Chapter 1: Birthday Celebration

Chapter 1:

"HAPPY BIRTHDAY, LOTTIE!!!"

Ganyan agad ang bumungad sa akin pagkababa ko galing sa kwarto. Si Mama ay may bitbit na pabilog na chocolate cake na may nakalagay na '17' candle. Si Tita Andy naman ay nakasuot ng party hat na may mukha ko kaya natawa ako sa kanilang dalawa.

"Ang aga naman ng surprise!" nakangiting sabi ko at lumapit sa kanila.

"Syempre! Ayaw mo ng party celebration kaya ito na lang ginawa namin ni Tita Andy mo," sagot naman ni Mama.

"Oh, hipan mo na bago matunaw ang kandila," sabi ni tita.

"Teka! Make a wish muna!" pigil ni Mama.



Wala ako nagawa kundi ang ipikit ang mga mata kong may muta pa. I wished for a good health and wealth. Hinipan ko ang kandila pagkatapos. Agad naman silang nag-ingay at nagpalakpakan.

"Congratulations, anak! Isang taon na lang legal age ka na!" masayang sambit ni Mama saka ako nilagyan ng icing sa mukha na ikinagulat ko.

"Ma!"

Tinawanan niya lang ako sabay lumayo sa akin. Takot ata magantihan, ah?

"O, siya. Maligo ka na. Aalis tayo," nakangiting sambit ni Tita Andy na tila excited.

"Saan po tayo pupunta? Akala ko ba dito lang tayo?" takang tanong ko.

"Pupunta tayo sa bahay ng best friend kong lalaki," si Mama ang sumagot habang nilalamon ang mga icing ng cake. "'Yung anak niya kasi ay nag-birthday no'ng Huwebes. Eh, saktong Sabado ang birthday mo kaya naisipan naming ipagsabay na lang ang birthday celebration ninyo dalawa."

"Teka, kailan ka pa nagkaroon ng boy bestfriend?" takang tanong ko sa kanya. Wala kasi siyang nakukuwento tungkol dito.

"Ano ka ba, noong bata ako may boy bestfriend ako. Kaya lang, hindi na kami nagkita simula noong magkaroon kami ng kanya-kanyang asawa. Ngayon na lang ulit kaya sige na, magbihis ka na!" Sinenyasan niya akong umalis.

Gusto ko pa sana magtanong ulit pero tinulak na ako ni tita papasok sa banyo. Mas mukha pa siyang may birthday sa sobrang excited niya.

Halos inabot ako ng isang oras sa banyo kaya nagreklamo si Mama. Si tita naman namimili ng mga damit na susuotin ko pagpasok namin sa kwarto.

"I think mas bagay sa 'yo tong pink." Sinukat sa akin ni tita ang isang dress na di ko alam saan nila nabili.

"'Wag iyan, masyadong girlie!" kontra ni Mama at saka dinampot ang isang dress sa kama. "Itong blue kaya?"

"Sige, try mo."

Sinukat nila sa akin ang damit.

"Okay naman pero parang may mali."

"Try mo 'yong orange!"

Pinanood ko lang silang ma-stress kakapili ng damit na susuotin ko. Actually, hindi ko makuha ang point kung bakit sila naghahanap ng magandang damit when in fact, kaya ko naman pumili para sa sarili ko.

Halos inabot na sila ng kalahating oras kakapili ng susuotin ko kaya naman ay tinuro ko na 'yong halter dress na kulay dilaw. Bukod sa gusto ko 'yong style niya ay favorite ko ang yellow.

"'Yong dress na 'yon po ang susuotin ko."

Tiningnan nila ang damit at saka sabay na umangal.

"'Wag na iyan, anak. Blonde na nga ang buhok mo, mag-ye-yellow dress ka pa," angal ni Mama.

"It's about styling, Mama." Kinuha ko ang damit at sinukat sa harap ng salamin bago muling humarap sa kanila at ngumisi. "See? Bagay sa akin."

Wala na silang nagawa nang suotin ko ang damit. Bagay naman kasi sa akin ang yellow. It's bright and full of positivity kaya dapat i-manifest!

Pinaupo ako ni tita pagkatapos at siya na mismo naglagay ng makeup sa akin.

"Kailangan super pretty ka ngayon!" masayang sambit ni tita habang naglalagay ng blush sa mukha ko.

"For what po?"

"Kasi it's your birthday!"

"Maganda naman ako kahit walang makeup."

"Ang yabang, ah!" angal ni Mama.

Nagtawanan kami ni Tita Andy. Pikunin talaga ang nanay ko.

"Ayan, tapos na! Tsadaaa!" Hinarap ako ni tita sa salamin.

Hindi ko mapigilang mamangha sa galing ni Tita mag-makeup. Kaya ang dami niyang clients bilang makeup artists e.

Tiningnan ko ang sarili mula ulo hanggang paa. Mas lalong nag-highlight ang ganda ko dahil sa blending ng short blonde hair ko. Isama mo pa ang mga gold earrings ko. Kitang-kita rin ang curve ng katawan ko at mas lalo ako tumangkad dahil sa 2 inches heels ko.

Napangiti na lang ako.

Ang ganda ko talaga yieee!

"Nag-text na si Leo. Hinahanap na tayo. Tara na!" Sinenyasan kami ni Mama na umalis.

Napatingin ako sa oras. 11 am pa lang naman.

Gaano ba kalayo ang bahay ng bestfriend kuno niya at nagmamadali itong nanay ko?



***




Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ang bahay sa harapan namin. Sakto lang ang laki nito pero ang ganda ng disenyo. Halatang galante ang mga nakatira. Ang daming wall glass sa paligid at pinaghalong brown and white ang theme ng bahay.

"Delia!"

Sinalubong kami ng lalaking nasa mid 40's. Matikas ang pangangatawan niya. Batak ang braso na halang suki sa gym at talaga namang kapansin-pansin ang tangos ng kanyang ilong. Agaw-pansin din ang kanyang mga dimple na siyang dumagdag sa kagwapuhan niya. Siya na ata ang bestfriend ni Mama.

Baka madami sigurong napaiyak 'to noong kabataan niya. Ang gwapo, eh!

"Leo!" Nagyakapan silang dalawa na akala mo ngayon lang ulit nagkita. O baka dahil ngayon lang talaga sila ulit nagkita?

"Saktong-sakto ang dating ninyo! Kakatapos lang namin maghanda ng mga pagkain," nakangiting sambit no'ng Leo.

"Mabuti naman kung gano'n. Ay teka."  Hinila ako ni mama sa harapan niya at proud na ipinakilala sa kaibigan niya. "Ito na nga pala ang anak ko, si Charlotte."

"Hello po," magalang na bati ko sa kanya.

Tiningnan naman niya ako na may paghanga sa mukha.

"Hello, Charlotte. Ako si Leo, bestfriend ng Mama mo," nakangiting sambit niya na tila excited at tuwang-tuwa na makita ako. "Grabe, napakaganda mong bata! Maganda ka na sa mga picture na ipinakita sa akin ng Mama mo pero mas maganda ka pala sa personal!"

Hindi ko alam pero bigla akong nahiya sa sinabi niya.

"Ah, hehe. Thank you po."

"Manang-mana sa akin, 'di ba?" segunda pa ni Mama.

"Hoy, sa tita siya nagmana, 'no?" singit ni tita na nasa gilid lang.

"Andy!" Niyakap ni Tito Leo si Tita. "Long time no see!"

Madami pa silang chika tatlo bago kami papasukin sa loob. Grabe, sobrang closed pala talaga nilang tatlo at napakadami nilang mga kwento.

Simple lang ang disenyo ng bahay pagpasok namin sa loob. May mga sofa at T.V sa living area na malapit sa pinto, harap naman nito ang hagdaan papuntang second floor. Sa unahan ang dining area at kitchen area. May mga paintings din na nakadikit sa pader at mga pictures na nakalagay sa  mga cabinet malapit sa T.V.

Agad naman kaming binati ng isang babae na halos kasing-edad lang nila. Siya pala ang asawa ni Tito Leo, Lourdes ang pangalan.

Katulad ng reaction ni Tito Leo ay gano'n din si Tita Lourdes nang makita ako. Binati rin nila ako ng Happy birthday bago kami umupo sa dining table na puno ng mga pagkain.

Kami-kami lang pala ang magce-celebrate. Thankful ako doon kasi ayoko ng party.

"Teka, nasaan na ba si Gelourd?" biglang sambit ni Tito Leo.

'Yon siguro ang name ng anak niya na kasabayan ko magce-celebrate ngayon.

"Ay teka, tatawagin ko—"

"Coming!"


Lahat kami ay napatingin sa hagdan nang bumaba ang isang binatang lalaki. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang mukha niya.

Shet ang masasabi ko.

As in shet! Ang pogi!

Mula sa kulay pula na buhok, makakapal na pilik-mata, singkit na mga mata, matatangos na ilong, at mga labing nakakaangit. Ang tangkad niya at ang puti pa! Pwede siyang sumali sa basketball team. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang khaki short at red sando shirt. Dahil doon ay flex na flex ang kanyang mga braso na halatang suki rin sa gym.

Shet ulit. Ilang babae na kaya ang binola ng kagwapuhan niya?

"Gelourd, bakit sando na naman ang suot mo? May mga bisita tayo!" puna sa kanya ni Tita Lourdes nang makalapit.

"Hayaan mo na, diyan siya komportable, e," depensa ni Tito Leo sa anak niya. "Halika na, anak. Maupo ka na."

Wala na nagawa si Tita Lourdes kundi ang tumahimik. Umupo naman si Gelourd sa kaharap ko na upuan na katabi ng Mama niya. Napapagitnaan kasi ako ni Mama at Tita. Saktong nagkatinginan kaming dalawa ni Gelourd.

"Anak, siya nga pala si Charlotte," masayang pakilala sa akin ni Tito Leo. "Charlotte, siya ang anak ko, si Gelourd."

"Hi," simpleng bati niya sa akin.

"Hello." Tipid kaming ngumiti sa isa't isa.

Shet na naman. Bakit ang awkward ko sa kanya?

At bakit sa akin siya una ipinakilala?

"At sila naman si Tita Andy at Tita Delia mo. 'Yong sinasabi ko sa 'yong bestfriend ko."

Nag-hello siya sa mga kasama ko.

"Grabe, napaka-gwapo ng anak mo, Leo!" masayang papuri ni Mama.

"Nako, mukhang maraming babae ang napapaiyak ng anak mo!" segunda ni Tita Andy kaya nagtawanan kami lahat.

Same thought, tita. Same thought.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan at tawanan. Kinantahan din nila kami ng happy birthday song bago kumain. Grabe, ang dami nilang need i-catch up tungkol sa mga buhay nila. Na-bring up din ang mga pasts nila noong mga dalaga at binata pa. Doon ko nalaman na mula ipinanganak ay magkaibigan na talaga sina Mama at Tito Leo.

Kami ni Gelourd? Tahimik na nilalamon ang mango ice cream. Same yata kami ng favorite flavor ng ice cream.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy sila ng kwentuhan sa sala. Maya-maya lang ay naglaro kaming lahat ng mga board games at masasabi kong competitive pala itong si Gelourd pagdating sa mga laro. Sadly, competitive din ako kaya kaming dalawa ang laging nananalo.

Noong magmeryenda kami ay sa dining table umupo ang mga parents namin at dalawa lang kami sa sala nila. Mejo awkward ako kumain ng cake kasi nasa side na sofa lang siya.

Nagkunyare na lang akong nagce-cellphone habang kumakain ng ice cream. Ayokong mag-initiate ng topic kasi nahihiya ako. Pogi, e.

"Favorite mo rin pala ang mango ice cream?"

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magtanong. May hawak siyang remote control habang prenteng naghahanap ng movie sa T.V.

"Ha?"

'Yan lang ang una kong nasabi.

Tumingin siya saglit sa akin. "Napansin ko kasing 'yong mango ice cream lang kinain mo kanina. Hindi mo ginalaw 'yong chocolate and vanilla ice cream."

"Ahh... Oo."

"Mahilig ka rin ba sa board games?"


"Sakto lang," sagot ko. "Naglalaro kami minsan ni mama and mga friends ko sa bahay."


"Ahh."

"Ikaw ba?" balik na tanong ko.

"Same."


Namayani ang katahimikan. Awkward na naman ulit kaya nag-cellphone na lang ulit ako.

Binuksan ko ang gc namin ng mga friends ko at doon nagwala. Saktong napuno pala messages ko ng mga greetings.

Me: Mga anteeeh!!!! Ano gagawin ko?!!!!

Cindy: Huh? Bakit? Anmeron?

Me: Nandito kasi kami sa bahay ng boy bestfriend ni mama and guest whatttt, ang pogi ng anak nila!!!

Kleya: WAIT. POGI?!

Cindy: Nabubuhay na naman si gaga sa gc pag may word na 'pogi'.

Me: Gusto ko siya kausapin pero ayoko rin. Ano gagawin ko? Huhuhu

Cindy: Ang laki naman ng problema mo lottie. Ipagpatuloy mo lang yan.👍

Kleya: WAIT BEH. SEND PIC! TINGNAN NATIN KUNG POGI BA TALAGA YAN HAHAHA!

Napatingin ako kay Gelourd. Iniisip ko kung paano ko siya kukuhanan ng picture na 'di niya nalalaman.

"Hi, guys. Kumusta kayo riyan?" Agad kong tinago ang cellphone nang lumapit si Tito Leo. "You good, Charlotte?"

"Lottie na lang po. Pero opo," magalang na tugon ko.

"Okay." Humawak siya sa sofa at tumingin kay Gelourd na sinulyapan siya. "Nagkausap na ba kayong dalawa?"

"Opo."

"Bakit hindi muna kayo maglakad-lakad sa village? Gelourd, tour mo muna itong si Lottie."

"Ay, hindi na po! Ayos lang po ako rito," agarang sagot ko. Maglalakad kaming dalawa? No way! Mas awkward 'yon!

"Sige na, 'wag ka na mahiya, Lottie. Para magkakilala pa kayo lalo ni Gelourd."

"Pero—"

"Tara." Napatingin ako kay Gelourd nang bigla siyang tumayo at tumingin sa akin.

Shet. What is he doing?

"Huwag kang mag-alala, secured naman itong village namin. You'll be safe here," nakangiting sambit ni Gelourd. Shemay, ang cute niyang ngumiti lalo na no'ng lumabas ang dimples niya!

"Go na, anak. Para din makapag-relax ka," segunda pa ni Mama na kanina pa pala nanonood sa amin mula sa dining table kasama sila tita.

Paano ako makakapag-relax kung si Gelourd kasama ko?

Gusto ko sana umangal kaso wala ring point dahil ipipilit pa rin nila na sumama ako.

Wala na ako nagawa kundi ang sumunod kay Gelourd.

Ilang minuto kami tahimik na naglalakad sa village nila. Buti na lang at mahangin at ang daming mga puno kaya kahit papaano ay nag-e-enjoy ako. Less awkward na rin.

Palihim akong sumulyap sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan. Ano kaya iniisip ng pogi na 'to?

Tumabi ako kaunti sa kanya. Okay, hanggang leeg niya lang ako. Atleast matangkad pa rin ako sa height na 5'4.

"Senior high ka rin, 'di ba?" maya-maya'y tanong niya.

Finally! Binawasan niya ang awkward moments namin.

"Oo," tipid na sagot ko. "Grade 11 ka rin?"

"Yea." Pinulot niya ang isang bote ng tubig at itinapon sa basurahan.

Namangha ako. Ang bait naman ni kuya mo.

Nakarating kami sa isang park kaya naman ay tumambay kami roon at pinanood ang mga bata na naglalaro.

Hindi na naman kami nag-uusap kaya awkward na naman sa akin ang sitwasyon namin.

Magtanong na siya, please! Mamamatay ako sa hiya dito, pramis!

"Anong strand mo?" Finally! Dininig ni Lord panalangin ko! Hehehe.

"HUMSS. Ikaw?"

"Same."

"Oh? Bakit?"

"Anong bakit?" nilingon niya ako.

"I mean, bakit HUMSS ang pinili mo?" pagklaro ko.

"Hmm..." Muli siyang tumingin sa mga batang naglalaro sa harapan. "Kasi I'm into arts and entertainment. How 'bout you?"

"Same!"

Ang galing naman. Halos same kami ng mga favorites and hobbies!

Meant to be 'ata kami, char!

"Sumasayaw ka?" tanong niya.

"No. I'm into singing," nakailing na sagot ko habang nakangiti sa kanya.

"Really? I'm into dancing."

"Ohh... Hiphop?"

"Yea."

"Happy birthday pala," bati ko sa kanya.

"Thanks. Happy birthday rin."

"Thank you hehe."

May biglang dumaan na nagbebenta ng banana que.

"Gusto mo?" tanong niya.

"Okay lang."

Bumili siya ng dalawang banana que. Tinanong pa siya ng tindero kung gf niya ba ako at mariin naman niyang tinanggi.

Sakit naman no'n. CHAR!

Bumalik siya sa pwesto namin at sabay naming kinain ang banana que. I must say, ang sarap ng banana que rito, ah!

Mas masarap pa dahil may pogi ako kasama, joke! Hehe!

"So, anong kukunin mo sa college?" maya-maya'y tanong niya sa akin.

Nginuya ko muna kinakain ko bago sumagot.

"Fine arts. Ikaw?"

"Mass comm."

"Ohh... Nice! Bakit?"

"Kasi I'm into arts and entertainment."

Ay, oo nga pala. Bakit ko pa nga ba tinanong 'yon ampt!

Tumahimik na lang ulit ako. Hindi na rin naman siya nagsalita. Tinapos na lang namin ang kinakain namin bago siya nag-ayang umuwi na.

Pabor din naman sa akin kasi shy ako kasama siya.

Hindi na kami ulit nag-usap. Tahimik lang kami naglalakad kaya awkward na naman. Nilibang ko na lang sarili ko sa pagsisipa ng mga tuyong dahon sa kalsada.

Pero minsan napapasulyap ako sa kanya at iniisip kung same ba kami na shy at awkward sa isa't isa.

Kung awkward siya sa akin edi mabuti. Atleast goals na kami! Hahaha!

"Hey, watch out!"

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Gelourd sa kanya. Tumama tuloy ako sa dibdib niya.

Napatingin ako sa bike na muntik nang bumangga sa akin bago muling balingan ng tingin si Gelourd. Pinagsisihan ko agad 'yon dahil saktong nagtagpo ang mga mata namin sa isa't isa. Hindi lang 'yon, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ramdam na ramdam ko ang hininga niya!

I blushed.

Shit!

Tito Leo, bakit ang ganda ng mga mata ng anak mo!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top