Prologue

Donovan Series #1 - Tang of the Sea
Donovan Series #2 - Solace of the Wind
Donovan Series #3 - Touch of Fire

Prologue

It was an early morning headache that woke me up. Bumaling ako sa digital alarm clock sa bedside table at bumuga nang malalim na hininga. I deactivated the alarm before getting out of the bed and delved myself into the bathroom.

Hinubad ko ang natatanging tela na tumatakip sa katawan ko, ang boxer briefs. My eyes dropped on the hickeys that the woman I got laid with last night left on my chest and arms. 

Binuksan ko ang shower at itinuon ang kanang kamay sa malamig na ceramic tiles ng wall. Naiiling kong pinatay ang shower at dinampot ang sabon. Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil ayokong ma-late pagpasok.

Tanging tuwalya ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko nang bumaba ako sa kusina. Ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid na si Primo ay nakasandal sa kitchen counter at nagkakape. Si Hugo, ang bunso, ay malamig na tubig naman ang iniinom.

"Baka maamoy tayo sa Hasse. Malilintikan tayo," nakangisi kong sabi at lumapit sa refrigerator. Kumuha ako ng tubig at uminom din. Pinanunuod ako ni Hugo dahil na rin siguro sa mga chikinini sa katawan ko.

"Magaling ba si Rona, Kuya?" tanong ni Hugo at lumapit sa kitchen sink. "Para kang pinapak ng lamok. Magaling ba sumipsip?"

Naubos ko ang laman ng bottled water at ibinato ko ito sa kanya. Agad naman siyang nakaiwas, lumakas ang pagtawa niya.

Gusto ko sana siyang sapakin kaso wala na akong oras para makipagbiruan pa sa kanila. I could not be late for my 8 am class. I needed to ready myself for the lesson 'cause of my college students who acted superior to most of the professors.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mga guro ang nasusunod, kung minsan ay mas matindi pa mag-demand ang mga estudyante kesa sa mga teacher.

May mga estudyante na sobra kung magsalita sa mga guro pero ang totoo ay hindi naman naiintindihan ang mga aralin. May mga estudyanteng hawak ang sarili nilang oras at kung magustuhan na hindi pumasok ay gagawin nila.

Sumakay ako sa aking Jeep Wrangler at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Wala pang bente minuto ay nakarating na ako sa Hasse. Bumaba ako sa jeep at naglakad sa hallway kung saan marami na ang mga estudyanteng nakaupo sa benches at naghihintay ng klase.

"Good morning, Sir Loire!" namumula ang pisnging bati sa akin ng isang HRM student. Pinagtutulakan siya ng mga kasama niya sa direksyon ko.

"Sir, patay na patay sa 'yo 'tong kaibigan namin—"

"Can I get your number, Sir Loire?" the girl cut her friend off.

I ran my fingers through my hair as I watched them. Tumikhim ako at bahagyang ngumiti. "I'm sorry, girls, but I don't give my numbers to students."

Bago pa sila magpakita ng kasunod na reaksyon ay nilagpasan ko na sila. Pumasok ako sa faculty room ng College of Education Department at inihagis ang bag ko sa upuan.

"Wala bang laptop 'yon?" tanong ni Ma'am Ruby na nag-aayos ng mga libro sa maliit na shelf sa likod ng kanyang table.

Ruby was one of the hottest professors in Hasse. She had a really nice butt and jugs. Manipis ang kanyang bewang at matangkad, bumagay sa ganda ng kanyang katawan.

"Wala, Ma'am. Iniwan ko d'yan sa locker kahapon." Lumapit ako sa locker at sinusian ito. Inilabas ko ang laptop at bumalik din agad sa table ko.

"Sa bawat araw na dumadaan, pansin kong mas lalo kang gumagwapo, Sir Loire."

Mula sa kabubukas na laptop ay umangat ang tingin ko kay Ma'am Ruby. "Mas lalo ka ring gumaganda, Ma'am Ruby."

Pansin ko ang pagpula ng kanyang mga pisngi dahil sa papuri ko.

"'Wag mo akong binobola, baka mamaya mailibre kita."

Naiiling akong tumawa. "Ako na lang ang manlilibre sa 'yo, tutal nauna mo akong pinuri."

Lumawak ang ngiti niya. "Huwag na at baka mamaya, maraming kamay ang sumabunot sa akin paglabas ko ng Hasse.  Ayokong masangkot sa gulo nang dahil sa 'yo."

Nagtawanan na lang kami. Nang naihanda ko ang mga gamit ay tumungo na ako sa Educ Building. Maraming bumabati sa akin habang naglalakad ako at simpleng tango lang ang ibinibigay ko sa kanila.

Nakarating ako sa Room 403 at agad na tumahimik ang klase pagkakita sa akin. They were first year English Major students.

Pumwesto ako sa teacher's table sa harapan at agad silang nagsitayuan.

"Good morning, Mr. Donovan!" they greeted in chorus.

"Good morning, class! You can take your seat now," I replied.

Narinig ko ang mahinang pagtili sa may kanan sa bandang likuran.

"Ang hot talaga ni Sir. Ang sarap sigurong isigaw ang pangalan niya habang nasa kama."

"Look at those muscles, they seemed so powerful. Nambabalibag kaya siya?"

Inangat ko ang tingin at hinanap ang mga nagbubulungan.

"If you're gonna talk about me, make sure that you won't be heard. You are education students. If you don't know the word 'respect', there are two doors, you have the freedom to leave the room."

Wala na akong narinig pagkatapos niyon. Nagsimula na kaming magklase at tutok ang pakikinig nila sa akin. The front door hung opened and the student who just entered the room, caught everyone's attention.

I watched the student search for a seat and chose the one from the back, near the glass window. Ibinaba ko ang hawak na white board marker. Ramdam ko na pinanonood ako ng mga estudyante, maliban sa kanya na parang wala sa sarili na nakatingin sa bintana.

Umikot ako at naglakad palapit sa kanya. I stood in front of her, enough to break her trance.

Umangat ang mukha niya at walang emosyon ang mga mata na tumuon sa akin.

As I watched her enter the room, I could say that she had an above average height for women. Her brown shiny hair didn't reach her shoulders. She had a small face with upturned eyes, soft angled medium arched brows, a perfect straight nose, and full lips.

"If you'll scold me for being late and rude, do it." Ngumisi siya at ibinalik ang tingin sa bintana. "Wala na akong nagawang tama sa buhay ko."

Pinanood ko pa siya saglit bago ako tumalikod. "Don't leave the room after my time, Miss."

Sa halip na magalit ay nakaramdam ako ng awa sa estudyante. Mukhang mabigat ang pinagdadaanan niya.

Natapos ang klase at hinintay ko na humupa ang dami ng tao sa classroom. Naiwan kaming dalawa at siya ay naroon pa rin sa kanyang pwesto, hindi natitinag kahit na natatamaan na ng araw ang kanyang mukha.

I closed the door and walked towards her. Iniharap ko ang isang upuan sa kanya at umupo ako sa desk nito.

I cleared my throat and finally her attention was on me again.

"Look, Miss, I don't know if you are my student or not, but may I know your name first?"

Marahan siyang tumango at bumuntonghininga. Ipinilig niya ang ulo bago tumuon ang tingin sa mukha ko.

"Isla Silva," tipid niyang sagot.

"Are you my student?"

She nodded again. "I really want to be a teacher, Sir, but my family is against it. Kaya naglayas ako."

"What?"

"Mahabang kwento," pagak siyang tumawa. "Bilang isa kang professor, alam kong patatawarin mo ako sa inasta ko kanina. Let this pass and I assure you, I'll pay for your kindness in time."

"How sure are you that I'll let this pass?" I asked coldly.

Sumingaw ang iritasyon sa kanyang mga mata. Nakipaglaban siya ng titigan sa akin pero saglit lang ay nag-iwas din siya.

"What do you want me to do?" she asked.

"Kung ganyan ang ugali mo, sa tingin mo ba gugustuhin kong palagpasin ito?"

Naibalik niya ang tingin sa akin. Nag-e-enjoy ako sa nakikitang pagkayamot sa mga mata niya.

Kung minsan ay masarap talagang mang-asar ng mga estudyante.

"Ano po bang gusto n'yong gawin ko?" naidiin niya ang salitang 'po'.

"Hindi ako nakukuha sa suhol, hija."

Napatayo siya. Hindi ko man tingnan ang mga kamay niya ay batid ko ang pagkuyom ng mga 'yon.

Matagal na pumagitna sa amin ang katahimikan. Tatayo na sana ako para iwan siya nang hawakan niya ang braso ko.

When I faced her again, tears clouded her eyes and rolled down her small face.

Umigting ang panga ko. "Bakit ka umiiyak?"

Umiling-iling siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Kumawala ang hikbi sa kanyang bibig.

"Alam mo ba na nakipag-break sa akin ang boyfriend ko kagabi lang? Ang sakit-sakit dito, Sir." Madiin niyang itinuro ang dibdib ko. "Tapos simpleng pakiusap ko lang sa inyo hindi mo pa mapagbigyan? Wala ka po bang puso? Akala ko po ba may puso ang mga teacher para sa estudyante? Bakit po iba ang ipinakikita mo sa akin?"

Lumakas ang hikbi niya at hindi ko malaman ang gagawin. Tumingin ako sa corridor at nagpasalamat na wala ni isang dumadaan.

"Why are guys so heartless?" Paulit-ulit niyang dinuro ang dibdib ko.

Binalewala ko ang mahaba at matigas niyang kuko na halos bumaon sa dibdib ko.

"I almost gave everything to him, but still I'm not enough. Nanligaw kayo tapos kapag kayo na at nagsawa kayo, bibitawan n'yo agad!" naghihisterya niyang sabi.

"How old are you to be broken like this?"

Tumigil ang hintuturo niya sa dibdib ko, basang-basa ang maliit na mukha dahil sa pag-iyak.

"I'm only 18, alright! Is that an issue? Wala naman sa edad ang pag-ibig, ah! Kasalanan ko bang tumibok ang puso ko 15 years old pa lang ako?"

Pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti. Inalis ko ang hintuturo niya sa dibdib ko at marahang umiling.

"So you mean you were in a relationship with your ex for three or almost three years?"

Marahan siyang tumango. Napaatras siya at pabagsak na napaupo muli.

"Ang tagal. Nakakapanghinayang."

"Saan ka nanghihinayang? Sa kanya o sa tagal?"

Bumagsak ang tingin niya sa kanyang kandungan. "Pareho po."

I stepped forward and put my hands on her shoulders. Tumitig ako sa mga mata niya at pinisil ang balikat niya.

"You are still young. Enjoy your teenage years and don't make a fuss about young love. Hindi pa siya ang lalaking para sa 'yo."

Umatras ako at pinanood siya hanggang sa humina na ang kanyang paghikbi.

"Go to your class now. I won't report you to the Dean."

Wala pa rin siyang imik sa kanyang pwesto. Napabuntong-hininga ako.

"Baka magbago pa ang isip ko kapag hindi ka pa tumayo. I bet you don't want your parents to know about what you did."

Umangat ang tingin niya sa akin, tila nagmamakaawa. "Aalis na po ako, pero pwede po bang makahingi ng pabor?"

Tumuwid ako sa pagkakatayo. "What is it?"

"Can you let me use your phone? I'll just text my driver to pick me up. I think I can no longer attend my classes."

"Bakit hindi ka na papasok?"

"Sir, alam kong hindi valid na reason ang breakup para hindi pumasok sa school. But please just let me do this. I'm sure I won't be able to concentrate in discussions."

Inilabas ko ang cell phone ko at ini-scan ang aking fingerprint bago ko ito ibigay sa kanya.

Nagtipa siya sa cell phone ko at hinayaan ko lang siya.

Ibinalik niya ito sa akin pagkatapos. "Thank you..."

"Loire Donovan," agap ko sa kanya.

She nodded and started walking to the door. Bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya ako. Sumilaw ang hilaw na ngisi sa kanyang mga labi.

Kumunot ang noo ko.

"By the way,  Sir, I'm already a graduating student." Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang maikling buhok. "Finally, I got your number, Loire."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top