TAA KABANATA 6
[Kabanata 6]
TULALANG nagwawalis sa labas ng mansyon si Isabelita gamit ang walis tingting, nasaksihan nya kung paano binigay ni Pablo ang rosas kay Señora Victorina. Hindi nya alam kung bakit tila nawalan na sya ng gana simula nang masaksihan nya ang pangyayaring iyon, ngunit kahit ganoon ay hindi nya hinayaang makaapekto iyon sa kanyang trabaho.
Nasa hardin sya ngayon ng Hacienda Natividad at winawalis nya ang mga patay na dahon na nalaglag mula sa mga naglalakihang puno, maya-maya lang ay naramdaman nyang may sumagi sa kanya. Nang tinignan nya kung sino ito ay nakita nya si Segunda na bumubungisngis, si Segunda ay isa ring kasambahay dito sa Hacienda Natividad at sya'y isa ring indio. Magkagayunman ay mayroon rin itong natatanging ganda, natawa rin si Isabelita.
"Isabelita, nabalitaan mo ba na nabisto ng hari ang kanyang anak?" pabulong na sabi ni Segunda na ikinagulat ni Isabelita, ang kanyang huling balita ay ang pagsiklab ng aklasan sa Espanya na nagsimula sa Aranjuez noong Marso.
"Huwag kang maingay, Segunda! At huwag nating pag-usapan iyan dito, maaari tayong mapahamak lalo na't ang hari at ang kanyang anak mismo ang ating pinag-uusapan" kinakabahang saad ni Isabelita, tumango naman si Segunda bilang pagsang-ayon sapagkat may punto si Isabelita kung kaya't iniba nya na lang ang usapan.
"Ika'y kanina pa tulala riyan Isabelita, ah? Ikaw ba ay mayroong problema?" usisa ni Segunda, napangiti si Isabelita nang maalala si Pablo dahil mausisa rin ito.
"Ako'y walang problema, may iniisip lang talaga akong mga bagay-bagay" palusot ni Isabelita sabay iwas ng tingin sa kaibigan at nagpatuloy sa pagwawalis.
"Tulad ng ano?" pangungulit pa ng kaibigan, napakamot na lang sa kanyang ulo si Isabelita dahil sa kakulitan ng kaibigan nyang si Segunda.
"Wala ito... Oh, si Manang Juana!" hiyaw ni Isabelita na dahilan upang mabaling ang atensyon ni Segunda kay Manang Juana, sumulyap pang muli si Segunda kay Isabelita bago tumingin muli kay Manang Juana.
"Segunda! Halika ritong bata ka, samahan mo akong mamili sa palengke" saad ni Manang Juana, kumaripas naman ng takbo si Segunda papunta kay Manang Juana.
"Ikaw Isabelita, nais mo bang sumama sa amin?" anyaya ni Manang Juana ngunit umiling si Isabelita.
"Huwag na po Manang Juana, marami pa po akong kailangang gawin dito sa hacienda. Mag-iingat na lang po kayo sa inyong paglalakbay" nakangiting sabi ni Isabelita, nagpaalam na rin sila Manang Juana at Segunda sa kanya dala-dala ang mga bayong.
Nakahinga naman ng maluwag si Isabelita, pinagpatuloy na nya ang pagwawalis ng nga patay na dahon sa hardin ng Hacienda Natividad. Maya-maya lang ay may naramdaman syang kung anong pumatak sa kanyang noo, tumingin sya sa kalangitan at nakita nya ang pagpatak ng mga ulan na kay gandang pagmasdan.
Tatakbo na sana si Isabelita papunta sa loob ng mansyon ng may mapansin syang kung ano sa likod ng mansyon, nang dahil sa kanyang kuryosidad ay dahan-dahan syang naglakad papunta roon. Hindi nya iniwan ang kanyang walis tingting dahil ito ang gagamitin nyang pandepensa kung sakaling may mangyaring masama, nang makita nya ito ng malapitan ay namangha sya dahil tila ito ay isang lagusan.
Nang tuluyan syang makapasok ay agad syang nagtago sa mga halaman, may narinig syang tugtog ng byolin kung kaya't kahit anong ingay ay wala syang ginawa. Namangha sya ng makita ang ilog ng Santa Prinsesa, mas lalo syang namangha ng mapagtantong ito ay isa pang daanan paalis ng Hacienda Natividad.
Napasulyap sya kung sinong nagpapatugtog ng byolin at laking gulat ni Isabelita matapos makita si Pablo na tahimik na dinadama ang pag-ihip ng sariwang hangin, napangiti rin si Isabelita habang pinagmamasdan ang binata. Maya-maya lang ay may naramdaman si Isabelita na dumidila sa kanyang kamay at hindi nya napigilang mapasigaw dahil sa gulat, nagulat din si Pablo nang may marinig na sumigaw.
Agad nyang binitawan ang hawak nyang byolin at lumapit sa pinagmulan ng sigaw, laking gulat nya matapos makita si Isabelita. Napatingin sya sa asong masiglang nakatingin kay Isabelita, agad namang lumapit si Pablo sa aso at hinimas ang ulo nito.
"Paumanhin Binibining Isabelita, sadyang makulit lamang ang aking aso na si Lila" natatawang sabi ni Pablo sabay tapik sa ulo ng kanyang aso na mukhang nagustuhan nito, unti-unti namang nawala ang takot kay Isabelita at napangiti rin.
"I-ikinagagalak kitang makilala, Lila! Ako nga pala si Isabelita" nakangiting pakilala ni Isabelita sa kanyang sarili, tumahol naman ang asong si Lila na ikinatuwa ni Pablo at Isabelita. Bigla naman itong tumakbo papalayo na ikinataka nilang dalawa, naramdaman na lang nila ang unti-unting paglakas ng buhos ng ulan. Agad silang tumakbong dalawa papunta sa kung saan naroon kanina si Pablo.
"Oo nga po pala S-señor Pablo, paumanhin po kung ako'y pumunta rito na hindi naman po nararapat. Ako'y aalis na rin po" nakayukong Sabi ni Isabelita at akmang aalis nang hawakan ni Pablo ang kanyang palapulsuhan upang pigilan sya sa pag-alis, napatigil silang dalawa. Agad namang binitawan ni Pablo ang palapulsuhan ni Isabelita na ngayon ay namumula na sa hiya.
"P-paumanhin sa aking kapusukan, may nais lamang akong ikwento sa iyo kung kaya't maaari bang ika'y dumito muna?" nahihiyang sabi ni Pablo, tumango naman si Isabelita dahil kay lakas ng ulan at kung sya'y lulusong, malamang ay mukha na syang basang sisiw pagkauwi sa bahay kubo.
"Sige po Señor, ngunit nais ko po sanang itanong kung ano ang inyong ike-kwento?" patanong na sabi ni Isabelita, sumenyas si Pablo na umupo si Isabelita sa upuang may kalayuan sa kanya. Hindi na tumanggi si Isabelita sapagkat may distansya naman sa pagitan nila kung kaya't sya'y hindi na nangangamba.
"Makinig kang mabuti Isabelita, ang kwento na ito ay mahalaga sa akin" nakangiting sabi ni Pablo, tumango si Isabelita kung kaya't sinimulan nang magkwento ni Pablo...
Ang alamat ng rosas.
Para namang tinusok ng paulit-ulit ang puso ni Isabelita habang pinakikinggan ang alamat ng rosas, kay lungkot pala ng alamat ng rosas. Napaisip sya ng malalim sa huling linya ng alamat ng rosas, na walang sino man ang makakakuha sa magandang bulaklak nang hindi nasasaktan.
"Ayos lang rin pala kung hindi ko naibigay sa iyo ang pulang rosas kahapon sapagkat aking napagtanto na mas gusto mo ang rosas na ito" nakangiting saad ni Pablo, ang mga sinabi at ikinilos ni Pablo ay sadyang ikinagulat ni Isabelita. Eksaktong alas-dose ng umaga, ika-labing walo ng mayo ay ibinigkas ni Pablo ang mga salitang nagpatunaw ngayon sa puso ni Isabelita.
"Maligayang kaarawan... Isabelita" nakangiting pagbati ni Pablo sabay lahad sa kanya ng rosas na kulay lila. Sa sandaling iyon, tila bumagal ang pagtakbo ng paligid ni Isabelita at tanging si Pablo lang ang kaniyang nakikita't naririnig.
********************
#TeAmoAdiós
Himagsikan source:
http://www.elaput.org/govs1800.htm
Narito po ang buong kwento ng alamat ng rosas na ibinahagi ni Pablo kay Isabelita. Credits <3
Alamat ng rosas source:
https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-rosas.html?m=1
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top