TAA KABANATA 31

[Kabanata 31]

"U-UMUWI na tayo, Patricio" nakayukong saad ni Isabelita, tatanggi pa sana si Patricio ngunit pakiramdam ni Patricio ay nauunawaan nya ang sitwasyon ng kanyang ina kung kaya't nanahimik na lang sya.

"Maaari kang bumalik bukas, ngunit huwag muna ngayon sapagkat gulong-gulo pa ang aking damdamin" nakayuko muling sabi ni Isabelita, tila nakaramdam naman ng pag-asa sa kanyang puso si Pablo dahil sa sinabi ni Isabelita. Kusa syang napangiti maging ang kanyang puso.

"Maraming salamat, Te Amo..." puno ng emosyon na sabi ni Pablo, napatitig sandali si Isabelita sa matamis ngiti ni Pablo.

Tumango sa kanya si Isabelita at tumalikod na, si Patricio naman ay nginitian muna si Pablo bago tumakbo pasunod sa kanyang ina. Napangiti lalo si Pablo, ngunit dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi nang maisip ang tungkol sa batang si Patricio.

Anak ni Isabelita si Patricio ngunit... Sino ang Ama? May iba na bang asawa si Isabelita? Sa nakikita ni Pablo ay wala ngunit nais nya itong siguraduhin kung kaya't tumakbo sya papalapit kay Isabelita upang tanungin ito, nagulat naman si Isabelita nang tumambad muli sa kanilang harapan si Pablo.

"I-isabelita" hinahabol ang hiningang tawag ni Pablo.

"A-ano?" Tanong nya, labis na nagulat si Isabelita sa kanyang mga nalaman kung kaya't para na syang lumulutang ngayon.

"Nais kong malaman ang tungkol kay... Patricio" tumingin muna si Pablo kay Patricio bago nito banggitin ang pangalan nito, nagulat naman si Isabelita dahil sa sinabi ni Pablo.

"P-pakiusap, bukas ko na lamang sasagutin ang iyong katanungan" iyon lang at linagpasan na muli sya ni Isabelita, pakiramdam nito ay sobrang bigat na ng nararamdaman nya. Habang si Patricio naman ay nagtatakang tumingin kay Pablo.

"Po? Tungkol sa akin?" nagtatakang tanong ni Patricio na naiwan, tumango naman si Pablo.

"Ako po si Patricio, anak ni Inay Isabelita. Ang--" hindi na natapos ni Patricio ang kanyang sasabihin dahil tinawag na sya ng kanyang ina.

"Bukas ko na lang po sasabihin! Paalam po!" nakangiting pamamaalam ni Patricio bago kumaripas ng takbo papunta sa kanyang Ina, napahinga ng malalim si Pablo at wala sa sariling napangiti.

Nararamdaman na nya, nararamdaman na nyang may kaugnayan sa kanya si Patricio.

SA kabilang banda, labis na nagtataka si Victorina dahil hindi pa rin umuuwi si Pablo. Paulit ulit syang bumubuntong hininga, wala syang gana ngayon sapagkat wala pa rin ang kanyang pinakamamahal. Bigla syang napatingin sa mamahaling sumbrelo na nasa kanyang harapan, ang sumbrelo na ibinigay sa kanya ni Rosa noon...

"Anong gagawin ko riyan?" kunot noong tanong ni Victorina kay Rosa, kararating lang ni Rosa sa kanyang silid at may dala itong sumbrelo... Na pinapangarap nyang mabili.

"Pinabibigay ba sa akin iyan ni Pablo?" biglang napangiti si Victorina ng maisip nya iyon, ngunit tila gumuho ang mundo nya nang umiling si Rosa. Ang nais nya lang naman ay mahalin sya ni Pablo tulad ng nararamdaman nya para rito ngunit bakit tila hindi sumasang-ayon ang tadhana? Iyon ang labis na nagpadurog sa puso ni Victorina.

"Nakita ko po iyan sa kalesa ni Señor Pablo kanina, napag-alaman ko rin na sya ay may sakit" ani ni Rosa, nagulat naman si Victorina.

"At sino naman ang pagbibigyan nya nito?" tanong ni Victorina, ang tinutukoy ay ang sumbrelo.

"H-hindi ko alam Señora..." puno ng kasinungalingan na saad ni Rosa, ngunit ang totoo nyan ay nahuhulaan na nya kung sino ang pinagbigyan ni Pablo ng sumbrelo. At iyon ay walang iba kung hindi si... Isabelita.

Namalayan na lang ni Victorina na nakatitig na pala sya sa sumbrelong iyon, bumuntong hininga sya nang mangilid ang luha nya. Labis syang naiinis sa kanyang sarili at maging sa tadhana, hinayaan nyang tumulo ang kanyang luha at ipinikit na lang ang sakit.

KINABUKASAN, maaga pa lang ay inasahan na ni Isabelita na darating si Pablo. Kanina pa sya palingon-lingon ngunit wala pa ring Pablo na tumatambad sa kanyang harapan, biglang may sumiko sa kanyang tagiliran kung kaya't bumalik ang kanyang ulirat.

"Kanina ka pa palingon-lingon at tila may hinahanap, ah? Ikaw ba ay may hinihintay?" panunukso ni Glenda kay Isabelita, napasimangot naman si Isabelita at umiling.

"Wala! Paniguradong hindi naman iyon darating" hindi nya intensyong saktan ang kanyang sarili ngunit ganoon na nga ang nangyari, bumuntong hininga na lang sya at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Darating iyon panigurado, baka naman sya'y abala lang sa kanyang trabaho" nakangiting sabi ni Glenda, napangiti naman ng kaonti si Isabelita at tumango. Si Glenda ang kanyang naging karamay sa kanyang buhay pag-ibig, si Glenda na naging saksi sa pagiging masaya at malungkot ni Isabelita dahil sa pag-ibig.

PAPALUBOG na ang araw at naghihintay pa rin si Isabelita kay Pablo, nasa dalampasigan na sya ngayon ng kanilang probinsya at dinadama ang sariwang hangin. Hawak-hawak nya ngayon ang rosas na ibinigay sa kanya ni Pablo, pitong taon na ang nakalipas. Pitong taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay si Pablo pa rin ang laman ng kanyang puso, mga bagay na kailanman ay hindi nya magagawang tanggihin.

Makalipas ang ilang oras ay may naramdaman syang presensya, napangiti sya at lumingon sa kanyang likod ngunit tila nawalan na naman ng kulay ang kanyang buhay nang makita na si Tina pala ang kanyang nasa likod. May dala-dala itong bayong.

"Ate Isabelita! Magandang gabi! Isasauli ko na po sa inyo ito!" nakangiting sabi ni Tina at ininguso ang mga bayong na dala nya, napasimangot naman si Isabelita.

"Dalhin mo na lamang iyan sa aming tahanan" walang ganang saad ni Isabelita, napahawak naman si Tina sa kanyang dibdib.

"Hay, Ate! Pinaghirapan ko pang dalhin ito sa iyo! Sumaglit pa ako sa inyong tahanan upang tanungin kung nasaan ka at pagdating ko ay paaalisin mo rin ako!" pagdadrama ni Tina at tila maiiyak pa, napailing na lang si Isabelita.

"Sige na, sige na. Dalhin mo na iyan sa aming tahanan at daragdagan ko na lamang ang iyong sahod" mukhang hindi pa rin papayag si Tina kung kaya't dinugsungan nya pa ang kanyang sasabihin. "At pakiramdam ko ay mahal ka pa rin ng iyong dating kasin--" hindi na nya natapos ang kanyang sasahihin dahil napatili si Tina.

"Talaga?! Masusunod Ate Isabelita! Kung nais mo pa nga ay tumakbo ako nang mabilis" iyon lang at nagpaalam na si Tina at umalis na parang hangin sa kanyang harapan, napailing muli si Isabelita dahil mukhang mahal pa rin nito ang dati nitong kasintahan.

Humarap na muli sya sa dalampasigan at pinagmasdan ang napakagandang buwan na syang nagbibigay liwanag sa buong kapaligiran. Napasimangot sya ng may maramdaman muling presensya, malamang ay si Tina na naman iyon. Magsasalita na sana si Isabelita ngunit napatigil sya nang makita si Pablo sa kanyang harapan. Nakangiti ito sa kanya, napatayo bigla si Isabelita.

"Paumanhin kung ako'y nahuli mi amor, maraming salamat sa paghihintay..." hindi na mawala pa ang ngiti ni Pablo sa kanyang labi dahil nagawa syang hintayin ni Isabelita kahit gaano pa katagal.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top