TAA KABANATA 25

[Kabanata 25]

Setyembre, 1815

MAGILIW na pinaliliguan ngayon ni Isabelita ang kanyang anim na taong gulang na anak, Si Patricio. Matapos nya itong paliguan ay binihisan na nya ito, pupunta sila ngayon sa kanilang pwesto sa palengke upang tulad ng dati ay magtinda ng mga prutas at gulay.

Nakangiting inayos ni Isabelita ang buhok ng kanyang anak gamit ang kanyang mga daliri, kay kulit nito at hindi mapirmi sa isang tabi kung kaya't napakamot na lang sa kanyang noo si Isabelita.

"Anak! Halika nga rito at inaayusan pa kita! Kay kulit mo talagang bata ka!" Ngunit tumawa lang ang kanyang anak, hindi naman nag tagal at napangiti na rin si Isabelita at hinatak papalapit sa kanya ang anak at niyakap ito.

"Mahal na mahal kita anak ko..." Emosyonal na saad ni Isabelita, tila bumalik na naman ang ala-ala ng nakaraan sa kanyang isipan.....

Kinabukasan matapos ang pangyayari sa Hardin ng Santa Prinsesa, bumyahe na pabalik sa kanilang probinsya ang pamilya Baltazar. Labis na natatakot si Isabelita sa magiging reaksyon ng kanyang kuya kapag nalaman nito na sya'y nagdadalang tao. Nang sila'y makauwi, nagtaka si Rolando at ang kanyang asawa na si Berna kung bakit napauwi ang kanyang mga magulang maging ang kanyang dalawang babaeng kapatid. Ang mas lalo pang nakakapag taka ay umiiyak si Nay Amor at si Glenda.

"Nay, Glenda, bakit kayo tumatangis? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Rolando, tumingin si Nay Amor at Ate Glenda Isabelita na ngayo'y humihikbi na.

"S-si Isabelita.... Nagdadalang tao sya..." Napatigil ang lahat ng marinig nila iyon, nagulat ang kanyang kuya at hindi rin makapaniwala.

Ngunit sa kabila noon, kaparehas ng desisyon ni Tay Romolo ang desisyon ni Rolando na tanggapin ang bata ng buong puso sapagkat wala itong kasalanan. Labis na ikinasaya ni Isabelita sapagkat hindi sya itinakwil ng kanyang pamilya bagkos ay tinanggap pa rin sya ng buong puso, ang pamilya na makakasama mo sa hirap at ginhawa....

Si Berna ang nagpa-anak kay Isabelita, ika-Dalawa ng Hulyo sya nanganak at sa araw na iyon ipinanganak ang masiglang bata na si Patricio. Noong nasa bandang apat na taon ang batang si Patricio ay tahimik lang ito ngunit dahil sa mga kasama nya sa bahay ay naging makulit na rin sya, pinaka nahawa sya ng kakulitan sa kanyang ina sapagkat napaka kulit nito at masiyahin. Sa probinsya nila lumaki ang bata at tanging ang kanyang lola, lolo, tita, tito, at ina lamang ang kasama.

"Mahal kita rin po Inay" matamis na sabi nito ay tumawa ng mahina, kinurot naman ni Isabelita ang pisngi nito dahil sa panggigigil.

Pagkalabas ni Isabelita at Patricio sa kanilang kwarto ay nakasalubong nila si Glenda na nagliligpit ng pinagkainan, napatingin rin sa kanila si Glenda at napangiti.

"Oh Isabelita! Kayo'y pupunta na ba sa palengke?" Tanong ni Glenda kay Isabelita sabay buhat sa kanyang pamangkin, hinalikan nya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"Oo Ate Glenda, nais mo bang sumama?" Tanong ni Isabelita ngunit umiling si Glenda.

"Hindi na, mayroon pa akong kikitain- p-pupuntahan pala" biglang sabi ni Glenda, napahawak sya sa kanyang bibig dahil nadulas sya.

"Nako Ate Glenda, huwag ka nang magsinungaling pa sa akin. Alam kong may kikitain ka" natatawang pang-aasar ni Isabelita sa kanyang ate, kinakabahan namang sumenyas si Glenda na huwag syang maingay.

"Oo Ate ako pa ba, ngunit... Mag-iingat ka" bilin ni Isabelita, nakangiting tumango si Glenda sa kapatid. Alam ni Glenda na may dahilan si Isabelita sa kanyang mga itinuran, nasa tamang edad na si Glenda at nais ng kanyang pamilya na ikasal muna sya bago magka-anak. Hindi nais ni Isabelita na magaya ang kanyang ate sa kanya.

"Aalis na kami Ate ah? Paalam maganda kong Ate" pang-aasar pa ni Isabelita, natawa na lang si Glenda at tumango. Lumabas na si Isabelita dala dala ang kanyang nga bayong, hawak nya naman ng mahigpit sa kamay ang kanyang anak.

Hindi pa sila nakakalayo sa kanilang bahay ay pinagtinginan na sila ng mga kapit bahay, ganoon naman palagi ang mga kapit bahay tuwing nakikita sila.

"Isabelita! Kay gwapong ginoo naman ng iyong anak!" Ani ng isang kapit bahay, sumang-ayon naman ang mga kasama nito. Ang ibang mga bata naman na kaedad ni Patricio ay nagtutulakan at kinikilig pa, sa murang edad ay marunong na silang humarot. Ngumiti naman si Isabelita at nagpasalamat.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad, inosenteng tumingin si Patricio sa kanyang Ina. Wala syang kaalam alam na sya pala ang pinag-uusapan ng mga kapit bahay. Ngumiti lang si Isabelita at ginulo ang buhok ng anak, tumigil sa paglalakad si Isabelita kung kaya't napatigil rin ang anak. Pinagmasdan ni Isabelita ang kanyang sarili mula sa repleksyon ng tubig, katatapos lang ng pag-ulan at hindi pa tuyo ang mga tubig sa sahig. Nakasuot sya ng simpleng baro't saya at bakya, nakapusod din ang kanyang mahabang buhok.

"Tara na anak ko, pumunta na tayo sa palengke" saad ni Isabelita, nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Nang makarating sila sa palengke ay dumeretso sila sa pwesto nila, ilinagay na ni Isabelita ang mga prutas at gulay sa patungan nito. Unti unti ay dumadami na ang mga tao sa loob ng palengke at marami ng nag bibilihan, ito ang naging bagong buhay ni Isabelita at kasama na roon ang kanyang anak na si Patricio.

Sa kabilang banda, kabababa pa lamang ni Pablo sa daungan sa Maynila. Napatingin sya sa malaking barko na nasa daungan, ang ibang mga tao ay napatingin roon at ang iba naman ay deretso pa rin sa paglalakad. Matagal nang may ganoong pangyayari sa pilipinas, tinatawag ang kalakalan na ito na Galleon Trade.

Ang Galleon Trade ay nagsimula noong 1565 at nagtapos noong ika-labing apat ng Setyembre taong 1815. Sa loob ng 250 taon, ang mga barko ng Espanya ay tumawid sa Dagat Pasipiko at nakikipagkalakalan sa iba't ibang mga kalakal tulad ng pampalasa, koton, jade, garing, sutla at ginto. Ang Manila Galleon Trade ay tumagal ng 250 taon at nagtapos noong 1815 sa giyera ng Mexico at ng kalayaan.

Nagpatuloy na sa paglalakad si Pablo sapagkat mayroon pa syang kailangang asikasuhin, ang kanilang negosyo. Ang negosyo na naging dahilan kung bakit hindi na muli pang nag sama si Isabelita at Pablo, kataka taka na inaasikaso nya pa rin ito. Hindi ba't nakatakda syang ikasal kay Victorina? Dapat ay matagal nang hindi naging problema ang negosyo ng mga Natividad, ngunit hindi.... Hindi natuloy ang kasal ni Victorina at Pablo at nangyari iyon dahil sa walang hanggang pag-ibig ni Pablo para kay Isabelita.....

********************
#TeAmoAdiós

Manila Galleon / Galleon Trade Source: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Manila_galleon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top