Chapter 8

Chapter 8

"Ah, Loire..." she moaned.

Putangina.

I bit and sucked her bottom lip as I felt her hands go down my chest. Her tongue lashed and sucked with mine. Kinuha niya ang isa kong kamay at dinala 'yon sa kanyang dibdib.

Doon ako natauhan. Tumigil ako sa paghalik at tumayo. I turned my back on her as the reality slapped me.

Ramdam ko ang matinding epekto sa akin ng ginawa ko. No one spoke until I heard her stand up and felt her body against my back.

"Don't leave, please," she said huskily.

I closed my eyes tight. Hinarap ko siya at agad na nagtama ang mga mata namin. She cupped my face and stared into my eyes, without saying anything.

Hinawakan ko ang kamay niya. I gritted my teeth and quickly looked away.

"Magbihis ka."

Binawi niya ang kamay at bigla niya akong niyakap. She nestled her face in my neck and gave me a gentle kiss there, making my mind go haywire.

"Stop it, Miss Silva," I whispered. Pinilit ko siyang itulak palayo sa akin.

Umatras siya at umupo sa kama. Iniwas niya ang tingin sa akin at pilit ang ngiting lumarawan sa mga labi.

"Locked the door when you leave," she said.

Nang hindi ako nagsalita ay tumayo siyang muli. Dinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bathroom. Dinampot ko ang helmet at lumabas na. Mabilis akong nakarating sa motor ko at agad itong pinaharurot.

Inihagis ko ang helmet sa sofa, walang pakielam kung masira ito. Nagulat si Hugo dahil muntik na siyang tamaan noon. I took cash from my wallet and gave it to him.

"Bili kang alak," utos ko.

"Ilan?" Sa peripheral ko ay malalim ang pagkakakunot ng noo niya.

"Bahala ka na. Pati pulutan." Iniwan ko siya at umakyat na sa kwarto ko.

Initsa ko rin ang wallet at cell phone sa kama. I went inside the bathroom and turned the shower on. Mabilis nabasa ang suot kong damit. Bumalik sa isip ko ang nangyari. Sariwang-sariwa.

Those rich and full boobs.

Nilakasan ko ang shower. Her smooth and flawless face stayed in my head. The way she kissed me back and held me.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba ako. Nasa veranda na sina Hugo at Primo, parehong nakatutok sa cell phone.

Hugo looked at me from his phone then went back to playing. "Tagal mo sa CR, Kuya. Kinakatok ko pinto mo kanina, 'di mo ako narinig."

Hindi ako nagsalita.

"Nagsarili ka ba?"

Napalingon kami ni Primo sa kanya. Primo pursed his lips, trying to suppress laughter.

"Gago! 'Yang bibig mo," sabi ko.

Pinagsalin niya ako ng alak sa shot glass at deretso ko itong ininom. Dinampot ko ang tinidor at dinuro siya nito.

"Nakakatakot kang teacher ng elementary. Baka kung anu-anong tinuturo mo." Napailing ako.

Inagaw niya sa akin ang tinidor at ginamit niya 'yon sa pagpilas ng laman sa roasted chicken. Kumuha rin ako ng manok at binuksan ang cell phone ko.

"Ano ka, Kuya. Gustung-gusto ako ng mga bata. Ako raw pinakapoging teacher sa Hasse!" pagyayabang niya.

Ngumisi ako at nilingon si Primo na busy pa rin pag-attack.

"Ikaw na shot, Primo." Isinenyas ko ang baso.

Doon lang niya ako pinansin at dinampot ang baso na sinalinan ni Hugo. Sumandal ako sa upuan at tumunog ang cell phone ko. A message from that number popped up.

+639*********

Can't sleep. Balik ka. :(

Hindi ko 'yon tuluyang binuksan at nakisali na lang sa mga kapatid paglalaro ng ML. Nagkatinginan kaming tatlo nang nag-chat ang mga kalaro namin ng open mic.

"Tank 'yong isa," boses ng babae.

"Yeah, mage ako," sabi pa no'ng isa.

They were duo. Both girls.

"Ganda ng boses mo, baby. Taga sa'n ka?" panlalandi ni Hugo.

"Manila."

"Oh!" Tumawa si Hugo.

Naiiling si Primo sa tabi niya. I downed my shot and picked for my hero.

"May jowa ka?" tanong ni Hugo.

"Wala. Gusto mo bang ikaw na lang?" The girl had a sexy voice. 'Yong isa niyang kasama e mukhang englishera.

"Ako na tank," salita ko.

"Bitch, who's that?" the other girl asked. "Hey, I like your voice. It's so sexy!"

"Mas pogi ako sa kuya ko, babe. Ako na lang."

Nagtawanan ang mga kalaro namin. Gago talaga.

"Talaga lang, ha?"

Nagpatuloy sila paghaharutan hanggang sa natapos ang laro. Patuloy sa pag-ikot ang shot glass. Alas onse nang nagpaalam si Primo na pupunta sa CR.

Tiningnan ko si Hugo na tawa nang tawa habang nakikipag-chat. Nang iangat niya ang mukha sa akin ay ngumisi siya.

"Kuya, student sa UP 'yong Daena! Tinatanong FB mo. Bigay ko ba?" He showed me his cell phone. "Gago, sarapen!"

There was a hot girl in a beach, lying in the sand. Malaki ang hinaharap niya at tan ang kutis. Maganda, tulad ng sinabi ni Hugo.

Kumuha ako ng sisig at isinubo ito. Ibinaba ni Hugo ang cell phone niya at iwinagayway ang mga kamay sa harapan ko, medyo tipsy na.

"Taga UP, Kuya!" ulit niya. "Si Adie na kapatid niya 3rd year college naman. Graduating na si Daena, ayaw mo?"

I gripped the fork in my hand. Bumalik na rin si Primo pero ang isip ko ay nasa babaeng kasama ko lang kanina at hinahalikan ko.

"Magkikita kami sa The Core sa Saturday. Gusto ka nilang makita. Dali na, makatikim naman tayo ng kolehiyala!"

"Hugo, what is your profession?" Primo suddenly interjected.

"Teacher," mabilis niyang sagot. "Alam mo naman ba't nagtatanong ka pa?"'

"That's the point. Then you want to hang out with college girls?"

Nagkatinginan sila at kita ko ang inis na kumalat sa mga mata ni Hugo.

"Bakit ba ang KJ mo? 'Di naman sa Hasse nag-aaral. Hindi 'yon bawal. Epal 'to!"

Hindi na sumagot si Primo. Kinuha na lang niya ulit ang sariling phone at 'yon ang inatupag.

Kinabukasan ay late na pumasok si Hugo sa Hasse. Inayos ko ang mga gamit ko at tinapik si Primo nang nakasalubong ko siya sa hagdan.

"Nag-breakfast ka na?"

Tumango lang siya at tinapik din ang braso ko bago tuluyan akong nilagpasan.

Maingay na faculty room ang bumungad sa akin pagdating ko sa Hasse. There were cakes, flowers, gifts, and balloons in Ma'am Ruby's table. Doon ko naalala na birthday niya. Agad kong ibinaba ang gamit sa table ko at lumapit sa kanya.

"Happy birthday, Ma'am Ruby!" I pulled her into a hug and she chuckled.

Wala akong pakialam sa mga professor na nakatingin sa amin. Ma'am Ruby and I were friends. They would not make an issue about it.

"Regalo ko?" Ikinura niya ang kamay.

"Labas na lang tayo. Hindi ako nakabili kahapon kasi late na rin ako nakauwi."

"Ayoko, Sir Loire! Ayoko ng issue!"

Nagtawanan ang buong faculty room. Inakbayan naman ako ni Ruby. Bago ako tumuloy sa klase ay pinakain niya muna ako ng handa niya na nasa pahabang table.

I was on my way to my first class when I saw Miss Silva sitting on the bench near their building. Kausap niya 'yong kaibigan niyang lalaki na Royce ang pangalan.

They were laughing and she even slapped his shoulder gently as he whispered into her ear. Napahawak pa siya sa tiyan sa sobrang pagtawa.

Tumuloy na ako sa pagpasok sa room pero kahit anong pilit ko ay sumisingit si Miss Silva sa isip ko. Matapos ang unang klase ay bumalik muna ako sa faculty room. Inihagis ko ang libro sa table at sumandal dito.

Tiningnan ko ang cell phone at wala pa rin akong nare-receive na texts sa kanya simula pa kaninang umaga. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tumulak na ako papunta sa sunod kong klase.

"Any question, guys?" I asked before I ended the discussion.

A student from the back raised her hand and stood from her seat. Tumingin ang lahat sa kanya.

"Sir, is it true that you're still single?"

Awtomatikong lumipat ang atensyon sa akin ng lahat. Since I asked them for questions then I was obliged to answer theirs too.

"Yes," tipid kong sagot.

"No joke?" tanong pa ni Miss Garcia. "Why? You're already at a marrying age. Sayang lahi."

Nagtawanan ang klase. Dinampot ko ang libro at nagkibit-balikat lang.

Nagtaas ng kamay si Miss Hernandez. "Pwede mag-apply, Sir? Malahian naman kami ng maganda at gwapo."

Naiiling kong iniligpit ang mga gamit ko. Kinawayan ko sila bago ako lumabas. I was about to enter the next room when my phone rang.

"Sir Loire, saang room ka? Pasuyo sa third floor dito sa Engineering Building, may nag-aaway. Walang makapiit," kalmado lang na sabi ni Ma'am Ruby.

Sanay na kami sa ganitong senaryo. Pumunta nga ako sa sinabing building at sa labas ng room sa dulo ay nagkukumpulan ang mga estudyante.

Lumapit ako sa kanila at awtomatikong nagbigay ng daan ang mga ito. Sumuntok ang lalaking matangkad sa kaaway na kapwa estudyante.

I looked at Ma'am Ruby leaning against the railings. Nagtama ang mga mata namin at bumuntonghininga lang siya.

"Ikuha ko na ba kayo ng kutsilyo?" mariin kong tanong na nakapagpalingon sa akin sa dalawang estudyante.

Agad silang napatayo nang deretso at naghiwalay. Nagdudugo ang ibabang labi noong maputing lalaki at 'yong matangkad ay sa pisngi naman.

"Ano't nagkainitan kayo? Malamig naman ang room n'yo." Tumingin pa ako sa room nila na bukas ang pinto.

"Kagabi pa 'yan, Sir. Nag-inuman kami sa bahay ko. Nagtatalo dahil kay Isla."

Hinarap ko ang nagsalita. Nagpatuloy ito.

"Ka-chat ni Mark." Itinuro niya ang maputing lalaki. "Nililigawan ni Joshua." At inginuso 'yong matangkad. "They're best friends, Sir Loire."

"Tangina mo kasi, Mark! Nasabi ko na sa 'yong nililigawan ko, ah! Balak mo pang agawin!" Dinuro-duro ni Joshua ang kaibigan.

"Si Isla ang nag-chat sa akin kasi nagandahan siya sa cover ko na kanta. What the fuck, dude?! I just chatted her back to say thank you!" Mark explained.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Muli ko silang tiningnan na dalawa.

Tumuro ako sa kahit sino sa mga estudyante nang hindi tumitingin. "You, call Isla Silva! Tell her she needs to go here!"

"Sir, saang room?"

Umangat ang tingin ko sa inutusan ko. "Basta pumunta ka sa Business building. Hanapin mo."

Ma'am Ruby nudged my ribs. "Sir Loire, bakit mo pa pinatawag si Miss Silva?"

"Absent si Professor Abella, walang tao sa Office of the Students Affairs. Bukas pa natin maire-report 'to," paliwanag ko.

Tumango na lang si Ma'am Ruby at hindi nagtagal ay lumitaw si Miss Silva. Habang naglalakad ay kumaway-kaway siya sa mga nadadaanang rooms na animo ay isang beauty queen. Natawa si Ma'am Ruby sa tabi ko dahil nag-flying kiss pa si Miss Silva.

"I wasn't aware of Miss Silva's sense of humor," Ma'am Ruby commented.

Tumingin sa direksyon namin si Miss Silva at napatigil siya sa pagkaway. Binalingan niya ang nakataas na kanang kamay sa ere at agad itong ibinaba. Tumatawa na rin ang ibang estudyante na nakiusyoso sa nangyaring babag ng dalawang gunggong, dahil sa kanya.

"She's here now," I said. "Go ahead, kill each other in front of her. Pakita n'yo sa kanya kung gaano kayo kagago."

Tumutok ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko pinagtuunang-pansin ang mga branded niyang damit at sapatos na suot.

"What's wrong?" she asked. Iginala niya ang tingin sa mga nakapalibot.

Walang nagsalita sa mga kapwa niya estudyante.

"They're fighting over you. That one is your suitor and the other one is your chatmate. They're best friends, Miss Silva," I explained, not able to conceal the sarcasm.

Inilipat niya ang tingin doon sa manliligaw niya. She cleared her throat and stepped forward to him. Hinawakan niya ang baba nito at ineksamin ang mukha.

Was it normal for her to hold guys like that?

Bigla niyang binitawan ang lalaki at nalukot ang kanyang noo. "Eww, guys, you stink of liquor! And you look awful, Joshua."

Tumikhim ako at muli siyang tumingin sa akin. Napairap siya at muntik nang umawang ang bibig ko.

"From now on, I want you to stop courting me. Bakit ka nakikipag-away sa best friend mo dahil lang sa babae? OA ka," sabi niya kay Joshua.

Nagtawanan ang mga nanunuod.

"At ikaw! Ikaw 'yong maganda ang boses na guy na nag-trending sa Facebook, tama?" masigla niyang sabi. "Dito ka pala nag-aaral. Anyway, it's so nice to meet you in person." She held out her hand and the guy took it.

"Mark. You forgot," paalala ng lalaki.

Nang nagbitaw sila ay pilit na ang kanyang ngiting ibinalik ang atensyon sa manliligaw niya.

"Gago ka, Joshua. Kung ako best friend nitong si Mark e, ipagmamalaki ko 'yan. Tingnan mo nga may talented kang kaibigan tapos inaaway mo lang dahil sa akin?" Ngumiwi siya at muling tumingin sa akin. Muli niya akong inirapan.

Kumuyom ang kamay ko.

"Don't waste your friendship over a girl. It's not worth it. Ang jowa napapaltan 'yan, ang tunay na kaibigan mahirap hanapin. Choose wisely, dude."

She pushed her hair back as she looked at the two alternately. Walang umimik sa magkaibigan.

She then faced Ma'am Ruby. "Kayo po ba ang prof nila, Ma'am? Sorry po kung nag-away sila dahil sa akin. Birthday n'yo pa man din ngayon." She let out a sigh. Tiningnan niya ulit 'yong Joshua at biglang kumunot ang noo niya. "Hey, Joshua, I already told you last week to stop courting me, didn't I?"

Nabaling ang atensyon namin lahat kay Joshua.

"Bakit ngayon ko lang ba naalala?" Sinapo niya ang noo at muling napabuntonghininga. "Grabe, nagmadali pa akong pumunta rito. Wala naman dapat akong pakialam sa 'yo."

She turned her eyes to Ma'am Ruby again. Lumapit naman ito sa kanya at sinenyasan na nito ang mga engineering students na pumasok sa room.

"Ma'am, I'm really sorry. Ako pa ang dahilan kung bakit hindi kayo nakapagklase."

"It's okay, Miss Silva." Tumingin si Ma'am Ruby sa wristwatch niya at ngumiti. "I still have thirty minutes to give them my lectures. You go back to your building now."

Marahang tumango si Miss Silva. Tinapik ni Ma'am Ruby ang balikat niya bago ako nito lingunin at tinanguan. Naiwan kaming dalawa at hindi siya nakatingin sa akin.

I was about to open my mouth to talk but she already turned her back on me.

"Where are you going?" hindi ko napigilan ang sarili na magtanong.

"Mag-aaral. School 'to, 'di ba?" Dere-deretso na siyang naglakad at hindi na ako nilingon pa.

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok bago naglakad na rin paalis ng building na 'yon.

Nang nag-uwian ay tiningnan ko muli ang cell phone. Naglalakad ako sa parking nang nakita ko siya na nakasandal sa isang kotse. Tumalikod ako nang aakmang lilingon siya sa direksyon ko. Pero dahil sa maraming mga estudyante ang narito rin para umuwi na ay posible na hindi niya ako mapansin.

"Royce, sa'n ka na? I'm already here at the parking. Nahanap mo na ba wallet mo?" Tumawa siya.

That laugh. It was so pleasing to the ear. Pero sa halip na matuwa ay mas lalo ata akong nainis.

"Abnormal ka naman kasi. Buti walang kumuha?" patuloy niya sa pakikipag-usap. "What? Saan tayo kakain? Ah, okay... sige. Yeah, no worries. Sasama ako para hindi na rin ako magluto ng dinner."

Isinabit ko ang helmet sa motor at nilingon siya. Nakatungo siya at tinitingnan ang suot na sapatos. Hindi na siya naka-skirt katulad kanina. Naka-wash high waist ripped jeans at ang itim na printed shirt na may nakasulat na 'bitch' ay nakabuhol sa harapan. She was showing off her flat and flawless tummy.

"Dalian mo na. Dito na tayo mag-usap. Para kang tanga," tumawa muli siya.

Tumunghay siya at may nilingon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakangiti 'yong Royce habang tumatakbo palapit sa kanya.

Sumakay sila sa kotse ng lalaki. Hindi ko na masyadong nakita ang kanyang mukha nang nasa loob na sila. Bago pa sila makaalis ay pinaharurot ko na ang motor ko.

When I arrived home, I grabbed a towel and got inside the bathroom for a quick shower. Itinuon ko ang kamay sa tiles habang bumabagsak ang tubig sa ulo ko pababa.

I shook my head as I recalled everything that happened. Ipinulupot ko ang tuwalya sa bewang ko pagkatapos maligo at lumabas. Umupo ako sa kama at isinubsob ang mga kamay sa mukha. Napahilamos ako sa sarili dahil sa inis.

Mabilis akong nagbihis at bumaba. Nasalubong ko pa si Hugo na mukhang galing sa kusina.

"Kuya, sa'n gora?" sigaw niya.

Hindi ako sumagot at inihanda ang motor ko. Nakasando lang ako at hindi ganoon kaluma na jeans. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan.

Tumigil ako sa tapat ng bahay nila. Patay pa ang ilaw nito, halatang wala pang tao. Hinubad ko ang helmet at naupo ako sa tabi.

Dinukot ko ang cell phone sa bulsa at tinawagan ang numero ni Miss Silva. But she didn't answer. Nakatatlong ulit pa ako pero wala pa rin.

Alas diyes ay namataan ko ang pamilyar na sasakyan. Mabilis kong kinuha ang helmet at naghanap nang matataguan. The car stopped in front of the gate and she got off with a wide smile on her face. Lumabas din 'yong Royce at hinawakan siya sa bewang.

My jaw moved uncontrollably.

Hindi pa yata nasiyahan ang lalaki at hinalikan siya sa pisngi bago ito muling pumasok sa sasakyan. Pagkaalis nito ay papasok na sana siya nang napansin niya ang motor ko. Nagpalinga-linga siya hanggang sa lumabas ako at nagtama ang paningin namin.

"What are you... doing here?"

Pansin ko ang mabagal niyang paglunok. Pinaglaruan ko ang hawak na helmet at susi, na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Was it fun?" My forehead creased.

Pumasok siya sa gate at sumunod ako. Iniwan ko ang motor sa labas.

"What are you talking about?" she asked, her voice sounded cold.

So I was right. Galit nga siya.

"Gabi na, Miss Silva. Pero kung kani-kanino ka pa sumasama."

"Ano bang pake mo?" Hinarap niya ako nang nasa main door na kami.

I forced a smile and pushed her aside. Inunahan ko siya papasok ng bahay at dumeretso sa kusina. She followed me and held my arm.

"Hoy! Sinong maysabi na pumasok ka?"

"Hoy ka rin!"

Umawang ang mga labi niya, hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. Iginala ko ang paningin at binuksan ang ref. Nakakita ako ng beer at lumapit ako sa counter top. Binuksan ko ito gamit ang gilid noon at ang kamay ko. I downed the bottle of beer.

"Bakit ka umiinom?" tanong niya. "Have you eaten dinner?"

Tinalikuran niya ako at siya naman ang pumunta sa ref. Binuksan niya 'yon at kumuha rin ng beer. She searched for an opener and sat on a stool.

Inilapit niya sa bibig ang bote at uminom. Tumutok ang mga mata ko sa paggalaw ng kanyang lalamunan habang lumalagok noon. Sumandal siya sa counter at dumekwatro.

"Hindi pa."

Napatigil siya sa muling pag-inom sa bote. She placed the bottle on the countertop and looked at me.

"What the fuck? Umiinom ka na walang laman ang tiyan mo? Adik ka ba?" kumunot ang noo niyang tanong.

Tumalon siya mula sa upuan at binuksan ang purse niya. Matapos niyang magtipa roon ay muli niya akong tiningnan.

"I ordered pizza and chicken. Have some before you go home." Ipinasok niyang muli ang phone sa bag. Lalagpasan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

Napatingin siya sa kamay ko. Dahan-dahan ko siyang hinarap sa akin bago ko haklitin ang bewang niya.

Her eyes widened in shock. Ang mga kamay niya ay nasa pagitan namin. Gumalaw ang panga ko habang magkahinang ang aming mga mata.

"What... why... what..." hindi niya maituluy-tuloy ang sinasabi.

I could feel her bare tummy against my skin. Manipis ito at mainit sa mga kamay ko. Bumagsak ang tingin ko sa suot niya. Kahit ano atang isuot ay bumabagay sa babaeng 'to.

"Are you mad of me because of last night?" I asked.

She closed her eyes tight and shook her head.

"No. I just don't want to bother you. Pahinga muna, ganoon."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. "Bakit?"

She laughed awkwardly. Lumunok siya at pilit kumawala sa akin, pero hindi ko siya binitawan. She couldn't answer me.

"Loire..."

Mas inilapit ko siya sa sarili ko at hinawakan ang baba niya. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.

"I'm not a saint. I do sin," I almost whispered.

Muling gumalaw ang leeg niya. Bago niya pa ibuka ang bibig ay hinaklit ko na ang batok niya at agresibong hinalikan sa mga labi.

I felt her slowly giving in my kisses. Para siyang nanghina. Hindi siya nanlaban at hinayaan ako na lamutakin ang bibig niya.

Her lips were incredibly soft and warm. Until she finally kissed me back, teasing me to do more. I didn't know if she was aware of her reactions or not. Nakipaglaban ang dila niya, ayaw patalo. Umungol siya sa bibig ko kasabay nang pagtaas ng kaliwa kong kamay sa likod niya. Nanggigigil kong kinagat ang ibabang labi niya bago gumapang ang halik ko sa kanyang pisngi pababa sa leeg.

"W-we can continue this later..." she was trying to catch her breath. "The food..."

I licked the skin of her neck before sucking on it. Mahigpit siyang napasabunot sa buhok ko.

"Gusto mo ng pahinga?" hinihingal kong tanong. Umangat ang halik ko sa tenga niya at marahan 'yong kinagat.

Hindi ko na siya makitang estudyante. Hindi sa gabing ito.

"You ask for it? You won't get it, Isla."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top