CHAPTER 20

CHAPTER 20

HINAWAKAN ni Jan Irish ang kamay ni Tegan at pinisil iyon ng mapansin niyang kinakabahan ang binata. "Relax. Hindi ka naman kakainin ni Papa, e." Natatawang sabi niya.

Huminga ito ng malalim. "Nang bilhin ko ang bahay sa tabi ng bahay niyo, siya talaga ang sadya ko. Gusto ko siyang makausap, e. Hindi ko alam na ikaw na pala ang namamahala sa negosyo niyo."

She smiled. "Basta relax ka lang. Mabait naman si Papa e."

"Hindi kaya niya ako barilin?" Kinakabahan nitong tanong.

Mahina siyang natawa. "Walang baril si Papa."

"How sure are you?"

"Fifty percent."

Napasimangot ito. "Jan Irish naman e."

Natawa siya ulit. Ang sarap talagang tudyuin si Tegan. Nakakawala ng stress.

Pareho silang dalawa na natigilan ng marinig nilang may tumigil na sasakyan sa labas ng bahay.

Humugot ng malalim na hininga si Tegan. Si Jan Irish naman ay tumayo para sa salubungin ang mga magulang.

"Naku, Mahal, ang tanda ko na para bumiyahe pa. Nakakapagod." Anang boses ng Papa niya. "Next time, si Jan Irish na ang papupuntahin ko do'n."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng Mama niya. "Ikaw naman kasi, hindi makapaghintay. Sinabi ko nang ipagpabukas nalang iyang appointment mo sa Davao para si Irish ang pumunta pero matigas iyang ulo mo."

"Mahal naman, dapat nga nilalambing—" Natigilan sa pagsasalita ang kaniyang ama ng tumuon ang tingin sa kanilang dalawa ni Tegan sa sala.

"Good evening ho, Mr. and Mrs. Vallega." Kaagad na bati ni Tegan sa mga magulang niya. "I'm Tegan Galvante, in case you are wondering."

Nawala ang pagkunot ng nuo ng ama niya. "Mr. Galvante, ikaw pala yan." Ngumiti ito. "It's nice to see you with a handsome face again. Mukhang pinaayos mo na rin sa wakas ang mukha mo. Hindi kita nakilala, ah."

Tegan smiled. "Oho."

"It's a good thing that you did it." May kasiyahan sa boses ng kaniyang ama. "Gusto ko ngang i-suggest yon sayo noon pero baka ma-offend kita kaya hindi ko nalang sinabi—"

Tinapik ng Mama niya ang braso ng kaniyang ama dahilan para matigil ulit ito sa pagsasalita saka pasimpleng itinuro ng kaniyang Mama ang magkahawak nilang kamay ni Tegan.

Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ng ama niya. "Bakit ka narito sa bahay ko, Mr. Galvante?" Naging pormal ang pakikipagusap nito kay Tegan.

Tumingin muna sa kaniya si Tegan bago nagsalita. "I'm here to ask Jan Irish's hand in marriage."

Parang bombang sumabog iyon sa mukha ng mga magulang niya dahil halata ang gulat sa mga mukha nito sa sinabi ni Tegan.

"Anong sabi mo?" Ang ama niya ang unang nakabawi.

"I want to marry your daughter." Tegan said.

The shock expression on her father's face remained. "What?" Napakurap-kurap ito. "Bakit? Hindi naman kayo masyadong magkakilala. May dapat ba akong malaman?"

Sumulyap sa kaniya si Tegan, pinisil ang kamay niya saka bumaling ulit sa mga magulang niya.

"I met Jan Irish a year ago. Hindi ko alam kung matatawag na relasyon ang mayroon kami noon, pero para sa akin, siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. I wanted to marry her then, pero," nagbaba ito ng tingin na parang nahihiya, "hindi pa annulled ang kasal namin ni Stella."

"So ikaw pala ang nagpa-iyak sa anak ko." May galit at pagtitimpi sa boses ng ama niya. "Ikaw pala ang nang-iwan sa kaniya. Bakit mo ginawa iyon sa anak ko!"

"Papa—"

"Huwag kang makisali sa usapan, Jan Irish! Go to your room, now!" Nag-umigting ang ugat nito sa nuo dahil sa galit.

"Pero Papa—"

"Halika na, Jan Irish." Nilapitan siya ng Mama niya, hinawakan sa braso at pilit na hinila palayo kay Tegan.

"Ma, bitawan mo ako." Nagpupumiglas siya sa hawak nito. "Kailangan ako ni Tegan sa tabi niya—"

"Anak, hayaan mo si Mr. Galvante na harapin ang ama mo ng mag-isa. Let him prove himself to your father."

Natigilan siya at napalingon kay Tegan. Nakikita niya ang determinasyon sa mga mata nito. And it made her calm down.

"I'll be fine." Tegan smiled at her. "I'll see you again later?"

Tumango siya. "Kaya mo yan."

Tegan's smile widens. "For you, kakayanin ko."

Gusto niyang yakapin ang binata pero hinila na siya ina patungong second floor ng bahay nila.

KABADO SI Tegan habang kaharap ang ama ni Jan Irish sa loob ng opisina nito sa bahay. Doon siya nito dinala ng makaalis sina Jan Irish at ang mama nito sa sala.

Tumikhim siya para doon kumuha ng lakas ng loob, "Sir—"

"Mahal mo ba ang anak ko?"

Sinalubong niya ang mga mata ng ama ni Jan Irish para makita nito ang sensiridad niya sa anak nito. "Oho. I love your daughter, Sir. She's the woman who gave light to my dark world. At wala akong balak pakawalan siya."

"Kung ganoon, bakit mo siya iniwan?" Walang emosyon ang mukha nito.

"I left for her and also for myself. Gusto kong ayosin ang buhay ko bago ko siya harapin ulit pagkatapos ng naagyari noon. Gusto ko rin na maipagmalaki niya ako sa harap niyo at sa mga kaibigan niya." He took a deep breath. "I want to fix my life before i start a new life with Jan Irish."

"Kahit baguhin mo pa ang mukha mo, hindi pa rin kita matatanggap."

Parang may sumuntok sa puso niya sa narinig. "Sir, mahal na mahal ko ho Jan Irish—"

"Ilalayo ko siya sayo. Kung kailangan ko siyang dalhin sa ibang bansa at itago sayo, gagawin ko."

Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa ginoo. Pain is spreading through his heart. Parang sinasakal ang puso niya sa sakit at takot.

"Sir, please, mahal ko ho si Jan Irish." He didn't know why, maybe because of fear of losing Jan Irish, a lone tear rolled down to his cheek. "Please, Sir, I beg you. Huwag niyong ilayo sa akin si Jan Irish. Mahal na mahal ko ho siya. Huwag niyo siyang ilalayo... huwag po. Mahal ko siya... mahal na mahal..."

Habang nagmamakaawa siya sa ama ni Jan Irish nag-iisip siya ng paraan kung paano hindi nito mailalayo sa kaniya ang dalaga.

He won't let this man take away the woman that he loves. Gagawin niya lahat ng kaya niya para makasama niya si Jan Irish. He can do anything and everything for the woman he loves and—

"When is the wedding?"

Tegan stilled. "Ho?"

Ngumiti ang ama ni Jan Irish na kanina ay napakaseryuso. "Kailan ang kasal niyo ng anak ko?"

Umawang ang labi niya. "Payag ho kayo?"

Mr. Vallega shrugged. "Do I have a choice? Mukhang gusto rin naman ng anak kong makasal sayo. At saka hindi ako tanga para hindi maisip na baka may nangyari na sa inyo ng anak ko. Gusto kong panagutan mo siya." Then a small soft smile appeared on his lips. "And you shed a tear, Mr. Galvante. Bilang lang ang lalaking iiyak para sa babaeng mahal nila. Men don't cry, and if they do cry for a woman, then she must mean the world to him."

"Thank you, Sir." He can't stop himself from grinning from ear to ear.

"You're welcome, Mr. Galvante." He smiled. "Or should i call you, Tegan from now on?"

That put a happy smile on his face. "Yes. Thank you."

"Sige, alis na. Siguradong hinihintay ka na ni Jan Irish. Nasa third floor, south wing ang kuwarto niya. And please, keep it PG, okay?" Nanunudyo ang ngiti nito sa labi. "No SPG in my house until you two get wed."

Ang lapad ng ngiti niya. "Yes, Sir."

Magmamadali siyang lumabas ng opisina ng ama ni Jan Irish saka tinungo ang kuwarto ng dalaga.

They have to plan their wedding. Pronto.

JAN IRISH was pacing nervously on her room as she waited for Tegan. Abot-abot ang kabang nararamdamam niya habang naghihintay. Pinagdarasal niya na sana naging maayos ang pag-uusap ng Papa niya at si Tegan.

Mabilis siyang napalingon sa pinto ng bumukas iyon at nakahinga ng maluwang ng makita si Tegan.

"Tegan..." sinugod niya ito ng mahigpit na yakap. "Anong nangyari sa paguusap niyo ni Papa? Pinagalitan ka ba niya? Anong nangyari?"

Kumawala ito sa pagkakayap niya saka hinalikan siya sa nuo. "Everything is fine. Okay na. Pumayag na ang Papa mo na magpakasal tayo."

Nakahinga siya ng maluwang. "Hindi ka niya pinagalitan?"

Tegan shrugged. "It doesn't matter, Jan Irish. I deserve it anyway." Hinaplos nito ang pisngi niya. "What matters now is that your father already agreed to let us get married. Kahit pa yata ako bogbogin ng Papa mo, ayos lang, basta magpapakasal tayo."

Her heart smiled. "You really want to marry me that much?" Tudyo niya rito.

"I'll be damned not to." He kissed her on the lips. "Masyado kitang mahal, Jan Irish. Hindi ko kakayanin gumising ulit sa loob ng isang taon na hindi ka nakikita at nakakasama."

Niyakap niya ito saka ihinilig ang ulo sa dibdib nito, sa ibaba lang ng baba nito. "Mahal din kita, Tegan. Mahal na mahal."

Niyapos nito ang beywang niya at niyakap siya. "Kailan mo gustong magpakasal?"

"Bukas." Nakangiting sagot niya.

"Puwedeng next month?"

Mahina siyang natawa. "Bakit next month pa?"

"Kasi gusto ko grandioso ang kasal natin."

Napasimangot siya. "Okay lang naman sakin kung hindi engrande e."

"Hindi yon okay sakin." Sinapo nito ang mukha niya at pinakatitigan siya. "You'll only get married once, Jan Irish. Gusto kong maging memorable yon sayo."

Lumambot ang mukha niya. "Thank you."

"I love you."

She smiled lovingly at him. "I love you too, honey."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top