TAA KABANATA 27
[Kabanata 27]
Setyembre, 1815
NASA byahe ngayon si Pablo papunta sa kanyang kausap tungkol sa kanilang negosyo, pagkababa nya ay sumakay sya sa kalesa upang dumeretso na sa bahay ng Don. Didiretso na sana sya roon nang mapadaan sya sa palengke, naalala nya ang kanyang kuya at ang asawa nito na nasa Hacienda Natividad muna naninirahan.
"Manong maaaari po bang itigil mo muna ang kalesa sapagkat may bibilhin ako saglit? Dadagdagan ko ang salaping ibabayad sa iyo" ani ni Pablo, agad namang pumayag ang kutsero. Bumaba na si Pablo at dumiretso sa loob ng palengke, habang patuloy syang naglalakad ay hindi nya makita ang kanyang hinahanap kung kaya't nagtanong na sya.
"Paumanhin, maaari po bang magtanong kung saan may nagtitinda ng mga prutas dito?" tanong ni Pablo sa isang matandang babaeng tindera.
"Doon, dumiretso ka lamang sabay kanan at makikita mo ang hinahanap mo" ani ng matanda, nagpasalamat naman si Pablo at sinundan ang direksyon na sinabi ng matanda. Nais nyang bilhan ang asawa ng kanyang kapatid sapagkat sa ikalawang pagkakataon ay nagdadalang tao muli ito at gusto ng mga prutas. Nang makarating sya roon ay napatigil sya sa paglalakad matapos makita ang hindi inaasahang tao...
MAAGA pa lang ay gumising na si Isabelita at inihanda ang kanyang mga paninda, nang maayos na nya ito ay ginising na nya ang kanyang anak. Naligo na ito at nagbihis, matapos niyon ay sumunod na sya sa kanyang ina na nasa labas at naghihintay sa kanya. Kausap nito si Glenda, ang kanyang tiya.
"Oh, nariyan na pala si Patricio. Sige na at pumunta na kayo sa palengke, mukhang maraming mamimili ngayon" wika ni Ate Glenda, tumango naman si Isabelita at nagpaalam na sa kanyang ate. Nagpaalam na rin sya sa kanyang pamilya bago dumiretso sa palengke.
Tulad ng dating gawi, isinaayos nya ang kanyang mga panindang prutas at gulay pagkarating sa pamilihan. Napatingin bigla sa kanyang harapan si Isabelita nang bumungad doon ang kanyang katiwala na si Tina, si Tina ang tumutulong kay Isabelita sa pagtitinda. Minsan ay wala ito sapagkat may iba rin itong trabahong pinupuntahan.
"Tina! Narito ka pala" nakangiting pag bati ni Isabelita sa kanyang katiwala, nakangiting tumango naman si Tina.
"Opo Ate Isabelita" nakangiting sabi ni Tina, mas matanda si Isabelita kaysa kay Tina. Napatingin sya kay Patricio na nagtatago ngayon sa likod ng kanyang ina, natawa naman ang dalawa dahil natatakot pa rin ito kay Tina.
Ang itsura ni Tina ay sadyang nakakaagaw ng atensyon, pataas na talaga ang kanyang kilay at kapag tumingin ka rito ay akala mo'y tinatarayan ka nya. Maganda ito, kayumanggi ang balat, bilugan ang mata, katamtaman ang haba ng buhok.
"Mukhang takot pa rin sa iyo ang anak ko" natatawang sabi ni Isabelita.
"Patricio, huwag ka nang matakot sa akin. Ang mukha ko lamang ang mataray at hindi ako" nakangiting sabi ni Tina, tinignan ni Patricio ang kanyang Ina at natatawa itong tumango. Sa unang pagkakataon ay nginitian ni Patricio si Tina dahilan upang matuwa ito.
Nag-umpisa nang dumami ang mga mamimili kung kaya't naging abala na sila, si Tina ang taga-sigaw na bumili na sila habang si Isabelita naman ang nagtitinda at nagbibigay ng mga binibili. Habang si Patricio naman ay taga-lagay ng salapi sa bulsa ng kaniyang ina, pinapaypayan nya rin ang kanyang ina at ang kanyang Ate Tina.
Habang patuloy na nagtitinda si Isabelita ay napatigil sya nang makita ang hindi inaasahang tao, labis syang nabigla. Napakurap pa sya ng dalawang beses at tama nga, ang lalaking iyon ay ang kanyang minamahal. Ang lalaking tanging nagpatibok ng kanyang puso, ang taong walang iba kung hindi ang ama ng kanyang anak.
Si Pablo Natividad.
Maging si Pablo ay napatigil nang makita si Isabelita, agad namang naalerto si Isabelita. Binuhat nya si Patricio at dali-daling umalis sa lugar na iyon. Nagulat naman si Pablo sa pangyayaring iyon, hindi nya alam kung totoo ba na nakita nya si Isabelita o namalik-mata lang sya.
Naghalo-halo naman ang kanyang emosyon, lumapit sya sa tindera na naiwan doon na mukhang nagulat din sa pag-alis ni Isabelita at Patricio.
"B-binibini, maaari ko bang malaman kung sino ang binibining tumakbo?" tanong ni Pablo habang nakatingin pa rin sa direksyon kung saan tumakbo paalis si Isabelita, ang mas lalo pang nagpapaisip ngayon kay Pablo ay kung bakit may buhat-buhat itong isang bata.
"P-po? Paumanhin ngunit nabigla rin ako sa pangyayari, mamaya mo na lamang ako tanungin sapagkat kumikirot pa ang aking puso sa pang-iiwan sa akin ng aking sinisinta" ani ni Tina at tila maiiyak na, nagulat naman si Pablo at hindi malaman kung saan ba sya dapat magtanong upang makumpirma na si Isabelita ang nakita nya.
Ngunit sa pagkakataong iyon, nabuhayan ng pag-asa si Pablo na maaari ngang naririto ang kanyang pinakamamahal na hanggang ngayon ay kay tagal nya pa ring hinihintay.
NAGTUNGO na si Pablo sa Don na kanyang kakausapin ngunit hindi na sya mapakali pa, mabilis nyang tinapos ang usapan at umalis na roon. Hindi nya alam kung saan ba hahanapin si Isabelita dahil sa laki ng probinsya na iyon, ang tanging pangako nya lang sa kanyang sarili ay babalik sya rito.
Sa Cavite nakatira si Isabelita at ang pamilya nito ngunit ngayo'y lilisan na si Pablo. Sumakay sya sa barko upang bumalik sa Santa Prinsesa, matapos ang tatlong araw ay nakabalik na sya. Walang sumundo sa kanya sa daungan dahil si Don Emillio at Doña Normita ay nasa Europa at si Paciano naman ay abala sa kanyang asawa, isa pa ay hindi nya rin naman kailangan at gusto.
Bumili muna ng prutas si Pablo sa palengke ng Santa Prinsesa na hindi natuloy noong nakalipas na tatlong araw bago sya umuwi.
Pagkauwi nya sa kanyang hacienda, naabutan nya si Paciano at ang asawa nito na nagtatalo dahil sa maliit na bagay. Mapait syang napangiti dahil sa ilang taon at dekada nyang pamumuhay sa mundo, kailanman ay hindi nya naranasan ang mga ganoong bagay.
"Paciano! Kanina ko pa sinasabi sa iyo na bumili ka ng prutas hindi ba?!" galit na tanong ng asawa ni Paciano.
"Ngunit mahal, tuwing aalis naman ako upang bilhan ka ay bigla kang magagalit sapagkat sinasabi mo na iiwan kita kahit hindi naman" depensa ni Paciano, isa syang matapang na heneral ngunit pagdating sa kanyang asawa ay nagiging kawawa sya.
Lalo namang nag-init ang ulo ng kanyang asawa, magsasalita na sana ito ngunit naramdaman nila ang presensya ni Pablo kung kaya't sabay silang napalingon dito.
"Para sa'yo Ate Imelda, nawa'y huwag na kayong masyadong mag-ingay sapagkat natutulog pa ang inyong panganay na anak" ani ni Pablo at binigay sa asawa ni Paciano ang prutas, tila nagliwanag naman ang buhay nito at agad nagpasalamat kay Pablo. Sumenyas ng pasasalamat si Paciano sa kanyang kapatid, tumango lang si Pablo at pumanik na sa kanyang kwarto.
Pagdating ni Pablo sa kanyang kwarto ay napatingin agad sya sa isang lilang rosas na nakadisenyo sa kanyang kwarto. Sa libo-libong pagkakataon ay muli syang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi nya pa rin natatagpuan ang saya sa kanyang puso.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top