CHAPTER 2

CHAPTER 2

SEVEN-THIRTY dumating si Jan Irish sa bahay ni Tegan Galvante. Nang mag doorbell siya, may isang lalaking medyo may katandaan na ang nagbukas ng pinto.

"Magandang umaga ho, ma'am." Magalang nitong bati sa kaniya.

"Magandang araw din." Jan Irish smiled. "Ako po si Jan Irish, nandito ba si Mr. Galvante?"

"Ah, ikaw pala si Miss Jan Irish." Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate. "Pasok ho kayo Miss Jan Irish. Kanina pa po naghihintay ang mga labahan ni Sir Tegan."

Bigla siyang nasamid sa narinig. "Ho?"

Nakangiwi itong ngumiti. "Yan po ang sabi ni Sir Tegan kanina bago siya umalis para mag jogging."

Nagtagis ang bagang niya. Talagang aalilain siya ng lalaking 'yon? Letseng buhay 'to, oh. Pero para sa interview niya, magagawa niya ang lahat.

"Sige po." Pumasok siya sa loob ng gate. "Nasaan ang mga labahan niya?"

"Sundan niyo po ako, Miss Jan Irish." Anang lalaki saka nauna nang naglakad sa kaniya.

Jan Irish sighed and followed the man.

Ihinatid siya nito sa laundry room. May dalawang washing machine do'n at may label ang bawat isa. Ang nasa kanan ay para sa mga dekolores na damit, ang isa naman ay para sa mga puti.

Hmm. Pati paglalaba, organized.

"Iyan po ang mga labahan ni Sir Tegan." Tinuro ng lalaki ang dalawang plangganang puno ng damit.

Napanganga siya at hindi makapaniwalang bumaling sa lalaki. "Ano 'yan, dalawang buwan siyang hindi naglaba?" Puno ng sarkasmo ang boses niya.

Nagkibit balikat lang ang lalaki, "maiwan ko na po kayo, ma'am." Anito saka iniwan siya sa laundry room.

Napabuntong-hininga nalang si Jan Irish saka napatingin sa kaniyang outfit of the day. She's wearing a very beautiful dress and a stiletto. Naka-braid pa ang buhok niya at ang ganda ng pagkaka style. At mawawasak lahat iyon ng dahil sa dalawang plangganang labahan ng hinayupak na lalaking 'yon.

Speaking of that guy, kailan kaya niya ito makikita? She wants to see his face again, especially his to die for eyes.

Marahas niyang ipinilig ang ulo. Dapat hindi siya nag-iisip ng ganoon. Argh!

Huminga ng malalim si Jan Irish bago gumalaw sa kinatatayuan niya. Sana pagkatapos niyang maglaba ay buhay pa siya. Buwesit!

TINANGGAL ni Tegan ang earphone na nasa taenga niya ng makapasok sa loob ng bahay. Naliligo siya sa sariling pawis dahil katatapos lang niyang mag jogging.

Kaagad siyang nagtungo sa kusina habang tinutuyo ang pawis gamit ang face towel na nakasampay kanina sa balikat niya. Nang makarating sa kusina, nagsalin siya ng isang basong tubig sa baso saka uminom.

Nang mawala na ang uhaw na nararamdaman, inilapag niya ang baso sa lababo, tamang-tama naman na pumasok si 'Tay Berto sa kusina. Ito ang magsisilbing katulong niya sa bahay.

"Magandang umaga ho, Sir Tegan." Bati kaagad nito sa kaniya ng makita siya.

He smiled at the old man whom he already considers a family. Kahit kasi kailan, hindi niya ito nakakitaan ng pagkadisgusto sa pangit niyang pagmumukha. Siguro dahil alam nito ang pinagdaanan niya.

"Magandang umaga rin, 'tay Berto." Balik nati niya rito. "Siyanga pala, dumating na ba si Jan Irish?"

Baka nag back-out na 'yon. Sa isip-isip niya.

"Oho, Sir, nasa laundry room na."

Namilog ang mga mata ni Tegan. "Narito talaga siya?"

"Seven-thirty palang, Sir, dumating na siya."

Napanganga siya. "Ang aga, ah." Then he mumbled, "she will really do everything for that fucking interview." He sighed. "Nakapagluto ka na ba ng agahan, Tay Berto?"

"Yes, Sir." Uminom ito ng tubig. "Babalik na po ako sa harden. Naglilinis kasi ako ro'n."

"Sige."

Nang makaalis si Tay Berto, naghanda si Tegan ng sandwich at fresh melon juice saka lumabas ng kusina na dala-dala 'yon.

Nang makarating si Tegan sa laundry room, bahagyan lang na nakabukas ang pinto. Sumilip siya sa loob at tumaas ang kilay niya sa nakita.

Jan Irish is doing the fucking laundry while wearing a lovely dress and a stiletto.

Now that's a new sight to see.
Napailing-iling siya. May babae palang naglalaba na naka-stilleto.

Maingat niyang itinulak pabukas ang pinto saka walang ingay na inilapag ang dalang tray na may lamang juice at sandwich sa upuan na malapit sa pinto.
At dahil nakatalikod ito, hindi siya nito nakita.

Tegan looked at Jan Irish back again before leaving the room quietly.

JAN IRISH blew a loud breath of frustration as she finished putting Mr. Galvante clothes on the washing machine. Pagkatapos ay nakapameywang siyang tinalikuran ang letseng washing machine.

Natigilan si Jan Irish ng makita ang isang tray na may pagkain na nakapatong sa upuan na malapit sa pinto.

Tumaas ang kilay niya. Nakapa-maaalalahanin pala no'ng matandang lalaki. Nakakatuwa.

Nilapitan niya ang tray saka inubos lahat ang pagkain na nakalagay do'n. Nagugutom na siya. Sa sobra niya kasing pagmamadali kanina ay nakalimotan niyang mag-agahan. Kapagkuwan ay lumabas siya sa laundry room na dala-dala ang tray na wala nang lamang pagkain.

Tumigil si Jan Irish sa sala saka ininspeksyon ang lahat ng nakikita niya. Mula sa sofa hanggang sa mga furniture’s sa nakasabit sa dingding. Lahat 'yon ay mamahalin, sigurado siya do'n. Mr. Galvante's house reminds her of the house she was living in before she decided to live on her own. Nuong magtapos siya ng kolehiyo, lakas loob siyang umalis sa poder ng mga magulang at nagsiriling sikap para mabuhay.

And it was the best decision she ever made in her life.

"Para kang daga, alam mo ba 'yon?"

Napatalon siya sa gulat ng marinig ang baritonong boses ng isang lalaki. Kaagad siyang bumaling sa pinanggalingan no'n at nakita niya si Mr. Galvante na nakatayo sa huling baitang ng hagdan at nakahilig sa railing no'n.

"Tegan..." she whispered.

Kumunot ang nuo nito at nagmukha itong istrikto. "Mula ngayon, tatawagin mo akong Sir Tegan kasi nagta-trabaho ka para sakin—"

"Hep-hep!" Pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. "Kung nagta-trabaho ako para sayo, dapat may sahod ako, kundi, isusumbong kita sa DOLE."

His face darkened.  "Ms. Vallega, ipapaalala ko lang sayo na ang kapalit ng pagta-trabaho mo sakin ay ang personal na impormasyon ng buhay ko na kailangan mo. Sige, magsumbong ka sa DOLE, pakialam ko naman."

Sinimangotan niya ito. "Ang sungit nito. Buwesit ka!" Naiinis niyang inilapag ang tray sa center table.

Nagmamartsa siyang bumalik sa laundry room saka malakas na isinara ang pinto.

Ilang minuto lang ang nakalipas, napaigtad si Jan Irish ng bumukas ang pinto at pumasok do'n si Tegan, oh, Sir Tegan pala. Shit!

"Hey." His voice was soft this time. "You look pissed."

Inirapan niya ito. "Ang sungit mo, buwesit ka." Pagtataray niya. "Heto na nga at naglalaba na e. Nakakainis ka."

Biglang tumigil ang pag-ikot ng washing machine. Narinig niyang bumuntong-hininga si Tegan saka naglakad patungo sa harapan niya.

Tegan looked down at her feet and shook his head. "Hindi nag-iisip." Lumuhod ang isang tuhod nito sa sahig saka hinawakan ang paa niya.

Her heart beat faster. Good god.
"Sir Tegan—"

"Shut up." He hissed and then took off her stiletto. Pagkatapos ay sinunod nito tanggalin ang isa pa. Then he looked up at her. "Ikaw lang ang nakita kong naglalaba na naka stiletto. Alam mo namang pambahay ang magiging trabaho mo, diba?"

Kagat-labi siyang napatango.
"Oh, yon naman pala e." Tumayo ito, ilang pulgada rin ang taas nito sa kaniya. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

Umirap siy sa hangin. "It’s my OOTD."

He frowned. "Your fucking what?"

"OOTD stands for outfit of the day." Maarte  niyang sabi saka matamis niya itong nginitian. "Ayokong mag mukhang muchachay no. I’m a professional—"

"Oh, tapos?" Tumaas ang dalawa nitong kilay. "FYFI and that stands for ‘For Your Fucking Information’, you will be my maid in a week. So bukas, i expect you to dress like one."

Kinagat niya ang dila para hindi siya makapagsalita ng hindi maganda. "Fine. Bukas may suot na akong apron. Masaya ka na?" Puno ng sarkasmo ang boses niya.

He gave her a flat look. "A denim jeans and t-shirt will do." Bumuntong-hininga ito saka umalis sa laundry room na parang napipika ito sa kaniya.

Umirap siya sa hangin saka bumuntong-hininga. Buwesit na lalaking 'yon. Pasalamat ito at maganda ang taglay nitong mga mata.

WHEN LUNCH came, nagulat si Jan Irish ng sunduin siya ng matandang lalaki.

"Kain na po, Miss Jan Irish." Sabi nito.
Padaskol niyang binitawan ang pantalong binabanlawan saka tumayo.

Wala siyang pakialam kong basa ang damit niya mula laylayan hanggang sa beywang. Sinundan niya ang matandang lalaki hanggang sa pumasok sila sa hapag-kainan.

Nainis si Jan Irish sa sarili ng maramdamang lumakas ang tibok ng puso niya ng makita si Tegan na nakaupo sa hapag-kainan.

"Nandito na ho siya, Sir Tegan." Anang matanda saka iniwan silang dalawa sa hapag-kainan.

Huminga muna ng malalim si Jan Irish bago naglakad palapit sa mesa saka umupo sa bakanteng silya, malayo kay Tegan.

"Ganoon ka ba nandidiri sa mukha ko para umupo ka malayo sakin?" Biglang tanong ni Tegan sa kaniya.

He wet her lips and looked at Tegan. "Malayo ako sayo kasi naiinis ako sayo hindi dahil nandidiri ako sayo." Inirapan niya ito. "Alam mo, Sir," pinagdiinan niya ang salitang Sir, "napaka-assuming mo. Masungit na nga, assuming pa. Hanep na ugali."

Masama ang tingin nito sa kaniya. Siya naman ay matamis itong nginitian.

"Kain ka na." His jaw clenched. "Maglalaba ka pa."

Pasimple siyang umirap saka nagsimula nang kumain. Maraming ulam na nakahain pero 'yong pork loins lang ang kinain niya. Mabilis lang siyang kumain at nakangiting tumayo.

"I’m done—" naputol ang sasabihin niya ng mapansing nakatayo pala sa tabi niya si Tegan. Napalunok siya. "Ahm, S-Sir..."

"'Yong Pork Loins lang ang kinain mo." Komento nito. "Bakit? Hindi mo gusto ang iba? Pinaluto ko pa naman yan para sayo kasi alam kong pagod ka."

Napakurap-kurap siya at na-guilty. That's so sweet of him to do that. Yong inis niya rito ay napalitan ng ibang emosyon na ayaw niyang pangalanan.

"Ahm," tumingin siya sa mga mata nito. "'yong pork loins lang kasi ang gusto ko."

Tumango-tango ito saka humakbang palayo sa kaniya. Kaagad siyang nakaramdam ng disappointment. She likes the feeling of him so close to her.
And not to mention his manly scent. Kaya naman ang mga paa niya ay sumunod dito.

Biglang tumigil si Tegan sa paglalakad kaya tumama siya sa likod nito.

He faced her, frowning. "Anong ginagawa mo?"

Napakagat-labi siya. Sheyt! Nakakahiya. "Ahm, a-ano kasi, ahm..." nauutal siya, "ah, kasi, ahm, ang bango mo."

Akala niya magsusungit na naman ito kaya nagulat siya ng tumaas ang sulok ng labi nito saka tinalikuran ulit siya.

Pinakawalan niya ang kanina pa niyang pinipigil na hininga. Wheh!

"Babalik na ako sa paglalaba." Imporma niya rito.

"Sige." Sagot nito saka muling umupo.
Huminga siya ng malalim saka naglakad palabas ng hapag-kainan at bumalik sa laundry room.

TEGAN sighed and shook his head. Hindi niya dapat ginagawa 'to. Hindi niya dapat ipagpalit ang personal na impormasyon tungol sa kaniya dahil lang sa magiging katulong niya si Jan Irish ng isang linggo.

Hindi pa sapat ang maging katulong ito para sa isang impormasyon tungkol sa kaniya. Fuck! It’s too personal.

But this is his idea, this is what he wants. Right?

Tinapos na niya ang pagkain saka nagtungo ulit sa laundry room. Mula sa nakaawang na pinto, nakita niyang nagbabanlaw na ang dalaga at halatang pagod na pagod na ito.

"Hey." Aniya sabay tikhim.

Kaagad itong nag-angat ng tingin sa kaniya. "May kailangan ka na naman o susungitan mo lang ako?" Pagatataray nito.

Sinupil niya ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya. "No. Nandito ako para itanong kung ano ba ang una mong katanungan para sa interview mo. Isn’t that our deal?"

Kaagad na umaliwalas ang mukha nito. "Sasagotin mo na?" Bilog na bilog ang mata nito habang nagtatanong.
Umiling siya. "Pag-iisipan ko pa kung sasagotin ko o hindi."

Nalukot kaagad ang mukha nito. "Paasa ka, alam mo 'yon? Hmp!" Bumalik ito sa pagbabanlaw. "Ang tanong ko ay..." sadyang binitin nito ang sasabihin, "anong nangyari sa mukha at balat mo?"

"I was burned." Mabilis niyang sagot saka mabilis din siyang umalis sa laundry room.

Fuck! Why is it so easy to tell her that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top