TAA KABANATA 15

[Kabanata 15]

BUWAN ng setyembre, narito ngayon si Señorita Victorina sa Hacienda Natividad sapagkat nais nyang kausapin at yayain si Pablo. Agad namang nagbigay galang ang mga trabahador sa Señorita, diretso itong pumasok sa loob ng mansyon at hinanap si Pablo.

"Buenos días, ¿dónde está Pablo? (Good morning, where is Pablo?)" tanong ni Señorita Victorina kay Manang Juana, nagtaka naman si Manang Juana sapagkat hindi nya maintindihan ang sinabi ni Victorina.

"Oh lo siento, casi olvido que ni siquiera terminaste la escuela (Oh I'm sorry, I almost forgot that you didn't even finish school)" sarkastiko itong natawa habang pinagmamasdan ang mayor doma, hindi man naintindihan ni Manang Juana ang sinabi ni Victorina ngunit alam nyang kinutya sya nito. Napabuntong hininga na lamang sya, mas gusto nya pa si Isabelita kaysa kay Victorina.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay bumaba na si Pablo na nahiya dahil pinaghintay nya si Victorina, agad namang umayos ng tayo si Victorina at ngumiti ng sobrang lawak kay Pablo.

"Magandang umaga Binibining Victorina, paumanhin kung ikaw ay pinaghintay ko" paghingi ng tawad ni Pablo kay Victorina, tumango lang si Victorina at tinakpan ng pamaypay ang kalahati ng kanyang muka.

"Maupo ka, ano nga pala ang iyong sadya rito?" tanong ni Pablo nang makaupo sila ni Victorina, sa kabilang banda ay tahimik na nakikinig sa usapan si Manang Juana. Napatanaw naman sya kay Isabelita mula sa bintana na noo'y humuhuni habang pinagmamasdan ang mga rosas, tinitignan din nito ang mga paro-parong nagliliparan sa mga rosas at bulaklak.

"Magandang umaga rin Ginoong Pablo, nais ko sanang humingi sa iyo ng pabor, samahan mo ako sa aming Hacienda. Ika'y huwag nang mahiya dahil wala naman doon ang aming mga trabahador" nakangiting sabi ni Victorina sabay inom ng tubig, nabilaukan naman si Pablo sa sarili nyang laway at gulat na napatingin kay Victorina.

"P-paumanhin Binibining Victorina ngunit tayong dalawa lang?" gulat na tanong ni Pablo, tumango nang dalawang beses si Victorina.

"Oo, bakit? Hindi mo ba ibig na sumama sa akin?" bigla ay lumungkot ang mukha ni Victorina, agad namang umiling si Pablo.

"H-hindi naman sa ganoon, ngunit huwag mo sanang kaliligtaan na ako ay lalaki at ikaw ay babae" ani ni Pablo, nagulat naman muli sya nang hawakan ni Victorina ang kanyang kamay na nasa lamesa.

"Huwag kang mag-alala Pablo, pumayag si Ama" nakangiting sabi ni Victorina, hindi naman alam ni Pablo ang kanyang gagawin.

"Nalalapit na ang pista ng Santa Prinsesa at yinaya ko si Ama ngunit sya'y abala sa aming negosyo kung kaya't ikaw na lamang ang aking niyaya sapagkat mahalaga ka sa akin ngunit tila ay hindi ka sasama" malungkot ang tono ng boses na saad ni Victorina, huminga ng malalim si Pablo at ngumiti ng kaunti.

"S-sige, ikaw ay sasamahan ko na. Ika'y huwag nang malungkot" pilit na pinagaan ni Pablo ang loob ng dalaga, napangisi naman ang dalaga na hindi nakita ni Pablo sapagkat nakatakip ang kanyang abaniko sa kanyang bibig at ilong.

"Maraming salamat Pablo! Kay buti mo talaga" nakangiting sabi ni Victorina, pinili na lamang ni Pablo na ngumiti. Lingid sa kaalaman ni Pablo na nagsisinungaling lang talaga sa kanya ngayon si Victorina...

"Victorina anak ko, malapit na ang pista rito sa Santa Prinsesa hindi ba? Ikaw ay sasama ba sa akin palabas?" tanong ng kanyang ama sa kanya, nanatili naman siya sa kanyang pagtatahi.

"Hindi na po Am--" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla syang may naisip, napangisi sya bigla na ikinataka ni Don Tiburcio.

"Ako'y sasama na po pala ama, ikaw na po ang huwag sumama" walang galang na saad nito, hindi naman nagalit ang kanyang ama sapagkat mahal na mahal sya nito at si Victorina na lamang ang kanyang tanging kapamilya.

"Bakit ako'y hindi sasama anak? Ikaw ba ay galit sa akin?" tanong ni Don Tiburcio kay Victorina ngunit umiling ito.

"Hindi po Ama, kailanman ay hindi ako magagalit sa inyo. Nais ko po kasing yayain si Ginoong Pablo" nakangiting sabi ni Victorina, napaisip naman ang kanyang ama.

"Pablo? Pablo... Natividad?" tanong nito sa anak, napatango-tango naman si Victorina.

"Ganoon ba... Sige. Ngunit ingatan mo lamang ang iyong sarili, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong muli ni Don Tiburcio, napangiti si Victorina at tumakbo papalit sa kanyang ama upang yakapin ito.

"Opo Ama, salamat po!" tuwang-tuwang sabi ni Victorina habang yakap ang kanyang ama na alam niyng mahal na mahal sya at hindi siya magagawang matiis.

NASA loob ngayon ang lahat ng trabahador ng Hacienda Natividad dahil pinatawag silang lahat ni Señor Pablo Natividad, mayroon syang anunsyo na alam nyang ikatutuwa ng lahat.

"Magandang umaga sa inyong lahat, ang ilan sa inyo ay alam nang nalalapit na ang pista rito sa Santa Prinsesa. Hindi ko nais na kayo ay magtrabaho sa araw ng pista ng Santa Prinsesa kung kaya't nais ko kayong lahat na umuwi muna sa inyong mga tahanan at sa inyong mga pamilya" nakangiting anunsyo ni Pablo na ikinatuwa nang lahat, maging si Isabelita rin ay napangiti dahil makakapiling nya muli ang kanyang mga magulang.

"Maraming salamat po Señor Pablo! Kay buti nyo po talaga! Kapag nagkaanak po kayo, sana ay nagmana sa inyo!" biro ng isang hardinero, natawa naman ang lahat maging si Pablo.

"Sana nga ay magkaanak na ako" mukha mang nagbibiro ay totoo ang mga itinuran ni Pablo, nais na nyang magkaroon ng supling na syang magpapasaya sa kanya. Napatingin naman sa kanya si Isabelita dahil sa sinabi nito, napatingin din naman sa kanya si Pablo ngunit pareho silang umiwas ng tingin.

HABANG inililigpit nila Segunda, Rosa, at Isabelita ang kanilang gamit ay nagtaka si Segunda at Isabelita kung bakit tila tahimik si Rosa. Lumapit si Isabelita at Segunda sa kanya, hinawakan ni Segunda ang likod nito kaya napatingin sya sa dalawa ngunit tumagal ang titig nito kay Isabelita. Nagtaka naman si Isabelita sa inakto ni Rosa.

"Rosa, ika'y ayos lang ba? At bakit mo tinititigan si Isabelita? Ikaw ay naiinggit sa kagandahan nya ano" biro ni Segunda ngunit sya lang ang natawa, agad syang napaubo at pumunta sa likod ni Isabelita. Hindi nagawang tumawa ni Isabelita dahil nag-aalala sya na baka masaktan ito sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Segunda, siniringan lang silang dalawa ni Rosa at iniwan sila.

Nagkatinginan naman si Isabelita at Segunda at parehong nagkibit balikat. Nang mailigpit na nila ng maayos ang kanilang mga gamit ay nagpaalam na sila sa mga iba nilang katrabahador at matapos iyon ay sabay-sabay na silang umalis sa Hacienda Natividad.

********************
#

TeAmoAdiós


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top