TAA KABANATA 10
[Kabanata 10]
NASA hardin ngayon ng Santa Prinsesa si Isabelita dahil tulad ng dati ay namimitas sya ng bulaklak na kusa na nyang ginawa ngayon dahil maraming inaasikaso ni Manang Juana at hindi na nya ito nais gambalain pa kung kaya't nagkusa na syang pumunta rito sa hardin ni Mang Renato.
"Magandang umaga po, Mang Renato!" masiglang bati ni Isabelita kay Mang Renato, nagulat naman at napangiti si Mang Renato dahil tila kay saya ng araw ng dalaga.
"Magandang umaga rin sa iyo Binibining Isabelita, tila kay ganda yata ng iyong umaga. Maging ang pagkislap ng iyong mga mata ay nakakadagdag sa iyong kagandahan" nakangiting papuri ni Mang Renato kay Isabelita, napangiti naman lalo si Isabelita.
"Maraming salamat po, Mang Renato! Hinding-hindi ko malilimutan ang inyong papuri sa akin, ngunit maaari po ba ulit akong pumitas ng bulaklak gaya ng dati?" magalang na tanong ni Isabelita, agad namang tumango ang matanda.
"Oo naman, anak! Ika'y maaaring pumasok sa aking hardin, sa hardin ng Santa Prinsesa na aking pinangangalagaan" nakangiting saad ni Mang Renato habang pinagmamasdan ang kanyang hardin na pinangangalagaan at pinapahalagahan, napatango naman si Isabelita.
Iniwan na sya ni Mang Renato at pumasok na muli sa loob ng hardin si Isabelita bago dumiretso sa mga rosas, kinuha nya ang isang pirasong lilang rosas at tinitigan ito. Bigla nyang naalala muli ang ibinahagi sa kanya ng kanyang Señor Pablo, ang alamat ng rosas.
Walang sino man ang makakukuha sa magandang bulaklak nang hindi nasasaktan? Tanong ni Isabelita sa kanyang sarili, nagsimula na syang pumitas ng bulaklak.
Dahil sa pagluluto ni Manang Juana ng espesyal na pagkain ay alam kong uutusan niya ako na pumitas ng bulaklak kung kaya't ako'y dumeretso na rito. Ngunit... Nang ako'y pumitas ng bulaklak noong nakaraang araw ay may dumating na bisita, ibig sabihin ba ay may bisita muli ang Señor Pablo?
Iyon ang iniisip ni Isabelita hanggang sa matapos syang mamitas ng bulaklak sa hardin ng Santa Prinsesa, habang nasa daan sya pauwi sa Hacienda Natividad ay napalingon sya ng may marinig na tunog ng kalesa. Kusa syang nagbigay galang sa paparating na kalesa, hindi nya ito tinignan sapagkat sa palagay nya'y hindi ito tama. Nang lumagpas na ang kalesa sa kanya at tinanaw nya ang kalesang iyon, nagkibit balikat lang sya at nag patuloy sa paglalakad dala dala ang bilao na may lamang mga bulaklak.
PAGKARATING ni Isabelita sa Hacienda Natividad ay dumiretso sya sa loob ng mansyon at naabutan nyang nagtatawanan si Señora Victorina at Señor Pablo sa hapag kainan, napatigil naman sya sa kanyang paglalakad at napatitig sa dalawa. Mabuti na lang at nahatak sya ni Segunda upang hindi sya mapahiya at mapagalitan, kinuha ni Segunda ang bilaong hawak ni Isabelita at sya na ang naglagay nito sa lamesa.
"Ika'y ayos lang ba, Isabelita? Bakit tila ikaw ay wala sa sarili?" nag-aalalang tanong ni Segunda kay Isabelita nang makabalik sa gilid, umiling lang si Isabelita habang ang tingin ay nasa sahig lang.
"O-oo, ako'y ayos lamang. Masama lang ang aking pakiramdam" mahinang saad ni Isabelita kay Segunda, hindi naman tumugon si Segunda sa halip ay napatitig sya sa likod ng dalaga. Nagulat naman si Isabelita sa inakto ni Segunda at maya-maya lang ay kinilabutan na sya.
"M-may ligaw na kaluluwa ba sa aking likod?" jinakabahang tanong ni Isabelita, nanatiling gulat na nakatitig si Segunda sa likod ng kanyang kaibigan. Dahan-dahan syang lumingon at napasigaw sya sa gulat ng makita si Pablo sa kanyang likuran, agad syang napatakip sa kanyang bibig.
"Masama ang iyong pakiramdam?" seryosong tanong ni Señor Pablo kay Isabelita, nagulat naman sya sa sinabi ng kanyang señor. Hindi nya akalaing narinig nya ang palusot nya kay Segunda.
"H-huwag nyo na pong pansinin ang aking mga pinagsasasabi Señor, paumanhin rin po sa aming pag-uusap sa oras ng trabaho" nakayukong saad ni Isabelita, akmang hahawakan na ni Pablo ang noo ni Isabelita upang tignan kung sinisinat ba ito nang may magsalita mula sa kanyang likuran.
"Ginoong Pablo, ano ang iyong ginagawa rito kung saan narito ang mga kasambahay?" nagtatakang tanong ni Señora Victorina, ibinaba na ni Pablo ang kanyang kamay.
"P-paumanhin, ano pa ang ibig mong pagkwentuhan natin Binibining Victorina?" tanong ni Pablo bago lingunin si Victorina, pinaypayan muna nito ang kanyang sarili.
"Wala na, tayo'y tapos na sa pagkukwentuhan hindi ba? Nais mo pa rin akong kausapin ano?" biro ni Victorina na ikinangiti ni Pablo, umatras naman si Segunda at Isabelita upang dumistansya dahil nag-uusap ang dalawa at kung sila'y mananatili roon ay magbibigay ito ng tanda ng isang kabastusan.
"Huwag kang mag-alala, ako'y babalik naman. Ako'y ihahatid mo ba pauwi sa aming hacienda?" abot langit ang ngiting tanong ni Victorina, nagulat naman si Pablo ngunit tumango na lamang sya sapagkat hindi nya nais ipahiya ang binibini.
Nagbigay galang muli ang mga trabahador sa Hacienda Natividad kay Señora Victorina hanggang sa makarating sila ni Pablo sa labas ngunit sya'y nagtaka kung bakit wala na ang kalesa ni Victorina sa labas.
"Ako'y iyong hintayin, ihahatid na lamang kita sa inyong hacienda gamit ang aking kalesa" saad ni Pablo, lihim na napangisi naman si Victorina dahil naisakatuparan niya ang kanyang madilim na plano.
NANG makarating sila sa Hacienda Angeles ay naunang bumaba si Pablo upang alalayang bumaba ang Señora Victorina, namula naman ang pisngi ng dalaga dahil sa ginawa ni Pablo. Sadyang maginoo ito na labis nyang kinahangaan kay Pablo, sumalubong sa kanila si Don Tiburcio.
"Mahal kong anak! Ika'y narito na pala! At kasama mo si... Ginoong Pablo" nakangiting saad ni Don Tiburcio, tumango naman si Pablo kay Don Tiburcio.
"Nais mo bang kumain ng gabihan dito sa amin Ginoong Pablo?" nakangiting anyaya ni Don Tiburcio ngunit umiling si Pablo.
"Maraming salamat po Don Tiburcio ngunit kakakain lang po namin ni Binibining Victorina kanina sa aking tahanan" magalang na saad ni Pablo, hindi naman sumama ang loob ni Don Tiburcio kay Pablo dahil hindi nito tinanggap ang kanyang anyaya bagkos ay masaya ito na malamang sabay kumain si Ginoong Pablo at ang kanyang anak.
"Naiintindihan ko, maraming salamat sa iyong paghatid sa aking anak" nakangiting sabi ni Don Tiburcio, tumango lang si Pablo at nagpaalam na kay Don Tiburcio at Victorina.
Habang nasa daan pauwi ay hindi maiwasang kabahan ni Pablo sa kung ano ang maaaring sunod na mangyayari sa kanyang itinatakdang kapalaran.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top