CHAPTER 16
CHAPTER 16
HUMINGA ng malalim si Lechel habang iniaabot sa Editor-In-Chief ang isunulat na article tungkol kay Nykyrel Guzmano.
Wala na siyang lakas ng loob ng balikan pa ito sa bahay nito pagkatapos nang nangyari nuong isang araw. She let him choose, at ang pinili nito ay ang career niya. Ibig sabibin ay ayaw siya nitong makasama.
She is more than ready to stop the assignment that was given to her, but things change. Si Nykyrel na ang namili, hindi siya.
Walang imik na tinanggap ng Editor-In-Chief ang sinulat niya saka binasa. Ang maaliwalas nitong mukha at napalitan ng pagkunot ng nuo kapagkuwan at napatango-tango ito.
"I wasn't expecting this kind of article from you, Lechel." Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at mataman siyang tinitigan. "Bakit ito ang isinulat mo?"
Tinuro niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Lahat ng nakasulat diyan ay galing dito. Lahat ng nakasulat diyan ay totoo."
Tumango-tango ito at ngumiti. "Well, this will do. At saka hindi ko nasabi sayo na nagpadala ng mensahe si Mr. Guzmano sakin kahapon, at nakasaad doon na willing siyang magpa-written interview basta hindi ikaw ang mag-i-interview sa kaniya. So, I'm sending Jan Irish instead of you. But this article of yours will be put above his interview." May kinuha itong kulay puting enveloped sa cabinet saka ibinigay sa kaniya. "That will be your next assignment."
Walang imik niyang tinanggap ang enveloped at binuksan iyon.
Lechel's eyes bulged and her mouth hanged open. Napakurap-kurap siya, hindi makapaniwala sa nabasa.
Her eyes snapped at the Editor-in-Chief. "Ano 'to?"
"Your promotion." Ngumiti ito ng malapad. "You will be the next Assistant Editor-in-Chief. Umabot na sa Board ang credentials mo at experience, at payag silang ibigay sa iyo ang posisyon na 'yon. But to be an Assistant, you have to train in Chicago for a year."
Nakaawang ang labi niya habang nagsasalita ang kaharap.
"One year?" Paanas na tanong niya, "ganoon katagal?"
"Bakit? Ayaw mo?"
Napalunok siya. "Ang tagal kasi..."
"So?" Tumaas ang isang kilay nito. "Is there anyone ... or someone holding you back?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "No."
"Good. Next week ang alis mo."
Sumikdo ang puso niya ng mabilis. Next week na? Oh God. Would she decline the offer? Would she accept it? Naguguluhan siya.
"You may leave."
Tumango siya at lumabas sa opisina nito. Habang naglalakad patungo sa cubicle niya, gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya alam kung tatanggapin niya o hindi. Kahit pa pinili ni Nykyrel ang career niya, gusto niya pa rin itong makausap.
Gusto niyang makasiguro na ayaw nito sa kaniya para tanggapin niya ang offer na mag-train sa Chicago.
ILANG MINUTO na ang nakalipas simula ng mag doorbell siya pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng gate. But Lechel keeps on pressing the doorbell.
Kailangan niyang makausap si Nykyrel.
Mangiyak-ngiyak na siya habang nagdo-doorbell dahil walang nagbubukas. Alam niyang nasa loob si Nykyrel, hindi lang siya nito pinagbubuksan.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at napahikbi. Handa na siyang sumuko ng marinig niyang bumukas ang lock ng gate.
Her face lit up and smiled when the gate open showing an emotionless Nykyrel.
"Anong g-ginagawa m-mo rito?" Walang emosyon ang boses nito.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kailangan kitang makausap."
His face remains emotionless. "What for?"
Nilakasan niya ang loob. "Na-promote na ako." Huminga siya ng malalim. "Pero kailangan kong nag training sa Chicago sa loob ng isang taon."
Ni walang pagbabago sa emosyon ng mukha niya. His face remain impassive, it hurts. Siya lang ang nasasaktan, hindi ito. Her heart is bleeding.
Does he even care?
"Oh, tapos?" Bumuga ito ng marahas na hininga. "E di tanggapin mo. It's your chance, take it."
Mas bumaon pa lalo ang ngipin niya pang-ibabang labi. "Nykyrel," kinapalan na niya ang mukha, she have to say it, "please, pigilan mo ako. One word from you and I'll stay."
Nykyrel sighed and shook his head no. "Hindi kita pipigilan. It's your chance, Miss De Villa. T-take it, o-own it and b-be happy."
Nag-aalalang tinitigan niya si Nykyrel. Nauutal na naman 'to. What's wrong with him? What's happening? Bumalik na naman ba ito sa dati?
"Nykyrel," hinawakan niya ang braso nito, "nagsi-session ka pa ba?"
Nag-iwas ito ng tingin, "it's none of your business now, Miss De Villa."
Miss De Villa! Miss De Villa!
"Bakit hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko? What change?" Mabilis niyang pinahid ang luha na kumawala sa mga mata niya, "so hindi mo na ako 'babe' ngayon? Ako na si Miss De Villa? Bakit, ha?"
Nykyrel sighed. "Lechel, umalis ka na. Hindi kita pipigilang pumunta sa Chicago. Go. Accept your promotion."
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka mariing ipinikit ang mga mata. A tear spilled from her eyes. Mabilis niyang pinahid iyon at iminulat ang mga mata.
"Sige. Aalis na ako." Taas-nuo niyang sabi at tinalikuran ang binata.
Nakakailang hakbang palang siya ng marinig niya ang boses nito.
"I love you."
Mabilis siyang humarap kay Nykyrel. Nakatingala ito sa kalangitan.
"Anong sinabi mo?" Kinakabahang tanong niya.
Bumaba ang tingin sa kaniya ni Nykyrel. "Ha?"
Her heart fell and bleeds. Guni-guni lang niya ang narinig. Nykyrel still have this impassive look on his face.
Mabilis siyang tumalikod at tumakbo patungo sa sasakyan niya. Nag-uunahang tumulo ang mga luha niya habang nagmamaneho patungo sa bahay niya.
She has to go. Siguro sa Chicago, makakalimutan niya si Nykyrel.
Pero sapat na ba ang isang taon para mawala sa puso niya ang binata?
BUMUGA ng marahas na hininga si Nykyrel habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Lechel.
He knew that he hurt his feelings. Alam niyang naroon ang dalaga para pigilan niya ito.
But how could he be unfair to her? Pangarap nito ang pinag-uusapan. Ayaw niyang maging unfair sa dalaga. Hindi niya itong puwedeng ikulong sa bahay kasama siya.
She had dreams and she will attain it. At kung makakatulong siya sa pamamagitan ng pagtulak dito palayo, gagawin niya.
He loves her enough to be selfless.
Habang tinutupad nito ang pangarap, kailangan niyang ayusin ang sarili niya. Nykyrel promised to himself that the next time he and Lechel see each other again; he will be a new man, a man that she can be proud of.
I promise.
HUMINGA ng malalim si Lechel habang naka-upo sa waiting area ng Airport. Hindi mawala sa isip niya si Nykyrel.
She desperately wanted to stay with him... but how can she stay, if he wouldn't let her?
"Malayo ang tingin." Anang baritonong boses na kumakanta.
Bumaling siya sa kaniyang tabi at kumunot ang nuo ng makita ang isang guwapong lalaki na hindi niya kilala.
Inilahad nito ang kamay, "hi, I'm RV Volkzki."
Tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa nakalahad nitong palad at tumingin sa guwapo nitong mukha. "RV?"
The man grinned. "RV, short for Reev Venidect." He wiggled his extended hand. "Are you going to shake my hand now?"
Tipid niyang ngumiti saka tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Lechel De Villa." Pagpapakilala niya.
RV grinned. "Nice to meet you."
"Yeah." Inagaw niya ang kama na hawak nito. "Same here." Mataman siyang tinitigan ng lalaki kaya naasiwa siya. "Huwag mo akong titigan."
"You look sad." Komento nito at ngumiti. "So, therefore i conclude that you need company... my company."
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Thanks but no thanks. Hindi ko kailangan ng kasama. At saka, isang oras nalang ay aalis na ang eroplanong sasakyan ko patungong Chicago."
Ngumiti lang ang lalaki saka tumayo at inilahad ang kamay sa kaniya. "Come on. I'll show you around the Airport, even the 'authorized person only' places."
Nagsalubong ang kilay niya. "At paano mo naman magagawa 'yon?"
"I am RV Volkzki, i have connections." He winked at her. "So, halika na?"
Nagdadalawang isip siyang tanggapin ang kamay nito. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"
"Ayokong makakakita ng magandang babaeng malungkot." Natatawang inilahad nito ang isa pang kamay. "Halika na, my lady. Time to wipe off that sad expression on your face."
Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. Para na rin mawala sa isip niya si Nykyrel. RV seems like a nice man. Isang oras pa bago ang flight niya patungong Chicago, she might as well take Nykyrel off her mind by agreeing to RV's offer.
It's not every day a handsome man offer to wipe off the sadness on her face.
Pero kahit kasama niya si RV, si Nykyrel pa rin ang nasa isip niya.
Paano kaya ito mawawala sa isip niya?
Would she really forget him in Chicago? Sana sapat na ang isang taon para makalimot ang puso niyang nasaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top