TAA KABANATA 24
[Kabanata 24]
HINAWAKAN naman ni Nay Amor ang palapulsuhan ni Isabelita upang tinulungan itong umupo ngunit napatigil sya nang may mapansing kakaiba, hinawakan nya ang bandang panga ni Isabelita at lalo syang nagulat matapos may mapagtanto. Kay lakas ng pintig ng pulso ng kaniyang anak, na maaaring ang ibig sabihin ay...
"A-anak, buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Nay Amor na ikinagulat nilang lahat. Nagulat si Glenda, Isabelita, at lalong-lalo na si Tay Romolo.
"P-po?" gulat na tanong ni Isabelita, hindi sa ganitong paraan nais ipaalam ni Isabelita na sya'y nagdadalang tao.
"K-kay bilis ng pintig ng iyong pulso" hindi na alam ni Nay Amor kung ano ba dapat maramdaman. Inalalayan naman si Isabelita ng kaniyang ate na umupo habang ngayo'y gulat na gulat pa rin ito sa mga narinig.
Sinubukan tatagan ni Isabelita ang kaniyang loob habang patuloy na nakayuko dahil wala na syang mukha na maiharap ngayon sa kanyang pamilya na ang tanging hangad lang ay bigyan sya ng maayos na buhay at kapalaran.
"N-nay, T-tay, Ate... P-patawad po" kusang bumagsak ang luha ni Isabelita matapos nyang magsalita, napahawak naman sa bibig si Glenda dahil sa pag-amin ni Isabelita sa balitang kailanman ay hindi nya inasahan.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Glenda, hindi naman makatingin ngayon ng diretso ni Isabelita sa kanyang pamilya na ngayo'y hindi na maipaliwanag pa ang nararamdaman. Nanginginig na napahinga ng malalim si Tay Romolo bago magsalita.
"Sino ang ama?" seryosong tanong ni Tay Romolo, napayuko naman si Isabelita. "S-si... Si P-pablo po" pakiramdam nya ay piniga na naman ang kanyang puso matapos nyang sabihin iyon lalo na ang pangalan ni Pablo.
"Hindi ito ang nais naming maging direksyon ng buhay mo Isabelita" sa boses ng pananalita ni Tay Romolo ay halatang dismayado sya at malungkot din, muling namuo ang luha sa mga mata ni Isabelita. Hindi sya ito.
"N-ngunit... Nariyan na, ano pa ba ang magagawa natin?" tanong ni Tay Romolo. "Ang kailangan na lang nating gawin ay tanggapin ito ng maluwag sa ating puso" pilit na iniintindi ni Tay Romolo ang sitwasyon.
"Walang kasalanan ang bata, walang kasalanan ang apo ko" ang mga salitang binitawan ng kanyang itay ay bumaon sa puso ni Isabelita, nabalot ng luha ang mga mata niya dahil sa labis na pag-intindi ni Tay Romolo sa sitwasyon na ngayo'y hindi nya rin lubos na maunawaan.
"Masakit man, ngunit kailangan kong tanggapin ang kapalaran ni Isabelita. May tiwala ako sa desisyon ng ating panginoon" saad naman ni Nay Amor, lumapit sila kay Isabelita at yinakap ito. Lumakas naman ang paghikbi ni Isabelita, hindi nya akalaing tatanggapin pa rin sya ng kanyang pamilya ng buong puso sa kabila ng kanyang kamalian.
"M-maraming salamat po, patawad po muli" tumatangis na sabi ni Isabelita, hinimas naman ng kanyang Ina ang kanyang ulo.
"Huwag ka nang lumuha anak ko" pagpapatahan ni Nay Amor, hinawakan ni Isabelita ang kanyang tiyan at pumikit habang nakasandal sa balikat ng kanyang ina.
Tatanggapin din kita mula sa aking puso, anak ko...
SA kabilang banda, kabababa pa lamang ni Pablo ay inilibot na nya agad ang kanyang paningin sa loob ng mansyon. Nagbabakasakaling makita si Isabelita ngunit nabigo sya, wala sa paligid ang kanyang minamahal. Napatigil sa paglalakad si Pablo nang makita nya si Segunda na tahimik na naglilinis, lumapit sya rito upang tanungin.
"Segunda, nasaan si... I-isabelita?" hindi magandang tignan na may hinahanap syang ibang babae sapagkat sya'y nakatakda nang ikasal kay Victorina ngunit dineretso na rin nya ito, nagulat naman si Segunda at nagbigay galang sa kanyang señor.
"Hindi na po maninilbihan pa ang aking kaibigan na si Isabelita rito po sa Hacienda Natividad" saad ni Segunda, nagulat naman si Pablo.
"A-ano? B-bakit..." hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.
"P-paumanhin po Señor ngunit ang bilin nya lang po sa akin ay ako na ang magpaalam sa kanya kung sakaling sa kanya'y may maghanap, hindi nya po sinabi ang dahilan kung bakit sya aalis at sinabi nya lang po sa akin kagabi na magtatapos na po ang kanyang paninilbihan dito sa Hacienda Natividad" mahabang salaysay ni Segunda.
"M-maraming salamat sa impormasyon na iyong ibinigay" matapos nyang sabihin iyon ay linagpasan na nya si Segunda, napaisip naman si Segunda kung bakit tila ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Pablo nang malamang hindi na maninilbihan pa si Isabelita sa Hacienda Natividad.
Pakiramdam nya ay may nabubuong pag-iibigan sa pagitan ng dalawa na hindi na dapat pa sapagkat si Señor Pablo ay ikakasal na kay Señora Victorina Angeles.
Habang si Rosa naman ay palihim na nakinig sa usapan kanina ni Segunda at Señor Pablo, labis nag-iinit ang kanyang ulo sapagkat palagi na lamang ganoon si Pablo kay Isabelita. Hindi nya ibabalita ang pangyayaring iyon kay Victorina, hahayaan nyang si Victorina mismo ang makatuklas na hindi sya ang mahal ng kanyang pinakamamahal na si Pablo. Napangisi si Rosa sa naisip nyang iyon bago lihim na umalis sa mansyon.
Hindi ngayon alam ni Pablo kung saan hahanapin si Isabelita, pumunta na lamang sya sa lugar na minsan na ring naging tagpuan nilang dalawa.
"A-ATE" tawag ni Isabelita sa kanyang Ate Glenda, nasa labas silang dalawa ng kanilang munting tahanan. Si Nay Amor at Tay Romolo ay nasa kani-kanilang lakad, napatingin naman si Glenda sa kanya.
"Bakit? May problema ba Isabelita?" nag-aalalang tanong ni Glenda sa kanyang nakababatang Kapatid.
"M-maaari ba akong pumunta sa hardin ng Santa Prinsesa? P-pakiusap, kahit sa huling pagkakataon na lamang" pakiusap ni Isabelita, pumayag na ang kanyang pamilya na umuwi na sa kanilang probinsya. Kataka-taka na pumayag agad ang kanyang mga magulang, alam ng may akda ang dahilan...
Pumayag si Tay Romolo at Nay Amor sapagkat napapansin nila na kakaiba ang tingin sa kanila ng mga guardia sivil lalong-lalo na sa kanilang dalawang dalaga, hindi kwestyonable ang kanilang kulay ng balat sapagkat kayumanggi na ito. Noong mga kabataan ni Tay Romolo ay maputi ang balat nito ngunit nang sila'y magkaanak ni Nay Amor, naging doble-kayod ang kanilang pamumuhay kung kaya't unti-unti na ring naging kayumanggi ang balat ng mag-asawa.
Ngunit ang kanilang dalawang dalaga ay sadyang kwestyonable ang kulay ng balat, mestiza ang mga ito na sadyang kataka-taka kumpara sa ibang indio na kauri nila ng pamumuhay.
"Hay, sige na nga Isabelita ngunit sasamahan kita. Mabilis lamang tayo roon, maliwanag?" tanong ni Ate Glenda, napangiti naman ng malawak si Isabelita bago mabilis na tumango. Tumingin muna sa paligid si Glenda bago sila patakas na paglalakad paalis.
HINDI nagtagal ay narating na.rin nila ang hardin ng Santa Prinsesa. "Kapatid ko, dito muna ako sa labas sapagkat sa aking palagay ay nais mong mapag-isa" nakangiting sabi ni Ate Glenda sa kapatid, ngumiti at tumango si Isabelita bago naglakad na papunta sa loob.
Walang katao-tao roon, wala rin si Mang Renato na syang nagbabantay rito. Habang papalapit sya ng papalapit sa rosas na syang naging saksi sa kanyang una't huling pag-ibig, pabigat din ng pabigat ang kanyang damdamin. Dahan-dahan nyang kinuha ang nag-iisang lilang rosas na iyon, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagbalik ng ala-ala nilang dalawa sa kanyang isipan...
Sinundan ng mga mata ni Pablo kung saan nakatingin si Isabelita at tumigil ang mga mata nya sa mga bituin, ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan. Tumikhim si Pablo upang mapunta ang atensyon ni Isabelita sa kanya, natupad naman iyon dahil napatingin sa kanya si Isabelita.
"Napakagandang gabi sa iyo Binibining Isabelita, Maaari ko bang maisayaw ang napakagandang binibini na nasa aking harapan ngayon?" nakangiting tanong ni Pablo sabay lahad ng kamay kay Isabelita, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ang pagtanggap ni Isabelita ang kamay ni Pablo.
Ilinagay ni Pablo ang isa nyang kamay sa baywang ni Isabelita, ang isang kamay naman ni Isabelita ay nasa balikat ni Pablo at ang isa nilang kamay ay magkahawak. Ito ang unang beses nilang dalawa na makahawak ng kamay ng isang tao maliban sa kanilang pamilya kung kaya't ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib nila, umihip muli ang malamig na hangin.
"Supongo que me gustas... y realmente lo hago (I guess I like you... And I really do)" wala sa sariling sambit ni Pablo habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Isabelita. Sa huling pagkakataon ay umihip ang malamig na hangin at kasabay niyon ay ang pagtingin nila ng diretso sa mga mata ng isa't isa.
Unti-unti nang inilapit ni Pablo ang kanyang mukha kay Isabelita, ipinikit naman ni Isabelita ang kaniyang mga mata at mainit na sinalubong ang halik ni Pablo. Ang sandaling iyon na hinding-hindi nila magagawang malimutan kailanman.
Nang idilat nya ang kanyang mata, kusang bumuhos ang luha sa mga mata nya matapos tumambad sa kanyang harapan ang kanyang iniibig, sinisinta, at minamahal. Ang lalaking walang iba kung hindi si Pablo Natividad.
"Sandali pa lamang kitang hindi nakikita ngunit bakit tila hindi ko na kayang mabuhay pa?" mahihimigan ang pait sa pananalita ni Pablo, napahinga ng malalim si Isabelita upamg pinigilan ang pagpatak ng kanyang luha.
"H-hindi na dapat kayo naparito Señor, hindi magandang makita ka ng mga taong may kasamang ibang babae lalo na't ika'y nakatakda nang ikasal" pilit linalabanan ni Isabelita na hindi bumigay sa kanyang pagiging matigas na tila isang bato sa paningin ni Pablo.
"Wala akong pakielam Isabelita. Pakiusap, bumalik ka na mahal ko..." nanginginig ang boses na pakiusap ni Pablo, tumalikod sa kanya si Isabelita sapagkat napuno na ng luha ang kanyang mga mata. Mabilis nya itong pinunasan.
"Hindi mo na dapat ako ibigin pa, ikaw at ako ay hindi para sa isa't isa" matigas na sabi ni Isabelita, hindi naman makapaniwala si Pablo na sumusuko na ngayon sa kanya si Isabelita. Pilit nya na lamang linabanan ang sakit na kanyang nararamdaman.
"P-pakiusap" dahan-dahang hinawakan ni Pablo ang balikat ni Isabelita na ang dahilan upang mabitawan ni Isabelita ang hawak nyang lilang rosas, humarap si Isabelita kay Pablo at tinignan ito ng dkretso sa kanyang mga mata.
"P-pakiusap din Pablo, hindi ko na nais pang makigulo sa iyong bagong kapalaran. H-hindi ko nais na bumagsak ang inyong pamilya dahil lang sa pag-ibig mong ito" bumagsak na ang mga luha ni Isabelita na kanina nya pa pinipigilan, kasabay ng pagbuhos ng kanyang luha ay ang dahan-dahang pagbuhos ng ulan.
"P-pakiusap Isabelita, huwag ngayon... Ikaw na lamang ang aking lakas, huwag mo naman akong iwan..." nabasag na ang boses ni Pablo, tumingin sya sa itaas upang pigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. Nanginig ang labi ni Isabelita habang nakatingin ng diretso sa lalaking labis nyang minamahal ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na maaari pa.
H-hindi, hindi na dapat pa...
Bigla na lamang tumakbo si Isabelita na ikinagulat ni Pablo, bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan. Napasabunot sya sa kanyang buhok at hindi na malaman pa kung anong gagawin. Tuluyan nang bumuhos ang kanyang luha dahil sa gitna ng kanilang laban, iniwan sya ng nag-iisang dahilan upang ipagpatuloy pa rin ang laban.
Habang si Isabelita naman ay napatigil na sa pagtakbo at napahawak sa kanyang tiyan, hindi na nya napigilan ang kanyang paghikbi sa gitna ng mahamog na kalsada kung saan patuloy na bumubuhos ang ulan. Napaluhod sya at napayakap sa kanyang sarili.
Masakit man, ngunit kailangan na nyang iwanan si Pablo upang mailigtas ang kapalaran nito kasama ang bagong pamilya Natividad na kailanman ay hindi sya nakalaang maging bahagi.
Patawad mahal ko sapagkat iniwan kita sa mismong araw ng iyong kaarawan... Mahal kita, paalam...
********************
#TeAmoAdiós
4.12.22
‘Love In The Dark’ by Adele para kay Isabelita at Pablo :((
nagmamahal,
cess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top