TAA KABANATA 1

[Kabanata 1]

Pilipinas, 1808

NAGMAMADALING naglalakad ngayon ang isang binibini, hindi na alintana pa ang buhos ng ulan sapagkat kailangan nya humingi ng tulong. Inaapoy ng lagnat ang kanyang nakatatandang kapatid kung kaya't mag-isa sya ngayong lumulusong sa ulan upang makahingi ng tulong sa kilalang magaling na manggagamot.

Nang makarating sya sa bahay ng sinasabi nilang babaylan ay agad syang kumatok, nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kanya ang isang matandang babae na kulubot na ang balat. Mapapansin rin ang mga puting buhok nito, matulin kung ito'y tumingin kung kaya't ganoon na lamang ang takot ng mga bata sa kanya.

"Ano ang iyong kailangan?" seryosong tanong nito, napayuko naman ang binibini sapagkat natatakot rin sya sa matutulin nitong tingin na tila nakamamatay.

"P-paumanhin po Doña Consolation ngunit kailangan na kailangan na po ng aking Ate Glenda ng paunang lunas, pakiusap po" nakayukong sabi nya, nanginginig na rin sya dahil sa lamig ng hangin at sa malamig na ulan na tumatama sa kanyang balat. Tinaasan lang sya ng kilay ni Doña Consolation at tumawa ng sarkastiko.

"Nakakatawa ka, sa isang Doña ka pa talaga humingi ng tulong. Kung ginagamit mo lang ang iyong makitid na utak, mayroon ka na sanang dalang paunang lunas sa iyong nakatatandang kapatid!" sigaw sa kanya ni Doña Consolation sabay tulak sa kanya sapagkat hindi nya nais na matapakan ng mga mahihirap ang kanyang pamamahay. Napabuntong hininga na lamang ang binibini at akmang aalis na ngunit nagsalita muli si Doña Consolation.

"Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa isang mangmang na katulad mo, isa ka lamang indio na walang pinag-aralan" natatawang pangungutya pa sa kanya ni Doña Consolation, kumuyom naman ang kamao ng binibini at pinipigilang masigawan ang Doña. Isa itong mataas na tao kung kaya't kapag kinalaban nya ito ay malalagay sa kapahamakan ang kanyang pamilya, umalis na lamang sya doon sapagkat wala naman syang mapapala.

Bakit ka ba kasi nagpunta pa roon, Isabelita? Alam mo namang matapobre ang matandang iyon!

Inis na napailing-iling na lang si Isabelita at nagpatuloy sa paglalakad, nagsisisi sya kung bakit pumunta pa sya kay Doña Consolation dahil alam nya namang matapobre si Doña Consolation. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, nakayuko lamang sya kung kaya't hindi nya napansin ang kalesang papasalubong sa kanya...

"GINOONG Pablo, saan ho tayo patutungo?" magalang na tanong ng kutsero kay Ginoong Pablo, napasulyap naman si Pablo sa kanya at napangiti. Malakas ang ulan ngayon at tila dadaan na naman ang bagyo sa kanilang bayan.

"Pumunta tayo sa Hacienda Angeles, ang unica hija raw ni Don Tiburcio ay inaapoy ng lagnat" sagot ni Pablo. Isa syang doktor na tumutulong sa mga nangangailangan, mayaman man o mahirap.

Nang matapos na nyang masiayos ang mga kagamitang pang-gamot nya ay tumingin na sya sa daanan nang mapansin nya ang isang dalagitang nakayuko at basang-basa, napatingin sya sa kutserong nagsisilbi sa kanya at mukang hindi nito napansin na mabubunggo na nya ang dalaga kung kaya't agad syang nagsalita upang pigilan ang pag-andar ng kalesa.

"Mang Ricardo! Itigil nyo ho ang kalesa sapagkat may binibining nasa gitna ng kalsada!" sigaw ni Pablo upang marinig sya ni Mang Ricardo, may kahinaan na ang pandinig ni Mang Ricardo kung kaya't kailangan nyang sumigaw. Sisibakin na sana ng mga magulang ni Pablo si Mang Ricardo sa trabaho ngunit hindi pumayag si Pablo, ang pagiging kutsero na lamang ang trabaho ni Mang Ricardo at alam ni Pablo na may pamilya itong umaasa sa kanya.

Agad namang napatigil ang kalesa. Nang mapatingin si Isabelita sa harap ay nagulat sya dahil hindi nya man lang namalayan na mayroon na palang kalesa sa harap nya. Agad naman syang humingi ng tawad, napaluhod rin sya sapagkat alam nyang isa sa mga mayayamang pamilya ang naabala nya ngayon. Ilan lamang sa bayan ng Santa Prinsesa ang may kalesa kung kaya't agad nyang natukoy na ang naagrabyado nya ngayon ay isang mayaman.

"P-paumanhin po s-señor, hindi ko po namalayang may kalesa na po pala sa aking harapan k-kung kaya't paumahin po" nakayukong sabi ni Isabelita habang nakaluhod, agad namang bumaba sa kalesa si Pablo at hinawakan ang balikat si Isabelita upang itayo ito. Agad naman syang napabitaw sa balikat ni Isabelita sapagkat isa iyong kapusukan, napayuko rin sya dahil sa hiya.

"P-paumanhin binibini sa aking kapusukan" paghingi ng tawad ni Pablo, sa kalesa naman ay kumuha muna ng pagkain si Mang Ricardo habang pinapanood ang eksenang nangyayari ngayon sa kanyang harapan.

"A-ayos lang ho Ginoong..." hindi na nya madugtungan pa ang kanyang sinasabi sapagkat hindi nya naman alam ang ngalan ng ginoong nasa harap nya ngayon, bago lamang sya sa Santa Prinsesa kung kaya't hindi pa nya masyadong kilala ang mga kilalang tao rito.

"Pablo ang aking pangalan Binibini, nagagalak akong makilala ka" nakangiting sabi ni Pablo sabay hubad ng kanyang sumbrelo at itinapat iyon sa kanyang dibdib, natulala naman sa kanya si Isabelita lalo na sa kanyang ngiti.

"Ano nga pala ang iyong ginagawa rito sa kalsada? Kay lakas ng ulan" saad ni Pablo sabay tingin sa kapaligiran basang-basa na dahil sa lakas ng ulan, maging si Pablo ay basa na rin ngunit wala namang problema iyon sa kanya.

"W-wala po Ginoong Pablo, ako'y nandito lang upang humingi ng tulong. Mauuna na rin po ako sapagkat ako'y kailangan pa ng aking kapatid" nakangiting sabi ni Isabelita kay Pablo at yumuko sandali bilang paggalang, akmang aalis na sya nang magsalita muli si Pablo.

"Bakit? Anong mayroon sa iyong kapatid at kailangan mo ng tulong?" usisa ni Pablo, sa kalesa naman ay natawa si Mang Ricardo sapagkat mausisa talaga si Pablo simula pa noon. Hilig nyang magtanong sa kung saan-saang bagay kung kaya't malawak ang kanyang kaalaman, isang matalinong binata talaga si Pablo at sya'y nakapagtapos at naging isang ganap na doktor.

"Inaapoy po kasi ng lagnat ang aking Ate" malungkot na saad nya, nagulat naman si Pablo sa sinabing iyon ni Isabelita.

"Ano? Sanay sinabi mo agad Binibini. Halika na at sasamahin kita sa iyong Ate, kay lakas ng ulan at baka ikaw din ay magkasakit tulad ng iyong kapatid" saad ni Pablo, nagulat naman sya sa inasal ni Pablo sapagkat isa itong kastila at hindi nya akalaing may mabait pa lang kastila. Agad naman syang umiling.

"Huwag na po Ginoo" pagtanggi ni Isabelita, sya'y nahihiya sapagkat hindi naman sila lubos na magkakilala.

"Ika'y huwag nang tumanggi, hindi naman ako masamang tao" biro ni Pablo, natawa naman si Isabelita. Napatigil naman si Pablo sapagkat sa unang pagkakataon ay nasilayan nya ang matamis na pagngiti ng dalagang nasa harap nya ngayon at hindi nya akalaing may natatangi pala itong kagandahan.

Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay ang pagtatama ng kanilang paningin. Tila may naramdaman silang kuryente sa kanilang pagtititigan at may naramdamang kung anong saya sa puso nilang dalawa.

********************
#TeAmoAdiós

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top