CHAPTER 12
CHAPTER 12
NAMAMAGA ang mata ni Jan Irish ng magising kinabukasan. Nakatulogan pala niya ang pag-iyak. Hindi siya kumain ng nakaraang araw at hindi lumabas ng kuwarto. Kahit anong pilit sa kaniya ni Tegan, hindi siya lumabas o nakipag-usap dito.
Kaagad niyang inayos ang sarili at nagbihis pagkatapos ay lumabas siya sa kaniyang silid.
Naabutan niya si Tay Berto na naglilinis sa sala.
"Oh, hija," anito ng makita siya, "ipaghahanda ba kita ng agahan? Sabi ni Sir Tegan ay hindi ka pa raw kumakain simula kahapon."
"Huwag na po." Tipid siyang ngumiti. "Kumain po ba si Tegan bago umalis?"
Umiling ang kausap. "Hindi e."
"Ganoon po ba?" Huminga siya ng malalim. "Sige ho, aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako e."
"Babalik ka pa ba?"
Napatigil sa paglalakad si Jan Irish saka bumaba ang tingin niya sa backpack na dala at tumuon ang mata niya kay Tay Berto.
"Hindi ko ho alam kung makakabalik ako kaagad." Aniya na may malungkot na ngiti sa mga labi. Sana nga makabalik siya kaagad. "We'll see."
Tumango ang matanda at pinagbuksan siya ng pinto. "Mag-iingat ka, hija."
"Salamat ho."
Akmang lalabas siya ng bahay ng may magsalitang babae sa likuran niya.
"At sino naman itong babaeng 'to, Tay Berto?" Mataray ang uri ng pagtatanong nito.
Tumigil sa paglalakad si Jan Irish saka humarap sa nagsalita. Meters away from her stood a very beautiful woman with blond hair and stunning brown eyes. The woman looks like a freaking Goddess! Mas nagpapaganda rito ang kulot nitong buhok na abot hanggang beywang.
Tumingin siya kay Tay Berto, nagtatanong ang mga mata.
The woman let out a loud sighed. "Go on, Tay Berto ipakilala mo ako sa babaeng yan."
"Siya si Stella, ang asawa ni Sir Tegan."
Parang namingi si Jan Irish sa narinig. Bumaling siya sa babae nang-uuyam na nakangiti sa kaniya. Alam niyang tumalim ang tingin ng mga mata niya dahil hindi ito nagpatuloy sa paglapit sa kaniya at bumakas ang takot sa mukha.
"Hindi mo ba siya ipapakilala sakin, Tay Berto?" Maarteng sabi ulit ng babae.
Halatang ayaw kausapin ni Tay Berto ang babae, pinipilit lang nito ang sarili.
"Siya si Jan Irish Vallega, Ma'am Stella." Pagpapakilala sa kaniya ni Tay Berto. "Ang kasintahan ni Sir Tegan." Dagdag ni Tay Berto na ikinanganga ni Jan Irish.
Si Stella naman ay nanlilisik ang matang lumapit sa kaniya. "Siguro ikaw ang rason kung bakit ayaw na akong bigyan ng pera ni Tegan."
Pinatapang ni Jan Irish ang ekspresyon sa mukha niya. "Wala akong kinalaman sa sinasabi mo."
"Sinungaling!" Singhal nito sa kaniya. "Siguro piniperahan mo rin siya, no?" Ngumisi ito. "Oo nga naman, paano mo magugustuhan si Tegan e para siyang halimaw. Nakakadire at nakakatakot."
Hindi nakapagpigil si Jan Irish, umangat ang kamay niya at malakas na tumama ang palad niya sa mukha ni Stella.
"Puwede mo akong pagsalitaan ng masama, pero huwag mong pagsasalitaan ng ganoon si Tegan, makakatikim ka sakin." Mas tumalim ang mga mata niya. "And no, i don't need money from him. I'm a heiress. May pera ako. Mayaman ako. At kahit nga siguro kaluluwa mo, kaya kong bilhin."
Iyon ang unang pagkakataon sa buhay ni Jan Irish na nagmalaki siya sa kapwa niya. She felt awful, but she won't let this bitch talk shit about Tegan like that.
"Walang hiya ka—"
"Ikaw ang mas walang hiya kesa sakin."
Tinalikuran niya ang babae saka lumabas siya ng bahay at malalaki ang hakbang na lumabas siya ng gate. Ayaw niyang makita pa ulit ang mukha ng Stella na yon, gusto niya itong patayin sa sobrang galit sa ginawa nito kay Tegan.
Kailangan pang maglakad ni Jan Irish ng ilang minuto patungo sa gate ng Gentleman's Village para makatawag siya ng Taxi.
"Saan ho, ma'am?" Tanong ng taxi driver ng makasakay siya.
Ibinigay ni Jan Irish ang lugar na gusto niyang puntahan saka tumingin sa labas ng bintana.
Hindi maiwasang sumakit ulit ang puso niya. Bumalik na ang asawa ni Tegan. Dapat lang na umalis siya. Pero parang dinudurog ang puso niya sa isiping magkasama ang dalawa sa iisang bubong.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa kaniyang destinasyon kung hindi pa niya narinig ang boses ng driver.
"Hintayin niyo ho ako rito, manong." Sabi niya sa driver saka lumabas ng Taxi at pumasok sa Starbucks.
Jan Irish ordered black coffee.
Sumakay siya ulit sa taxi saka nagpahatid naman sa paborito niyang Bake Shop. Bumili siya roon ng masarap na tinapay na babagay sa kape saka nagpahatid sa opisina ni Tegan.
Habang sakay siya ng elevator patungo sa pinakamataas na palapag ng building, isinuot ni Jan Irish ang dark sunglasses niya para itago ang pamamaga ng mata niya.
When the elevator popped open, she steps out and walked towards the President's Office. Abala ang sekretarya kaya hindi siya nito napansing dumaan sa harap nito.
Jan Irish pushed the door open and stride in.
"Jan Irish!" Gulat na sambit ni Tegan sa pangalan niya ng makita siya.
She gives him a small smile. "Ihinatid ko lang 'to." Inilapag niya ang kape at tinapay sa ibabaw ng mesa nito. "Sabi kasi ni Tay Berto hindi ka pa nag-agahan."
His face softened. "Jan Irish..."
"I'm leaving."
Tumuon ang mga mata nito sa backpack na nakasabit sa balikat niya.
"Iiwan mo ako?" May lungkot sa boses nito.
"I think I already knew too much about you. Kaya ko nang makagawa ng article tungkol sayo sa mga nalaman ko. Hindi ko na kailangan pang magtanong at manatili sa bahay mo bilang isang katulong." Walang emosyon ang boses niya. "At saka nasa bahay mo na ang asawa mo. It wouldn't be right to stay there."
Tegan's face saddened. "Pasensiya ka na pala kay Stella. Pasensiya na kung pinatuloy ko siya sa bahay."
"Okay lang yon. It's her right as your wife." Napakasakit sabihin yon pero kinaya niya. She doesn't want to be selfish when it comes to Tegan. "Karapatan niyang makasama ka."
"Ikaw ang gusto kong makasama."
"Hindi naman lahat makukuha ang gusto natin."
Kung kailangan siya palagi ang magbigay, ayos lang. He already had given to much to her. Trust. Kahit hindi man nito sabihing may tiwala ito sa kaniya, nakikita naman niya iyon sa mga mata nito.
"So, you're leaving me?" Tegan stands up and walk to her. "Just like that?"
Pinipigil ni Jan Irish na hindi umiyak kahit naninikip na ang dibdib niya. "Tegan, aalis lang ako sa bahay mo. It's up to you kung paaalisin mo ako sa buhay mo." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Goodbye for now, I'm sure magkikita pa tayo ulit."
"Kailan naman kaya yon?"
Jan Irish shrugged. "Time will tell." She smiled. "We'll see. At saka alam mo kung nasaan ang bahay ko."
Bumagsak ang balikat ni Tegan. "I'm trying to be a better person for you, tapos iiwan mo ako?"
"Be a better person for yourself, not for me and not for others." She placed a soft kiss on his lips. "Naniniwala akong kaya mo yon."
She took a step back.
Tegan remained still while staring at her.
Jan Irish smiled, turns around and then left.
And as she walks away, her heart is shouting, 'I love you, Tegan.'.
"ANG LAKAS DIN naman pala ng loob mo na magbahay ng babae rito samantalang may asawa kang tao." Iyon kaagad ang sumalubong kay Tegan ng makapasok siya sa bahay niya.
He took a deep breath and calmed himself. "Stella, wala kang karapatang pagsabihan ako. May I remind you, iniwan mo ako para sumama sa ibang lalaki."
Naningkit ang mga mata nito sa galit. "Oo, sumama ako sa iba at kasalanan mo naman talaga yon. Pero ngayong nagbalik na ako, hindi ko hahayaang makipagkita ka pa sa babaeng yon. Naiintindihan mo?"
Walang lingon-likod na iniwan ni Tegan si Stella sa sala. Mag-aaway lang sila at wala siyang lakas para do'n.
Pagkapasok niya sa kuwato, ni-lock niya ang pinto at nahiga sa kama niya.
Ang memorya ng pagtatalik nila ni Jan Irish ay pumasok sa isip niya. Tegan groaned when he felt himself stirred to life. Napasabunot siya sa kaniyang buhok saka umalis sa pagkakahiga sa kama.
He has to calm himself.
Pumasok siya sa banyo at naligo. Nang makalabas siya, narinig niyang may kumakatok sa pinto ng silid niya.
"Sino yan?" Malakas ang boses na tanong niya.
"Ako 'to, Sir Tegan." Anang boses ni Tay Berto.
Kaagad na binuksan ni Tegan ang pinto at bumungad sa kaniya si Tay Berto na may dalang tray na puno ng pagkain ang laman.
"Maghapunan ka na, Sir Tegan." Anito at ibinigay sa kaniya ang tray. "Alam kong ayaw mong kasabay si Stella kaya dinalhan na kita rito."
"Kumakain na siya?" Tanong niya na ang tinutukoy ay si Stella.
"Oo. Kung makaasta parang sino, e." Naiinis na sabi ni Tay Berto. "Buti kung si Miss Jan Irish siya."
"Wala na siya, Tay Berto. Iniwan na niya ako." Aniya sa malungkot na boses.
Umingos ang kausap. "Hindi ka niya iniwan, bumalik lang siya doon sa bahay niya."
Napangiti siya sa pagiging positive ni Tay Berto. "Sana nga ho ganoon 'yon."
"Sige, aalis na ako. Baka kailangan na akong ng bruha mong asawa." Tumango ito at naglakad na palayo.
Mahinang natawa si Tegan saka pumasok at ini-lock ulit ang pinto ng kuwarto niya.
Inilapag niya ang tray sa study table niya saka kinuha ang cellphone at tinawagan ang kakilala niyang Attorney.
"This is Tegan Galvante, can you meet me tomorrow?" Tanong kaagad niya ng sagutin nito ang tawag.
"Yes, of course, Mr. Galvante." Paused. "If i may ask, what is our agenda for our meeting tomorrow so i could prepare?"
"Annulment."
�\R �+
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top