Prologue




Click!

"Tingin sa kanan!"

Click!

"Hands on your face!"

Click!

"Fierce look!"

Click!

"'Yaaan! Perfect!"

Nagpalakpakan lahat ng mga staff matapos ang pictorial namin sa modelong si Cindy Polares. Finally, natapos din! Mula kaninang umaga hanggang ngayong gabi ay tuloy-tuloy ang pictorial namin kaya naman pagod na ang lahat.

Masayang lumapit sa akin si Cindy habang chini-check ko ang mga shots namin.

"Grabe, ang galing mo talagang photographer, Lottie!" papuri sa akin ng modelo.

She is wearing a bikini suit which will be a theme for the company's calendar. Pinatungan naman iyon ng white wardrobe.

"Sadyang magaling ka lang modelo, Cinds," nakangiting sagot ko habang nag-i-scroll sa mga pictures.

"Sus! Balewala lang din ang talent ko sa modelling kung hindi magaling ang photographer, 'no?" Nilapitan siya ng assistant niya para abutin ang tubig saka uminom. "Anyway, Lottie, don't forget tomorrow, ah! 'Wag kang mawawala! Sasapakin kita 'pag absent ka sa birthday ko!"

Dinuro niya ako ng aquaflask niya. Inirapan ko lang siya.

"Oo na nga! Pupunta na nga!"

"Ay dapat lang! Ayaw mo naman siguro mag-F.O. tayo 'pag kinalimutan mo ang special day ko!"

"Ay hindi pa ba tayo F.O?" biro ko. Binato niya ako ng tissue na nakalagay sa isang table.

"Ang sama mo!" pabiro niyang sigaw.

Tinawanan ko na lang siya at saka nagligpit ng mga gamit.

Cindy and I are friends since Senior High School kaya normal na lang sa amin ang magpikunan at magbardagulan kahit sa loob ng work. Madalas kasi siya ang client namin kaya lagi ko siya nakikita.

Tiningnan ko ang oras matapos magligpit. Alas onse na pala ng gabi.

"Hanah!" tawag ko sa assistant ko. Agad naman siyang tumakbo papunta sa akin bitbit ang kanyang bag at iba pang mga gamit.

"Yes, ma'am?"

"Anong schedule ko bukas?"

Kinuha niya ang kanyang notepad at tiningnan ang mga schedule.

"Bukas po may pictorial kayo ng 8 to 12 am with Cleo then 1 to 4 pm is with     Henry Ferrer."

Kinuha ko ang aking bag at saka lumabas ng studio. Sumunod naman si Hanah sa akin.

"Cancel mo ang 1 to 4 pm. May pupuntahan ako."

"Sige po."

Pagdating ko ng condo ay agad kong hinagis ang sarili sa kama. I feel so tired. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata bago tumihaya at tiningnan ang wall clock.

It's already past 12 am.

Inaantok man ay pinilit kong tumayo at mag-shower. Tomorrow's another day.

****


"Alright! Let's pack up, everyone!"

I clapped my hands three times after the photoshoot with Cleo, ang model ng mga branded na damit designed by my friend, Kleya.

Tuwang-tuwa naman ang mga staff dahil half day lang kami ngayon. Mamayang 3pm ang birthday celebration ni Cindy kaya hindi ako pwede mawala. Isa pa, kailangan kong sunduin si Lucas ngayong 1pm sa airport galing sa Canada.

I was about to leave when suddenly Hanah rushed into me.

"Ma'am Lottie! May problema po tayo!" nag-aalangang sambit niya. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Why?"

"Eh, kasi po..." Napakamot siya ng ulo na tila nag-aalangan. "Nagkaroon ng issue si Henry sa company nila kaya papalitan na po siya bilang model ng mga new underwear."

"Oh? Tapos?"

"Itong new model natin ay nag-i-insist na ngayon na gawin ang photoshoot kasi busy daw siya the following days."

"Ano? Hindi pwede. May other business ako ngayon," sabi ko at saglit na tiningnan ang oras. Kailangan ko na magmadali dahil paparating na sa Pilipinas si Lucas. "Pakisabi sa kanya na sa tuesday na lang kami mag-sho-shoot. Hindi talaga pwede ngayon."

"Sinabi ko na po sa kanya kanina pero ayaw niya. Kung hindi niyo raw po siya aasikasuhin ngayon ay maghahanap na lang sila ng ibang photographer."

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay ang ipagpapalit ako ng mga clients sa ibang photographer.

"Teka nga. Sino ba 'yang model na iyan at napaka-demanding?" inis na tanong ko.

"Si Ge—"

"Good afternoon, everyone!"

Halos magkagulo ang mga tao sa studio nang pumasok ang isang lalaki.  Gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang mapagsino ang pumasok.

He's wearing a khaki pants partnered with a brown sweater. Natatakpan ng sunglasses ang kanyang mga mata pero hindi nakaligtas sa akin mapang-akit niyang mga ngiti na nagpapabihag sa puso ng mga babae. Nakaayos din ang kanyang kulay pula na buhok at talaga namang napakalakas ng kanyang dating.

Hindi ko mapigilang matulala sa kanya. Grabe, hanggang ngayon ay napakalakas pa rin ng kanyang charisma.

Tinanggal niya ang kanyang salamin at saka lumapit sa akin bitbit ang isang ngiti sa labi. Mula dito ay amoy na amoy ko ang kanyang mabangong perfume.

"Hello, Charlotte. Long time no see."

My heart skip a beat upon hearing his manly voice that captured my heart two years ago.

"Gelourd..."

Suddenly, the pain of the past flashed through my mind.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top