TAA KABANATA 14

[Kabanata 14]

NASA kaniyang kwarto ngayon si Pablo at malalim ang iniisip, nag-iisip sya ng paraan kung paano masusulusyunan ang balita na kumakalat ngayon tungkol sa kanya at kay Isabelita. Mabuti na lamang at hindi nakilala si Isabelita dahil kung nangyari iyon ay mas lalong bibigat ang problema. Pagkababa nya ay nagbigay galang sa kanya ang mga kasambahay.

"Nasaan ang mayor doma?" tanong ni Pablo, nag palingon-lingon rin sya sa paligid sapagkat mayroon syang pangunahing hinahanap.

"Nasa palengke po ang mayor doma kasama ang dalawang pang kasambahay upang ipagpatuloy ang kanilang pamimili, Señor" magalang na saad ng kasambahay, tumango sa kanya si Pablo bago dumiretso sa labas. Mabuti na lamang at mabilis nawala ang kanyang sakit, hinanap nya sa hardin ng Hacienda Natividad si Isabelita ngunit wala rin ito rito.

Naglibot pa si Pablo sa buong Hacienda upang hanapin si Isabelita ngunit hindi nya talaga ito mahanap, nagtaka naman ang mga trabahador kung bakit tila may hinahanap ang kanilang Señor sa loob ng hacienda. Naglakas loob ang isa na magtanong.

"P-paumanhin Señor Pablo ngunit kayo po ba ay may hinahanap? Maaari po naming hanapin ang inyong hinahanap para sa inyo Señor" magalang na sabi ng isang lalaking trabahador, ngumiti at umiling lang si Pablo.

"Hindi na kailangan, maraming salamat na lang" nakangiting sabi ni Pablo at umalis na roon, sa kanyang palagay ay isinama ni Manang Juana si Isabelita sa pamimili sa palengke.

Ngunit pagpanik nya sa itaas ng mansyon, parehas silang nagulat ni Isabelita nang magkasalubong sila. Agad nagbigay galang si Isabelita kay Pablo.

"Magandang umaga po Señor" nakangiting sabi ni Isabelita, napangiti rin si Pablo dahil hindi na ito nauutal tuwing kausap sya at naiilang.

"Magandang umaga rin Binibini, ano ang iyong ginagawa rito?" tanong ni Pablo, ipinakita nya naman ang dala nya.

"Ang sabi po kasi ni Manang Juana bago sya umalis kasama si Segunda at Rosa, puntahan daw po kita upang itanong kung maayos na ang inyong kalagayan. Kung hindi naman daw po ay ibigay ko daw po sa inyo to a-at..." Hindi na natapos ni Isabelita ang kanyang sasabihin, bigla nyang naalala ang mga ibinilin sa kanya ni Manang Juana kanina bago ito umalis...

"Isabelita! Kami ay aalis na, ikaw ay huwag nang sumama dahil may iba akong ipag-uutos sa iyo" saad ni Manang Juana, tumango naman si Isabelita.

"Ano po iyon Manang Juana?" tanong ni Isabelita, may kinuha si Manang na maliit na batsa na mayroong malamig na tubig. May ibinigay rin itong bimpo kay Isabelita.

"Pagkatapos mo sa iyong gagawin ay pumanik ka sa kwarto ng Señor at itanong mo kung maayos na ba ang pakiramdam nya, kung hindi ay ibigay mo iyan sa kanya at ikaw muna ang mag alaga sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo Isabelita?" Tanong ni Manang Juana na ikinagulat nya, hindi sya makapaniwala sa inuutos ngayon sa kanya ni Manang Juana.

"P-po? Si Rosa na lang po ang inyong utusan manang, sasama na lang po ako sa inyo" kinakabahan nang saad ni Isabelita, akmang kukuhanin na ni Rosa ang mga hawak Isabelita ngunit pinigilan sya ni Manang Juana.

"Sinong may sabing ako'y pumayag na?" taas kilay na tanong ni Manang Juana, nakasisiguro ang mga ito na noong kabataan ng matanda ay masungit at mataray ito. Agad namang napayuko ang tatlo.

"Ika'y sumunod na sa aking ipinag-uutos Isabelita, mauuna na kami" sabi ni Manang Juana, nauna na ang dalawa sa paglalakad. Bago sumunod sa kanila si Manang Juana ay ngumiti ito kay Isabelita upang ipahatid na hindi sya galit sa dalaga, napangiti naman din si Isabelita at tumango.

"At?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Pablo.

"W-wala po Señor, basta po. Sagutin nyo na lamang ang aking mga naunang katanungan" ani ni Isabelita, tumango na lang si Pablo.

"Maayos na naman ang aking pakiramdam, maraming salamat" nakangiting saad ni Pablo, tumango na sa kanya si Isabelita at akmang aalis na ngunit pigilan sya ni Pablo sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang palapulsuhan. Agad naman siyang binitawan nito, naiinis na rin si Pablo sa kanyang sarili dahil padalos-dalos sya ng kanyang mga kilos.

"N-nais ko lang sanang tanungin kung masaya ka ba sa pagtatrabaho rito sa aking Hacienda?" tanong ni Pablo, wala na syang maitanong pa kung kaya't iyon na lang ang natanong nya. Nais nya pang makausap ang dalaga ng matagal.

"Opo naman Señor! Kay babait ng mga trabahador dito sa Hacienda Natividad kung kaya't kay swerte ko dahil dito ako namasukan bilang kasambahay" nakangiting sabi ni Isabelita.

"Talaga? Masaya kang dito ka nagtatrabaho?" nakangiting sabi ni Pablo habang nakatitig sa dalaga na hindi naman nito napansin dahil hindi naman sya makatingin sa binata, pinagmamasdan nya lang ang mansyon na kay gandang tignan. Tumango naman si Isabelita sa tanong ng binata.

"Kung gayon, maaari mo na lamang ba akong tawaging Pablo at ika'y huwag nang mangupo sa akin?" tanong ni Pablo na ikinagulat ni Isabelita, nag mula nang maging kasambahay sya rito sa Hacienda na ito ay parati na lamang syang nagugulat.

"P-po? Hindi po maaari Señor" pagtanggi ni Isabelita, huminga ng malalim si Pablo bago nagsimulang makipagkulitan kay Isabelita.

"S-sige na nga, P-pablo" sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Pablo na hindi sya nito tinawag na señor na kay sarap pakinggan, napangiti naman si Isabelita.

"Maaari bang ulitin mong muli? Dapat ay iyong hindi nauutal" natatawang sabi ni Pablo, hindi alam ni Isabelita kung pinaglololoko ba sya ni Pablo o ano ngunit sumunod na lamang sya.

"Sige, simula ngayon ay hindi na ako mangungupo sa iyo ngunit kapag tayong dalawa lamang, hindi ko gustong maging hindi patas sa aking mga kasama. Maaari ba, Pablo?" sa unang pagkakataon din na iyon ay nagawang magsalita ng diretso ni Isabelita sa harap ni Pablo na siyang ikinatuwa nito, hindi nya akalaing maganda pala ang boses nito at kay sarap pakinggan.

"Maaari, Isabelita" nakangiting sabi ni Pablo habang pinagmamasdan ang kagandahan ng dalaga, hindi man nya mawari kung bakit maputi ang balat nito na katulad ng mga kastilang kagaya niya gayong galing ito sa mahirap na pamilya ngunit wala na sa kaniya iyon sapagkat ang nais nya lang ay maging masaya ang binibining walang iba kung hindi si Isabelita.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top