang hapon po Señor, ano po ang inyong sadya?" magalang na tanong ni Isabelita, napatitig naman sa kanya ang lalaking kastila.

"Ako si Paciano Natividad, ang kapatid ni Pablo Natividad. Sya ang sadya ko rito, maaari ko ba syang makita?" seryosong tanong nito habang nakatitig kay Isabelita, napalunok naman si Isabelita at agad tumango.

"K-kayo po pala ay kapatid ni Señor Pablo, pumasok po kayo. Tatawagin ko po sya" saad ni Isabelita sabay hakbang paatras upang makapasok si Señor Paciano, seryoso lang itong nakatingin sa kanya na ikinailang ni Isabelita.

"Sandali, ikaw ba ay bago lamang rito sa aming hacienda?" tanong nito, kinakabahan namang tumango si Isabelita sapagkat natatakot sya sa kung paano tumitig ang lalaking nasa harap nya ngayon.

Mabuti na lamang at kabababa lang ni Señor Pablo na nagulat pa sa kanyang nadatnan, nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kay Isabelita at sa kuya nyang si Paciano na nakatitig kay Isabelita. Kilalang babaero ito kahit na may asawa pa kung kaya't kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isipan ngayon. Si Isabelita ay hindi nya pinag-iisipan ng masama sapagkat malaki ang paghanga at respeto ni Pablo rito kung kaya't alam nyang isang mabuti at matinong babae si Isabelita.

"Kuya Paciano... Ika'y naririto pala" pinili ni Pablo na ngumiti, nagbigay galang muli si Isabelita sa kanilang dalawa at umalis na sa harapan ng dalawang Natividad.

"Ikaw ba ay hindi natutuwang ako'y makita?" natatawang tanong ni Paciano sabay yakap sa kapatid, yumakap din naman pabalik si Pablo.

"Kumusta na Heneral Paciano" nakangiting pagbati ni Pablo sa kapatid at pinaupo ito.

"Bago lang ba ang kasambahay na iyon?" tanong ni Heneral Paciano kay Pablo, napatingin naman si Pablo sa kanyang kuya na ngayo'y sumeryoso muli ang mukha.

"Oo kuya, bakit?" nagtatakang tanong ni Pablo sa kanyang kuya.

"Kataka-taka, sya'y kasambahay ngunit ang kanyang balat ay katulad lamang ng sa atin. Sya ba ay may lahing intsik?" kunot noong tanong ng kanyang kuya, doon lang napagtanto ni Pablo na pinag-iisipan ng kanyang kuya si Isabelita ng masama.

"Huwag kang mag-alala kuya, sya'y mapagkakatiwalaan" nakangiting sabi ni Pablo, tumango na lang ang heneral nyang kapatid ngunit pinaalalahanan nya pa rin si Pablo na mag-ingat.

Ngunit hindi naman sya pinakinggan ni Pablo sapagkat malaki ang tiwala nya kay Isabelita at siya'y buong puso ring naniniwala na hindi ito masamang tao tulad lamang ng iniisip ngayon ng kaniyang kapatid dito.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top