TAA KABANATA 23
[Kabanata 23]
"HIJO, aking pinauubaya na ang kamay ng aking unica hija na si Victorina sa iyo. Nawa'y ingatan mo ang aking anak lalo na sa oras na Kayo'y kasal na" nakangiting sabi ni Don Tiburcio, napangiti rin si Victorina. Pilit namang ngumiti si Pablo at tumango.
"Kami ay mauuna na rin, maraming salamat sa masarap na tanghalian" nakangiting pamamaalam ni Don Tiburcio, nagsitayuan naman ang lahat. Sa kanilang panahon, hindi ka maaaring tumayo mula sa hapag kainan hangga't hindi pa tapos kumain ang lahat.
"Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay pauwi" bilin ni Doña Normita, sabay-sabay silang nagtungo sa labas at sumakay na rin si Don Tiburcio at Victorina sa kanilang kalesa.
"Paalam na amigo, amiga, Heneral Paciano, at... Pablo" may diin ang salita na pamamaalam Don Tiburcio lalo na nang banggitin ang pangalan ni Pablo, umandar na ang kalesa at kasabay niyon ay ang pagkawala ng pilit na ngiti ni Pablo mula sa kanyang labi.
"Anak, ikaw ay ayos lang ba?" nag-aalalang tanong ni Doña Normita sa kanyang anak, pilit na ngumiti ni Pablo at tumango sa kanyang ina. Pumasok na ang pamilya Natividad sa loob ng mansyon.
NASA kanyang kwarto ngayon si Pablo at malalim ang iniisip, hindi nya nais matali sa pamilya Angeles. Ngunit iniisip nya rin kung paano na ang kanilang negosyo kung hindi sya magpapakasal kay Victorina. Ngunit iniisip nya rin kung paano na ang nararamdaman ngayon ng kanyang tunay na minamahal, si Isabelita.
Sa kabilang banda, mag-isang iliniligpit ni Isabelita ang kanyang mga gamit. Hindi nya na nais pang gambalain ang bagong buhay na haharapin ng kanyang minamahal, hindi na nya nais pang makigulo pa sa buhay ni Pablo. Masakit man ay kailangan nyang gawin ito, sapagkat hindi magtatagal ay alam nyang ikakasal na rin ang kanyang si Pablo sa iba at hindi kailanman sa kanya.
GABI na, ika-syam na ng nobyembre sapagkat alas-dose na. Dala-dala ang kanyang mga gamit, dahan-dahan syang lumabas ng kubong pinagtutulugan ng mga kasambahay. Iginala nya ang kanyang mata at natanaw nya si Segunda na ngayo'y papunta na sa loob ng kubo, nagulat ito matapos makita si Isabelita at dala-dala ang mga gamit nito.
"Isabelita? Saan ka pupunta at dala mo ang mga gamit mo?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Segunda.
"Segunda, makinig ka" huminga muna ng malalim si Isabelita bago ipagpatuloy ang sasabihin. "D-dito na magtatapos ang aking paninilbihan bilang kasambahay dito sa Hacienda Natividad, paumanhin kung hindi ko ito ipapaalam ng maayos. Ako'y makikiusap lamang sa'yo na ikaw na lamang ang magpaalam sa akin kung sakaling may maghanap sa akin. Pakiusap" nanginginig ang boses na pakiusap ni Isabelita, nagulat naman si Segunda sa pakiusap ng kaibigan.
"Ano?! Bakit ka aalis?!" napalakas ang boses ni Segunda kung kaya't sumenyas si Isabelita na huwag syang maingay.
"Basta, sundin mo na lamang ang aking pakiusap" saad ni Isabelita, kay bigat na ng kalooban nya ngayon.
"S-sige, ako na ang bahala. Mukhang ngayon ka aalis, hayaan mong samahan kita sapagkat gabi na at mukhang namumutla ka pa" saad ni Segunda, tumango na lamang si Isabelita at sabay silang lumabas sa Hacienda Natividad nang walang nakakaalam.
Sa huling pagkakataon ay tinanaw ni Isabelita ang Hacienda Natividad na minsan nya na ring naging tahanan ngunit ngayo'y aalis na sya, huminga muli ng malalim si Isabelita at nagpatuloy na sila sa paglalakad habang nakaalalay sa kanyang si Segunda na ang tanging alam lang ay may malubha syang karamdaman.
NANG malapit na sila sa Barrio Kalinaw, huminto na si Isabelita kung kaya't napahinto rin si Segunda. "Segunda... Maraming salamat sa iyong kabutihan, maraming salamat dahil tinulungan mo kami ng aking ana--maraming s-salamat dahil tinulungan mo ako, hinding-hindi ko ito malilimutan" emosyonal na sabi ni Isabelita at napatigil sa kanyang loob-loob dahil muntik na syang madulas, napangiti naman si Segunda.
"Walang anuman Isabelita! Ilang buwan pa lamang tayong magkaibigan ngunit kahit kailan ay hindi mo ako ginawan ng masama bagkos ay naging mabait ka sa akin kung kaya't hinding-hindi rin kita malilimutan" sinseryong sabi naman ni Segunda, nagyakap ang magkaibigan bago nagtungo na sa magkabilang direksyon.
Nang marating na ni Isabelita ang kanilang bahay ay hinihingal syang kumatok, ilang sandali lang ay may bumukas na ang pinto. Nagulat si Glenda matapos makita ang kanyang kapatid sa ganoong kalagayan, mas lalo syang nabigla nang bigla itong nahimatay dahilan upang bumagsak ang mga dala nito.
"Nay! Tay! Si Isabelita po!" sigaw ni Glenda habang akay-akay si Isabelita na noo'y tuluyang nawalan ng malay, dali-dali namang bumaba ang mag-asawa dahil sa sigaw ni Glenda. Nagulat din sila matapos makita si Isabelita sa ganoon kalagayan, agad nilang inalalayan si Isabelita at inihiga sa mahabang upuan sa salas ng kanilang bahay kubo.
"Glenda anak! Anong nangyari sa iyong kapatid?!" puno ng pag-aalala na tanong ni Nay Amor, napatingin si Nay Amor sa kanyang asawa na ngayo'y mukhang nag-aalala rin sa kanyang anak.
"H-hindi ko po alam Inay! Nagulat na lang po ako dahil may kumatok, pagbukas ko ay bumungad sa akin si Isabelita at bigla po syang nawalan ng malay!" ani ni Glenda, ang mga puso nila ngayon ay nabalot ng kaba para kay Isabelita.
KINABUKASAN, nagising ang diwa ni Isabelita. Dahan-dahan nyang inimulat ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang kanyang Ina na nagulat sa kanyang paggising, agad lumapit sa kanya ang kanyang Ina at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Anak! Mabuti na lamang at gising ka na! Glenda! Romolo!" tawag ni Nay Amor, agad namang nakarating si Glenda at Tay Romolo.
"Isabelita? Ano bang nangyari at bigla ka raw nahimatay kagabi?!" nag-aalalang tanong ni Nay Amor, huminga ng malalim si Isabelita at napahawak sa kanyang puso na ngayo'y napuno muli ng kaba.
"N-nay, Tay, Ate, hindi ko na po nais na manatili pa rito sa Santa Prinsesa" saad nya, nagulat naman ang tatlo.
"Ano? Bakit naman Anak?" nag-aalala pa ring tanong ni Nay Amor.
"P-pakiusap po, ayoko na pong manirahan dito. Nais ko nang bumalik sa ating probinsya" muling pakiusap ni Isabelita, nagkatinginan naman si Nay Amor at Tay Romolo.
"Isabelita kapatid ko! Alam mo bang labis kaming nag-alala sa'yo sapagkat buong araw ay hindi ka gumising? Ika-sampu na ng nobyembre ngayon" saad ni Ate Glenda habang nakahawak sa kamay ni Isabelita, nagulat naman sya matapos malaman ang katotohanang ika-sampu na ngayon ng nobyembre, ang kaarawan ng kanyang minamahal.
Hinawakan naman ni Nay Amor ang palapulsuhan ni Isabelita upang tinulungan itong umupo ngunit napatigil sya nang may mapansing kakaiba, hinawakan nya ang bandang panga ni Isabelita at lalo syang nagulat matapos may mapagtanto. Kay lakas ng pintig ng pulso ng kaniyang anak, na maaaring ang ibig sabihin ay...
"A-anak, buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Nay Amor na ikinagulat nilang lahat.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top