VI (Special Chapter)
Dedicated sa isang kaibigan.. :)
Saktong-sakto ang mga dialogues na ito para sa'yo kaya dito ko sasagutin lahat ng hinanakit mo. Ahahaha.
Hindi na kita papangalanan kasi ayaw mo na malaman ng lahat kung gaano ka kasira ulo.. De joke lang.. Nahihiya ka pa, samantalang hindi ka nahiyang i-flood ako ng messages. De joke lang ulit.
Kapag nabasa mo ito, sana ay unawain mo ng maayos.
-------------------
"Itigil mo na.. Hindi mo kailangang magpanggap. Tsaka mo na sabihin sa akin na hindi mo na talaga ako mahal, kapag kaya mo na akong titigan sa mga mata ng deretso habang sinasabi ang mga masasakit na salita na yan"
------------------
Puso at isipang nag-aaway?.. Desisyong mahirap buuin?.. Ganyan talaga kapag pinasok na ng pag-ibig ang iyong buong sistema.
Only way to escape,.. kill your feelings? Nah! Isang malaking ekis!
Damdamin, hindi ito namamatay, nagpapahinga lang o 'di kaya ay hinihilom. Parang atleta na tumatakbo, nagpapahinga kapag pagod.. Makina na umaandar, inaayos kapag nasira..
Paano nga ba ipapahinga?..
ORAS lang.. Give yourself a time, gaano man kahaba o kaikli, eh darating at darating yung tamang oras.
Paano hihilom?..
Panibagong pag-ibig.. O 'di kaya ay yung pag-ibig na hindi masyadong natutuunan ng pansin, ang pag-ibig ng pamilya at ng Diyos.
Corny ko?.. Kailan pa naging corny ang katotohanan at nararapat?
Hindi hihilom ang sugat kung walang gamot, yun lang yun. Magka peklat man, hindi magandang rason yun upang kamuhian mo ang lahat ng bagay.
Ang peklat ay magsisilbi na lang na lesson, at ang lesson na yun ang panghahawakan mo upang hindi na maulit ang pagkakamali nung una.
Maraming tao ang sira ang buhay dahil masyadong nagpapa-apekto sa mapait na nakaraan.
Kaibigan, wag kang maging produkto ng sikat na kasabihan.. "Nasa huli ang pagsisisi"
C'mon, hindi mamamatay ang mundo para sa'yo, ikaw ang mamamatay sa mundong ito kung magpapalamon ka sa sakit ng nakaraan.
Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan..
"Gusto ko nang mag-move on!!!"
Ayan ang sikat na dialogue ng mga taong sawi sa pag-ibig.
Ang tanong, ginagawa mo ba?
Kaibigan ko, ang kagustuhan ay hindi lang ginugusto.. Sinasamahan yan ng aksyon at determinasyon.
Parang pagkain, hindi mo mangunguya kung hindi mo isusubo. Yun lang yun!
Wag mong romansahin ang sama ng loob, hindi ka nyan bubuntisin ng magandang resulta sa'yong pamumuhay.
Nagpapatawa ako? Sige tawanan mo at kukutyain naman kita dahil sa pagiging tanga mo.
Masakit akong magsalita? Masakit talaga kasi masakit si katotohanan.. Isa pa, sa napansin ko sa problema mo, hindi ka matututo kung hindi ka sasaktan. Ayan ang napansin ko sa'yo..
Ayaw kitang bigyan ng mabulaklak na salita dahil hindi iyon makakatulong. Ayokong maging kakampi mo kung yung mismong sarili mo ay tinatraydor mo. Alam mo ibig kong sabihin. Alam kong habang binabasa mo ito ay ngumangalngal ka nanaman ng iyak. Sige, iyak lang.. Hindi mababawasan ang sakit kung hindi inilalabas. Pero siguraduhin mo lang na uubusin mo. Kasi pag nagtira ka pa, para yang bacteria na muling dadami sa'yong sistema.
Ngayon, sa lahat ng nabasa mo, kung hanggang ngayon ay magiging bitter ka parin, kung mananatili ka paring bulag sa katotohanan.. Hindi na problema ni Mr. P yan..
May problema rin ako kaya shut up!.. De joke lang. Sana ay nakatulong yung payo ko na tali-talinuhan lang.
'Di ko alam kung makakatulong ako. Sana ay oo.
Yun lang. Salamat sa iyong pagbomba sa aking message box, nakakaiyak kang kausap, bakit?.. Nag-hung lang naman cellphone ko sa kadamihan ng si-nend mong problema. Ahaha! Wag nang uulitin, hindi nakaka-proud!
De joke lang ulit.
Please.. Just be strong. Hindi pa ikaw ang may pinaka mabigat na problema sa mundong ibabaw. Wag mong akuin ang lahat ng hinanakit.
Yun lang!
Nagmamahal,
Mr. P
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top