Kalabaw
REPORTER: Sir, konting Interview lang po tungkol sa mga kalabaw nyo.
FARMER: Ok.
REPORTER: San nyo po sila pinapaliguan?
FARMER: Yung Itim o yung puti?
REPORTER: Yung itim.
FARMER: Ah, sa sapa.
REPORTER: Eh yung Puti?
FARMER: Sa sapa rin.
REPORTER: (tumaas ang kilay) Ah, ganun po ba. Ano pong pinapakain nyo sa mga kalabaw nyo?
FARMER: Yung itim o yung puti?
REPORTER: Ah, yung puti.
FARMER: Damo.
REPORTER: Eh yung itim?
FARMER: Damo din.
REPORTER: (mejo nainis) San nyo po sila pinapatulog?
FARMER: Yung puti o yung itim?
REPORTER: Yung itim!
FARMER: Sa ilalim ng puno.
REPORTER: eh yung puti.
FARMER: Sa ilalim din ng puno.
REPORTER: (Nainis) teka nga, bakit mo pa tinatanong kung yung itim o yung puti, eh pareho lang naman sagot mo?!?
FARMER: ah, ganito kasi yan... yung itim na kalabaw, sa akin kasi yun.
REPORTER: eh yung puti?
FARMER: Sa akin din.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top