CHAPTER 16
CHAPTER 16
NANG MAGISING si Jan Irish ng umagang yon, kaagad na tiningnan niya ang kaniyang cellphone kung may mensahe bang pinadala si Tegan o kung tumawag ito. Disappointment hit her heart hard when she didn't receive any of the two from Tegan.
It has been four weeks since they last saw each other. Miss na miss na niya ito. Gusto na niya itong makita at makasama. Excited na siyang ipakilala ito sa kaniyang mga magulang na ngayon ay naiintindihan na ang sitwasyon ni ni Tegan.
She told her parents everything but his name. Now they understand, at araw-araw maghihintay siya sa pagdating nito pero bigo siya palagi. Walang Tegan na dumating sa bahay nila. Walang Tegan na nag message o tumawag sa kaniya. At walang Tegan na sumagot sa mga tawag niya.
Nabibiyak ang puso niya sa bawat araw na nagdaraan na hindi niya nakikita si Tegan. Natatakot siya na baka nagkabalikan na ito at si Stella. And loneliness and pain must stop! Hindi na niya kayang maghintay pa sa pagdating nito kaya siya na mismo ang pupunta sa bahay nito pagkatapos niyang mag-agahan.
Sana nga lang payagan siya ng mga magulang niya.
Lumabas siya sa kaniyang silid at nagtungo sa breakfast table kung saan naroon na ang mga magulang niya nag-aagahan.
"Good Morning, Ma, Pa." Bati niya sa mga ito.
"Good morning din sayo, anak." Sabay na bati sa kaniya ng mga magulang.
Ngumiti siya. "Ma, Pa, puwede na ho ba akong makalabas dito sa bahay? Kailangan ko na kasi talagang ipasa ng personal yong article na pinasulat sakin e."
Ang mapanuring mata ng kaniyang ama ay kaagad na tumuon sa kaniya. "Sigurado ka bang yon lang ang pakay mo sa labas?"
Napakagat-labi siya. "I want to see him too." Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito. "Kailangan ko siyang makita para matanong ko kung kumusta na ang annulment niya at kung may balak pa ba siyang magpakita sa'kin."
Napailing-iling ang ama niya. "I hate seeing you sad, Jan Irish. Pero mapipigilan ba kita?"
Umiling siya at ngumiti. "Hindi po."
"Sige, basta bago magalas-sais ng gabi, nandito ka na sa bahay, maliwanag?"
"Yes, Pa." Bumaling siya sa kaniyang ina. "Salamat po, Ma."
Maganang nag-agahan si Jan Irish, pagkatapos ay masayang naligo at nagbihis saka umalis ng bahay gamit ang kotse na binili ng kaniyang ama sa kaniya nuong kaarawan niya.
Magaan ang pakiramdam niya habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Tegan. May ngiti sa mga labi niya ng i-park ang kotse sa labas ng bahay nito at lumabas sa kaniyang sasakyan.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at pinindot ang doorbell ng bahay nito.
Excitement seeped through her when the gate opened. Ang lapad ng ngiti niya ng makita si Tay Berto.
"Tay Berto!" Hindi niya mapigilang yakapin ang matanda. "Na miss ko ho kayo."
"Na miss ko din ho kayo, Miss Jan Irish." Magiliw na sabi ni Tay Berto ng pakawalan niya ito sa mahigpit na pagkakayakap.
Ipinalibot niya ang tingin. "Nasaan po si Tegan? Narito po ba siya ngayon o nasa opisina?"
Natigilan siya at napakunot ang nuo niya ng makitang bumukas ang lungkot sa mukha ni Tay Berto.
"Nasaan po si Tegan?" Kinakabahan na siya. "Narito po ba siya? Kasama ba si Stella?"
Parang pinupunit ang puso niya sa bawat paglipas ng segundo na hindi nagsasalita si Tay Berto.
"Tay Berto naman, sagutin niyo naman ho ako. Narito ba si Tegan o magkasama sila ngayon ni Stella?"
Umiling ang kausap. "Matagal nang pinalayas ni Sir Tegan si Stella."
Nakahinga siya ng maluwang. "E si Tegan ho, nasaan siya?"
Iminuwestra nito ang kamay papasok sa loob ng kabahayan. Nauna na itong naglakad at pumasok habang siya ay nasa likuran nito at nakasunod.
Bumalik ulit ang excitement niya na makita si Tegan.
"Pumasok ka nalang sa loob Miss Jan Irish." Wika ni Tay Berto habang nakatayo sila sa labas ng silid ni Tegan. "Sabi niya sakin na kapag pumunta ka raw rito ay papasukin kita kaagad sa kuwarto niya."
Jan Irish beamed at Tay Berto. "Salamat po."
"Maiwan na kita." Anito. "Ipaghahanda kita ng meryenda."
Nang makaalis si Tay Berto, excited siyang pinihit pabukas ang pinto at pumasok sa loob. Ang excitement na nararamdaman niya ay unti-unting naglaho ng hindi makita si Tegan sa loob ng silid.
"Tegan?" Tawag niya sa pangalan nito. "Tegan? Nandito ka ba? Tegan?"
Bumagsak ang balikat niya at wala sa sariling tumuon ang mga mata niya sa gitnang bahagi ng kama nito kung saan mayroon nakatuping puting papel.
Kumunot ang nuo niya. And out of curiosity, she picked the paper up and read the content.
To my dearest Jan Irish,
As you read this, I'm already in another country missing you. I miss your smile, your laughter, your kisses and your embrace. Siguro habang binabasa mo 'to, nababaliw na ako sa pagka-miss sayo, pero kailangan ko 'tong gawin.
You told me to be a better man for myself and not for others. You see, mahirap yon. I want to be a better man for you and that will never change. You are my inspiration and my motivation to be a better person than I am now. Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito para sayo, para maging deserving ako na makasama ka. I know, it's stupid for me not to say goodbye in person, pero hindi ko kaya e. Baka kapag nagpaalam ako sayo ng personal, hindi ako makaalis kasi hindi ko kayang mawalay sayo, kaya pinili kong isulat nalang sa papel ang pansamantala kong pamamaalam sayo.
Alam kong pupunta ka sa bahay, alam ko kasi ikaw yong tipo ng tao na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto at alam kong gusto mo na akong makita. But I'm so sorry, honey, you won't be seeing me for a year or so. Alam kong kagagohan ang umalis na hindi nagpapaalam sayo, pero kailan ko itong gawin para sayo at para sa sarili ko.
And as selfish as this may sound, I'm begging you to wait for me. Hintayin mo ako dahil hindi ko kakayanin na sa pagbalik ko ay may ibang lalaki ka nang kasama. That would kill me, Jan Irish. Umalis ako para sayo at babalik ako para sayo. Kailangan ko lang ayosin ang buhay ko. Gusto ko kapag nagkita tayong muli, wala na akong sabit, wala nang Stella na manggugulo at maipagmamalaki mo na ako sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo.
I'm hoping that you would wait for me, Jan Irish. And if you couldn't and you find a man worthy of your love and devotion while I'm gone, it would kill my heart, but i will let you go to be happy with him. Just know that I'll be looking at you and loving you from a far.
-Tegan Galvante
PS, I love you.
Tinuyo ni Jan Irish ang mga luhang namalisbis sa pisngi niya habang binabasa ang sulat na iniwan ni Tegan para sa kaniya.
Masakit sa puso na mawalay sa taong minamahal pero alam niyang ikabubuti ni Tegan ang pansamantala nitong paglayo muna para ayosin ang buhay nito.
Her heart is aching. Ang tanging pagpakalma nalang niya sa pusong nasasaktan at nangungulila ay ang sinabi ni Tegan na babalik ito para sa kaniya.
As stupid as it maybe for others, she believed in him. Naniniwala siya rito na babalikan siya nito. Naniniwala siyang magkikita pa sila ulit, at sa pagkakataong iyon naayos na nito ang dapat ayosin sa buhay nito at alam niyang sa pagbabalik nito ay mas masaya at successful na Tegan ang makikita at makakasama niya.
Ibinalik niya sa pagkakatupi ang papel at ibinulsa iyon saka hinaplos ang higaan ni Tegan at inamoy ang unan nito. Naroon pa rin ang pamilyar na amoy ni Tegan. Hindi niya napigilan ang mahiga sa kama nito at yakapin ang unan at kumot nito.
Oo, tanggap niya na umalis ito pero masakit pa rin. Nabibiyak pa rin ang puso niya sa isiping wala na si Tegan. At kahit anong pigil ni Jan Irish, kumawala ang hagulgol sa mga labi niya. Ang hagulhol at iyak ng isang pusong nasasaktan at naghihintay sa pagbabalik ng minamahal.
WALA SA SARILING ipinasa niya sa Editor-in-Chief ng magazine na pinagta-trabahuan niya ang interview niya kay Tegan saka umuwi sa bahay ng mga magulang niya.
Kaagad siyang sinalubong ng mga magulang niya.
"Oh, anak, nagkausap ba kayo nitong kasintahan mo na ayaw mong pangalanan?" Kaagad na tanong ng ama niya.
"Anong napagusapan niyo?" Tanong ng kaniyang ina.
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka ngumiti. "Umalis po siya—"
"Iniwan ka niya?" Bumadha ang galit ang mukha ng kaniyang ama. "Makakatikim sakin ang hayop na yon—"
"Dad, he left for me."
Natigilan ang ama niya. "What do you mean?"
"Umalis siya para ayosin ang buhay niya. Gusto niya maging karapat-dapat daw siya sakin sa pagbabalik niya." Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang maluha na naman. "And I've decided to wait for him. I love him and i believe him when he says he's going to come back for me." Ngumiti siya ulit. "Puwede na po ba akong magpahinga?"
Walang imik na tumango ang mga magulang niya at hinayaan siyang umakyat sa hagdan.
Nang makapasok sa kaniyang silid si Jan Irish, ini-lock niya iyon at doon ibinuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan sa harap ng mga magulang niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top