CHAPTER 15

CHAPTER 15

SA BABA nakatuon ang mga mata ni Jan Irish habang walang tigil siyang pinapagalitan ng kaniyang mga magulang. Hindi siya umimik, hindi siya sumagot at hindi niya pinagtanggol ang sarili. Kasalanan naman talaga niya e, nagmahal siya ng may asawa na pala.

"Sino ang lalaking 'to, ha? Sabihin mo sa'min, Irish!" Galit na ang mama niya. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa'min?"

"Pino-protektahan mo ang lalaking yon, no?" Sabad ng ama niya. "Pino-protektahan mo ang walang kuwentang tao!"

Jan Irish remained silent.

"Sagutin mo kami, Jan Irish." Nanggigigil na sa galit ang ama niya. "Sino ang lalaking kasama mo kagabi?!"

She remained silent.

Bumuga ng malakas na buntong-hininga ang ama niya. "You are disgracing our family's name, Jan Irish. Ni minsan hindi ko inasan ito na magagawa mo. You are a smart woman. How could you do this?"

"Irish, anak," mahinahon na ang boses ng ina niya, "just tell us who he is. Para naman makagawa kami ng aksiyon para protektahan ang pamilya natin."

Jan Irish sighed and looked at her parents softly. "I'm sorry for what I did. I really am. Alam kong mali ang mahalin ko ang isang lalaking may asawa na, pero mahal ko talaga siya. I don't want to be a mistress, Mama, pero iba ang sitwasyon namin at hindi niyo yon maiintindihan. All you care about is our family background and how the socialite sees us. You see, wala akong pakialam sa kanila. Ang lalaking yon na tinatawag niyong walang kuwenta, mahal ko 'yon at napakarami na nang sakit ang pinagdaanan niya. And that's what makes him worth it in my eyes. I don't care what other people think, I only care about what you think, kaya nga ako umuwi, e. Pero kong alam ko lang na tatawagin niyong walang kuwenta ang lalaking mahal ko, hindi nalang sana ako umuwi rito."

Napailing-iling ang ama niya habang sapo ang sintedo. "Anak naman, may asawa yong tao, pinatulan mo pa? Hindi ka naman siguro mawawalan ng lalaki sa mundo. Nandiyan si Daniel na gustong-gusto ka at hiningi ang kamay mo sakin."

Tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa ama niya. "Please tell me you didn't give my hand to that man—"

"Anak, para rin naman to sa ikabubuti mo—"

"Ikabubuti ko o nang negosyo mo?" Tumaas na ang boses niya habang nangingilid ang luha sa mga mata. "How could you do this to me, Pa?"

"Jan Irish, this is for your own good. Kapag nakasal ka na kay Daniel, magiging maayos na ang lahat--"

"Gusto niyo akong magpakasal sa taong hindi ko mahal?" Tumayo siya at matatalim ang matang pinagpalit-palit ang tingin sa mga magulang niya. "Hindi niyo ako mapipilit na magpakasal, itaga niyo iyan sa bato. Mamamatay muna ako bago niyo ako ipakasal sa Daniel na 'yon."

Nagmamartsa siyang umalis sa sala at humihikbing tumakbo patungo sa dati niyang silid nuong doon pa siya nakatira sa mansiyon ng kaniyang mga magulang.

As her tears falls down, panay ang dasal niya na sana ay matapos na ang issue na yon at makita na niya si Tegan.

"THESE PICTURES can be used to annul your marriage with Stella." Sabi ng Attorney ni Tegan na si Atty. Evren Yilmaz. "Puwedeng-puwede natin itong gamitin sa korte para maging grounds ng annulment niyo."

Those picture of Stella kissing and groping other men had always brings him pain. Ni sa hinagap niya, hindi niya naisip na magagamit niya iyon para ipa-annul ang kasal nila.

"Salamat naman at magagamit pala natin 'to." Malungkot ang ngiti niya. "My heart and my ego always bleed everything i looked at these photos. Masakit na makitang may kahalikang iba ang asawa mo. Tanggap ko na hindi na siya babalik sakin at hindi na ako makakahanap ng kapalit niya sa buhay ko kaya hindi ko naisip o hindi ako nagka-interest na ipa annulled ang kasal namin. And that changes when I met Jan Irish."

Tipid na ngumiti si Atty. Yilmaz na nasa late fifties na ang edad. Isa ito sa mga taong hindi nandidiri sa hitsura niya.

"I can pull some strings para mapabilis ang pagproseso ng annulment."

Tumango siya. "I would highly appreciate that." Nakahinga siya ng maluwang. "Mabibigyan mo ba ako ng eksaktong oras o petsa kung kailan ma-a-aprobahan ang annulment ng kasal namin ni Stella?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Give me three months. Yan na ang pinakamabilis na proseso na magagawa ko. "

Kumunot ang nuo ni Tegan. "Hindi ba kakailangan diyan ang perma ni Stella?"

"Kailangan nga natin para mapadali ang proseso, pero huwag mo nang isiping yon. Ako na ang bahala do'n. Ako ang kakausap sa kaniya. Just wait and I'll call you with update."

Nakahinga ng maluwang si Tegan. "Thanks, Attorney."

"Don't mention it, Mr. Guzmano." Tumango ito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa sa sala ng bahay niya. "Sige, maiwan na kita, aasikasohin ko na 'to."

"Sige. Maraming salamat."

Nagkamay silang dalawa bago ito lumabas sa bahay niya.

Akmang pupunta siya sa kaniyang silid ng bumukas ang pinto ng bahay at pumasok doon si Stella na may malapad na ngiti sa mga labi.

"Hey, hubby." She chirped.

"Hi." Pormal niyang balik bati dito saka humarap dito habang nakapamulsa. "Siyanga pala, paki-impake ng mga gamit mo na nasa isa sa mga kuwarto ng bahay ko."

"At bakit?" Nakataas ang kilay nito, halatang galit.

"Kasi pinapalayas na kita sa bahay ko."

Namutla ito bigla. "A-ano?"

"You heard me, pinapalayas na kita." Walang emosyon ang mukha niya. "I'll send you to a very famous and expensive hotel. No worries," he smiled coldly, "babayaran ko naman ang stay mo roon sa loob ng isang linggo. And i suggest na sa loob ng isang linggo na yon ay maghanap ka ng trabaho o kaya naman ay maghanap ka ng ibang lalaki na mauuto mo at gagawin mong bangko. Because I'm done with you, Stella."

"No! You can't do this to me!" Galit nitong sigaw sa kaniya.

"Actually," he smirked at her, "i can."

Nanggagalaiti ito sa galit habang nagpapadyak ang paa sa sobrang frustrasyon.

"You monster! Hindi mo sakin puwedeng gawin to!" Galit nitong sigaw sa kaniya. "Demonyo ka! Halimaw ka! Asawa mo ako, hindi mo ako puwedeng palayasin!"

"Watch me." Tinalikuran niya ito at lihim siyang nagpasalamat ng makita si Tay Berto na papasalubong sa kaniya. "Tay Berto, siguraduhin niyong bago mag dinner nakaalis na si Stella sa pamamahay ko." Malamig siyang ngumiti. "Dalhin mo siya sa Zapanta's Hotel at bayaran mo ang pang-isang linggong stay niya roon tapos iwan mo na siya."

"No! You can't do that to me!" Sigaw ni Stella.

Hindi niya ito pinansin saka umakyat sa hagdan patungong second floor ng bahay niya.

Sana naman sa mga ginawa niya, maging sapat na iyon para unti-unting umayos ang buhay niya.

"PINAGMAMALAKI MO sa amin na isa siyang desenteng tao at pupuntahan ka miya rito sa bahay, pero tatlong araw na ang nakakaraan, wala pa rin." Parang nang-iinis ang boses ng kaniyang ama. "Sino ba ang lalaking yon, ha?"

Nanatili siyang tahimik at itinuon lahat ng atensiyon sa agahan niya.

"Jan Irish, sagutin mo na ang tanong namin." Parang nawawala na nang lakas ang ina niyang pilitin siya.

"Kapag hindi mo samin sinabi, mapipilitan kaming ipakasal ka kay Daniel—"

"Hindi niyo ako matatakot sa ganiyan. Hindi ako magpapakasal kay Daniel." Inis na bigla niyang sabi at umalis sa hapagkainan.

Walang destinasyon siyang naglakad hanggang sa mapansin niyang nasa greenhouse siya ng kaniya ina.

Naupo siya sa bench na nasa gilid saka niyakap ang sarili.

It's been three days. Hindi lang ang ama niya ang naiinip, pati rin siya. Nangako si Tegan na magpapakita ito sa kaniya kapag naayos na nito ang lahat. Nasaan na ito? Ganoon ba katagal bago nito maayos ang lahat ng dapat ayosin?

Naninikip ang dibdib niya dahil sa sobrang pagka-miss kay Tegan. Gusto na niya itong mayakap at mahalikan. She missed him. She wants to see him. Pero bantay sarado siya ng kaniyang mga magulang.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "I miss you." She whispered unto the air. "Please, come see me."

Napahikbi siya habang naglalaro sa isip niya ang ala-ala ng masasayang pinagsamahan nila ni Tegan. Walang patid sa pagpatak ang mga luha niya habang ang puso niya ay nangungulila para rito.

Nasaan ka na ba, Tegan? It's been three days.

"Anak, Jan Irish?" Boses iyon ng kaniyang ina. "Narito ka ba?"

Mabilis niyang tinuyo ang mga luha saka tumayo at humarap sa ina. "Yes, ma?"

"Your father wants you in the breakfast table." Sa unang pagkakataon simula ng makauwi siya, may munting ngiti ito sa mga labi.

Nagtataka man at naguguluhan, sumunod siya sa kaniyang ina sa breakfast table kung saan naroon ang ama niya at naghihintay.

"Pa, anong kailangan niyo sakin?" Walang emosyong tanong niya.

Inilapag nito ang diyaryo na binabasa saka may itinurong article doon. "Sinasabi dito sa diyaryo na paninirang puri lamang sayo ang unang balitang lumabas na pumatol ka sa isang may asawang lalaki. At sinabi din dito na humihingi ng tawad ang kabuoan ng newspaper team dahil nagpagamit sila para siraan ka." Para itong nakahinga ng maluwang pero may pagdududa pa rin sa mga mata nito. "Kung ayaw mong makasal kay Daniel, ipakilala mo samin ang lalaking 'to."

Para siyang mabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa lumabas sa diyaryo. "Kakausapin ko ho siya."

"Good." Tinupi nito ang diyarto at matiim na tumingin sa kaniya. "Nalinis ang pangalan mo sa diyaryo at sa ibang tao, pero para sa amin ng mama mo, alam namin ang totoo. Ang kasintahan mo ay kasal na sa iba, and somehow, he has something to do with the newspaper cleaning your image and taking the blame for it, kaya gusto namin siyang makausap para alamin kung anong plano niya sayo."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ko pa siya nakakausap mula ng ihatid niya ako rito. Pero nangako naman siyang kakausapin ako pagkatapos ng lahat ng 'to."

"Sige, basta ipakilala mo siya sa amin."

Tumango siya saka nagpakawala ng malalim na hininga. Talaga bang solve na ang problemang inumpisahan ni Stella? Sana nga.

PUNO NANG poot ang mukha ni Stella habang nakatingin kay Tegan. At hindi ni Tegan maintindihan yon. Bakit ba ito nagagalit sa kaniya na dapat nga siya ang magalit dito.

"I'm not gonna sign that." Nagtatagis ang bagang na sabi nito. "Hinding-hindi ka makakawala sakin. Hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ng babaeng yon! Hindi sapat ang isang daang peso para permahan ko yan!"

Umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo. "Ganoon ba? Sige, huwag mong permahan, i can always pull some strings. May pera ako, i can do it. Ang tanong," bahagyan pa siyang dumukwang palapit dito, "anong mangyayari sayo?"

Natigilan ito. "Anong ibig mong sabihin?"

Bumaling siya kay Atty. Yilmaz at tinanungan ito.

Atty. Yilmaz smiled at Stella coldly. "Look at these." Pinakita nito ang mga larawan na nasa malaking sobre na kulay brown. "These photos are enough to annul your marriage." Pagkatapos ay may kinuha itong USB sa bulsa. "And a copy of your sex with Cong. Dela Fuerte three months after my client was burned." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Atty. Yilmaz ng makitang namumutla si Stella. "You see, we have enough grounds to use, pero kapag inilabas namin ito, mapapahiya ka sigurado. And my client wants a peaceful annulment process, so we'll give you one hundred thousand to sign the papers."

Tumaas ang sulok ng labi ni Stella. "Atty., hindi ako bobo. Siguro nga mapapa-annulled mo ang kasal namin ni Tegan pero bibilang ka ng taon bago mo makuha yon dahil wala ang perma ko." Tumingin ito sa kaniya. "At hindi magugustuhan ng mga magulang ni Jan Irish na isang lalaking kasal sa iba ang makasama ng nag-iisang nilang anak. And you really think they can accept you?" May panunuya sa boses nito. "You really think they will welcome you in open arms if ever we annulled our marriage?" Nakangising umiling ito. "Hindi, Tegan, hindi nila matatanggap na ang magiging manugang nila ay mukhang halimaw. Yes, Jan Irish accepts you, but they are not Jan Irish, they don't share the same understanding for you. So huwag kang mag ilusyon na magiging masaya ka pagkatapos nito."

Sapol ng mga binitiwang salita ni Stella ang puso at kaluluwa niya na umaasa na magiging masaya siya sa piling ni Jan Irish pagkatapos nito. Hindi niya naisip ang iisipin ng mga magulang nito o mga relative at kaibigan.

In that moment, all his hope was crushed into tiny pieces.

"Peperma ka ba o hindi?" Tanong ni Atty. Yilmaz kay Stella na pumukaw sa diwa niya.

"Hindi." She smirked. "I have nothing to lose."

"Sayang din ang one hundred thousand." Pangungumbinsi rito ng Attorney niya. "Wala kang pera at malapit nang mag expire ang pag-stay mo sa hotel na 'to."

Nakita niya ang pagdadalawang isip ni Stella, halata iyon sa mga mata nito. "Ayoko pa rin. One hundred thousand is just too low." Pinag-krus nito ang mga paa at ngumiti. "Lumayas na kayo rito, wala kayong mapapala sakin."

Attorney Yilmaz shrugged. "Okay. But I'll be back before your stay in this hotel expires."

Sabay silang lumabas ni Attorney sa silid ni Stella saka sumakay ng elvator.

"She won't sign the papers. Ano nang gagawin natin ngayon?" Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha. "I thought she would. I know Stella, mukha siyang pera."

"I suggest you raise the payment. Gawin mong isang milyon, tingnan natin kung hindi pa siya."

"Sige. Bumalik tayo ngayon din—"

"No, Mr. Guzmano, babalik tayo sa ikapitong araw niya rito sa Hotel. Tingnan natin kung hindi pa niya tanggapin ang pera."

Bumuga siya ng marahas na hangin. "Sana nga tanggapin niya."

From the Hotel, Tegan went home. Sumalubong sa kaniya ang napaka-tahimik niyang bahay.

His heart clenched in pain. Alone. Again.

He blows a loud breath and went to his room. Hinubad niya ang polo na suot at napatitig siya sa mga pilat niya sa braso, sa dibdib at sa may tiyan. They looked disgusting and horrendous even for him.

At sa ikalawang pagkakataon simula ng masunog siya, humarap siya sa salamin at tiningnan ang sarili doon.

He looks like a freaking monster! Nothing has change in his monstrous appearance. Ngayon nagtatanong siya, paano nasisikmura ni Jan Irish na makita siyang nakahubad? Paano nito nasisikmura na makipag-usap sa kaniya, na halikan siya at yakapin? Ni hindi nga niya kayang sikmurain ang hitsura niya.

He wants to be a better man for Jan Irish. Gusto niyang maging maayos ang lahat sa buhay niya bago muling magpakita rito.

Seeing his face and body for the second time in the mirror, he realizes that Jan Irish didn't deserve a monstrous looking man beside her. She deserves someone better, someone she can be proud of in front of her friends. And that's not him.

Ayaw niyang itong mala-halimaw niyang mukha ang makasama ni Jan Irish hanggang sa pagtanda.

He wants the best for her. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top