IX
"Akala mo masaya ako? Akala mo bale wala lang sa akin ang mga nangyari?... Akala mo hindi ako nasasaktan sa relasyong ito na nasira dahil sa aking kagagawan?.. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. May damdamin din ako! Tandaan mo.. Hindi ko tinapos ang relasyon na ito dahil lang sa wala.. Dahil tangina! Kung ako lang ang masusunod at kung hindi mo lang ikapapahamak, hindi kita bibitawan.. Hindi ko bibitawan ang alam kong pag-aari ko"
______________
Mga salitang nakakahiwa sa pandinig ng mga nasaktan, mga dahilang nabalewala dahil sa mataas na lipad ng pride ng tao.
Nagiging mali ang tama, at kailan man ay hinding-hindi ito mababalik at patuloy na lalagapak sa kabaliktaran hanggang hindi bukas ang pang-unawa ng taong makikinig.
Minsan ay bukas ang tenga natin, pero yung pang-unawa na syang mas kailangang paganahin ay nakakalimutan nating buksan dahil sa baluktot na dahilan.
Mr. P
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top