Chapter 5
Chapter 5: Thieves
"Tito, did Daddy give you my cards or what?" I asked while we're eating.
Tito shook his head. "He just left me some instructions. I am sure he won't give it to you though. Here, eat this."
Nilagyan niya ang plato ko ng spicy chicken. Buti pa si Tito alam iyong paborito ko. I like spicy foods, but my family don't, so we rarely have a spicy dish on our table.
Iwinaksi ko nalang iyon.
Sumama naman ang mukha ko sa sinabi ni Tito. "How about me, then?"
"Meron akong card, Audrey. Anong gusto mo sim card o card board?" Archie joked.
Bayolente akong bumuga ng hangin. "E, ikaw anong gusto mo? Shut up o cardiac?" inis na sagot ko sa kaniya.
Maya-maya pa ay humagalpak siya ng tawa hanggang sa halos mabulunan na siya.
"Archie, stop it! You're ruining our lunch!" saway ni Tita Nadya sa anak.
Maya-maya pa ay kumalma na siya. "My, mukhang magkakasundo ata kami ni Audrey. Marunong din pala 'tong bumanat, e. Huwag mo lang akong banatan, ah?"
He smiled at me and was about to pinch my nose when I held his hand. "Don't touch me."
Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo, e."
Tito Isiah just shook his head. "Si Archie na ang bahala sa 'yo kapag wala kami rito."
I frowned. "Tito..."
"Mamaya na natin iyan pag-usapan, kumain na muna tayo."
Ngayon pa lang ako nakaranas nang maayos na lunch kahit pa iniinis na kaagad ako ni Archie. Their family look good and happy, unlike mine.
"Balita ko, tamad ka raw sa inyo kaya ka pinalayas ni Tito Peter? Kawawa ka naman."
Umupo si Archie sa katapat na sofa sa sala. Inaayos pa ang gamit ko sa kuwarto kaya nandito muna ako sa baba.
I crossed my legs. "I'm not pathetic."
"Sinabi ko bang si pathetic ka? Ikaw si Audrey, ano ba 'yan."
I threw the magazine at his face. "You're so annoying," I said.
"Grabe ka. Hoy, dapat ayusin mo ang pagtrato mo sa 'kin. Binilinan pa naman ako ni Tito Peter na ako bahala sa 'yo. Sabi niya nga kapag hindi ka nakinig sa 'kin, pwede lang daw kitang ibalibag."
Tumayo ako at lumapit sa kaniya para pingutin siya. "Hindi ako mahilig makipagbiruan kaya huwag mo 'kong inisin baka tanggalin ko 'tong tainga mo."
"Oo na! Oo na! Ito naman, binibiro ka lang — Ouch!"
Napadaing siya nang mas hilain ko pa ang tainga niya bago bitawan.
"Ito brutal ka talaga, e, no."
"Anong ginagawa niyong dalawa diyan?"
Napalingon kami kay Tita Nadya nang papapunta siya sa amin.
"Mommy, hinila ni Audrey ang tainga ko! Mahal ba pagamot nito?"
I glared at him.
"Tumigil ka nga, Archie. Para ka namang bata diyan."
I made a face at him.
"Audrey, you aren't allowed to go outside —"
"What?!"
"Let me finish first, okay?"
I calmed myself down and nodded.
"You aren't allowed to go outside unless kasama mo si Archie."
Namilog ang mata ko at bumaling kay Archie na ngayon ay nakangisi na.
"Pero, Tita? Paano kung ayaw niya 'kong samahan?"
"Edi, hindi ka p'wedeng lumabas."
"What? Tita naman! Pati ba naman dito, nakakulong ako?" I protested.
"Hindi ka naman ikukulong, ang sinabi ko lang ay hindi ka makakalabas kapag hindi mo kasama ang pinsan mo."
Para bang nanghina ako kaya bumalik ako sa pagkakaupo.
"Tita... why are you doing this to me?"
"Sus, paawa effect agad. Huwag kang maniwala kay Audrey, My. Mamaya magiging halimaw na naman 'yan."
Tita hit him on his arm to make him quiet. "You're here to be disciplined, Audrey. Hindi ibig sabihin na nandito ka ay p'wede mo nang gawin ang mga gusto mo. Starting tomorrow, you'll just ask what you need to your cousin. So, you should be good para pagbigyan ka niya, okay?" She apologetically smiled at me.
Nagkasalubong ang kilay ko. "Tita, kahit ba credit card ko hindi ibibigay sa 'kin? How can I live like this, then?"
"Mabubuhay ka naman nang walang pera, Audrey. You should start appreciating small things. Magtipid ka."
I frowned.
"Why does it have to be Archie, Tita? He'll surely make fun of me!"
Natawa si Tita. "Hindi 'yan, mabait naman ang pinsan mo."
Bigla namang niyugyog ni Archie si Tita. "You're the best, mom!"
"Tss."
Wala akong nagawa kahit pa ang dami kong excuses. Pagkaalis ni Tita Nadya ay may nakakalokong ngisi si Archie sa 'kin.
"Don't smile at me like that."
"Ang sungit mo, ah? Sige. Hindi kita pagbibigyan sa gusto mo —"
"Archie!"
"Oh, ano?"
"Why are you so cruel? Wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah!"
Bigla nalang siyang napangiwi. "Weh? Ano iyong kanina? Sus, 'di mo mabibilog ulo ko, Audrey. Box 'yata 'to." He pat his own head and stuck his tongue out.
"You idiot!" I once threw a cushion on his face.
"Tama na nga 'yan, marami ka nang liligpitin, sige ka..."
My jaw dropped. "Oh my... Don't tell me you'll make me suffer while your parents are out?!"
He slowly gave me his wide grin. "Siguro?" He looked up, thinking.
Darn, I don't think I can do this. He will surely make me suffer from now on.
Kinabukasan ay lumabas na ako galing kuwarto at nadatnan si Archie na nasa living room at nanonood ng TV.
"Hey, where's Tito?"
Tinapunan niya ako ng tingin bago binalik ang tingin sa TV. "Nasa hospital."
"What?"
"Nasa hospital nga."
"Why?"
Kunot noo niya akong binalingan ulit. "Malamang doktor sila, ang bobo mo naman. Kumain ka na nga ro'n!"
I gritted my teeth and went near him to pull his ear. "Did you say I'm bobo?"
"Aray! Wala akong sinasabi!"
"So, bingi ako?" I asked.
"Ikaw nagsabi niyan! Aray ko, bitawan mo nga 'ko! Sige, bahala ka 'di ka makakalabas!"
Kaagad ko siyang binitawan. "Bakit? Mapipigilan mo ba 'ko kapag gusto kong lumabas?" I raised a brow.
He proudly crossed his arms. "Oo naman. I'll report you to your father, at kung magalit iyon sa 'yo. Ipapadala ka niya sa bukid at doon maghihirap ka nang husto."
"Do you think I'm scared?"
Itinabingi niya ang ulo para tingnan ako nang maayos.
"Mukha nga..." Bigla nalang siyang humagalpak ng tawa at itinuro ang mukha ko.
"Mukhang takot na takot ka nga! Sus, si Tito Peter lang naman pala katapat mo, e!"
"Excuse you. Wala akong kinatatakutan."
"Weh? Talaga? Audrey, may ipis sa tabi mo!"
Kaagad akong nataranta at halos daganan siya para magtago dahil sa takot. "You piece of a shit! Patayin mo!" Paulit-ulit ko siyang pinaghahampas habang nakapikit.
Pilit niya akong tinutulak papalayo habang ako naman ay lalo pang sumiksik sa kaniya.
"Ano ba, Audrey! Masyado ka nang feeling close!"
Sa sobrang inis ko ay binatukan ko siya. "I hate you so much."
Kaagad akong tumayo at umalis papuntang dining room para kumain. Mas lalo pa akong nairita nang wala man lang ni isang katulong at kailangan ko pang paghandaan ang sarili ko ng pagkain.
"Archie!" I called from the dining room.
"Archie, ano ba! Come here!"
Pumasok na si Archie at iritado akong binalingan. "Ano na naman?"
"Prepare me a food," utos ko sa kaniya.
I glanced at him when he's still not moving to follow what I said.
"Ano? You just stood there?"
"Inuutusan mo ba 'ko?" He came near and sat beside me. "Alam mo, my cousin. Nandito ka para matuto, at hindi ako gawing utusan. May kamay ka, 'di ba? Edi, ikaw maghanda ng sarili mong pagkain!" singhal niya at pinitik ang tainga ko.
"What the heck, Archie?!"
"Dapat nga ikaw inuutusan ko, e," he said and stormed out of the room.
I frowned. "Darn it," I whispered.
I freaking served myself a food for the first time, at talagang naiinis na ako.
"Archie! Ihatid mo 'ko sa malapit na bar mamaya. I'll just get dressed," I said.
"Hoy, teka! Anong bar ka diyan? Tumigil ka nga, mag-gagabi na!"
I crossed my arms. "What's your point, then? Umaga ako magba-bar?"
He frowned. "Bahala ka nga, isusumbong nalang kita —"
"Wait, wait, wait!" I held his arm to make him stop. "Just hear me out, okay?" masinsinan kong saad.
"Ano?"
"I've never been into a club since three weeks, Archie! You know, I'm a party girl, so I can't stand without going —"
"E, ano naman? Hindi mo ba alam na may nasaktan ka na dahil sa kapupunta mo sa bar? Hindi ka pa rin ba nadadala? Atsaka baka kung mapaano ka pa diyan sa labas!"
He's now serious that it made me feel a little bit nervous. I've never seen him this serious.
I bit my lowerlip. "Uhm, kaya nga sasamahan mo 'ko, 'di ba?"
Umiling siya at hinawi ang kamay ko na nasa braso niya. "Bahala ka."
Masama ang tingin ko sa likuran niya habang papalayo ito. Tumalikod nalang din ako at padabog na umakyat ng hagdanan.
Nandoon lang ako sa kuwarto at nagmukmok. Para akong tanga roon na nakatunganga lang. Ano ba nga naman ang magagawa ko? I felt powerless ever since Daddy grounded me for weeks.
Later on, I heard a knock on my door. I hid myself under the comforter when I heard the door opened.
"Audrey..."
"Get f*cking out!" I shouted under the cover.
I felt the side of bed sank. "Audrey, ganito nalang. Let's just buy some wine tapos I'll join you. Huwag ka na kasing matigas, nag-aalala lang naman kami baka ano na namang mangyari."
Sa inis ko ay inalis ko ang comforter at padabog na bumangon. "I won't do unnecessary things. Payagan mo na ako! Darn, I don't know why I have to ask your permission! This is so unbelievable!" reklamo ko.
"Alam ko na kung bakit nawalan na ng pasensya si Tito sa 'yo. Ang tigas pa naman ng ulo mo, mas matigas pa sa bato. Hindi p'wede. Hindi. P'wede."
I pouted. "Archie... Fine! Let's just go to the mall!" I gave up and pushed him away.
"Don't you ever enter my room again! Leave, I'll just get dressed!"
"Bilisan mo, ah? Baka isang oras la ring mag-ayos bahala ka talaga."
"Oo na!" iritadong sambit ko.
I was wearing a tube with a cardigan on, white shorts and a heels.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at naabutan si Archie na naghihintay sa sala at nakasuot ng white t-shirt at pants.
"Let's go, Archie."
"Oh, buti lumabas ka pa? Akala ko ay nilamon ka na ng inidoro! Oh... ano iyang suot mo?!"
Sinulyapan niya ang suot ko at halos magkasalubong ang kilay niya.
Biglang umusok ang ilong ko. "What's your problem?!"
"Ano ba 'yan, Audrey..." Napapikit siya sa inis bago humalukipkip. "May balak ka bang mag-bar, ha?"
"Bakit, papayag ka, ha?!"
"Ewan ko sa 'yo, iyang suot mo, oh! Ang ikli! Bahala ka na nga, tara na."
"Ikaw ba magsusuot, 'di naman, 'di ba?" pagtataray ko sa kaniya.
Nang nasa garahe na kami ay hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto, pero hindi niya ginawa at sumakay na siya sa driver's seat.
Binuksan niya ang bintana sa shotgun seat ng kaniyang sasakyan at sumungaw. "Ano pang hinihintay mo diyan?"
I snorted. "Archie, don't you have gentleness in your body? You supposed to open this goddarn door for me!" Inis kong sinipa ang sasakyan niya bago pumasok sa loob.
"Ang dami nitong alam, tapos sasaktan mo pa 'tong pinakamamahal kong sasakyan, e, kung kawawain kaya kita, ha?"
"Ang ingay mo. Just drive."
When we arrived, I immediately got out and smelled the air. Gosh, it felt ages. Parang pakiramdam ko buong taon akong nakakulong.
"Mukhang tanga naman 'to, wala namang perfume ang hangin dito kaya bakit para kang adik na sumisinghot diyan?"
"Can you mind your own business?" I said and flipped my hair. "You should buy me what I want."
Nang nakarating kami sa loob ay kahit saang tindahan lang kami napapadpad, at kada labas namin ay may bitbit si Archie na paper bag.
"Takteng 'yan! Ginawa mo naman ata akong bodyguard nito?! Ako na nagbabayad, ako pa magbibitbit? Mukhang ako yata ang naparusahan —"
Ipinakain ko sa kaniya ang hawak na resibo. "Quiet, iniisip ko kung anong brand iyong shampoo ko noong nakaraan," sambit ko habang pinapasadahan ng tingin ang linya ng mga shampoo.
"Okay, got this." Kinuha ko ang Tresemmè shampoo nang may babaeng kumausap kay Archie.
"Good afternoon, Tita Auren!" he greeted.
I was just curiously staring at them when the lady's eyes landed on me. She immediately gave me her sweet smile. "Girlfriend mo, Archie? Ikaw, ah! Ang bilis mo, ah?"
"Hala, hindi, Tita! Mataas standards ko, 'no. Pinsan ko lang 'to!" Bigla niya akong hinila papalapit, at pasimple ko naman siyang kinurot. "Walang hiya ka, mamaya ka sa 'kin," bulong ko.
"Ay, hala! Ganoon ba? Sorry. Naku, ang ganda naman nitong pinsan mo, hijo."
"Nagagandahan ka na rito, Tita Auren? Sus, wala lang 'to sa kaguwapuhan ko."
I gritted my teeth and looked away.
Ang kapal talaga ng mukha ng taong 'to. Nakakahiya.
"Hay naku, Archie."
"Oo nga pala. Sino kasama mo, Tita?"
Hanggang kailan ba siya makikipagdaldalan? Can't he just shut his mouth up for a bit?
Napalingon ako sa kanila nang biglang nataranta ang boses ni Archie.
"Uy, Tita! Hindi magandang prank 'to! Ayos ka lang?"
My forehead creased when the lady seemed dizzy.
"Ah, no, I'm okay. Bigla lang akong nahilo. Sige na, hijo, baka may pupuntahan pa kayo."
The lady smiled at me, while I just gave her a nod.
"Naku, Tita. Kailangan mong magpa-check-up baka ano na 'yan! Punta ka sa hospital na pinagtatrabahuan ni Mommy! O 'di kaya kung busy sina Daddy, at naghahanap ka ng pinakamagaling na doctor, p'wedeng-p'wede ang magulang ni Audrey! Sa Makati, Tita. Doon ka magpa-check-up —"
"Archie," pagtawag ko at palihim siyang kinurot sa braso. "You're so noisy," I whispered.
"Ah." Tatawa-tawa siya habang tumatango. "Tita, sige, mauna na kami, ah? Bye, Tita."
Natawa naman ang babae na tinawag ni Archie na Tita Auren.
I nodded at the lady when I grabbed Archie. "You are a blabbermouth! Is it really required to brag, huh? Nakakahiya ka!" Binatukan ko siya.
"Ito naman, nagsa-suggest lang naman ako! Grabe ka, tara na nga!"
After we bought a different kind of beverage ay lumabas na kami para makauwi, pero si Archie ay mukhang hindi talaga kayang manahimik kahit isang minuto lang.
I was about to get inside the car when a friend of his approached him.
"Archie! Ikaw, ah? Sino 'yan, girlfriend mo? Saan mo nabingwit?"
"Tanga ka, Sam! Pinsan ko 'yan!"
Umayos ako ng tindig nang humarap ulit ang lalaki sa 'kin. "Pinsan mo si Archie? Ang layo, ah! Anyway, I'm Sam."
I stared at his hand before I took a glance at Archie.
"Naku, Sam. Ibaba mo na 'yang kamay mo, hindi iyan mahilig makipag-shake hands. Si Audrey 'yan, pinsan ko."
"Oh, right!" Ibinaba niya ang kamay at ipinasok sa bulsa.
"By the way, gala tayo bukas, ah! Bakasyon naman, e."
"Pass, Sam. Baka tumakas 'tong alaga ko." Sabay sulyap ni Archie sa 'kin.
"Excuse me?"
"Oh, bakit? Baka nga paglingat ko nga mawala ka kaagad."
The Sam guy laughed. "Bakit naman, Archie? P'wede naman siyang sumama sa 'tin."
"Huwag na!" saad niya kaagad.
I hit his arm. "Akala mo naman sasama ako. You should go, Archie! I can't last a day with you!" sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Akala niya naman sasama ako kahit pa yayain ako, hindi talaga ako sasama. I would just look like an outcast or something. I prefer to be alone than to be with his friends.
"Hoy, Audrey! Maghugas ka na ng plato!"
"Excuse you!" Napaahon ako sa pagkahiga sa sofa dahil sa sinabi niya.
"Oh, bakit? Iyan na nga lang gagawin mo, magrereklamo ka pa! Hoy, para sabihin ko sa 'yo, kaninang umaga ako ang nag-hugas sa pinagkainan nating dalawa. At ngayon, hindi ka maghuhugas?!"
I frowned.
"Aba't — Persian Audrey! Binigay ko na sa 'yo lahat-lahat ng gusto mo, halos maubos iyong pera ko sa bangko, ginawa mo akong tagabitbit ng mga gamit mo, ginawa ng driver, tapos sinamahan pa kitang uminom —"
"Can you please shut the f*ck up?! Nakakarindi ka na, ah!" I threw the remote at him. "You're so noisy!"
Padabog akong tumayo. "Saan na ba kasi iyong katulong niyo rito?!"
"Umuwi sa pamilya nila, Audrey. Anong akala mo, wala silang pamilya na aatupagin? Dalian mo na!" Tinulak niya ako patungong kusina at doon hinagis sa akin ang apron.
"Oh my! Archie, I don't know how to wash these dishes!" I yelled out of frustration.
My eyes went bigger when I saw how plenty the plates are. "This is so gross!" I stated while looking at the sink.
Hindi pa man ako nakakapagsimulang maghugas ng plato ay may dumalas na sa kamay ko kaya nabasag ang baso. "Oh my..." Sinubukan kong damputin ang nabasag, pero hindi ko makita nang maayos dahil sa gulo ng buhok ko, dagdagan mo pa na nakalimutan kong puno pala ng bula ang kamay ko tapos napahilamos ako sa mukha.
What the f*ck happened to my life just now?!
"Audrey, ano ba 'yan!" Dali-daling lumapit si Archie sa akin para tulungan akong damputin ang nabasag.
"I told you, I don't know how to wash these bullsh!ts!" I cursed and left him there. "Just finish washing those shits, Archie. I'm seriously and f*ckingly tired..." I couldn't able to finish my sentence when I saw hot guys in front of me.
"Uhm..." I stepped backward. "I didn't know that there are handsome thieves nowadays," I paused. "Archie, call 911!" Bigla akong tumakbo pabalik sa loob ng kusina at naghanap ng kutsilyo sa cupboard.
"Darn it. I told you, you shouldn't have removed your guards here, Archie! Just call some cops!" sigaw ko kay Archie na ngayon ay naghuhugas na ng plato at nagtataka akong pinagmamasdan.
"Ano't natataranta ka diyan?" inis niyang singhal.
"Oh my! You're so stupid! How can they got here? Sinarado mo ba 'yong gate, ha?!" Paulit-ulit ko siyang pinaghahampas.
"W-wait, ano ba! Tanga, walang magnanakaw rito!"
"E, sino iyong mga tao diyan sa labas?!" Bumaling ako sa bukana at itinuro iyon gamit ang kutsilyo.
My lips parted when I saw a group of people watching me amused.
"Oh my..."
"Mga kaibigan ko iyan, tanga. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo, nakarating na pala sila."
"Oh my... This is so embarrassing," I uttered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top