TAA KABANATA 29
[Kabanata 29]
PAGPASOK ni Pablo sa loob ng palengke ay dumiretso sya sa lugar kung saan natagpuan nya si Isabelita, ang kanyang puso ay sinasabi na si Isabelita iyon ngunit nais nya pa ring makumpirma ito. Nang makarating sya roon ay nakita nya muli ang babaeng napagtanungan nya kagabi ngunit sinabi nito na huwag muna syang tanungin ngayon, si Tina.
"Magandang Umaga... Maaari na ba kitang tanungin ngayon?" tanong ni Pablo kay Tina, nagulat ito nang makita muli ang binatang tinanong sya kagabi. Base sa kasuotan nito ay mapapansing galing ito sa mayamang pamilya kung kaya't agad nagbigay galang si Tina kay Pablo.
"Patawad po Señor kung hindi ko nasagot ang inyong katanungan kahapon, ngunit ano nga po ulit iyon?" tanong ni Tina, nabuhayan naman ng loob si Pablo dahil mukhang hindi ito nagsisinungaling sa kanya.
"Muli, maaari ko bang malaman kung sino ang binibining tumakbo kahapon?" tanong ni Pablo kay Tina, napaisip naman si Tina kung sino nga ba ang kanyang amo.
"Si--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang may putok ng baril na naghari sa buong kapaligiran, nagulantang ang mga taong nasa palengke. May hinahabol ang mga guardia sivil ngunit ayaw pa rin nito tumigil sa pag takbo, napasigaw naman si Tina nang bigla syang hatakin ng magnanakaw at tinutukan ng kutsilyo.
"Lumayo kayo! Kung hindi, papatayin ko ang binibining ito!" pananakot ng magnanakaw, walang nagawa ang mga guardia sivil kung hindi ang tuluyang barilin ang magnanakaw. Tatakbo na sana paalis si Tina ngunit naalala nya ang paninda ng kanyang amo kung kaya't kinuha nya muna ang mga ito at linagay sa bayong.
"S-sandali" naguguluhang wika ni Pablo.
"P-paumanhin ngunit nabigla ako sa pangyayari, sa susunod mo na lamang ako tanungin sapagkat ako'y nagkaroon na ng takot dahil sa pangyayari" saad ni Tina at dali-daling umalis sa palengke, nanlumo naman si Pablo dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman nasagot ang kanyang katanungan.
Napatingin sya sa tatlong tindera na nakatingin sa kanya at para bang kinikiliti dahil sa pagtutulakan nito sa kabila ng putok ng baril na naghari sa buong kapaligiran kanina, kinuha na ng mga guardia sivil ang kawatan at dinala ito sa hukuman dahil sa tuhod lang naman ito nabaril. Naisipan ni Pablo na dito magtanong.
"M-magandang umaga mga Binibini, kilala nyo ba ang may-ari sa pwestong ito?" tanong ni Pablo.
"Ah! Oo naman Ginoo, si Tina po" pangunguna ng isang tindera ngunit umiling ang katabi nya.
"Susmaryosep! Ang may-ari nga raw at hindi ang tindera" ani naman ng isa pang tindera, tumango naman ang nasa kanan.
"Tama! Ang ibig sabihin, ang sagot sa katanungan ng guwapong ginoo na ito ay walang iba kung hindi si Isabelita" wik ng pangatlo, nagsitanguhan naman ang dalawa nyang katabi.
Tila tumigil naman ang pag-ikot ng mundo ni Pablo matapos malaman ang katotohanan, na tama nga ang kanyang nakita. Si Isabelita nga ang binibining nakita nya kahapon dito sa palengke, sa muling pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay nakaramdam na ng pananabik ang kanyang puso na muling makita ang si Isabelita.
"Maraming salamat mga Binibini, ngunit may isa pa muli akong katanungan... Maaari ba?" tanong ni Pablo, agad namang nagsitanguhan ang tatlo.
"Alam nyo ba kung saan nakatira ang binibining may-ari ng pwestong ito?" tanong ni Pablo sabay turo sa pwesto na wala na ngayong laman, napaisip naman sila.
"Ako! Alam ko! Sa ikatlong barrio sya nakatira" pangunguna muli ng tinderang nasa gitna, umiling ang nasa kaliwa.
"Hindi! Sa pangalawang barrio" ani naman ng nasa kaliwa, umiling naman ang nasa kanan.
"Mali kayo, pareho kami ni Isabelita ng barriong tinitirahan kung kaya't alam ko na sa unang Barrio sya nakatira. Ang barrio na pinakamalapit dito sa palengke" pagtatama sa kanila ng nasa kanan na tindera, napatango-tango naman ang dalawa. Napangiti naman si Pablo at nagpasalamat.
"Maraming salamat sa mga impormasyong inyong binigay mga Binibini, hanggang sa muli" nakangiting sabi ni Pablo at umalis na roon, muntik namang mahimatay ang tatlong tindera dahil sa ngiti ni Pablo na agad nagpahulog sa kanilang mga puso.
NAGTANONG-TANONG si Pablo kung saan ba ang unang Barrio, malapit lang naman ito at kayang-kaya lakarin kung kaya't linakad nya na lamang ito. Nang makarating sya sa unang Barrio ay sumalubong sa kanya ang malamig at sariwang hangin, dumaan sya sa isang diretsong daan hanggang sa mayroon ng kaliwa at kanan sa daan.
Napatingala si Pablo sa kalangitan at pumikit, hiniling nya na sana ay matagpuan na nya ang babaeng ilang taon na nyang hinahanap. nang ibaba nya ang kanyang tingin ay nangilid ang luha nya nang makita sya...
SISINTAYAD na sana si Isabelita upang maabot ang halamang gamot nang maunahan sya ng pamilyar na kamay, maging ang pamilyar na bango nito. Dahan-dahang napatingin si Isabelita sa kanyang tabi at nanigas siya sa kanyang kinatatayuan matapos makita ang lalaking ilang taon na rin simula nang iwanan niya...
Si Pablo.
Hindi nya alam kung ano ba dapat ang gawin, nanatili syang nakatitig sa mga mata ni Pablo. Nakikita ni Isabelita ang halo-halong emosyon na namumutawi ngayon sa mga mata ni Pablo, nangilid na ang luha nya at pilit na iginalaw ang kanyang katawan. Tumalikod sya at akmang aalis na ngunit hinawakan ni Pablo ang kanyang palapulsuhan, sa muling pagkakataon ay nakaramdam sya ng kung anong kuryente sa kanyang katawan na ilan taon na nya ring hindi naramdaman.
Pinangingiliran ng luha si Isabelita bago muling ibinalik ang tingin kay Pablo, ang ekspresyon ng muka ni Pablo ay punong-puno ng emosyon. Naputol lang ang kanilang mapait na pagtititigan nang biglang maramdaman ni Isabelita na may dahan-dahang humahatak sa kanyang saya.
"Inay, nakuha nyo na po ba ang halamang gamot? Ang sakit po oh" tila maiiyak nang saad ni Patricio sabay turo sa kanyang sugat sa tuhod, lalong pinangiliran ng luha si Isabelita dahil sa pagkakataon pa talaga na ito dumating ang kanyang anak. Si Pablo naman ay nagulat dahil tinawag ng batang nasa kanyang harapan na inay si Isabelita.
"I-isabelita... May anak ka na?" gulat na tanong ni Pablo, naguguluhan sya sa pangyayari. Hindi nya alam kung may asawa ng iba si Isabelita at may sarili ng anak ngunit sa kabilang banda, maaari ring sabihin na anak nya ito.
Napatingin pareho si Isabelita at Pablo kay Patricio dahil tumulo na ang luha nito, mukhang mahapdi na ang sugat nito. Nagulat naman si Isabelita at dali-daling pumitas ng halamang gamot, ilinagay nya ito sa sugat ng kanyang anak ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Hindi alam ni Pablo kung bakit tila nakaramdam sya ng kirot sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang dalawa.
"S-sandali, hindi ganyan ang tamang pag lagay" palibahasa'y doktor, alam ni Pablo na hindi tama ang paglagay ni Isabelita ng halamang gamot sa sugat ng bata. Napatayo naman si Isabelita at nababahalang tinignan si Pablo.
"G-ganoon ba..." nawawala na sa sariling saad ni Isabelita. Lalong naging emosyonal si Pablo habang nakatingin ng diretso kay Isabelita dahil makalipas ang ilang taon, narinig nya muli ang boses nito na kay tagal na nyang hinihintay.
"H-hayaan mong ako ang gumamot sa kanya" saad ni Pablo at lumuhod sa tapat ni Patricio upang makapantay ito, dahan-dahan at maingat nyang ilinagay sa sugat ni Patricio ang halamang gamot. Ang pangyayaring iyon ay labis na naging masakit para kay Isabelita dahil ipinagkait nya sa kanyang anak ang pakiramdam na magkaroon ng isang ama.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top