CHAPTER 5
HABANG kumakain sila ni Tegan, pareho silang walang imik. Parehong nakatutok ang kanilang mga mata sa pinggan. Para kay Jan Irish naman, humahanap siya ng magandang tyempo para makapagtanong kay Tegan.
She needs to know. Nangangati ang lalamunan niya sa kagustuhan niyang magtanong at malaman ang katotohanan, pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niya. Baka magalit ito at palayasin siya.
Tumikhim si Jan Irish para basagin ang katahimikan. "Ahm, anong gagawin ko pagkatapos nito? May ipapagawa ka pa ba sakin?"
Tinapos muna nito ang pagkain bago sumagot sa kaniya. "Tupiin mo nalang ang mga damit ko na natapos mong labahan kahapon at ilagay mo yon sa closet ko. I expect my clothes to be clean and neat by tomorrow."
Tumango siya habang nag-uumpisa na namang mainis. Buwesit na lalaki. Gagawin na naman siyang alila. Ang sarap batukan, e.
"And after that, you rest." Dagdag nito.
Doon tumaas ang kilay niya. "Rest? Puwede pala?"
Bumuntong-hininga ito saka bumaling sa kaniya. "Kung ayaw mong tupiin ang mga damit ko, magpahinga ka na." Pagkasabi non ay tumayo na ito.
"Teka lang..." pigil niya sa binata.
Bahagyan itong bumaling sa kaniya. "May kailangan ka?"
"May tanong ako tungkol sa nga pilat mo—"
"You don't get to ask questions." Putol nito sa sasabihin niya. "One question, one week of being a maid. Nasagot ko na ang isa mong tanong, sa susunod na linggo ka na puwedeng magtanong ulit."
Bumagsak ang balikat niya. Damn! She was hoping na sana hindi nito maalala ang deal nilang yon e.
Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain ng makaalis si Tegan. Naghihimutok pa rin ang kalooban niya, hindi para kay Tegan kundi para sa sarili niya. Dapat pinag-isipan niya ang tinanong dito hindi na padalos-dalos lang siya.
Urgh! This is annoying!
Naiinis siyang inubos ang pagkain sa pinggan saka mabilis na nilinis ang hapag-kainan at hinugasan ang mga kinainan nila. Pagkatapos ay nagtungo siya sa silid ng binata para tupiin ang mga damit nitong nilabhan niya.
As she did her chores, Tegan went inside the room. Nagpanggap siyang hindi ito nakita at nagpatuloy sa pagtupi.
Ganoon din naman ang ginawa nito, nahiga ito sa kama at pumikit na para bang wala siya roon.
Mukhang sa kanilang dalawa, siya ang mas apektado kasi siya ang naiinis.
Nagdadabog siyang inilagay ang mga damit ni Tegan sa closet nito. Nape-peste siya sa hindi niya malamang kadahilanan.
Umirap siya sa hangin ng marinig na bumangon ang binata. Sana matisod ito para naman maka-bawi siya sa pang-aalila nito sa kaniya. Hmp!
Aatras na sana siya at isasara ang closet ng tumama ang likod niya sa isang matitipunong dibdib. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente sa katawan dahil do'n.
She gasped and quickly turns around.
"Tegan!" She said in shock.
Mukhang hindi apektado si Tegan sa pagkakalapit ng katawan nila dahil komportabli nitong inabot ang isang polo shirt, dahilan para magdikit ang mga dibdib nila. Nararamdaman niya ang pagka-ipit ng mayayaman niyang dibdib sa matitipuno nitong dibdib.
She couldn't move because she was trapped.
And Tegan took his sweet time reaching and getting his polo shirt. And when he finally did, he looked at her again.
"Bakit ang bango mo?" Tanong nito at inilapit ang ilong sa leeg niya.
"H-hindi pa ako n-naliligo." Ani naman niya. Gusto niyang batukan ang sarili. Smooth talking, Jan Irish!
"Hmmm..." Tegan just hummed and took a step back. Still, ang mga mata nito ay nasa kaniya pa rin. "I'm leaving. May pupuntahan ako."
"Pero gabi na." Lumabas iyon sa bibig niya bago pa niya iyon napigilan.
"And so?" Tumaas ang makakapal nitong kilay. "May reklamo ka?"
Umiling siya. "W-wala ho, Sir."
Tegan sighed and went to the bathroom to change. Nang makalabas ito, nakapagpalit na ito ng damit at handa nang umalis.
"Matulog ka na pagkatapos ng ginagawa mo." Anito saka lumabas ng silid nito na hindi man lang tumitingin sa kaniya.
Pinakawalan ni Jan Irish ang hiningang kanina pa niya pinipigilan saka naupo sa gilid ng kama ni Tegan.
"Saan naman kaya pupunta ang lalaking 'yon e gabi na?" Umingos siya. "Baka kay Stella." Wala sa sariling dagdag niya.
Parang may kumurot sa puso niya. What the hell? Saan naman nanggaling iyon? Nakakabuwesit.
Pabagsak niyang ihiniga ang katawan sa malambot na kama ni Tegan saka tumitig siya sa kisame. And before Jan Irish can drag herself away from Tegan's room, she fell into the bed and slept.
NANG makabalik si Tegan sa bahay niya mula sa convenient store, may dala siyang isang supot na puno ng pambabaeng gamit. Like body wash, shampoo, lotion, conditioner, etc. He doesn't have that in his house.
He knew this stuff because of Stella. Palagi itong nagpapabili sa kaniya noon.
Kaagad siyang nagtungo sa silid ni Jan Irish para ibigay dito ang pinamili niya, ng magulat siya dahil ng buksan niya iyon, wala doon ang dalaga.
Did she left? I guess so.
Bigla siyang nakaramdam ng iritasyon. So she left then. Bullshit!
Galit siyang nagtungo sa silid niya at pumasok. At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Jan Irish na natutulog aa kama niya.
"What the hell..." sambit niya habang naglalakad palapit dito.
She looks comfortable sleeping in his bed and something tugged his heart. Napailing-iling siya saka akmang bubuhatin ang dalaga para i-transfer ito sa sariling silid ng bumuka ang labi nito at tinawag nito ang pangalang hindi niya inaasahang marinig na sambitin nito habang natutulog.
"Tegan..." she mumbled.
Parang gustong kumawala ng puso niya sa kaniyang dibdib. He won't let himself hope. Maybe she's having a nightmare. Nakakatakot naman kasi talaga ang pagmumukha niya.
Tegan sighed and looked at Jan Irish. Ginigising ng babaeng 'to ang matagal na niyang ibinaong emosyon.
He had been there... he had felt that emotion they called love. And it ruined him. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siyang masasaktan ng isang babae kahit kailan, at ngayon, heto na naman.
Heto na naman ang isang babaeng nasisiguro niyang hindi maganda ang maidudulot sa kaniya.
He should push her away. He should... he must...alam niya iyon sa sarili niya. But why is he keeping her here in his house. Ano ba talaga ang tunay agenda niya? Ni siya sa sarili niya, hindi niya alam.
"Pasensiya na, Sir Tegan." That voice dragged him out from his reverie.
Napakurap-kurap siya at bumaba ang tingin sa dalaga na nasa kama na ngayon at gising na.
KINABAHAN Si Jan Irish ng makitang nawalan ng emosyon ang mukha ni Tegan at nag-isang linya ang kilay nito.
"What makes you think that you can sleep in my bed?" Tanong nito sa malamig na boses na sumigid hanggang kalamnan niya.
Nagbaba siya ng tingin saka umalis sa kama nito. "Pasensiya na, hindi ko napansing nakatulog na pala ako."
Tumaas ang isang nito. "Oh really? Hindi mo talaga napansin?"
Kumunot ang nuo niya at nainis. "Simasabi mo bang plinano kung matulog sa kama mo?" She scoffed. "Sorry to disappoint you, Mr. Galvante, you are not that special."
Pain crossed his eyes and Jan Irish knew, she hit the right spot. And she felt awful.
Mapait itong ngumiti. "I know."
Parang may sumuntok sa puso niya sa naging tugon nito! Argh! Jan Irish! Bakit ba hindi ka muna nag-iisip bago magsalita? Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kataklesahan pero huli na. Nakasakit na siya ng damdamin.
"I'm sorry." Sabi niya saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto nito at walang distinasyong nagpalibot-libot siya sa malaking bahay na iyon hanggang sa makarating siya sa isang tagong music room na malapit na sa basement.
Jan Irish went inside the music room. Everything is full of dust. Mukhang ilang taon nang walang pumapasok sa music room na ito. I wonder why?
She sat on the chair in front of the grand piano as she looked around. Mukhang isa itong magandang music room noon, pinabayaan lang mabulok dito. Tumuon ang mga mata niya sa pianong nasa harapan niya.
Sinubukan niya kung gumagana iyon kaya pinindot niya ang isang key. She smiled when it sounds perfect in her ears. Nuong bata pa siya, isa ang Piano lesson sa mga sapilitang pinapa-aral sa kaniya na ina na nagustuhan niya.
Jan Irish fell in love with the melody it made every time she pressed the key. At matagal-tagal na rin mula ng huli siyang tumugtog ng piano. Her fingers miss the feeling of pressing the keys. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili.
Her hands started pressing the keys to create a wonderful music. Her finger glides with grace and passion. Nakapikit ang mga mata niya habang tumutogtog sa piano, ramdam na ramdam niya ang musika hanggang sa huli niyong nota.
This feels good. Jan Irish took a deep breath and opens her eyes. Parang tumalon ang puso siya sa sobrang gulat ng makita si Tegan sa gilid ng piano at nakatingin sa kaniya.
"T-Tegan..." wala na iyong sir.
Tumitig ito sa piano saka sa kaniya. "Marunong ka palang tumugtog."
Tumango siya. "Pasensiya na, pumasok ako sa music room na 'to. Aalis ako kaagad." Baka magalit na naman ito.
Nagkibit-balikat lang ito. "It's okay. Wala naman na dito ang may-ari ng music room na 'to."
Ang kuryosidad niya ay sasabog na pero pinigilan niya ang sarili. Alam naman niyang hindi siya nito sasagutin hanggang sa susunod na linggo.
But her mouth is unstoppable. Argh! "Sinong may-ari nito?" Kinagat niya kaagad ang pang-ibabang labi ng makapagtanong.
Nawalan muna ng imik si Tegan ng ilang segundo bago ito nagsalita. "Someone who was close to my heart."
"Was?" Gagad niya.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya saka naglakad patungo sa pahabang upuan na gawa sa kahoy at umupo roon. Siya naman ay nanatili sa kinauupuan.
Tegan's eyes roamed around the room and then it stops on the guitar in the corner. Pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kaniya. "Marunong kang mag gitara?"
She nodded. "Medyo."
Sa narinig, tumayo ito at kinuha ang gitara saka ibinigay sa kaniya. "Play." Wika ni Tegan na para bang nang-uutos ito at babayaran siya pagkatapos niyang tumugtog.
At hindi naman malaman ni Jan Irish kung bakit siya sumunod. Maybe because she wants to impress him? She doesn't know.
She strum the guitar slowly and then looked at Tegan. "Anong kanta ang gusto mo?"
He looks lost and thinking. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Possibilities by Freddie Stroma. Alam mo ba ang kantang 'yon?"
Tumango siya at nag-umpisang kaskasin ang gitara kasabay niyon ay pumailanlang ang boses niya.
'Don't break my heart before I give it to you,
Don't tell me no before I ask you too,
Don't say it doesn't fit before you try it on,
There's too much to loss to be wrong.
Their eyes never leave each other as Jan Irish sang. Hindi niya alam, pero bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa lyrics ng kanta. Ayaw niyang mag-assume, pero parang may ipinapahiwatig ang kantang pinili ni Tegan na kantahin niya.
'And it feels like there's something here,
But I wanna see it before it disappears,
And if there's something real between me and you,
We are all both open to;
All this possibilities,
So many possibilities,
Right in front of us,
Close enough to touch,
Far enough to have some time to see.
All this possibilities,
Ohhhh, this possibilities,
Are written in the stars,
We are who we are, baby,
And I can't help to think that possibly,
There's possibility.
Tapos na siyang kumanta pero nakatitig pa rin sa kaniya si Tegan. Naiilang siya sa titig nito kaya nag-iwas siya ng tingin.
"Maganda ang boses mo." Anito at ibinalik niya ang tingin dito.
Ngumiti siya. "Thank you."
Tegan sighed and nod at her like a gentleman. "Matulog ka na. Gabi na."
Tumango siya at nauna na itong lumabas sa kaniya.
Napatitig si Jan Irish sa nilabasan nitong pinto. Her heart never stops beating so loud and fast. Tegan is full of mystery and she wants to unravel them, piece by piece, every little mystery he has. Pero mas nananaig sa puso niya ang pag-aalalang nararamdaman niya para rito.
What happened to him?
MAAGANG nagising si Tegan at kaagad na hinanap si Jan Irish pagkatapos niyang maligo. He wanted to see the woman for an unknown reason and it pisses him off.
He hates this emotion she's awakening inside him. Pero kahit anong laban niya sa nararamdaman, he ends up doing what his dipshit emotion wants.
Nakita niya ang dalaga sa harden at tinutulungan si Tay Berto.
Tegan didn't want to eavesdrop but he can't help to overheard their conversation. At hindi siya nakikita ng dalawa dahil nasa likod siya ng mga ito at natatago ang katawan niya ng isang malaking halaman.
"May mga anak ako at lahat sila ay nakapagtapos, salamat kay Sir Tegan na tumulong sakin mula ng mamatay ang asawa ko. Ang dalawa kong anak ay nasa ibang bansa at nagta-trabaho."
"Kung ganoon ho, bakit pa kayo nagta-trabaho para kay Tegan?" Tanong ni Jan Irish na puno ng kuryusidad.
Fucking Journalist!
"Kasi ayokong nakatunganga lang ako sa bahay." Sagot naman ni Tay Berto, "gusto ko may ginagawa ako at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob ko kay Sir Tegan."
Ilang segundong natahimik si Jan Irish bago nagtanong na naman.
"Ilang taon na ho kayong nagtatrabaho para kay Tegan?"
"Mula ng mamatay ang mga magulang niya sa edad na disi-nueve."
"Ah."
"Ikaw, Miss Jan Irish, nasaan ang mga magulang mo? Kasama mo ba sila sa bahay?"
Now, that's what I need to know.
Jan Irish answered. "Iba ang bahay ko sa kanila." Napaka-simple ng sagot nito at napaka-ikli.
"Ganoon ba?"
"Yep." She said popping the 'p'.
And then silence.
Tegan rolled his eyes. Ni wala nga siyang nalaman maliban sa nakahiwalay ito ng bahay sa mga magulang nito. He needs to know. He really needs to know, damn it.
Lumabas siya sa pinagtataguan saka tumikhim. Kaagad namang lumingon sa kaniya ang dalawa.
Tinuon niya ang tingin sa dalaga. "Ready my breakfast and yours. May pag-uusapan tayo."
Tumango ito saka walang imik na sinunod ang utos niya.
Tumaas ang kilay ni Tegan ng mapansing nakatingin sa kaniya si Tay Berto.
"Ano?" Tanong niya rito.
Napailing-iling ito. "Dahan-dahanin mo ang boses, Sir Tegan. Hindi siya mananatili rito ng matagal kung ganiyan ka."
Napipilan siya saka bumuntong-hininga. "I'm trying."
Ngumiti lang si Tay Berto. "Sabi mo e. Good luck, Sir."
Ngumiti siya saka sinundan si Jan Irish sa kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top