Chapter 1
Chapter 1
“Mari!” tawag ni Ericka sa akin mula sa quadrangle.
I tilt my head at kumunot ang noo ko dahil hindi lang si Ericka ang naroon, pati si Rouge na kinaiinisan ko.
Nag smirk lang si Rouge sa akin bago inilapit ang bibig sa may tenga ni Erick at bumulong.
“Alis nako.” narinig kong sabi niya kay Ericka na tinanguan lang din ni Ericka.
“Ano ‘yun?” tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa akin.
“Relax Mari, we're just friends wag masyadong oa.” sagot naman nito.
Sinamangutan ko siya at nauna nang maglakad.
“Marion Elise McLaren.” tawag nito sa buong pangalan ko, agad akong lumingon sa kanya at nag dirty finger.
“Gaga ka talaga!” naiinis na sabi ko at nauna nang pumasok sa room.
Yep, you heard it right, I am Marion Elise McLaren, 16 years old, certified man-hater exclusively only for Rouge dahil siya din ang lagi kong kalaban sa pagiging top sa school and sobrang naiinis ako sa mga taong playboy. I am also the student council vice-president of Saint Paul University.
As i was walking by the library i saw a couple na nagma make out doon, sa sobrang inis ko pinasok ko sila sa library at itinulak ang shelf ng libro kung saan sila naka
upo.
Buti nga at mga libro lang yung nahulog at hindi yung buong shelf talaga at baka mapatay ko pa sila ng wala sa oras.
Anyways, let's go back to what i was doing.
After that nagtungo na ako sa Faculty naming mga taga council saka na nagplano para sa upcoming event sa school which is our school fest.
Pagpasok ko sa loob agad akong umupo sa upuan ko sa harap.
“Mr. Gallera any suggestions for our upcoming school fest?” I asked.
“Ah yes Miss VP.” he said.
He opened the projector at ipinakita ang gusto niyang mangyari sa school fest.
“I am actually planning to have more space for food stalls and booths para naman masaya, i will also print out some copies for our future plans for the upcoming school year miss para sa mga gustong mag enroll didto.” he said.
Well he's actually right, i also want to add different food stall para ma enjoy ng mga bibisita ang mga food na nandito and also maganda din naman ang mga booths na prini-present niya except for the Marriage Booth of course.
“Remove the Marriage Boot—”
“I am sorry Miss VP pero na approve na po ni Mr. President yung booth kaya hindi ko na po siya pwedeng i remove.” sabi nito.
Aba? Hihingin pa nila ang opinyon ko kung ganyang lang din naman? Mga baliw ata to.
“What's the purpose of you guys wanting to know my opinion about this kung na approve na pala ng mokong na‘to?” i said.
Inakbayan ako ng kung sino at hinawakan ang pisngi ko.
“C'mon Mari, hindi ka naman ikakasal sa booth kaya anong ikinagagalit mo d‘yan?” Ani ng boses ng taong kinaiinisan ko.
Kinagat ko ang kamay nito na nakahawak sa pisngi ko at siniko siya sa dibdib.
“Hindi ako natutuwa sa mga plano niyo ha, at sino naman tanga ang magpapakasal sa walang kwentang booth nayan?” Naiinis na sabi ko.
“Gusto mong subukan?” Anito na may mapaglarong ngiti sa labi.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tinalikuran na, ginawa ko nalang yung report na hindi ko natapos kahapon at hinayaan na ang ibang officers kung akong plano nila sa papalit na school fest.
“You know what Mari, I actually have some tickets here for Vanz Band live concert, why don't we—”
“—No thanks, I am fully booked this month and i have no plans on going to concerts and clubs or other parties just to have some fun.” tiningnan ko si Rouge sa gilid ko na nakatingin din sa akin. “At saka marami pa akong dapat tapusin sa mga past records ng mga students dito. Wala akong oras sa mga ganyan, kung sana tinulungan mo nalang akong tapusin 'to, baka maging mabait pako sa‘yo ng isang araw.” ani ko.
Naramdaman kong umupo sa katabing upuan ko si Rouge at patuloy parin sa pag titig sa akin.
“Matangos pala ilong mo ano?” he said out of nowhere.
Ipinikit ko ang mata ko at inayos ang salamin na suot.
“Pwede ba lumayo-layo ka sa akin? ayokong mahawaan ng pagiging ipokrito mo, kaya umalis ka sa tabi ko o ako ang aalis dito?” sabi ko sa kanya, nakakailang kasi ang titig nito sa akin kaya naman iyon agad ang nasabi ko.
“Fine, fine, aalis na.” nakabusangot na sabi nito at umalis na sa upuan na malapit sa akin pero lumipat naman sa upuan na nasa harapan ko.
Pasimple kong nasampal ang noo ko at bumuntong hininga bago ko inayos ang gamit ko para umalis na.
“Hey, hey i was just joking c'mon!” natatawang sabi nito.
At natutuwa ka pang tukmol ka? baliw na ‘to.
“Aalis na ako, babalik na lang ako mamaya after class. And by the way Hiro send me via gmail yung details and plans niyo for school fest. Don't worry i won't change anything okay?” i said saka na umalis at kinuha ang gamit sa lamesa.
Nakita ko pa ang gulat na reaksyon ni Hiro Gallera nung tinawag ko siya sa first name niya. Hindi ko kasi sila tinatawag sa first name nila since hindi naman kami close at isa pa mabait naman din sila di tulad ni Rouge na feelingero kala mo naman sobrang gwapo.
Umalis na ako don dala ang gamit ko saka ako pumunta sa class ko today.
PE nga pala namin at nakalimotan kong kunin sa locker ko yung PE shirt at pants ko kaya iniwan ko muna sa classroom ang gamit ko para tumungo sa locker room at saka na din nagbihis.
Itinali ko ang buhok ko at iniwan ang bangs ko bago tumingin sa salamin. Nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ba ang contact lens na binili ni dad sa akin or itong salamin nalang na suot ko ngayon.
Matapos ang pagbr-brain storming ay napag desisyonan ko na mag contact lens nalang dahil ayokong mangyari ulit yung nangyari nung isang araw.
Nasira kasi yung unang glasses ko dahil naglaro kami ng dodgeball that time tapos accidentally napalakas ng pagpasa si Charm sa bola kaya naman tumama ng sakto sa pagmumukha ko, buti nalang na nosebleed at broken glasses lang yun at wala ng iba pa kasi kung malala yun talagang pagagalitan ako ni dad, I swear ayoko talaga na nagagalit si dad sa akin.
I tied my hair up before facing my reflection in the mirror, i look different without my glasses. I put a little bit of tint in my lips to lighten the color of my lips bago na mag tungo sa gymnasium dahil naroon na silang lahat.
Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa gymnasium ay agad akong nakarinig ng singhap og bulong-bulungan.
“Owemji? Is that Marion Elise McLaren?” i heard someone said.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa pwesto ko sa harap.
Napapito pa si Rouge nang makita ako.
Yep, we are actually classmates at titiisin ko siya buong school year.
“Yo bro! Look si Marion oh, diba type mo yan?” Sabi ng isa sa mga seniors na nakasama namin sa gymnasium.
“Mariiiii! Oh my gosh! so prettyyyy!” narinig kong sigaw ni Ericka.
“C’mon guys! Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng nagtanggal ng eye glasses?” i asked. Naiinis na kasi ako sa reaction nila.
Well hindi ko naman sila masisisi, pero sobrang oa lang ha? grabeng oa.
Natigil nalang sila sa pagchichismisan ng dumating na ang instructor namin sa PE at nag simula na kami sa activity namin ngayon.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top