Chapter 13

Chapter 13: Apologize

"Darn it!" Paulit-ulit akong nagmumura habang minamadali ang pagsuot ng sapatos at jacket na binili niya.

He left me there out of annoyance. At dahil inis din ako sa kaniya ay nanatili ako nang saglit hanggang sa natanto na may punto siya at ako ang may mali kaya ngayon sinusuot ko na. I really hate it. Lagi siyang tama at ako ang laging mali. Masama ang loob ko habang mukhang tangang naglalakad at nagpalinga-linga para hanapin sila.

I called Archie on the phone until he answered it. "Hello, Archie? Where are you?"

"Takte naman 'tong si Audrey! Nawala tuloy iyong clown, sasabunutan ko pa sana! Alam mo ba? Halos mamatay ako sa gulat kanina, walang hiyang mga multo, mamaya kayo sa 'kin —"

"I don't care, Archie! Where the hell are you?!"

"Mommy!" I heard him scream and the line went off.

I cursed under my breathe and didn't call him again. That idiot.

Wala akong ibang nagawa kun' 'di mag-ikot-ikot nalang, hindi naman siguro ako mawawala at mahahanap din naman ako ni Archie kung hahanapin niya talaga ako.

I felt comfortable now since I wore a jacket and a comfy shoes. I realized it wasn't bad at all, siguro nga... maarte lang talaga ako. Pero, hindi niya ako masisisi dahil nasanay ako sa marangya! I wonder if he's that rich? I mean, he acts normal and seems living a simple life. Naalala ko naman na may BMW siyang sasakyan, so maybe he's rich, pero sadyang simple lang talaga.

I shook my head. "I'm pissed, so I shouldn't think of him," I whispered to myself.

I was just wandering somewhere when a guy approached me.

"Are you lost, miss?" he asked.

I rolled my eyes. "Do I look like? Of course not."

"Wow, ang taray." Inilahad niya ang kamay. "I'm Josh, you are?"

"I don't care." I was about to walk on the other way when he blocked me.

"Ihatid na kita, miss. Ang suplada mo nagpapakilala nga lang, e."

"Don't you understand that I'm not interested?"

"'Sus, pakipot pa. Sige na." Hahawakan niya sana ako nang umatras ako. "Pakipot nga talaga."

"Umalis ka sa harap ko."

"E, kung ayaw ko. Ihatid na kita, sa'n ka ba nakatira?"

"Sa impyerno, sama ka?"

"Woah! Chill, sige na, miss."

"Hindi ka talaga makaintindi?" I flicked my tongue. "Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong magkagulo tayo rito."

He laughed. "Hindi naman tayo magkakagulo rito kung sasama ka sa 'kin."

I smirked. "Mapilit ka?" mariing tanong ko, masama ang tingin sa kaniya. I looked around and I don't see much people dahil nasa gitna naman kami ng daan.

He grinned. "Yay, sasama ka na. Sabi na nga ba't bibigay ka rin —"

Pero hindi pa man siya nakakatapos ay lumipad na ang kamao ko sa mukha niya, pinukpok ko rin siya sa ulo ng heels na dala-dala kaya napatago siya sa mga braso.

"Served you right, asshole," I said and walked on the other direction.

Napahinto ako nang hindi sa kalayuan ay nakita ko ang lalaking kinaiinisan ko. Si Zian. Kakatalikod niya lang sa direksyon ko nang may kumuha ng atensyon niya.

My forehead creased. Hindi ako lumapit sa kaniya at takang tinatanaw lang siya habang may kausap na grupo ng babae. Hindi ko alam kung ilang minuto ko silang pinagmamasdan pero nang narinig ko ang boses niyang tumaas na at may halong pagkairita ay lumapit na ako.

"Sorry, girls, but I don't really want to take a picture. I hope you respect me."

"Pero, pogi. Isa lang naman, remembrance lang."

I shook my head. Ganito ba ang mga tao rito? Mapilit at mga ignorante?

I glared at them as they glanced at me. Napabaling din si Zian sa 'kin. "Mapilit kayo? Aalis ba kayo o papatalsikin ko kayong apat?"

"Sabi ko sa 'yo, alis na tayo, e. Tara na!" And just like that, umalis na sila nang matiwasay.

Nagtama ang paningin namin ni Zian, at sabay naming sinamaan ng tingin ang isa't-isa.

"Oh, ba't ka nandito? Hindi ko naman kailangan ng tulong mo, e."

"Why? Sinabi ko bang kailangan mo?" I answered.

"Tss, pagkatapos mong sapakin iyong lalaki, lalapit ka sa 'kin baka mamaya sapakin mo 'ko... Oh, e, ba't suot mo 'yan?" He referred to what I am wearing. "'Di ba ayaw mo? Ba't 'di mo tinapon?"

Nagtiim-bagang ako. "Pake mo?"

"Tss, kaartehan lang pala."

"Ayaw mo pa na sinuot ko? Ba't ka galit na galit?"

"Dahil ayaw ko sa mga maarteng gaya mo."

"So, kasalanan ko pang maarte ang tingin mo sa 'kin?"

"Hindi lang maarte ang tingin ko sa 'yo, dahil maarte ka naman talaga nasa katawan mo na ang kaartehan."

I gritted my teeth. "Ganoon ba ako kaarte at parang gigil na gigil ka? Ano ba ang kinagagalit mo?!"

His jaw clenched when he glared at me. "Manhid ka ba o sadyang tanga lang?"

My lips formed 'O'. What did he just say? "What? Tanga? Mas tanga ka!" sigaw ko sa kaniya.

His face darkened. "Gusto mo malaman ba't galit ako, ha?"

"Oo," I shortly answered.

"Buhay nga naman, oh." Napahilamos siya sa sariling mukha at binalingan ako. "Alam mo simula nang nakilala kita, ang dami-dami mong atraso sa 'kin. And you know what's worse? Ni isang beses hindi ka nag-sorry o kahit nag-thank you man lang."

I crossed my arms. "So, iyan lang ang ikinagagalit mo?"

He sarcastically laughed. "Iyan lang? Seryoso ka? Palibhasa kasi mapagmataas ka kaya wala sa bokabularyo ng katulad mo ang manghingi ng tawad at magpasalamat. Ganiyan ba kapag matapobre? Buti nga't hindi ko pa nasasaksihan ang pananapak mo ng tao. You're an arrogant spoiled brat."

My lips parted when a reality slapped me. He's offending me,  but... Was I too harsh? Hindi ko ba alam ang mga pinaggagagawa ko at nakakasakit na ako? But... I don't really know how to say sorry. No, I know, but I just don't.

I swallowed hard as I felt the lump on my throat. "What... do you want me to do, then?" I almost whispered.

"Do you wanna know? Hindi ko alam kung bakit ako pa ang manghihingi ng patawad mo para sa c 'kin. Okay, just apologize to me, brat. Don't be too full of yourself, I hate it so much."

Para bang imbis na manghingi na ako ng tawad ay mas lalo pa akong na-offend sa sinabi niya.

"E, paano kung ayaw ko?" I tried to stop myself, but I just can't.

"Hindi kita pipilitin. Kung ayaw mo, huwag na huwag mo na ulit akong kakausapin... kahit kailan."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay saktong tinawag kami ng mga kaibigan nang nakita kami.

"Uwi na tayo? Gabing-gabi na, magsi-swimming pa tayo bukas."

"Oh, okay lang kayong dalawa? Ano nangyari sa mga mukha niyo at mukhang may bangayan akong naaamoy?" si Archie.

We didn't answer and just followed the group behind while we're walking on our way in the hotel.

"Nag-away ba kayo ni Kuya?" Ariane asked. Nakarating na kami at nasa balcony ako ng suite namin, nagpapahangin.

I glanced at her. "Yeah," maayos na sagot ko.

She nodded. "P'wede magtanong kung bakit?"

I sighed. It's her brother, after all. "It was my fault," pag-amin ko. She didn't talk and just nodded, waiting for me to continue.

Tumingin ako sa malayo habang inaalala ang mga kasalanan ko sa kaniya simula noong una pa. "Ever since we met, he helped me. When I was in trouble, he was there... But even once I didn't thank him. At kung may nagawa akong kasalanan, he just let it slide... palagi nang hindi nakakatanggap ng sorry galing sa 'kin. But now, mukhang napuno yata. Nagalit siya sa 'kin ulit. His words always awaken me into reality. I wanted to apologize, but there's a part of me that can't."

"It's your ego and pride," she said.

"You think?"

She smiled. "My Kuya is a one of a kind. Most girls dream a guy like him, kahit ako. I mean, mabait si Kuya, gwapo, matalino, magalang... Basta lahat na sa kaniya na. Ayaw ni Kuya iyong mga taong may hindi magandang ugali, you know. He's kinda strict too. Sa totoo lang, ikaw pa lang iyong unang babae na nakikita kong kasama ni Kuya, hinahayaan niya gano'n. Hindi kasi talaga siya usually nakikipag-usap sa mga babae maliban sa 'kin o kay Mama. Kahit sa mga kaibigan namin, hindi siya ganoong kalapit. Kaya nga lagi ko iyong inaasar sa 'yo, e. Ikaw lang iyong babaeng nakikita kong kasama niya, kahit naman p'wede siyang tumanggi gaya ng ginagawa niya lagi kapag may babaeng nagyayaya sa kaniya. Nalaman ko nga na maliban sa 'kin ikaw pa lang ang nakakasakay sa pinakamamahal niyang sasakyan. Masyadong maarte si Kuya kapag sa mga ganiyang bagay. Ang suwerte nga ng magiging girlfriend ni Kuya. Kaso mukhang mainit talaga ang ulo sa 'yo kaya good luck nalang. " She smiled again at me. "Mahaba ba ang sinabi ko? Nga pala, my Kuya has a soft heart. Isang sorry lang, kakalimutan niya ang atraso mo sa kaniya. Good night, Audrey." She turned her back at me to go back inside.

I sighed. She has a point.

That night, I couldn't sleep peacefully. Binabagabag ako ng konsensya kaya naman kahit puyat ay maaga akong nagising. All the girls are still asleep, ako pa lang ang gising kaya naman nag-ayos na ako bago lumabas.

I can clearly see as the warmth sun rises, its ray reflects into the calm sea. I shivered when the cold breeze hit my skin. Maaga pa kaya naman wala pa ring masyadong tao sa dalampasigan, but there's this someone who's sitting on a log under the coconut tree. Nakatalikod at nakatanaw sa dagat.

As I tilted my head I recognized it was Zian. What is he doing here this early? I shamelessly sat beside him as he glanced at me. There's no emotion on his face when he saw me, hindi niya ako pinansin.

Calm down. "You're up this early, bakit?"

He didn't respond.

"You know what? I couldn't sleep last night, binabagabag ako ng konsensya."

"Buti nga sa 'yo."

"Ikaw? Mahimbing ba tulog mo?"

Hindi niya na naman ako sinagot.

"Hey, Zian. Galit ka pa rin ba sa 'kin? Uhm... P'wede bang patawarin mo nalang ako?"

There, he glanced at me. "Patawarin? Ang kapal mo naman kung papatawarin kita, e, hindi ka pa nga nanghihingi ng —"

"I apologize."

"Apologize? Iyon lang?"

"E, ang arte mo naman. Ano ba gusto mong marinig sa 'kin? Gusto mo bang magsulat pa ako ng apology letter para patawarin mo?" litanya ko.

"Iyong 'sorry' ang gusto kong marinig, hindi 'apologize'."

"Pero same lang 'yon!"

"Magkaiba ang sorry sa apologize, okay? Ang apologize ay verb, ang sorry ay adjective. Kung mag-aapologize ka sabihin mong sorry."

"Okay. But in one condition," kondisyon ko.

"Wow, ikaw may kasalanan, ikaw pa may kondisyon? Alam mo, bumalik ka nalang sa loob at matulog."

"Hmm, Zian. Ba't mo 'ko kinakausap ngayon? Sabi mo huwag na kitang kausapin kahit kailan..."

"E, matigas ulo mo, e!"

I softly chuckled that made him glanced at me. "One kiss, I apologize."

He swallowed hard before rolling his eyes. "Huwag ka nalang manghingi ng tawad at kalimutan mong magkakilala tayo."

"Ang drama mo naman, sorry na nga, e."

His lips parted and looked at me in shock. "Nagsorry ka?"

"Yes."

"Hindi ko narinig, ulitin mo nga."

I pouted. "Kiss muna."

Sinubukan niyang magseryoso, pero hindi nakatakas sa aking paningin ang kagustuhan niyang ngumiti.

I smiled. Oh my, Zian. What did you do to me?

"Seriously, brat. Magso-sorry ka na nga lang, iyong hindi ko pa narinig nang maayos?" he said, amusement evident on his lips.

I sighed. I went closer to him, he didn't flinch.

I looked at him in the eyes, magkalapit ang mukha namin, at isang galaw ko nalang ay maaari nang magkadikit ang aming labi.

"Zian..." I called. He's just waiting for me to continue, not minding our gap. "I am really... sorry... for everything I did," I paused. "And thank you for everything you did..."

I slowly tilted my head to reach his lips, but he didn't let me when he flicked his finger against my forehead.

Iritado ko siyang hinampas. "What the hell?!"

He sighed. "Apology accepted, pero hindi naman ibig sabihing p'wede mo akong halikan, swerte mo naman."

"I hate you!"

"I hate you too," he calmy said, brows raised.

"Whatever... Oh, what's that?" I pointed at an old man carrying a stainless container on both side.

"Magtataho iyan. Gusto mo ba? Come here, let's buy, huwag kang maarte, ha? Sinasabi ko sa 'yo."

Naguguluhan man ay sumama ako sa kaniya patungo sa matanda.

"Dalawa nga pong taho, 'tay."

"Oh, wait! I knew it!" I exclaimed as I received it.

"Oh, ano?"

"Isn't this a caviar mcflurry?"

He eyed me a bit before laughing. "Ang arte, daming alam. Pasensya na 'tay, ito pala bayad, keep the change po." He gave the old man a one-hundred peso bill before grabbing me by the arm.

"Taho lang ito, taho. Nagpapahalata ka talagang mayaman, ano? Sige na, ubusin mo na 'yan, masarap ba?" he asked.

"Yeah, it's sweet."

"Kasi hindi maalat iyan."

"You're so bobo!" I said.

"Mas bobo ka," he answered.

I glared at him while he gave me a warm smile. "Sa 'ting dalawa ikaw ang bobo."

Nag-init ang pisngi ko at hinampas siya sa braso. "Tanga ka naman!"

"Ikaw doble, tanga na nga bobo pa."

I rolled my eyes. "Stop it!"

"Oo na, tara na nga gisingin na natin sila para maligo na tayo."

I nodded and followed him. 

"I noticed you like apples," Zian said as I chose an apple for as my fruit.

I was laying on a sun lounger when I glanced at him beside me. Naliligo na sila habang ako ay nagbabad sa init, nasa gilid ko si Zian pagkatapos niyang umahon galing sa dagat.

"Yeah, I like apples, but I prefer peeling their skin off first before I eat."

"What?"

"Yeah, weird at its finest. I just don't like it." Bumangon ako para makausap siya nang maayos. "Do they have a peeler inside?"

"Wala."

I rolled my eyes. "Hindi mo pa nga nakikita." Bumaling naman ako sa kabilang direksyon nang nakita si Archie na papalapit. "Archie! May peeler ba for fruit?"

He shook his head. "Wala, e. Wait, magpapakuha ako."

I nodded. "Okay."

"Tss, alagang-alaga ka ni Archie, tapos ikaw hindi man lang magpasalamat," I heard him mumble.

I raised a brow. "Do you want me to say thanks?"

"Ba't ako tinatanong mo?"

"I just wanna hear your opinion."

"Paano kapag sinabi kong oo?"

"Edi, susundin kita, but I want a kiss first."

He frowned. "Wala ka talagang kuwenta kausap, bahala ka."

"Oh, walang peeler, kutsilyo lang." Iniabot niya iyon kay Zian atsaka tumakbo papunta ulit sa dagat.

"Oh, bakit ako ang binigyan nito?"

I smiled at him. "Can you peel it off for me?" Ibinigay ko sa kaniya ang mansanas. "Please..." I added.

He shrugged. "Okay," walang alinlangang aniya at tinanggap.

"Oh, wait. It should be a paring knife, if we don't have a peeler."

Walang gana siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Tumahimik ka na lang diyan kung ayaw mong ikaw balatan ko riyan."

I covered my mouth as I chuckled. Amusement filled my eyes and lips as this day, I love pissing this hot jerk off.

"Oh, ayan na." He put the plate with a sliced apple on my table, he then arched a brow.

"Thank you," I said, pouting.

He rolled his eyes. "Hindi mo 'ko madadala sa ganiyan mo, buti naman at nag-thank you ka?"

"Yes!" I proudly said and looked up, thinking. "I already have five," pagbibilang ko pa.

"Five what?"

"Two sorry, two thank you, one please. I already have five kisses from you."

Nasamid siya sa sariling laway at kunot noo akong binalingan. "What's that for? Can you stop counting?"

"Bakit?" I pouted and put my hand under my chin. "I don't say those words for free."

"So, kapag nanghihinga ka ng tawad o salamat sa ibang tao may kapalit na halik? Hibang ka ba?"

"What? Hindi, 'no! This rule's just between us, I never did this before,  'no!"

"So, ano? Espesyal na ako niyan?"

I put my lips into thin line and nodded... slowly. "Yes, you are."

"Tss, it doesn't make sense. Hindi naman special iyon dahil hindi naman ako ang first kiss mo."

"So, that's your definition of special? Every first thing?" natatawang tanong ko.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Oo, e, ano naman ngayon?"

"Well, I did kiss a lot of guys before, so if we kiss right now... hindi ako ang first kiss mo..."

He nodded.

"Pero, ako naman ang magiging first kiss mo," I added, smirking.

Nawala ang ngisi niya bago ako pinitik sa ilong. "Dami mong alam. May first kiss pala ako, naalala ko na."

"Sure ka? Or are you bluffing para hindi ka mapahiya?"

"You're crazy. Ba't naman ako mahihiya, I would rather be proud."

"So, sino ang first kiss mo?"

He sighed. "Well, I am not sure if it's a kiss... no, it's just a peck..."

"You're not sure, because?"

"Kasi, I was too stupid before."

"Before? E, ngayon? Stupid ka pa rin naman, ah?"

He looked at me dead in the eyes. "Seryoso ako, ha."

"Okay, fine. And why was that?"

"Tss, the stupid me had the intention to kiss an innocent girl, I mean... hindi ako nagpaalam, but I was a bit relieved then..." he paused and shook his head. "Buti nga't hindi ko siya nahalikan sa labi bukod sa umilag din siya, I realized then that a kiss should be treasured for your wife."

Napasinghap ako. "W-wife?"

"Yeah, I'll just kiss someone's lips and that is..." He smiled. "My wife."

"Pero bakit? You mean, kapag hindi pa kayo kasal o nasa relationship pa kayo, you won't kiss her?"

"Yes, I won't."

Is he kidding me now?

"E, paano 'ko?"

"Ano'ng ikaw? Ewan ko sa 'yo, basta 'di ako hahalik ng babae kung hindi ko asawa."

"So, after we get married, 'tsaka mo pa lang ako hahalikan?"

Natatawa niya akong tinitigan. "Sure ka ba na ikaw magiging asawa ko?"

I shrugged.

Hindi natin alam ang panahon, Zian. Malay mo, oo, pero malay mo hindi... But, let's hope for the former.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top