TAA KABANATA 19
[Kabanata 19]
KINABUKASAN ay nagpatuloy pa rin ang pista ng Santa Prinsesa, ang pista ng Santa Prinsesa ay mula ika-labing walo ng setyembre hanggang ika-dalawampu. Ang mga kasambahay at trabahador lang na walang uuwian ang naroroon sa Hacienda Natividad at pati na rin si Isabelita, Pablo, at ang may sakit na si Glenda.
Maayos-ayos na ang kalagayan ngayon ni Glenda ngunit hindi muna sya maaaring gumawa ng kahit anong trabaho, nararapat lang na sya ay magpahinga muna.
Si Isabelita naman ay papunta na sa klinika ni Pablo dala-dala ang mga prutas na ipapakain nya sa kanyang ate upang tignan kung nasa maayos na bang kalagayan ang kanyang kapatid, bubuksan na nya sana ang pinto ngunit may nauna sa kanya. Nag-angat sya ng tingin at bumungad sa kanya si Pablo.
"Señor Pab--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin nang magsalita si Pablo.
"Hindi ba't sinabi ko na Pablo na ang itawag mo sa akin?" nakangiting ani ni Pablo, natawa si Isabelita nang maalala nya ang mga sandaling iyon.
"Sabi ko nga" natatawang sabi ni Isabelita, natawa naman ng mahinhin si Pablo.
"Pista pa rin ng Santa Prinsesa hanggang ngayon, nais mo bang sumama sa akin sa aking paglisan mamaya?" tanong ni Pablo, umiling naman si Isabelita.
"Hindi na po Se--Pablo, babantayan ko na lamang ang aking kapatid" nahihiyang pagtanggi ni Isabelita, sabay na silang pumasok sa loob. Nadatnan nila si Glenda na kadidilat lang, lumapit si Isabelita sa kanyang Ate at ilinagay sa mesa ang bilao kung saan nakalagay ang mga prutas na para sa kanyang nakatatandang kapatid.
"I-isabelita! Sa wakas ay naririto ka na, pakiramdam ko ay ilan taon kitang hindi nakita!" biro ni Glenda, natawa naman si Isabelita.
"Tila hindi naman makakatotohanan ang iyong itinuran, Ate" natatawang sabi ni Isabelita. "Sya nga pala Ate Glenda, may dala akong prutas para sa iyo upang magkalakas ka" saad ni Isabelita sabay bigay sa kanyang ate ng bilao. Lumapit naman si Isabelita kay Pablo na noo'y nakangiti habang pinagmamasdan ang nagmamahalang magkapatid.
Naalala nya ang kuya nya, silang dalawa lamang ang magkapatid at simula pagkabata ay tila sanggang dikit sila. Sila palagi ang magkalaro at kahit mag-away man ay magbabati rin, kung kaya't kay saya na magkaroon ng kapatid. Na kahit kaagaw mo ang iyong kapatid sa mga pagkaing inuuwi sa iyo ng inyong magulang, na kahit sya ang palagi mong kaaway, lukso ng dugo pa rin ang mananaig dahil kayo ang magkadugo at magkasama hanggang sa huli.
"P-pablo, maraming salamat nga pala sa muling panggagamot mo sa aking Ate. Tila isa kang anghel na dumating sa aking buhay, maraming salamat sa iyong kabaitan na kahit kailan ay hindi mo hiningan ng kapalit at kailanman ay hindi ko rin malilimutan" sinseryong sabi ni Isabelita, matamis na napangiti si Pablo dahil ang lahat ng salitang binitawan ni Isabelita ay tumagos sa kanyang puso.
"Walang anuman Isabelita, tuwing tumutulong ako sa iyo ay napakagaan ng aking pakiramdam. Masaya ako na natutulungan kita at nakikita kang masaya" sinseryo ding sabi ni Pablo, hindi na maalis ang pagtitig nila sa isa't isa at nasaksihan yon ni Ate Glenda na noo'y kumakain ng mangga.
"E-ehem! Baka ako ang matunaw nyan" biro ni Glenda, napuno ng tawanan ang klinika dahil sa pagngiti at pagtawa ng isa't isa.
NASA hardin ngayon si Isabelita at Pablo ngunit hindi sa Hacienda Natividad kung hindi sa hardin ng Santa Prinsesa, mayroon namang mga guardia personal na nagbabantay sa kanila kung kaya't hindi na sila nangangamba lalo na't tapat ang mga ito kay Pablo. Abala rin ang mga mamamayan ng Santa Prinsesa sa Pista, naiwan sa klinika si Ate Glenda habang si Isabelita naman ay sumama na kay Pablo.
"Isabelita, naaalala mo ba ang kwinento ko sayo noon noong nasa sikretong lagusan tayo ng Hacienda Natividad?" Tanong ni Pablo, tumango naman si Isabelita.
"Ang alamat ng rosas" nakangiting sabi ni Isabelita habang pinagmamasdan ang kalangitan, napatingin sya kay Pablo at nagulat sya dahil nakatingin na sa kanya si Pablo. Napansin nyang may kakaiba sa mga mata nito, pinagmasdan nya si Pablo at nakita nya sa mga mata nito ang...
Lungkot.
"¿Nos ocurrirá también la historia de la Leyenda de la rosa donde nadie puede llegar a la hermosa flor sin ser lastimado? (Will the story of the rose also happen to us where no one can reach the beautiful flower without being hurt?)" malungkot na tanong ni Pablo habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Isabelita. Sa sandaling iyon, nakaramdam sya ng kakaibang sakit na hindi nya maintindihan kung bakit nya naramdaman.
Maya-maya lang ay napatingin si Pablo sa bandang itaas ng ulo ni Isabelita, may naisipan syang tanungin kung kaya't binasag na nya ang katahimikan.
"Oo nga pala Isabelita, nasaan ang sumbrelo na aking binigay sa iyo?" tanong ni Pablo, nagulat naman si Isabelita dahil maging sya ay hindi alam kung nasaan ang sumbrelo na ibinigay sa kanya ni Pablo. Sa huli nyang pagkakaalala, iniwan nya ito sa kalesa na pagmamay-ari ni Pablo at tumakbo sa simbahan ng Santa Prinsesa kung nasaan si Pablo na noo'y nagdilim ang paningin. Hindi na nya natagpuan pa ang sumbrelo matapos niyon.
"S-señor--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na si Pablo, nakayuko na si Isabelita ngayon at natatakot na magalit sa kanya ito. Naiinis na rin sya sa kanyang sarili dahil napaka-iresponsable nya.
"Naiintindihan ko Isabelita, sa palagay ko ay nawala ito ngunit sa palagay ko rin naman ay hindi mo sinasadya kung kaya't ayos lang iyon" naroon man ang panghihinayang sa puso ni Pablo dahil nawala ni Isabelita ang mahalagang bagay na ibinigay nya rito ay inintindi nya na lamang din dahil hindi nya rin naman magawang magalit kay Isabelita sa hindi malamang dahilan. Nginitian sya ni Pablo upang gumaan ang loob nito.
Napatulala naman si Isabelita kay Pablo, hindi na matawaran pa ang kabaitan nito. Maging sya ay napangiti, ang ngiting iyon ay nagmula sa kanyang puso. Maya-maya lang ay may narinig silang malakas na tugtugin sa kung saan...
Sa kabilang banda, tumunog ang mga instrumento sa plaza kung saan naroon ang mga nagsasayawan at nagkakainan din sa kanya-kanyang talahanayan, mahinhin lamang ang tugtugin. Tumayo naman ang mga kalalakihan upang yayain sumayaw ang mga binibining nais nilang isayaw ng may pahintulot.
Napatingin si Pablo sa mga guardia personal na nagbabantay sa kanila dahil mukhang gusto nilang pumunta roon, lumapit sya rito. Nagulat naman ang mga guardia personal at agad yumuko upang humingi ng paumanhin sapagkat hindi tama ang kanilang inakto.
"Kayo'y pumunta na roon" saad ni Pablo, nagulat naman ang mga guardia Personal.
"T-talaga po Señor Pablo?" gulat na Tanong ng isang Guardia personal, tumango lang si Pablo bilang paninigurado. Napangiti naman ang lahat ng guardia at nagpaalam na sa kanilang señor, bumalik na sa loob ng hardin si Pablo kung saan naroon si Isabelita. Natagpuan nya si Isabelita na nakatanaw sa mga bituin at nakaupo sa upuang gawa sa kahoy.
Sinundan nya kung saan nakatingin ang dalaga at tumigil ang mga mata nya sa mga bituin, ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan. Tumikhim si Pablo upang mapunta ang atensyon ni Isabelita sa kanya, natupad naman iyon dahil napatingin sa kanya si Isabelita.
"Napakagandang gabi sa iyo Binibining Isabelita, Maaari ko bang maisayaw ang napakagandang binibini na nasa aking harapan ngayon?" nakangiting tanong ni Pablo sabay lahad ng kamay kay Isabelita, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ang pagtanggap ni Isabelita ang kamay ni Pablo.
Ilinagay ni Pablo ang isa nyang kamay sa baywang ni Isabelita, ang isang kamay naman ni Isabelita ay nasa balikat ni Pablo at ang isa nilang kamay ay magkahawak. Ito ang unang beses nilang dalawa na makahawak ng kamay ng isang tao maliban sa kanilang pamilya kung kaya't ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib nila, umihip muli ang malamig na hangin.
"Supongo que me gustas... y realmente lo hago (I guess I like you... And I really do)" wala sa sariling sambit ni Pablo habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Isabelita. Sa huling pagkakataon ay umihip ang malamig na hangin at kasabay niyon ay ang pagtingin nila ng diretso sa mga mata ng isa't isa.
Unti-unti nang inilapit ni Pablo ang kanyang mukha kay Isabelita, ipinikit naman ni Isabelita ang kaniyang mga mata at mainit na sinalubong ang halik ni Pablo. Ang sandaling iyon na hinding-hindi nila magagawang malimutan kailanman.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top