TAA KABANATA 33
[Kabanata 33]
NANG mabasa ni Don Tiburcio ang liham ni Pablo para sa kanya, labis syang nabigla. Napahawak sya sa kanyang puso, kaya pala. Kaya pala palagi na lang kumikirot ang kanyang puso, maging ang kanyang Ina at Ama ay namatay din sa sakit sa puso. Akala nya ay hindi na ito tatalab pa sa kanya sapagkat matagal na rin syang nabubuhay sa mundo ngunit hindi, nagkamali pala sya. Napapikit sya sa sobrang inis.
"Walang kwentang buhay ito!" galit na sigaw ni Don Tiburcio, kinuha na nya ang kanyang mga gamit at umalis na roon.
MAKALIPAS ang ilang araw ay nakarating na sya sa Santa Prinsesa, natagpuan nya ang kanyang anak na nakangiting naghihintay sa kanya sa daungan. Napangiti rin sya at kasabay niyon ay ang pangingilid ng kanyang luha, mayroon lamang syang sasabihin kay Victorina at aalis na rin sya papuntang Maynila upang maipagamot ang kanyang sakit sa puso.
"Ama! Maligayang pagbabalik!" nakangiting sabi ni Victorina, napangiti naman si Don Tiburcio at yinakap ang kanyang anak.
Sumakay na sila sa kanilang kalesa at dumiretso sa Hacienda Angeles, habang nasa gitna sila ng byahe ay natanaw nya si Binibining Angelita Sevilla na nakatingin sa kalangitan. Nagtaka naman si Don Tiburcio ngunit isinawalang bahala na lang nya ang kanyang nakita, pagkauwi nila sa Hacienda Natividad ay dumiretso na sila sa loob.
"Ama, kamusta po?" tanong ni Victorina sa kanyang Ama, binigyan sila ng makakain ng mga kasambahay.
"Ayos lang anak... Ngunit ako'y lilisan na rin sapagkat may importante akong pupuntahan, umuwi lang ako rito sapagkat mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo" seryosong saad ni Don Tiburcio.
"Ano iyon?" tanong ni Victorina, huminga ng malalim si Don Tiburcio bago ikwento kay Victorina ang kanyang mga nalaman tungkol kay Pablo...
Kagigising lang ni Don Tiburcio at napahawak sya sa kanyang puso, napatingin sya sa kapaligiran. Ang huli nyang naalala ay nakasalubong nya si Pablo at bigla na lamang syang nawalan ng malay, napatingin sya sa kadadaan lang na guardia personal. Tinawag nya ito, napatingin naman sa kanya ang isang guardia personal at agad nagbigay galang.
"Kilala mo ba si Pablo Natividad?" tanong ni Don Tiburcio sa guardia, tumango naman ito.
"Nasaan sya ngayon?" tanong ng Don, nagkibit-balikat naman ang guardia.
"Hindi ko po alam Don Tiburcio, nagmadali po syang umalis kanina" nakayukong saad ng Guardia, nakaramdam naman ng inis si Don Tiburcio. Sisigawan na nya sana ito ng bigla itong magsalita.
"N-ngunit alam ko po kung saan sya palagi nagpupunta" saad ng guardia, humupa naman ang inis ni Don Tiburcio.
"Saan?" tanong ng Don.
"Doon po sa unang Barrio, taga roon po kasi ako. Isang beses ay nakita ko po syang may kausap na binibini roon" saad ng Guardia, nagulat naman si Don Tiburcio. Paniguradong kapag nalaman ito ni Victorina ay masasaktan ito.
"Sino?!" pasigaw na tanong ni Don Tiburcio.
"Sa aking pagkakaalam, sya po ay si Isabelita. Isabelita Baltazar" sagot ng guardia, lalo namang nabigla si Don Tiburcio. Napahawak muli sya sa kanyang puso.
"Baltazar?!" gulat na Tanong ni Don Tiburcio, tumango naman ang guardia. Agad tumayo si Don Tiburcio ngunit bigla rin syang napaupo dahil kumirot ang kanyang puso, agad namang umalalay ang Guardia ngunit tinanggihan ito ng Don.
"Halika na! Dalhin mo ako sa unang Barrio na iyon!" sigaw ni Don Tiburcio, sumakay na sya sa kanyang kalesa at isinama nya ang guardia na iyon. Nang makarating sila sa unang Barrio ay itinuro ng guardia kung taga-saan ang pamilya Baltazar, nang makarating sila roon ay dahan-dahang pinagmasdan ni Don Tiburcio ang mga tao roon.
Nakita nya ang buhay ng pamilya Baltazar, ang simpleng buhay. Nakita nya ang isang dalagita na mayroong maputing kutis. Sa madaling salita, isa itong mestiza. Sakto namang kalalabas lang ng isang matandang lalaki na labis na nagpabigla ngayon kay Don Tiburcio... Si Romolo, Romolo De Guzman.
Nangilid ang luha ni Don Tiburcio, hindi nya akalain na sa makalipas na ilang taon ay muli nyang matatagpuan ang pamilya De Guzman na kay tagal nang pinabagsak ng kanyang pamilya. Ang pamilya De Guzman na pinalitan ang kanilang apilyedo upang itago ang kanilang pagkakilanlan, ang pamilya De Guzman na syang tuny na namumuno noon sa Santa Prinsesa.
Naalala nya pa ang sinabi ng kanyang lolo na pinalitan ng pamilya De Guzman ang kanilang apilyedo upang hindi na sila makilala pa, hinayaan lang ito ng pamilya Angeles sapagkat nais nyang makita ang pamilya De Guzman na maghirap. Dahil sa sobrang pagkabigla ay nahimatay na si Don Tiburcio.
Pagkagising nya ay nasa silid na nya muli sya, napatingin sya sa kanyang gilid at natagpuan nya ang isang liham. Pagkatapos nyang basahin iyon ay labis syang nabigla, nagmadali syang umalis doon at naglakbay pabalik sa Santa Prinsesa.
"Aking nalaman na mayroong kinikita na babae si Pablo at ang babaeng iyon ay dating naninilbihan sa Hacienda Natividad na si Isabelita Baltazar" saad ni Don Tiburcio na ikinagulat ni Victorina, kilala nya ang pamilya Baltazar. Nagsalubong ang kanyang kilay at kumuyom ang kanyang kamao.
"Sadyang salot sa ating buhay ang pamilyang iyan!" galit na sigaw ni Victorina, tinapik naman ni Don Tiburcio ang likod ng kanyang anak.
"Ikaw na ang bahala, may mahalaga pa akong pupuntahan. Paalam anak ko" nakangiting sabi ni Don Tiburcio, tumayo si Victorina at yinakap muli ang kanyang ama. Umalis na si Don Tiburcio sa kanilang hacienda at dumiretso sa Maynila upang magpagamot.
Pagpanik ni Victorina sa kanyang kwarto ay napasigaw sya sa inis, hinagis nya ang lahat ng gamit na kanyang makikita. Napatingin sya sa sumbrelo na ibinigay ni Rosa sa kanya, nangilid ang luha nya ng maisip na si Isabelita ang pinagbigyan ni Pablo ng sumbrelo na iyon. Tuluyan na syang tumangis at napaupo na lang sa sahig, sa isip ni Victorina ay sisiguraduhin nya na hindi nya palalagpasin ang pangyayaring ito.
Ang pamilya De Guzman na naging mabait at mapagmahal sa lahat ng tao lalong-lalo na sa Santa Prinsesa, ang dating pinuno ng Santa Prinsesa na labis na minamahal ng mga tao. Ang pamilya De Guzman na pala-kaibigan at nabubuhay sa marangyang buhay, ngunit lahat ng iyon ay naputol nang dahil sa inggit. Ang inggit ng Pamilya Angeles sa Pamilya De Guzman na naging dahilan ng pagbagsak noon ng pamilya De Guzman.
Na ngayo'y naging pamilya Baltazar na, ang dating marangyang buhay na ngayo'y nasa mahirap na buhay na. Ang pamumuhay ng pamilya Baltazar na hindi karapat dapat para sa kanila, ang makulay na Pamilya De Guzman na ngayo'y bagsak na.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top