TAA KABANATA 26

[Kabanata 26]

Pilipinas, 1808

KINABUKASAN matapos ang pangyayari sa hardin ng Santa Prinsesa ay pumunta si Pablo sa Barrio Kalinaw,  ngunit pagdating nya sa tahanan nila Isabelita ay wala nang tao roon.

"Paumanhin Ginoo ngunit wala nang nakatira riyan, kalilisan lang nila kani-kanina lamang" ani ng isang matanda, nakaramdam muli ng kirot sa kanyang puso si Pablo sapagkat tuluyan na syang iniwan ni Isabelita sa gitna ng laban...


SA mga lumipas na oras ay napag-isipan ni Pablo na hindi dapat sya basta tumunganga na lang at maghintay sa susunod na mangyayari, kailangan nyang labanan ang nakatakdang mangyari. Hindi nya nais na matali sa pamilya Angeles, at noong araw din na iyon, kinausap ni Pablo ang kanyang mga magulang.

"Ama... Ina... hindi ko po nais na maikasal kay Binibining Victorina" diretsong sabi ni Pablo sa kanyang mga magulang, nagulat naman ang mga ito.

"Ano anak? Ngunit paano na ang ating negosyo?" mahihimigan ang pagtutol sa boses ng kanyang ina.

"Ako... Ako na ang bahala sa ating negosyo. Ngunit pakiusap, hindi ko gusto na maikasal kay Victorina" pakiusap ni Pablo sa kanyang mga magulang.

"Ngunit Pablo, wala kang alam sa negosyo at abala ka pa sa iyong pagiging doktor" seryosong saad ni Don Emillo, desidido na si Pablo sa kanyang desisyon. Sya na ang mamamahala sa kanilang negosyo, gagawin nya ang lahat ng iyon sapagkat lalong masasaktan si Isabelita kapag naging ganap na mag-asawa na sila ni Victorina na kailanman ay hindi nya ninais mangyari.

"Pakiusap Ama at Ina, magtiwala po kayo sa akin" pakiusap ni Pablo, bigla namang dumating si Paciano na noo'y narinig ang kanilang usapan. Inakbayan nya ang kanyang kapatid.

"Pumayag na po kayo ama at ina, minsan lang naman humiling si Pablo kung kaya't sana ay pagbigyan nyo na sya. May punto naman sya sapagkat bakit nga ba hindi natin subukan na magtulong-tulong nang sa gayon ay maitaguyod natin muli ang ating negosyo? Kay sa naman magpakasal si Pablo sa taong hindi nya naman mahal" napangiti ng kaonti si Pablo dahil kinampihan sya ng kanyang kapatid, nagkatinginan naman ang mag-asawang Natividad.

Napahinga ng malalim ang kaniyang ina bago magsalita. "May tiwala ako sa'yo anak, ipauubaya ko na sayo ang ating negosyo" malumanay na ngumiti sa kanya si Doña Normita, tumango na rin si Don Emillio bilang pagsang-ayon. Ang naging desisyon ng kanyang mga magulang ay labis na nagpasaya kay Pablo dahil sa wakas ay malaya na syang makakagalaw at hindi na maiipit pa sa sitwasyong hindi nya naman ninais.

MATUTULOG na sana si Pablo nang biglang may kumatok sa kanyang kwarto, tumayo sya at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang kanyang kuya, bukas ay uuwi na ito sa Europa sapagkat tulad ng dati ay kailangan sya ng kanyang asawa.

"Kuya... Ano ang iyong sadya?" tanong ni Pablo, natatawang napailing-iling si Paciano.

"Kay bilis nga naman ng panahon Pablo, nagagawa mo nang ipaglaban ang iyong sarili. At nagagawa mo na rin iyon dahil sa salitang... Pag-ibig" nakangiting sabi ni Paciano, nagulat naman si Pablo dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Naaalala ko pa rin ang binibining kasambahay na nakita ko noong bumalik ako rito upang sabihin sa iyo na ako'y magiging Ama na, nang paghinalaan ko sya ng masama ay agad mo syang pinagtanggol. Napansin ko rin na kumikislap ang iyong mga mata noon habang pinagmamasdan mo sya. Sya nga ba ang iyong iniibig?" tanong ni Paciano, nagulat muli si Pablo dahil hindi nya akalaing mapapansin iyon ng kanyang kuya.

"Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noong nakaraang dalawang taon?" tanong ng kanyang kuya, napangiti naman si Pablo at tumango. Naaalala nya pa rin ang sandaling iyon, nang may sabihin sa kanya si Paciano bago ito pumuntang Europa...

Pilipinas, 1806

"Naniniwala ka ba sa kwinento ng matandang iyon?" nakangiting tanong ni Paciano ngunit umiling si Pablo, ikinasimangot naman iyon ni Paciano.

"Ako'y hindi naniniwala sa kapangyarihan" balewalang sagot ni Pablo, tumawa lang si Paciano.

"Ikaw ay maniniwala... Sa oras na nmakilala mo sya..." makahulugang saad ni Paciano, ang mga salitang binitawan ng kanyang kuya ay tila isang bala na tumama sa kanyang puso at hanggang sa kasalukuyan ay hindi nya nagawang malimutan.

Pilipinas, 1808

At sa mga nakalipas na ilang taon, doon nya lang napagtanto na ang tinutukoy ng kanyang kuya ay ang kapangyarihan ng pag-ibig. Dahil nagawa nyang ipaglaban sa kanyang mga magulang ang kaniyang kagustuhan para kay Isabelita.

Nang makalabas na si Paciano sa kanyang silid, hihiga na sana si Pablo sa kanyang kama nang may mapansin sya sa kanyang lamesa. Lumapit sya roon at kinuha ang isang liham, dahan-dahan nya iyong binuksan at binasa.

Mahal kong Pablo,

Kumusta? Hindi ko alam kung anong oras at araw mo ito binabasa ngunit nawa'y mabasa mo ito. Patawad sa kung ano man ang aking magiging desisyon, maligayang kaarawan din sa iyo mahal ko. Nawa'y maraming nakaalala sa iyong kaarawan sapagkat napakahalaga mo. Kung sakaling mang ikaw ay mangulila sa akin, pagmasdan mo lang ang lilang rosas kung saan iniwan ko ang pag-ibig ko sa iyo. Mahal kita, Pablo.

Nagmamahal,
Isabelita.

Ang liham na iyon ang nagbigay ng pag-asa kay Pablo na ipagpatuloy ang laban kahit na mag-isa na lamang sya, sa mga nakalipas na taon ay sa kanilang negosyo lang umikot ang kanyang mundo. At sa mga nakalipas na taon din ay muling umahon ang negosyo ng pamilya Natividad, labis na humanga ang kanyang pamilya sa mga nagawa ni Pablo. Nagawa pa nitong pagsabayin iyon kanyang propesyon.

Ngunit sa mga lumipas din na taon at panahon, hindi na nila nasilayan pa ang masayang Pablo. Palagi na lamang itong abala sa kanyang trabaho at hindi na naglaan ng oras para sa kanyang sarili. Minsan ay hindi pa ito namamansin at palagi itong walang gana, palagi lamang blangko ang ekspresyon nito na labis na ikinalungkot ng malalapit sa kanya.

Hindi nila alam kung paano ba muling mapangingiti at mapapasaya si Pablo, hindi na nga rin nila ito makausap sapagkat para lamang silang hangin sa tuwing makakasalubong nila si Pablo.

At sa puso ni Pablo, tanging si Isabelita lang ang makapagpapangiti at makapagpapasaya sa kanya na ilang taon nya ring hinahanap at hinihintay.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top