EPILOGUE

EPILOGUE

A/N: I dedicate this story to LECHEL DE VILLA. Thanks for letting me use your name. You're such a great friend to me and I'll treasure you always. Thank you so much, again. Wishing you all the happiness in this world :)

NYKYREL was pacing back and forth outside the Delivery Room. Kanina pa sa loob ang asawa niyang si Lechel, halos magdadalawang oras na. Hindi siya mapakali.

The nurses' keeps on telling him to relax but how could he, when his life and happiness is inside the Delivery room, in pain because of him? Gusto niya itong samahan sa Labor room kanina pero nanghina ang lahat ng buto sa katawan niya ng marinig ang sigaw nito.

Pero hindi niya hinayaang makita ni Lechel ang panghihina niya, kailangan niyang malakas para rito at sa magiging anak nila. Nang dalhin na ang asawa sa Delivery room ay pinalabas siya ng Doktora na magpapa-anak sa asawa niya.

He rubbed his palm over his face and sighed. Shit! Nag-aalala talaga siya sa lagay ng asawa niya.

"Ganito ba talaga katagal ang panganganak?" Tanong niya sa kawalan.

Pabagsak siyang umupo sa waiting area saka nagdasal na sana ayos lang ang asawa at anak niya ng makarinig ng papalapit na yabag ng mga paa.

"Hey, man." Boses iyon ni Dustan.

Nag-angat siya ng tingin at nakita ang mga kaibigan niyang sina Dustan, Tegan at Nicholas.

"Is it Nikkoz or Nikkah?" Tanong naman ni Nicholas.

His friends knew that he and Lechel already pick the names. Nag offer ang Doctor na alamin ang gender ng baby nila bago pa ito lumabas pero hindi siya puMayag ni Lechel. Gusto nilang maging surpresa iyon.

"Hindi ko pa alam," sagot niya, "hindi pa lumalabas e." Bumuga siya ng marahas na hininga at tumayo.

Tamang-tama naman na bumukas ang pinto ng delivery room.

"Mr. Guzmano?" Anang Doktora.

Mabilis siyang lumapit dito. "Kumusta ang asawa ko? Ang anak ko? Are they fine? Are they well? Tell me, please." He was panicking.

Ngumiti ang Doktora, "ayos lang ang mag-ina mo," bumaba ang boses nito na tanging sila lang ang nakakarinig at sinabi sa kaniya ang gender ng anak niya.

Nykyrel grinned. "Thanks, Doc."

"Welcome. Maya-maya lang, ilalabas na ang misis mo at susunod na ang anak niyo. Pakihintay nalang at paki-ready ng mga gamit niyo."

Tumango siya at humarap sa mga kaibigan na nagtatanong ang mga mata.

"Well? Is it a he or a she?" Dustan asked, impatient as always.

Nykyrel grinned. "It's Nikkoz, guys."

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ng kaibigan. Kahit si Tegan na binibili ang ngiti ay may ngiti sa mga labi.

"Congratulation, man." Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Ngumiti lang siya. He is now officially a father. At sisiguraduhin niyang magiging isa siyang mabuting ama sa anak niya at mapagmahal na asawa kay Lechel.

God. He's one lucky man.

A/N: Thank you so much for reading. I hope you like Nykyrel's story. Next is Tegan Galvante, his friend. Nabanggit na po siya sa story na 'to. Hope you like him too. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at nag vote at nag comment.

THE END

g


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top