TAA KABANATA 5

[Kabanata 5]

GULAT na napatitig si Isabelita kay Pablo nang tumambad ito sa kanyang harapan, may hawak itong rosas na nakapukaw ng atensyon ni Isabelita. Agad syang nagbigay galang kay Señor Pablo.

"M-magandang umaga po Señor Pablo, naririto ho pala kayo" sabi ni Isabelita sabay balik ng rosas na kulay lila sa kinalalagyan nito, sapat na rin naman ang mga rosas na kanyang napitas kung kaya't oras na para sya'y bumalik sa Hacienda Natividad.

"Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong ni Pablo habang hawak ng mahigpit ang rosas na hawak nya.

"Inutusan po ako ni Manang Juana na mamitas ng bulaklak, paniguradong nakahanda na po ang kakainin nyo sa inyong mansyon kung kaya't kayo'y umuwi na po Señor" magalang na sabi ni Isabelita.

"Hindi mo ba nais na sumabay sa amin?" Tanong ni Señor Pablo.

"Ah! Hindi na po kailangan Señor, hindi pa rin po ako tapos sa pamimitas" palusot ni Isabelita ngunit mukhang hindi kumbinsido si Pablo.

"Sa aking nakikita, puno at sapat na ang mga rosas na nakalagay sa iyong bilao" puna ni Señor Pablo sabay turo sa bilaong hawak ni Isabelita, iginala naman ni Isabelita ang kanyang mata upang makahanap o makaisip ng palusot. Nagliwanag ang kanyang mukha nang may maisip at makita sya.

"H-hindi pa po talaga ako tapos Señor, nais po ni Manang J-juana ng maraming bulaklak. A-ang iba po ay para sa kanya" nakayukong saad ni Isabelita kay Pablo, hindi sya sanay magsinungaling at hindi nya naman gusto ngunit hindi nya nais sumabay kay Pablo sapagkat tuwing nakakasama nya ito ay nakakaramdam sya ng kung anong kaba sa kanyang dibdib.

"Ganoon ba... Kung gayon ay mauuna na ako, ika'y mag-iingat pauwi" walang ganang saad ni Pablo, hinubad na nya ang kanyang sumbrelo at itinapat iyon sa kanyang dibdib bago lumisan na sa hardin ng Santa Prinsesa. Nakahinga naman ng maliwag si Isabelita, hinihiling nya na hindi na mag tanong ang sino man tungkol sa mga bulaklak na ito.

NANG makauwi si Isabelita ay ilinagay nya ang mga bulaklak sa lamesa bilang disenyo, nang matapos nyang gawin iyon ay pumunta na sya sa gilid kasama ang iba nyang mga kasambahay.

"Tayo'y may bisita po Manang Juana, mabuti na lang po at nagluto kayo ng masarap na putahe" nakangiting sabi ni Pablo, tanging silang dalawa lang ang nakaririnig sa kanilang mga sinasabi sapagkat ang mga kasambahay ay may kalayuan sa kanila.

"Ganoon ba... Sige, tawagin mo lang ako kung ika'y may kailangan" saad ni Manang Juana at nagbigay galang kay Señor Pablo, ngumiti naman si Pablo at tumango sa matanda.

Ilang saglit lang ay may kumatok na sa kanilang pinto, binuksan naman ni Manang Juana iyon at bumungad sa kanila ang dalawang kastila. Ang isa ay may katandaan na habang ang isa naman ay dalagita, nakatakip ang abaniko nito sa kanyang muka at tanging mata lang ang nakikita. Agad nagbigay galang ang mga kasambahay bilang pagbati sa pamilya Angeles, tumayo naman si Pablo at sinalubong sila.

"Buenas dias Don Tiburcio, nagagalak akong kayo'y makita" nakangiting sabi ni Pablo habang ang kanyang sumbrelo ay nasa tapat ng kanyang dibdib, napatingin rin si Pablo sa dalagitang kasama ni Don Tiburcio na mabilis na pinapaypayan ang kanyang sarili sa tapat ng kanyang dibdib.

"Buenas dias rin hijo, kasama ko nga pala ang aking anak na si Victorina. Ang aking Unica hija" ipinagmamalaking saad ni Don Tiburcio, sabay tingin sa kanyang nag iisang anak na namumula na ngayon.

"Magandang umaga Binibining Victorina, ako'y nagagalak na ika'y makilala" nakangiting sabi ni Pablo, pinaupo na nya ito. Lumapit naman ang ibang kasambahay kabilang si Manang Juana upang pagsilbihan ang dalawang bisita at maging si Señor Pablo.

"Kami ay naparito upang magpasalamat sa pagpapadala ng manggagamot sa aming bahay noong nakaraang linggo, hindi man ikaw ang dumating noong araw na iyon... Nagpapasalamat pa rin ako dahil ikaw ay nag-abala para sa aking anak" nakangiting sabi ni Don Tiburcio, ngumiti naman at tumango si Pablo.

Sa kabilang banda naman kung nasaan si Isabelita ay ngayo'y napaisip, nagulat sya ng kanyang mapagtanto na kaya hindi nakapunta si Pablo sa Hacienda Angeles ay dahil inunang tulungan ng kanyang Señor Pablo ang kanyang ate. Hindi nya akalaing napakabuti talaga nito.

"Walang anuman po Don Tiburcio, aking ginawa lamang ang nararapat. Paumanhin rin kung hindi ko napuntahan ang inyong anak na si Binibining Victorina noong araw na iyon sapagkat ako'y may mahalagang tinulungan" nakangiting sabi ni Pablo sabay sulyap kay Isabelita na noo'y nagulat sa pagsulyap ni Señor Pablo, ngumiti lang sya at yumuko bilang pasasalamat muli.

"Bueno ayos lang iyon, ang mahalaga ay magaling na ang aking anak. Sya nga pala, kamusta na ang iyong mga magulang?" pag-iiba ng usapan ni Don Tiburcio habang ang anak nya namang si Victorina ay titig na titig kay Pablo. Labis syang namangha sa pambihirang kagwapuhan ng ginoong nasa harap nya at sa kung paano ito magsalita, tila tumibok ng mabilis ang kanyang puso habang pinagmamasdan ang ginoong si Pablo.

Si Victorina Angeles ay isang purong kastila na may natatangi ring ganda, bilugan ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong, maputi ang kanyang balat, at mahaba ang buhok nitong kulot.

"Ayos naman po ang aking mga magulang na nasa Europa, ang aking kuya naman ay ayos lang ring namamalagi sa Europa kasama ang kanyang asawa" nakangiting saad ni Pablo, napatango naman si Don Tiburcio. Nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain.

"Ika'y may napupusuan na ba hijo?" maya-maya ay tanong ni Don Tiburcio, muntik nang mabilaukan si Pablo dahil sa tanong ni Don Tiburcio. Napaubo pa ito, bigla namang humalakhak si Don Tiburcio.

"Paumanhin sa aking tinanong hijo, ngunit sa palagay ko'y wala kung kaya't maganda iyan" natatawang sabi ni Don Tiburcio, mahinhin ding tumawa si Señorita Victorina habang nakatakip ang kanyang abaniko sa kanyang bibig upang hindi makita ang pagbuka ng kanyang bibig. Piniling tumawa rin ni Pablo.

Nang matapos silang kumain ay sabay-sabay silang tumayo, hindi nararapat na ika'y tumayo sa iyong kinauupuan hangga't hindi pa tapos kumain ang lahat. Nagbigay galang muli ang mga kasambahay, mga trabahador at mga guardia personal bago sila tuluyang makalabas ng Hacienda Natividad. Sinamahan sila ni Pablo hanggang sa labas at hanggang sa pagsakay ng mag-amang Angeles sa kalesa.

"Muchas gracias por el delicioso almuerzo Señor Pablo, hasta que nuevamente (Thank you very much for the delicious lunch Señor Pablo, until again)" nakangiting pamamaalam ni Don Tiburcio, napatingin sya sa kamay ni Pablo na may hawak na rosas.

"¿Puedo preguntar a quién le darás eso? ¿Es para mi hija Victorina? (May I ask whom you will give that to? Is it for my daughter Victorina?)" tila natutuwa na tanong ni Don Tiburcio, nagulat naman si Pablo. Wala na syang ibang nagawa kung hindi ibigay ang rosas na iyon kay Señorita Victorina na dapat ay para kay Isabelita.

"De nada Don Tiburcio, adiós a usted y a la Binibining Victorina (Your welcome Don Tiburcio, goodbye to you and to Binibining Victorina)" pilit ang ngiting pamamaalam ni Pablo, tuluyan nang umandar ang kalesang sinasakyan ni Don Tiburcio at Señorita Victorina.


********************
#TeAmoAdiós

Febuary 2021
A/N: Ang bayan ng 'Santa Prinsesa' ay gawa-gawa ko lang po hehe :)

- Cess.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top