TAA KABANATA 20

[Kabanata 20]

MASAYANG natapos ang pista ng Santa Prinsesa, lumipas ang buwan at mga araw at ngayo'y katapusan na ng octubre. Nang matapos ang pista ay bumalik na rin ang mga trabahador ng Hacienda Natividad upang manilbihan muli.

Nagwawalis ngayon si Isabelita gamit ang walis tingting dahil winawalis nya ang mga patay na dahon sa hardin ng Hacienda Natividad, kasama nya ngayon si Rosa at Segunda ngunit may kalayuan sa kanila si Rosa. Maya-maya lang ay lumapit si Segunda kay Isabelita.

"Isabelita! Mayroon akong balita sa iyo" bulong ni Segunda kay Isabelita, ayaw nya mang makinig sa balita na ibig ibahagi sa kanya ni Segunda ngunit naiintriga rin sya kung ano iyon.

"Ano ang iyong balita?" tanong ni Isabelita, bumungisngis naman ang katabi nyang si Segunda.

"Aking narinig kay Manang Juana na sa ika-sampu ng nobyembre ang kaarawan ng ating Señor Pablo" medyo napalakas ang boses ni Segunda kung kaya't narinig ito ni Rosa, lumapit sya kay Segunda upang tanungin ito.

"Totoo ba ang iyong mga itinuran?" nakataas ang kilay na tanong ni Rosa, tanging tango lang ang naisagot ni Segunda. Nagtataka sya kung bakit nakataas ang kilay ni Rosa sa kanya kahit wala naman syang ginagawang masama.

"Ako'y mauuna na sapagkat hindi ko gusto ang aking nakakasalamuha rito" iyon lang at umalis na si Rosa, nagkatinginan naman si Isabelita at Segunda dahil sa hindi maintindihang inakto ni Rosa. Nagkibit-balikat na lang silang dalawa at nagpatuloy sa kanilang trabaho.

Sa kabilang banda, lihim na umalis si Rosa sa Hacienda Natividad upang pumunta sa Hacienda Angeles at ibalita kay Victorina ang kanyang nalaman, tumitibok ang puso nya para kay Pablo ngunit kailangan nya rin ng salapi na ibinabayad sa kanya ni Victorina para sa mga impormasyon tungkol kay Pablo. Nang makarating sya sa Hacienda Angeles ay sumalubong sa kanya ang mga guardia Personal ng pamilya Angeles.

"¿Quién eres tú? ¿Cuál es tu propósito aquí? (Who are you? And who is your purpose here?)" tanong ng isang guardia Personal, kumunot naman ang noo ni Rosa.

"Paumanhin, hindi ko maintindihan ang inyong pinagsasasabi. Ngunit ako si Rosa at narito ako para kay Señora Victorina" ani ni Rosa, nagkatinginan naman ang mga Guardia personal at nagsitanguhan. Hindi ito ang unang beses na pinapasok nila si Rosa sa hacienda, hindi lang nila ito namukhaan kung kaya't hinarang nila ito.

Si Victorina lang ang nasa mansyon maliban sa mga kasambahay dahil nasa kaniyang trabaho ngayon si Don Tiburcio, nakasalubong ni Rosa ang mga kasambahay ng Hacienda Angeles ngunit hindi nya ito pinansin. Dumiretso na sya sa kwarto ni Victorina at kumatok sa pinto.

"S-señora Victorina, si Rosa po it--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang pasigaw na boses ni Victorina.

"Pasok!" tila naiirita na sigaw nito, huminga muna ng malalim si Rosa at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nagtatahing si Victorina.

"Ano ang balita?" tanong ni Victorina, hindi man lang ito nag-abalang tapunan ng tingin si Rosa dahil abala ito sa pagbuburda.

"A-aking nabalitaan po na sa ika-sampu ng nobyembre ang kaarawan ni Señor Pab--" hindi nya muling natapos ang kanyang sasabihin dahil sumabat na naman si Victorina.

"¡Estúpida! Que piensas de mi ¡¿Estúpida?!¡Por supuesto que lo sé! (Stupid! What do you think of me, stupid?! Ofcourse I know that!)" galit na saad ni Victorina at inihagis kay Rosa ang binuburda nya, napayuko naman si Rosa. Alam na nyang may masamang ugali ang señora dahil noong nakaraan ay hinagisan din sya ng hawak nitong salamin.

"Umalis ka sa harapan ko! Sa susunod na bumalik ka rito ay nararapat lang na may kwenta ang iyong ibabalita! Maliwanag?!" salubong ang kilay na tanong ni Victorina, tumango lang si Rosa at umalis na sa silid ni Victorina. Kung hindi lamang sya nito binibigyan ng salapi ay hindi na sya nagbalita pa rito.

Pagkalabas ni Rosa, napangisi na si Victorina at kinuha ang kanyang binuburda na ihinagis nya kay rosa at ipinagpatuloy ito. Hindi nya naman talaga alam na kaarawan ni Pablo sa ika-sampu ng nobyembre at nais nya lang paglaruan si Rosa, tumayo sya sa kanyang kama at binuksan ang kanyang aparador upang maghanap ng susuotin para sa kaarawan ng kanyang iniibig na si Pablo.

GABI na at nasa kubo ngayon si Isabelita na pinagtutulugan ng mga kasambahay, ang katabi nyang matulog ay si Segunda at tulog na tulog na ito ngayon. Hindi makatulog si Isabelita kung kaya't dahan-dahan syang tumayo at lumabas sa kubo.

Dahan-dahan syang naglakad, tahimik na ang paligid at tanging ang tunog ng nagsasayawang mga puno na lang ang kaniyang naririnig. Sumasayad sa mga damo ang lumang saya na suot ni Isabelita, nasa bandang dulo na sya ng Hacienda Natividad nang makita nyang muli ang sikretong lagusan.

Mayroon din kayang ibang nakakaalam ng sikretong lagusan ng haciendang ito?

Dahil pasaway si Isabelita ay dahan-dahan syang pumasok roon, nang makapasok sa maliit na butas ay agad siyang nagtago sa mga malalagong rosas na nakatanim doon. Napangiti sya ng muli ay makita nya si Pablo na ngayo'y nakatingin sa mga bituing nagniningning sa kalangitan, napahawak sya sa kaniyang labi nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa noong pista. Pumitas sya ng isang lilang rosas at itinapat iyon sa kanyang puso, pumikit sya at kasabay niyon ay ang pag-ihip ng malamig na hangin.

Saksi ang rosas na ito sa aking unang pag-ibig...

Ngunit nawala ang ngiti sa kaniyang labi matapos mapagtantong umiinom ngayon si Pablo, napalingon sya sa gilid nya at nakita nya ang asong si Lila. Umupo ito sa tabi nya at tumingin kay Isabelita habang nakalabas ang dila, mahina namang natawa si Isabelita at tinapik ang ulo nito.

Tumayo na si Isabelita dahil mukhang may problema si Pablo, dahan-dahan sya lumapit dito at lakas loob na umupo sa tabi nito. Napalingon naman sa kanya si Pablo at nagulat ng makita sya. Makalipas ang ilang sandali ay napangiti rin ito at hinawakan ang kamay niya.

"Maraming salamat at naririto ka" nakangiting sabi ni Pablo, kinuha nya ang kanyang baso at uminom muli ng alak. Napatingin sya sa lamesa at isang bote pa lang naman ang naroroon, hindi pa sya nakararami ng inom.

Napasulyap naman si Isabelita sa isang maliit na silid na nasa kanilang likuran lamang at nakasarado. Napatingin na siya sa mukha ni Pablo na ngayo'y namumula, huminga sya ng malalim.

"May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Isabelita kay Pablo.

"Ang aming negosyo... Nararamdaman kong unti-unti na itong bumabagsak" saad ni Pablo habang nakatulala sa kawalan. Nakaramdam naman ng awa si Isabelita para kay Pablo, para sa kanyang iniibig...

"At kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa aking kapalaran" malungkot muling sabi ni Pablo, hindi naman maunawaan ni Isabelita kung ano ang ipinahihiwatig sa kanya ni Pablo.

"Quiero que seas mi ultimo, pero ¿por qué el destino no parece estar de acuerdo con lo que quiero que pase? (I want you to be my last, but why does destiny not seem to agree with what I want to happen?)" hindi man naintindihan ni Isabelita ang mga salitang ibinigkas ni Pablo, lahat naman ng iyon ay tumagos sa kanyang puso.

"Mahal na mahal kita Isabelita, handa akong ipaglaban ka kahit na tadhana pa ang pumigil sa ating pag-iibigan..."

Ang mga salitang binitawan ni Pablo ay tila ang pinakamaganda at pinakamasarap sa pakiramdam na narinig ni Isabelita, hinawakan ni Pablo ang mukha ni Isabelita at sa pangalawang pagkakataon ay muli nya itong ginawaran ng madamdaming halik.

Magkasama nilang sinalubong ang malamig na gabi at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan na siyang naging saksi sa kanilang unang pag-ibig, at umaasa silang hanggang sa wakas din.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top