TAA KABANATA 22

[Kabanata 22]

NASA hapagkainan na ngayon ang pamilya Angeles at Natividad, ang mga kasambahay ay maingat na inihahanda ang mga plato. Napatingin sila kay Manang Juana na kalalabas lang sa kusina at may dalang malaking mangkok, ilinagay nya ito sa gitna ng mesa at nagbigay galang muna bago umalis. Napatigil naman si Manang Juana ng may napansing kulang, dahan-dahan syang lumapit kay Segunda na noo'y nasa gilid.

"Nasaan si Isabelita?" tanong ni Manang Juana, nagkibit-balikat naman si Segunda.

"Pumitas ng mga bulaklak sa ating hardin, magmadali!" utos ni Manang Juana, tumango naman si Segunda at dali-daling lumabas sa mansyon at pumunta sa hardin. Nagulat sya nang maabutan doon si Isabelita na nakatulala sa kawalan at nakahawak sa kanyang tiyan, nagtatakang lumapit si Segunda kay Isabelita at umupo sa tabi nito.

"Isabelita! Hinahanap ka ni Manang Juana, hindi mo ba alam na bibisita ngayon ang mga Angeles at kauuwi lang din ni Don Emillo at Doña Normita? Sila ang may-ari ng hacienda na ito!" saad ni Segunda ngunit hindi naman umimik si Isabelita, nanatili itong tulala. Hinawakan nya naman ang balikat ng kaibigan at inalog ito na siyang dahilan upang matauhan na ito.

"A-ano?" wala sa sariling tanong ni Isabelita, napahawak naman sa kaniyang noo ni Segunda.

"Isabelita! Nasaan na ang mga bulaklak na pinapitas sa iyo ni Manang Juana?" kinakabahan nang tanong ni Segunda, nakalimutan nya pang magdala ng bilao kung kaya't walang paglalagyan ang nga bulaklak na pipitasin nya. Tumingin si Isabelita sa kaniyang gilid kung kaya't napatingin din si Segunda roon, nakita nya ang isang bilao na may laman na mga rosas. Rosas na pula na ikinataka ni Segunda.

"Mabuti naman at dala-dala mo ito. Pakiusap kaibigan, ibalik mo ang iyong sarili sa huwisyo, baka mamaya ay makasalamuha mo ang mga Doña at Don at ika'y pag-initan pa" paalala ng kaibigan. "Babalikan kita Isabelita, dadalhin ko lang ito sa loob ah?" sabi ni Segunda, aalis na sana sya ngunit biglang nagsalita si Isabelita.

"A-ako na, tutal ay ako naman ang inutusan ni Manang Juana para rito. Halika na Segunda" inayos muna ni Isabelita ang kanyang suot at ang kanyang kulot na buhok upang kahit papaano ay maayos syang tignan, napatitig naman si Segunda sa mukha niya. Pakiramdam nya ay hindi ito isang pangkaraniwang indyo lamang gaya nya, hindi na nya muna inisip iyon at hinatak na ang kaibigan papunta sa loob.

HABANG hinihintay nila ang bulaklak ay napatingin si Victorina kay Rosa na nakatingin din sa kanya, tinaasan nya ito ng kilay at inalis ang tingin dito. Napasiring na lang si Rosa dahil napakamaldita nito, kung kapantay nya lamang ito ng antas sa buhay ay sinabunutan na nya ito.

Maya-maya lang ay dumating na si Isabelita dala-dala ang bilao at kasunod nito si Segunda, napatigil si Pablo at tinitigan si Isabelita. Napansin nyang parang wala ito sa sarili kung kaya't nag-aalala sya para rito, napansin din si Segunda iyon kung kaya't tinulungan na nya si Isabelita.

Napataas naman ang kilay ni Victorina at pinagmasdan si Isabelita na noo'y nakayuko lang habang maingat na ilinalagay ang mga rosas sa mga basong may lamang tubig bilang disenyo, nakikita na nya ito dati pa ngunit hindi nya lang pinapansin ang presensya nito. Kataka-taka ang antas nito sa buhay dahil ang kanyang mukha ay nababagay sa mayayamang pamilya, bigla namang nakaramdam ng inis si Victorina dahil pakiramdam nya'y nalalamangan sya nito.

Mabuti na lamang at tapos na ang paglalagay nila ng bulaklak sa lamesa kung kaya't hindi na ito binigyang pansin pa ni Victorina, pinagpatuloy nya na lang ang pagpapaypay sa kanyang sarili. Napatingin sya kay Pablo at kumunot lalo ang noo nya nang makita nyang nakatingin ito kay Isabelita, nagsalita na si Victorina.

"Comencemos con lo que necesitamos hablar (Let's start with what we need to talk about)" nakangising sabi ni Victorina, napatigil naman sina Don Tiburcio, Don Emillo, at Doña Normita sa kanilang masayang pagkekwentuhan. Si Pablo rin ay nagulat kung kaya't naialis nya ang kaniyang tingin kay Isabelita, hindi man lang nag-abalang humingi ng paumanhin si Victorina dahil naputol nya ang masayang kwentuhan ng mga Don at Doña.

"O-está bien, comencemos (O-okay, Let's start)" si Don Tiburcio na ang nahihiya para sa kanyang anak, sadyang mataas ang tingin ni Victorina sa kanyang sarili at wala syang kinakatakutan dahil alam nyang makapangyarihan ang kanyang pamilya.

"Maaari ba tayong magtagalog sapagkat sa tingin ko ay nais ding makinig ng mga kasambahay? Lalong-lalo na si Manang Juana sapagkat alam kong malapit ang aking anak na si Pablo sa aming mga trabahador" suhestyon ni Doña Normita, tumaas muli ang kilay ni Victorina na hindi nagustuhan ng Doña. Magsasalita na sana si Victorina ngunit inunahan na sya ng kanyang ama.

"Paumanhin sa inasal ng aking anak, sadyang ganyan lang talaga kung sya'y tumingin. Maging ako nga'y inakala na galit sa akin ang aking anak sapagkat kung sya'y tumingin, akala mo talaga ay galit" biro na may halong pagsisinungaling na saad ni Don Tiburcio, natawa at napangiti naman si Don Emillio at Doña Normita habang si Pablo naman ay pabalik-balik ang tingin kay Isabelita na noo'y nakikinig din sa kanilang usapan.

Alam ni Don Tiburcio Angeles na mas mayaman at makapangyarihan sya kaysa sa mga Nativitidad, pumayag lamang sya sa pangyayaring ito sapagkat may pakinabang ang yaman ng mga Natividad na kilala sa larangan ng medisina. Isa pa ay gustong-gusto ng kanyang anak na maipakasal kay Pablo, hindi naman sya makatanggi sa kanyang anak sapagkat mahal na mahal nya ang kanyang unica hija.

"Ating pag-usapan ang nalalapit na kasal ng iyong unica hija na si Victorina at ng aking bunsong anak na si Pablo na magiging daan ng panghabambuhay na pagkakaibigan at pagiging isa ng ating mga pamilya" nakangiting sabi ni Don Emillo, tila gumuho naman ang mundo ni Pablo matapos marinig ang sinabi ng kanyang ama.

Ang mga kasambahay ay nagkaroon ng iba't ibang reaksyon. Ang iba ay masaya, ang iba naman ay nabigla, at ang iba ay hindi naging masaya sa anunsyong kanilang narinig. Si Rosa na labis na nalungkot sapagkat si Victorina ang nanalo sa kanilang laban, maging si Manang Juana ay hindi naging masaya sa kanyang narinig dahil alam nyang hindi mabuti ang kalooban at puso ni Victorina.

Agad napatingin si Pablo kay Isabelita na noo'y nagulat din sa kanyang narinig. Ngunit sa huli ay pinili nyang ngumiti at dahan-dahang iatras ang kanyang paa. Tumalikod na sya at tahimik na naglakad paalis, kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang unti-unting pagkadurog ng kanyang puso dahil sa katotohanang hindi sya at hindi magiging sya ang taong magiging wakas ni Pablo at tanging pansamantala lamang.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top