CHAPTER 15
CHAPTER 15
HALOS limang oras na naghintay si Lechel sa labas ng bahay ni Nykyrel. Hindi siya mabuksan ang gate dahil wala siyang susi. Pero kahit ganoon ay hindi siya umuwi. She waited for Nykyrel.
Naka-idlip nalang siya sa kahihintay dito.
Nagising siya ng makarinig ng sasakyang tumigil. Mabilis siyang tumayo ng makita si Nykyrel na lumabas sa kotse at sumusuray ang binata.
"Nykyrel!" Napasigaw siya sa pag-aalala ng mapasubsub ito sa semento.
Mabilis niyang nilapitan ang binata at tinulungan itong makatayo.
"Don't!" Sigaw nito saka tinulak siya palayo. He glared at her accusingly. "H-hindi ako makapaniwala. I-is this your p-plan all along? To m-make me feel hope and c-crush it?" Pain is in his eyes. "W-why?"
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Nykyrel?" Hinawakan ulit niya ito sa braso at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito tinulak palayo. "Ano ba ang ginawa ko at inaakusahan mo ako?"
Tumalim ang mga mata nito. "R-really? Y-you and J-Jace?"
Nasasaktan si Lechel para sa binata. Nauutal na naman ito at alam niya ang dahilan kung bakit. Jace had said something to Nykyrel to crush his confidence. And knowing Nykyrel, it cuts deep.
"Matagal na 'yon, Nykyrel." Aniya habang inaalalayan ito patungo sa gate.
Even in his drunken state, Nykyrel still manage to open the gate with his key. Tinulungan niya itong makapasok sa loob ng kabahayan at pinaupo ito sa mahabang sofa.
Nykyrel rested his head against the back of the sofa. Nakapikit ang mga mata nito.
Mabilis siyang kumuha ng pamunas at malamig na tubig. Hindi ang binata gumalaw ng hubarin niya ang polo nitong suot at pinunasan ang katawan.
"Ano ba ang nangyari sa loob ng men's room?" Aniya habang pinanupunasan niya ang pisngi nito. "Care to tell me. Nag-alala ako sayo-"
"Hindi ako naniniwala."
Tiningnan niya ito ng masama pero nakapikit ang mga mata nito kaya hindi nakita ang ginawa niya. "Nykyrel, hinabol kita pero hindi kita naabutan. Tapos halos limang oras akong naghintay sa labas ng gate ng bahay mo. Kung hindi ako nag-aalala, e di sana hinayaan lang kita."
Bumukas ang mga mata nito at tumingin sa kaniya. Vulnerability, fear, confusion and pain is written on the depths of them.
"T-talaga? Nag-alala ka sakin?" Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. "I f-felt happy this m-morning. But when Daniel spoke to me rapidly, i p-panicked. H-hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagtago ako sa m-men's restroom. I f-felt like a cornered animal when i s-saw Jace again after all t-these years." Bumuntong-hininga ito saka bumaba ang kamay sa braso niya at pinisil-pisil iyon. "Jace is a d-demon in my high school life. H-hindi ako makapaniwalang m-makikita ko siya u-ulit. My p-panicked heightened. T-then he started taunting me, mocking me, saying i-I'm not good enough to be seen w-with you." His fear and pain is so palpable around them. "T-tapos sabi niya na ex-boyfriend mo siya at mas pipiliin mo siya kaysa sakin kasi normal siya at hindi nauutal. I didn't believe him at first pero nang makita kung niyakap k-ka niya..."
"At naniwala ka naman sa kaniya?" Napailing-iling siya saka pinagdikit ang nuo nilang dalawa. "Nykyrel, oo, ex ko si Jace at may rason kung bakit ko siya hiniwalayan. I was in college when we become couple and after a year of being with Jace, na realize kung hindi siya ang hinahanap ko." Ginawaran niya ng halik ang tungki ng ilong nito. "Sana hindi ka tumakbo. Sana hinayaan mo akong ipagtanggol ka."
Mahina itong tumawa. "Palagi mo nalang akong pinagtatanggol. Nakakababa 'yon ng ego."
She rolled her eyes. "At sa tingin mo naman may pakialam ako?" Pinagpatuloy niya ang pagpunas dito. "I told you, i will always be here for you."
"Hindi mo ako iiwan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya na parang binabasa ang laman niyon. "Hindi mo ako gagawing headline sa Magazine niyo para sa promotion mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Lechel sa narinig. He knew? How?
Malungkot na ngumiti ang binata ng hindi siya nagsalita. "Nuong unang araw mo rito sa bahay ko, paulit-ulit mong sinabing kailangan mo akong ma interview para sa promotion mo. It got stuck in my mind. Hindi ko 'yon nakalimutan. So I'm asking you now, are you just here for me because I'm the future headline of your Magazine?"
Umawang ang labi niya at hindi siya makapagsalita.
Mapaklang tumawa si Nykyrel. "Thanks for worrying."
Napatitig si Lechel sa binata. He knew all along still he let her in. Anong klaseng halimaw siya para saktan ito ng ganoon? Para ipagkalat sa buong bansa ang kahinaan nito?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
Kailangan niyang mamili. Her promotion or Nykyrel? She wants to choose both, pero hindi naman puwede. Walang ganoon.
Bumuntong-hininga siya saka iminulat ang mga mata. Nakatingin pa rin sa kaniya si Nykyrel.
"Magpahinga ka na." Aniya at ginawaran ito ng halik sa nuo. "You need rest."
Tumango ito at inalalayan niya ito patungo sa silid nito. They stumble a few times but they didn't trip or fall, thanks God for that.
Nang makapasok sila sa silid nito, inilalayan niya ito pahiga sa kama pagkatapos ay hinubad niya ang natitira nitong damit. Lechel can't stop ogling his chest and abs.
Lasing na nga pinagnanasaan pa niya. Damn it, Lechel!
Kinumutan niya ang binata na ang tanging suot lang ay boxer. Hinalikan niya ito sa nuo saka naglakad siya patungo sa pinto. Akmang lalabas na siya ng marinig niya ang boses ni Nykyrel.
"Lechel? Babe?"
Nilingon niya ang binata. "May kailangan ka?"
Nakapikit ang mga mata nito. "Hindi ako magagalit kung pipiliin mo ang Promotion mo. But if you choose that over me, then you'll have to leave my house... my life. 'Yon ang consequences sa pipiliin mo."
Napakagat-labi siya. "I know. And i can't leave you alone, Nykyrel. Pero ayoko ring i-give up and promosyon na matagal ko nang hinahangad. It's you or my career, choose for me, Nykyrel."
Just say you love me and I'll choose you. Piping hiling niya habang naghihintay sa sasabihin ni Nykyrel.
And then he spoke. "I choose your career."
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang malaglag ang isang butil ng luha sa pisngi niya. This is what happens when you let people in inside your heart and they decided you're better off without them.
"Okay." Lumabas siya ng silid at maingat niyang isinara ang pinto.
Sinapo niya ang bibig para hindi nito marinig ang hikbi niya.
Bakit ba nahulog ang loob niya kay Nykyrel Guzmano. From the very beginning she knew that there will no Lechel and Nykyrel together. Pero hinayaan pa rin niya ang puso na mahalin ang binata.
Nykyrel is amazing, charming, sweet and so lovable. Napakahirap ang hindi ito mahalin. She couldn't... no, she didn't stop herself from falling for him. And now, her heart is suffering the aftermath.
TITIG na titig si Nykyrel sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hindi siya makatulog. Hindi mawala sa isip niya si Lechel at ang pagpapapili nito sa kaniya.
He chooses her career.
That was the hardest and painful thing to do. Tama si Jace, he will never be good enough for Lechel. He will never be the man Lechel will be proud of. Kailangan niyang pakawalan ang dalaga. Mas makabubuting ang career nito ang piliin kaysa sa kaniya.
He can't let Lechel fight his own demons for him. He had to do it himself.
When Lechel let him choose, Nykyrel knew, she wanted him to choose himself. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang may nararamdaman para sa kaniya ang dalaga. It may not be strong at his, but it's there and he just crushed it.
Masakit pero kailangan. Wala siyang pakialam kung parang pinipira-piraso ang puso niya, ang kaligayahan ni Lechel ang iisipin at uunahin niya.
Maybe... someday... he'll be good enough to court her and declare his undying love for her. Pero sa ngayon, kailangan niya itong pakawalan para matupad nito ang matagal ng inaasam na promosyon.
Nykyrel smile sadly. "Maybe someday... you and i will be together... someday."
LAHAT ng importanteng gamit ni Lechel at inilagay niya sa backpack. Iniwan niya ang mga damit na binili ni Nykyrel para sa kaniya. She only takes what's hers. Pagkatapos mag-impake ay nagtungo siya sa kuwarto ni Nykyrel.
Mahimbing nang natutulog ang binata. It was just five in the afternoon, pero lasing ito kaya naman nakatulog kaagad.
Umupo siya sa gilid ng kama nito saka hinaplos ang pisngi niya. Minimemorya niya ang bawat anggulo ng mukha nito. She wants to remember every detail of his handsome face. Ayaw niyang makalimutan ang binata.
Ayaw niya itong iwan pero hindi naman niya mabitawan ang promosyon niya. So she let him choose for her. And he choose her career. Ang magagawa niya ngayon ay gawin ang pinili nito.
That's what he wants for her. Career. At gagawin niya ang lahat para maging matagumpay siya bilang isang Journalist. Naisip na niyang mag quit sa assignment niya pero kung hindi siya ang magsusulat tungkol kay Nykyrel Guzmano? Sino?
Other Journalist might write negative about Nykyrel, they might ruin his reputation as a business man. At hindi niya hahayaang may manakit sa lalaking mahal niya, kahit pa nga pinagtulakan siya nito palayo rito. She understands. He needs time to fight his demons off. At ibibigay niya ang oras na 'yon sa binata.
Maybe someday, they'll be together again.
Inilapat niya ang labi sa mga labi nito. She kissed him softly in the lips and whispered, "i love you, Nykyrel.
Napakagat-labi siya ng gumalaw si Nykyrel sa pagkakahiga. Tumagilid ito at nakaharap ang likod sa kaniya.
Lechel embraced Nykyrel softly. "I love you."
Pinilit niya ang sarili na tumayo at lumabas sa silid ni Nykyrel. Nag-uunahang mahulog ang mga luha niya habang naglalakad patungo sa gate ng bahay. Parang sinasakal ng puso niya sa sobrang sakit.
She took a deep breath, closed the gate and looked at the massive mansion from the outside.
Malungkot siyang ngumiti. "Goodbye, Nykyrel."
"I LOVE you, Nykyrel."
Nang marinig iyon ni Nykyrel ay parang kinakatay ang puso niya sa sakit. Tumagilid siya ng higa para hindi nito makita ang ilang butil ng luha na nalaglag mula sa mga mata niya.
Nang yakapin ulit siya nito at banggitin ang tatlong katagang iyon ulit, gusto niyang humarap dito at siilin ito ng halik sa mga labi at sabihin ditong mahal na mahal din niya ito.
No, Nykyrel! Don't turn around. Let her leave and be happy!
No! He won't ruin her promotion. He had been selfish already, keeping her here in his house, caging Lechel in his mansion.
The woman he loves doesn't deserve the same faith as his, locked up in this mansion because he is too scared to face people. Hindi niya gagawin iyon kay Lechel. Hindi niya ito ikukulong. Masyado niya itong mahal para pahirapan ito.
Someday... kapag maayos na siya at maipagmamalaki na siya nito, he'll look for her and romance her.
Nang marinig niyang bumukas at sumara ang pinto, napabalikwas siya ng bangon at napatitig sa pintong nilabasan ni Lechel.
Nykyrel's head hang low. "I love you too, my Lechel." A tear escaped from his eyes. "I love you so damn much."
NANG makauwi s Lechel sa sariling bahay, kaagad niyang binuksan ang laptop at nagsulat ng article tungkol kay Nykyrel Guzmano.
Every word she type, a tear slid off her cheeks.
Umiiyak at humihikbi siya habang nagta-type sa laptop niya.
Lechel keeps on typing even when her sight becomes blurry. Hindi siya tumigil sa pagsusulat hanggang sa matapos niyang ang article.
Oh. Nykyrel. I love you so much.
Napahagulhol siya saka sinapo ang mga palad sa mukha at umiyak ng umiyak.
Maybe... someday... the pain will disappear.
The question is... when?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top