TAA KABANATA 17

[Kabanata 17]

KINABUKASAN, ika-labing walo na ng setyembre at pista na ng Santa Prinsesa ngayon. Papasikat pa lamang ang araw at marami ng tao sa labas. Mga Señorita, Señorito, Don, at Doña na nagbabatian sa araw ng pista. Kararating lang din ng isang magarbong kalesa at bumaba roon si Pablo at Victorina, gaya ng pangako ni Pablo ay sasamahan nya si Victorina upang ito'y hindi maiwang mag isa.

Nang matapos alalayan ni Pablo pababa si Victorina ay pinagmasdan nya ang naggagandahang palamuti na nakadisenyo sa taas at sa ibaba ng bayan habang si Victorina naman ay nakatingin sa kanya. Nakasuot ng magagarbong baro't saya ang mga kababaihan. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng barong tagalog at ang iba naman ay nakasuot ng kamiso de tsino, sinimulan silang batiin ng mga tao.

"Buenos días Señor y y feliz fiesta Pablo y... ¿Señorita Victorina? Me alegro de verte juntos (Good morning and happy fiesta Señor Pablo and... Señora Victorina? I'm glad to see you together)" mahahalata sa ngiti ng Doña ang pang-aasar, natawa naman si Victorina habang si Pablo at ngumiti lang ng pilit. Inaasahan na nya itong mangyari sapagkat ito ang unang beses na sila ay magkasama ni Victorina sa araw ng pista.

Sa kabilang banda naman ay naroroon din si Isabelita at ang kanyang Ate Glenda upang panoorin ang parada. Magkahawak kamay silang pinagmasdan ang mga palamuting nakadisenyo sa kapaligiran ng bayan, nagsimula na rin ang parada kung kaya't pumwesto na sila sa gilid.

"Kay ganda pala ng pista rito sa Santa Prinsesa ano? Sadyang maunlad ang bayang ito" nakangiting saad ni Ate Glenda habang pinagmamasdan ang umuusad na parada, tumango lang si Isabelita dahil abala rin syang pagmasdan ang mga pangyayari.

Kabilang sina Victorina at Pablo sa paradang iyon, nakahawak si Victorina sa braso ni Pablo na siyang ikinailang nito. Hindi tuloy sya naging komportable ngunit hinayaan nya na lang ito. Habang ilinilibot nya ang kanyang paningin, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita nya si Isabelita na nakangiting pinagmamasdan ngayon ang pag-usad ng prusisyon, sa wakas ay napangiti na sya matapos malamang naririto muli si Isabelita.

PAYAPANG natapos ang prusisyon, dumiretso ang lahat sa simbahan para sa misa. Nasa labas lamang si Glenda at Isabelita at tahimik na nakikinig sa sinasabi ng padre, maya-maya lang ay natapos na rin ang misa.

"Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, anak, at espiritu santo. Tapos na ang misa, humayo kayo sa kapayapaan at maligayang pista sa lahat" pagtatapos ng padre at tuluyan nang natapos ang misa, nagpalakpakan naman ang mga taong naroroon.

PATULOY na nagbabatian ang mga tao ng maligayang pista, nakasakay na ngayon si Pablo at Victorina sa kalesang pagmamay-ari ni Pablo at nakahawak pa rin si Victorina sa braso nito. Maya-maya lang ay tila may napansin si Pablo, kasing linaw ng tubig ang kanyang mga mata kung kaya't hindi sya maaaring magkamali sa kanyang nakikita ngayon.

"Sandali" wika nito kung kaya't napatigil ang kalesa, nagtaka naman si Victorina sa sinabi ni Pablo.

"Bakit Pablo? May problema ba?" mahinhin ang boses na tanong nito.

"Hindi ba't si Don Tiburcio iyon? Ang iyong ama" seryosong sabi nito, napatingin naman si Victorina sa tinitignan ni Pablo at maging sya ay nagulat matapos makita ang kanyang ama. Nakaramdam bigla sya ng kaba.

"Binibining Victorina, paumanhin... Ngunit akala ko ba ay abala ang iyong Ama sa inyong negosyo? At sa aking pagkakaalam, hindi rito inaayos ni Don Tiburcio ang inyong negosyo" seryosong ani ni Pablo, napahawak naman ng mahigpit si Victorina sa kanyang abaniko at pilit na ngumiti.

"H-hindi ko rin alam Ginoong P-pablo, ngunit itatanong ko" nauutal na saad ni Victorina bago lumundag pababa sa kalesa ni Pablo ay nagmadaling pumunta sa kanyang Ama.

"A-ama! Ano ang iyong ginagawa rito?!" kunot noong tanong ni Victorina, halos mahimatay na sya sa sobrang kaba dahil tila nabuking ang kanyang kasinungalingan. Halos mapatalon pa sya sa gulat matapos makita si Pablo sa kanyang likuran, tinakpan nya ng abaniko ang kanyang muka at itinago sa kanyang likod ang kamay nyang nanginginig ngayon sa kaba.

"M-maligayang pista Pablo" pilit ang ngiting pagbati ni Don Tiburcio kay Pablo, maging sya ay nagulat matapos tumambad ni Pablo sa kanilang harapan.

"Maligayang pista rin Don Tiburcio, ang sabi sa akin ni Binibining Victorina ay umalis daw kayo upang asikasuhin ang inyong negosyo kung kaya't walang sasama sa kanya kaya ako na ang sumama sa kanya ngayon. Ano't kayo'y naririto?" nakangiti man ay nababatid ni Don Tiburcio na may nais ipahiwatig si Pablo, humalakhak siya upang mabawasan ang tensyong kanyang nararamdaman.

"Alam mo Pablo, bigla kasing nagpadala ng liham ang aking kausap na narito sya sa Santa Prinsesa dahil nais nya rin palang dumalo sa pista rito. Kung kaya't narito ako ngayon upang dito na kami mag-usap" natatawang sabi ni Don Tiburcio at itinuro ang katabi nya ngayon.

"Oh, bakit Tiburcio? Tayo'y iinom na ba?" nakangising tanong ng kanyang kasama, linakihan nya ito ng mata na dahilan upang matauhan ito at tignan si Victorina at Pablo.

"O-oo, tama sya" ngumiti ito ng mapagkunwari, nakahinga naman ng maluwag si Victorina dahil nalusutan nila iyon. Ngunit akala nya lang pala iyon.

"Naririto na pala ang iyong Ama Binibining Victorina. Kung gayon, ako'y aalis na rin sapagkat mayroon pa akong mahalagang pupuntahan. Paalam" nakangiting sabi ni Pablo at dali-daling nagbigay galang sa kanila bago tuluyang umalis na sa kanilang harapan, namula naman sa galit si Victorina at tinignan ng masama ang kanyang ama na ngayo'y napakamot na lang sa kaniyang noo.

PATAKBONG hinahanap ngayon ni Pablo si Isabelita, kaninang umaga pa noong nakita nya ito kung kaya't hindi na nya alam kung nasaan na ito ngayon. Palingon-lingon sya sa paligid ngunit hindi nya matagpuan si Isabelita, tumingin sya sa simbahan ng Santa Prinsesa at humiling na sana ay makita na nya ang kanyang hinahanap.

Mula naman sa loob ng simbahan ay naroroon ang babaeng patuloy niyang hinahanap ngayon. "Ate Glenda, nais mo na bang umuwi?" tanong ni Isabelita, nag-aalala na sya sa kanyang kapatid dahil tila bumabagsak na ang mga mata nito at napapahawak din sa kanyang noo.

"H-hindi, ayos lang ako. Nais ko lang munang maupo saglit. Maglibot ka muna kung iyong nais" pilit ang ngiting sabi sa kanya ni Glenda kahit pa namumutla na ito, hindi naman pumayag si Isabelita dahil hindi nya nais iwan ang kanyang kapatid sa ganitong sitwasyon.

Habang hawak-hawak nya ang likod ng kanyang ate ay napatingin sya sa kanyang paligid at napatigil sya nang matanaw si Pablo na noo'y napangiti matapos syang makita. Matapos nitong humiling, natagpuan na nya lamang si Isabelita sa simbahan kasama ang kapatid nito. Napangiti sya at kasabay ng pagtatama ng kanilang paningin, umihip ang malamig na hangin at sa muling pagkakataon ay tanging tibok lamang ng kanilang mga puso ang kanilang naririnig.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top