TAA EPILOGO
[Epilogo]
NAGAMBALA ang mga taga Santa Prinsesa dahil sa dalawang beses na putok ng baril, agad nagsidatingan ang mga guardia sivil. Maging ang mga tao ay nakisilip sa kung anong nangyayari, lahat ay nagulat ng makita si Victorina na may hawak na baril. Nabitawan ni Victorina ang baril dahil sa gulat at napaupo na lang sa sahig at doon tumangis, sa kabilang banda naman ay pilit ginigising ni Pablo ang kanyang mag-ina na ngayo'y nakapikit na.
"P-pakiusap, g-gumising kayo" nanginginig ang boses na pakiusap ni Pablo, pilit nyang ginigising ang mga ito ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ni Isabelita at Patricio. Agad tumakbo palapit kay Pablo ang kararating lang na doktor na kaibigan ni Pablo upang tulungan ito. Napahawak naman sa kanyang dibdib si Señora Angelita nang madatnan si Pablo sa ganoong sitwasyon, lumapit sya rito upang tulungan.
"W-wala akong k-kasalanan" mahinang saad ni Victorina at biglang tumawa, nagdasal naman ang ibang mga binibini dahil mukhang wala na ito sa katinuan. Lumapit sa kanya ang mga guardia sivil upang kuhanin na sya ngunit agad syang nagpumiglas.
"B-bitawan nyo ako! I-isusumbong kita sa aking ama--oo nga pala, patay na ang aking ama" bigla na lang tuloy syang naiyak nang maalala na patay na ang kanyang ama, napailing na lang ang mga guardia at pilit na hinahatak si Victorina dahil nagpupumiglas ito.
"P-pakiusap, dalhin na natin sa aking klinika ang aking asawa at anak!" sigaw ni Pablo at binuhat ang kanyang asawa, ang kanyang kaibigan naman na si Felipe ay binuhat si Patricio at umalalay din si Señora Angelita.
Pagkarating nila sa klinika ni Pablo ay agad nyang ginawa ang lahat upang mailigtas si Isabelita sa kamatayan, si Felipe naman ang gumamot kay Patricio.
"P-pakiusap, lumaban ka Isabelita" nanginginig ang boses na pakiusap ni Pablo, tapos nang gamutin ni Felipe si Patricio kung kaya't pumunta na sya sa kaibigan. Dahan-dahang hinawakan ni Felipe ang palapulsuhan ni Isabelita, binitawan na rin nya ito at napabuntong hininga. Hindi na ito tumitibok pa, wala na si Isabelita.
Hinawakan nya ang balikat ng kaibigan upang pigilan ito sa patuloy pa ring panggagamot kay Isabelita na ngayo'y wala nang buhay, napatingin si Felipe kay Angelita na ngayo'y nangingilid na ang luha dahil sa masakit na tadhana ng kanyang kaibigan.
"Pablo, tama na. Wala na sya" malungkot na saad ni Felipe, ang mga salitang binitawan ni Felipe ay ang labis na nagpadurog ngayon sa puso ni Pablo.
"H-hindi, buhay pa sya. B-buhay pa si Isabelita!" Sigaw ni Pablo, inawat na sya nang iba pang ginoo. Pilit namang nagpupumiglas si Pablo ngunit napaupo na lang din sya sa sahig dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman, ang mga pagluha ang maririnig sa loob ng klinika ngunit ang pagtangis at paghikbi ni Pablo ang nananaig.
"Isabelita..." nasasaktang sambit ni Pablo at lumapit kay Isabelita upang yakapin ito, naalala nya bigla ang naging pag-uusap nila ni Isabelita sa mismong klinika na ito noon...
Maya-maya lang ay lumabas na si Pablo, napalingon si Isabelita sa kanya at napatigil ito matapos mapagtantong napatulala ito sa kaniya. Ang lakas ng dating ni Pablo sa kanyang suot at sadyang napakaraming binibini ang nahuhulog sa taglay nitong kabaitan at kagandahang lalaki. Nakaramdam na ng ilang at napatikhim si Pablo dahil sa pagtitig sa kanya ni Isabelita.
"I-isabelita" hindi malaman ni Pablo kung saan ba sya titingin sapagkat nakatitig pa rin sa kanya si Isabelita, maya-maya lang ay natauhan na si Isabelita at hindi niya namalayang muntik nang tumulo ang kanyang laway. Nahihiya syang napaiwas ng tingin.
"S-señor, narito po p-pala kayo" pilit ang ngiting sabi ni Isabelita, kung maaari lang ay kanina pa sya nagpalamon sa lupa dahil sa kahihiyang kaniyang nagawa.
"Ikaw talaga, Isabelita" natatawa at napapailing na sabi ni Pablo, namumula na ang mukha ni Isabelita ngayon na ipinagtaka ni Pablo. Hindi nya mawari kung bakit tila isa itong mestiza gayong galing ito sa mababang antas, ipinagsawalang bahala nya na lang din iyon sapagkat nakakabighani nga naman ang ganda nito lalo na kapag namumula.
"Nasa maayos nang kalagayan ngayon ang iyong kapatid, ako'y napapaisip lamang sapagkat tila sya'y laging nagkakasakit. Sya ba ay lapitin ng karamdaman?" tanong ni Pablo.
"Opo Señor, Simula pagkabata namin ay sakitin na talaga ang aking ate" sagot ni Isabelita. "Siya nga pala, maaari ko na po bang makita ang aking ate?" tanong ni Isabelita, nakangiting tumango si Pablo at binuksan ang pinto upang makapasok sya.
Nang makapasok si Isabelita ay namangha sya sa itsura ng kwarto, sobrang linis nitong tignan. Lumapit na si Isabelita sa kanyang kapatid at hinawakan ang kamay nito. Hinimas din ni Isabelita ang noo ng kanyang ate na natutulog ngayon.
"Señor Pablo" matapos nyang sabihin iyon ay napangiti sya, dahan-dahan nyang binitawan ang kamay ng kanyang ate at humarap kay Pablo.
"Maraming salamat po sa lahat-lahat ng itinulong nyo sa akin, salamat dahil nagbibigay ka ng saya sa akin" nakangiting sabi ni Isabelita, napangiti rin si Pablo at napatango habang ang kanyang kamay ay nasa magkabila nyang bulsa. Nag-uumapaw ngayon ang sayang nararamdaman ni Isabelita dahil kabutihan ng lalaking nasa kaniyang harapan ngayon.
"Masaya akong nakilala kita... Pablo" sa muling pagkakataon ay tinawag sya ni Isabelita sa mismong pangalan niya kung kaya't napangiti siya lalo, hindi maintindihan ni Pablo kung bakit sa tuwing nakikita at nakakausap nya ang dalaga ay may kung anong saya syang nararamdaman mula sa kanyang puso.
"Masaya rin akong nakilala kita... Isabelita" nakangiting sabi ni Pablo, natawa si Isabelita dahil sa sobrang ngiti ni Pablo ay hindi na makita pa ang nagkikislapang mga mata nito. Natawa rin si Pablo habang pinagmamasdan ang pagngiti ng dalaga, ang mga tawa at ngiti na may halong pag-ibig nang hindi nila namamalayan.
KINABUKASAN, nakaburol na ang katawan ni Isabelita. Habang si Patricio naman ay... Nakaligtas sa bingit ng kamatayan, kay sakit lamang ng kanyang braso sapagkat nabaril ito ni Victorina. Hindi na malaman ni Pablo kung paano nya sasabihin ngayon sa kanyang anak na wala na ang kanyang ina.
"P-patricio" nanghihinang saad ni Pablo, may puting tela na nakatali sa braso ni Patricio at nanghihina rin ito.
"I-itay, nasaan po si Inay?" nagtatakang tanong ni Patricio, kanina pa ito palingon-lingon at mukhang hinahanap nya ang kanyang ina. Nangilid naman ang luha ni Pablo at yinakap ang kanyang anak.
"P-patawad sapagkat dinala ko pa kayo rito, sana pala ay hinayaan ko na lamang kayo sa inyong probinsya at hindi na ako muling dumating pa sa buhay nyo. P-patawad" puno ng pagsisisi na saad ni Pablo.
"N-ngunit... Nasaan po si Inay? Nais ko na po syang makita" inosenteng saad ni Patricio, wala syang kaalam-alam na wala na ang kanyang ina. Patay na si Isabelita.
Nanghihinang tumayo si Pablo at sinamahan ang kanyang anak papunta sa harap kung nasaan ang kanyang ina, nagulat naman si Patricio. Dahan-dahan nyang hinawakan ang kanyang ina, ang lamig na nito.
"I-inay? G-gising na po" napakagat sya sa kanyang labi dahil tila maiiyak na sya, kahit anong alog nya sa kanyang ina ay hindi pa rin ito gumigising.
"P-patawad anak ngunit wala na ang iyong ina, p-patawad Isabelita" lumuluhang saad ni Pablo at hinawakan ang matigas at malamig kamay ni Isabelita upang halikan ito.
"P-po? A-ayan po si Inay oh" nanginginig ang boses na saad ni Patricio at itinuro ang kanyang Inay na ngayo'y nakapikit na ang mga mata at hindi na muling didilat pa.
"W-wala na ang iyong Inay Patricio, patay na si Isabelita" muli ay kumirot na naman ang puso ni Pablo, hindi nya lubos akalain na sandali na lang pala ang oras na makakasama nya ang kanyang pinakamamahal. Hinawakan ni Patricio ang kamay ng kanyang ina at kasabay niyon ay ang pagpatak ng kanyang luha.
"I-ina, bakit mo po ako iniwan agad? B-bakit pa po kasi kayo humarang" tumatangis na saad ni Patricio, hindi na maawat ang pagluha ng mag-ama dahil sa katotohanang...
Wala na si Isabelita.
HABANG si Victorina naman ay nahatulan ng kamatayan, bibigtiin sya sa harap ng maraming tao. Labis na natatakot ngayon si Victorina na mamatay sya, nakatali ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran kung kaya't nahihirapan syang kumilos.
"B-bitawan nyo ako! Hindi pa rito nagtatapos ang lahat! A-ayoko pang mamatay!" sigaw ni Victorina, ilinagay na sa kanyang leeg ang lubid at itinali. Naiyak na lang si Victorina dahil wala na syang kawala pa mula sa kamatayan, saktong paghatak ng upuan na kanyang tinatapakan ay ang kanyang pagkabigti. Napahawak sya sa kanyang puso, sadyang naging brutal ang pagkamatay ni Victorina sapagkat kasabay ng kanyang pagkabigti ay inatake sya sa puso.
Labis na nagluksa ang buong Santa Prinsesa dahil sa pagkamatay ni Isabelita sapagkat kanilang nalaman din na isa palang De Guzman si Isabelita na labis na naging mabait sa lahat ng tao. Naroon ang pagsisisi ni Madam Consolation dahil sa maling pakikitungo nya kay Isabelita noong panahong nangangailangan ito ng tulong, labis na nagluksa rin ang pamilya De Guzman dahil sa pagkawala ni Isabelita. Kinilala ang pamilya Angeles bilang isang kasumpa-sumpang pamilya.
(A/N: Hello! Patugtugin ang 'Chasing Pavements' by Adele sa last scene na ito. Salamat!)
SA makalipas na araw, buwan, at taon ay naroroon pa rin ang kirot sa puso ni Pablo dahil sa katotohanang hindi na nya makakasama pa si Isabelita. Narito sila ngayon sa puntod ni Isabelita, sa libingan ng mga Natividad ito ilinibing. Ilinapag ni Pablo at Patricio ang mga lilang rosas na dala nila para kay Isabelita. Isang taon na rin simula nang si Pablo na ang nag-alaga kay Patricio, isang taon na ang nakalipas ngunit ang kirot sa kanilang puso ay naroroon pa rin dahilan lumipas ang isang taon nang wala si Isabelita.
"Maligayang kaarawan Inay Isabelita, kahit kailan ay hindi ka mawawala sa puso namin ni Ina" emosyonal na saad ni Patricio, pinunasan naman ni Pablo ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Maligayang kaarawan mahal ko, kailanman ay hindi ka nawala sa aking isipan. Ikaw lamang ang aking mamahalin hanggang sa aking kamatayan. Mayroon nga pala akong tula para sa iyo, matagal na ito ngunit nais ko pa ring basahin ito para sa iyo" emosyonal na saad ni Pablo, umatras naman ng kaonti si Patricio para sa kanyang Itay.
Mahal kita at mahal mo ako, aking tanging pinanggahawakan habang tayo'y nasa gitna ng laban.
Ngunit sa hindi inaasahan, bigla kang nag laho ng di inaasam. Ako'y labis na nasaktan, ngunit ipinagpatuloy pa rin ang laban.
Pag-ibig ko sayo'y magpakailanman kung kaya't kahit saan at kahit kailan, hindi ako susuko kailanman.
Hanggang sa muling pag ku-krus ng ating landas, nawa'y makamit na natin ang masayang wakas.
"Mahal na mahal kita Isabelita. Hanggang sa muli nating pagkikita" puno ng emosyon na saad ni Pablo.
"Te Amo, Adiós..." nakangiting saad ni Pablo, tumabi na sya sa kanyang anak at inakbayan ito. Sabay nilang pinagmasdan ang puntod ni Isabelita, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata Pablo.
At sa mga lilipas pang taon at panahon, palalakihin, aarugahin, at mamahalin nya si Patricio nang mag-isa...
Wakas.
********************
#TeAmoAdiós
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top