TAA KABANATA 4

[Kabanata 4]

"IKA'Y ayos lang ba... Isabelita?!" nag-aalalang tanong ni Señor Pablo kay Isabelita, agad namang tumango si Isabelita at kinuha muli ang timba. Akmang aalis na siya ngunit biglang nagsalita si Pablo.

"S-sandali... Sumama ka sa akin" ani ni Pablo at naglakad na paalis, binitawan naman muna ni Isabelita ang timba at dali-daling sumunod kay Pablo.

Tumigil ang mga paa nila sa paglalakad sa tapat ng munting hardin ng Hacienda Natividad, nagtaka naman si Isabelita kung anong mayroon doon at doon tumigil ang kanyang señor. Dahil sa kanyang kuryosidad ay hindi na nya napigilang magtanong.

"M-mawalang galang na po Señor Pablo, ngunit ano po ba ang mayroon at tumigil kayo sa hardin nyo?" Nagtatakang tanong ni Isabelita, umupo si Pablo sa upuang narito sa hardin ng Hacienda Natividad at sumenyas kay Isabelita na tumabi sya kay Pablo. Nagulat naman si Isabelita at agad umiling.

"Hindi po maaari Señor, baka kapag po may nakakita sa atin ay kung anong isipin" pigil ni Isabelita sa pinapagawa ni Pablo ngunit sadyang makulit ang señor kung kaya't pinilit nya pa rin si Isabelita. Hindi naman natatakot si Pablo kung may makakita sa kanila sapagkat kayang-kaya nyang ipagtanggol ang kanyang sarili at maging si Isabelita.

"Ano naman ang kanilang maaaring isipin?" pilyong tanong ni Pablo kay Isabelita, napahawak naman si Isabelita sa kanyang noo dahil sya'y naguguluhan na sa kanyang señor.

"B-basta po, Señor! Maaari na po ba akong umalis?" palingon-lingong tanong ni Isabelita kay Pablo, sumandal naman si Pablo sa kaniyang kinauupuan bago tumingin ng diretso kay Isabelita.

"Hindi" sagot nito na ikinalaglag ng panga ni Isabelita.

"Biro lang, ngunit bago ka umalis ay pinahihintulutan kitang umuwi muna sa iyong pamilya sapagkat hindi ko naman kailangan ng napakaraming kasambahay. Mag-isa lang ako sa mansyong ito kung kaya't kung nais mong umuwi sa iyong pamilya ay pwedeng-pwede" nakangiting sabi ni Pablo na ikinagulat at ikinangiti ni Isabelita, ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti nang maisip nyang hindi ito tama.

"Maraming salamat po, Señor! Ngunit hindi naman po yata tama na ako'y pahintulutan nyong umalis habang ang ibang kasambahay ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho" mahabang salaysay ni Isabelita, natawa naman ng mahina si Pablo.

"Hindi lang naman ikaw ang aking pahihintulutang umuwi" natatawang sabi ni Pablo na ikinalaglag muli ng panga ni Isabelita, agad syang napatalikod kay Pablo at napapikit ng mariin dahil sa hiya.

Isabelita! Ano na namang kahihiyan ang iyong ginawa! Nakakahiya ka!

Dahil hindi na makayanan ni Isabelita ang nakakailang na katahimikan ay agad na syang nagpaalam kay Pablo at kumaripas ng takbo paalis, tumigil sya sa pwesto kung saan iniwan nya ang timba na hawak nya kanina. Nagtaka sya kung bakit wala na ang timba roon, nagtataka man ay nagtungo na siya sa loob dahil maggagabi na rin at nararapat lang na wala na sya sa labas.

ORAS na ng pahinga ng mga kasambahay at mga trabahador, nakahiga si Isabelita banig at paulit-ulit na gumagalaw sa kanyang higaan sapagkat sya'y hindi makatulog. Gumugulo sa kanyang isipan si Señor Pablo, hindi nya rin maunawaan kung bakit. Pilit nyang inaalis sa kanyang isipan si Pablo ngunit hindi nya magawa, hindi nya maintindihan kung bakit ganoon makitungo si Señor Pablo hindi tulad ng ibang kastila.

Bakit ba kasi ganoon ang ugali ni Señor Pablo?! Nakakainis! Ngunit ika'y huwag ngang mag isip ng kung anu-ano, Isabelita! Sadyang mabait lang si Señor Pablo! Huminga ka, Isabelita!

KINABUKASAN, maagang gumising si Isabelita. Inatasan ang ibang kasambahay na magluto, punasan ang lamesa, at iba pa. Habang si Isabelita naman ay inutusan ni Manang Juana na pumitas ng mga bulaklak ngunit humingi ng pahintulot sa nagbabantay ng hardin. Umalis si Isabelita dala-dala ang bilao na paglalagyan nya ng mga bulaklak. Magiliw nyang binati ang mga trabahador sa Hacienda Natividad.

Nang makarating si Isabelita sa hardin ay natanaw nya ang isang matandang lalaki na si Mang Renato, sya ang nagbabantay sa hardin ng Santa Prinsesa. Malaki ang bayan ng Santa Prinsesa. Mayroon ditong simenteryo, ilog, palengke, mga hacienda ng mga mayayaman at kilalang pamilya, simbahan, munisipyo, hardin, daungan, at mga barrio ngunit malayo-layo ito kung nasaan sya ngayon.

"Magandang umaga hija, ano ang iyong pakay?" Nnakangiting salubong ni Mang Renato kay Isabelita, napangiti naman si Isabelita dahil sa kabaitan ng matanda. Mapapansin na ang katandaan nito at mga puting buhok, kulubot na rin ang balat nito, maputi si Mang Renato dahil sya'y may dugong intsek. Ngunit kahit matanda na ito ay mapapansin pa rin ang kagandahang lalaki nito, paniguradong noong kabataan ay kay guwapo nito.

"Magandang umaga rin po, ako po si Isabelita at kasambahay po ako sa Hacienda Natividad. Inutusan po ako ng aming mayor doma na si Manang Juana na mamitas ng bulaklak sa Harding ito kung inyo pong pahihintulutan" nakangiting sabi ni Isabelita, tumango-tango naman si Mang Renato.

"Ako'y natutuwa sapagkat ika'y nag-abalang magpaalam sa akin. Pinahihintulutan kitang mamitas sa hardin ng Santa Prinsesa ngunit huwag mong ubusin, ha?" Biro ni Mang Renato na ikinatawa nilang dalawa.

"Paalam na rin Binibining Isabelita, ako'y uuwi na sa aking tahanan. Maiwan na kita" saad ni Mang Renato sabay tapat ng kanyang sumbrelo sa kanyang dibdib.

"Paalam rin po Mang Renato! Mag-iingat po kayo!" Magiliw na sabi ni Isabelita, tuluyan nang umalis si Mang Renato kung kaya't tumuloy na sa loob si Isabelita.

Biglang kumislap ang mata ni Isabelita nang makita ang magagandang bulaklak at rosas sa loob ng hardin, kay gaganda rin ng bunga ng mga bulaklak kung kaya't hindi mapigilan ni Isabelita ang pagkislap ng kanyang mga mata. Dahan dahan syang pumipitas ng bulaklak sa hardin ng may ngiti sa labi, bigla syang lumapit sa hilera kung saan naroon ang mga rosas. Agad syang lumapit sa rosas na kulay lila at nakangiting inamoy ito, sa lahat ng mga bulaklak ay rosas ang pinakapaborito nya. Ang kulay lilang rosas.

Umikot sya habang hawak-hawak ang isang pirasong rosas kasabay ng pag-ikot ng kanyang saya. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagdilat nya, ngunit laking gulat nya ng may lalaking tumambad sa kanyang harapan...

Si Pablo Natividad.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top