Chapter 7
Chapter 7
I was having a coffee when Hugo sat beside me on the sofa. Medyo gulo ang kanyang buhok, halatang kagigising lang at inaantok pa.
I looked at the wall clock and checked the time. "Matulog ka pa. 3:30 pa lang."
Pabagsak niyang isinandal ang ulo sa sofa. "Tatapusin ko pa lesson plan ko. Hindi kasi ako nakagawa kagabi."
"Araw-araw pa rin ba kayong pinagpapasa ng strand coordinator n'yo?" tanong ko.
"Nope, every monday ang pasahan."
"Bakit ngayon ka lang gagawa?"
Natawa siya at hinaplos ang kanyang buhok. "Malakas ako sa strand coordinator namin. Type ata ako," puno ng yabang niyang sabi.
"Kaya ayoko sa Senior High ng Hasse magturo, masyadong maraming paperworks." Bumagsak ang tingin ko sa mug ng kape ko.
Hindi siya nagsalita kaya muli ko siyang nilingon. Nakakunot na ang noo niya habang nakatuon ang tingin sa akin.
"Natulog ka na ba?" tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ko.
Hindi ako sumagot. Mahina niyang sinuntok ang balikat ko.
"Aba, Loire, bakit hindi ka natulog?" walang galang niyang tanong.
Mas sumeryoso ang mukha ko pero parang wala lang 'yon sa kanya.
"Madalas kang puyat sa trabaho, madalas din ang pakikipagkita mo sa mga babae mo, tapos hindi ka pa natutulog? Anong trip mo? Gusto mong magpakamatay?"
Kinuha ko sa harapan ang mug at inubos ang laman nito. Iniabot ko ito sa kanya. "Pagtimpla mo ako."
"Tinatanong kita! Papakamatay ka ba?" nalukot nang husto ang noo niya.
"Gago ka ba? Ba't ako magpapakamatay?"
Kinuha niya sa kamay ko ang mug at napairap.
"Isa pang tawagin mo ako sa pangalan, Hugo, palalayasin kita sa bahay," banta ko nang tumayo siya papunta sa kusina.
"Palayasin mo! Akala mo kaya!" sigaw niya at nawala na siya sa paningin ko.
Dumekwatro ako at inihanay ang mga braso sa magkabilang bahagi ng sofa. Isinandal ko ang ulo rito at mariing pumikit.
Pagkabalik ni Hugo ay padabog niyang inilapag sa table ang isang basong kape. "Sumusobra na ang kapeng dumadaloy sa dugo mo. Akala mo mabuti 'yan. Minsan hindi ko maintindihan kung ikaw ba talaga ang panganay o ako, e."
I opened my eyes and he didn't show any emotion. Iniwan na niya ako at umakyat na siyang muli sa sariling kwarto.
Pangatlong klase ko na pero wala pa ring makalapit sa akin na estudyante. Mukha silang takot na takot sa akin. Pagkatapos ng klase ko sa 2nd year Mathematics major students ay nilapitan ko si Mona, ang president ng klase.
She gave me a sly smile. "Bali-balita po na may nasigawan ka na 1st year, Sir. Kaya wala masyadong nagsisagot sa recitation." Inilibot niya ang tingin sa classroom.
Ganoon din ang ginawa ko at hindi pa rin makatingin sa akin ang mga estudyante. I just nodded my head and patted her on the shoulder.
"Sige, maiwan na kita. Thank you, Mona."
Tumango siya. Isa siya sa mga estudyante na malaki ang respeto sa akin bilang professor.
"Okay po, Sir." Kinuha niya ang mga libro at bag niya sa upuan. Inunahan ko na siya paglabas dahil inaantok na rin talaga ako.
I was vacant for 2 hours so I used the opportunity to rest. Isinandal ko ang ulo sa swivel chair at iniikot ito para sa pader ako nakaharap, at hindi ako mapansin ng mga kasamahan ko na tulog.
"Sir Loire..."
May kumatok sa table ko dahilan kung bakit ako nagising. Iniikot ko ang swivel chair at nakatayo sa harap ng table ko si Ma'am Ruby.
"Tara na sa meeting room?" aya niya. Doon ko lang naalala ang faculty meeting namin. "I'll wait for you outside."
Tumango ako at tiningnan ang sarili. Sinigurado ko na ayos ang buhok ko at itsura bago lumabas.
Ma'am Ruby smiled at me as we started walking in the corridor. "Oo nga pala, nakita ko si Isla kaninang tanghali. Nagkakagulo kasi ro'n sa building nila kaya hindi ko napigilan makiusyoso."
Nilingon ko siya ngunit hindi ako nagsalita.
"May manliligaw siya sa labas ng room nila. May dalang bouquet ng red roses at chocolates 'yong lalaki. Grabe talaga ang karisma ni Miss Silva, ano?"
"Sobrang ganda po talaga ni Isla, Ma'am Ruby."
Sabay kaming napalingon sa kung sinong nagsalita sa aming likuran. May grupo ng estudyanteng lalaki na mukhang patungo sa HRM building.
"Dude, hindi ka man lang nahiya. Nakikisali ka sa usapan ng mga professor," awat noong kaibigan nito. "We're sorry, Ma'am and Sir."
Nakalabas kami ng building at ibinalik ko ang tingin sa daan, ganoon din si Ma'am Ruby.
"Mabuti na lang talaga hindi sinagot ni Isla ang lalaking 'yon. 'Di sila bagay. Ang bagay sa kanya ay lalaking kayang ibigay ang lahat sa kanya."
Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang mga estudyante sa aming likuran.
"Bakit ikaw? Kaya mo, Leo?"
"Hoy, gago ka, Gino! Anong akala mo kay Leo, walang pera? Kung magiging sila ni Isla, tiyak na spoiled 'yon sa kanya."
"I-spoil ko talaga, Rod. Tangina, sarap imagine-in ng babaeng 'yon kapag nasa CR ako."
Malakas silang nagtawanan at mukhang hindi na 'yon narinig ni Ma'am Ruby. Papasok na kami sa meeting room nang nahagip ng mga mata ko ang barkada ni Miss Silva. Awtomatikong tumigil ang tingin ko sa kanya.
Nakasuot siya ng black high waist skinny jeans at maliit na cream na pang-itaas, na halos ilitaw na ang midriff niya. Malapit ang cafeteria rito sa meeting room ng College of Education kaya normal na dumaan sila rito.
"Binasted mo talaga, Isla? Ayaw mo tikman?" tanong noong kaibigan niya na HRM student.
Tumango si Miss Silva. "Pass muna, sis. Baka ayawan niya ako, e."
"Sino?" halos sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan niya.
Hindi sumagot si Miss Silva at tipid lang siyang ngumiti. Humarap ako sa pinto ng meeting room kung saan kanina pa nakapasok si Ma'am Ruby.
"Uy, sino?"
"Malihim ka na ngayon, Isla?"
"Hoy, pokpok! Sagot!"
Pumasok na ako at tumabi kay Ma'am Ruby. Kahit nagsimula na ang meeting ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig at nakita ko.
Papalubog pa lang ang araw nang naisipan kong pumunta sa likuran ng Business building. Inilabas ko ang cell phone sa aking bulsa at nagtipa ng mensahe.
Me:
Likod ng building.
Wala pang isang minuto nang nakatanggap ako ng reply niya.
+639*********
Miss mo 'ko?
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yabag. Inangat ko ang tingin mula sa aking paanan at nagtama ang aming mga mata.
Tinamaan siya ng liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Unti-unti siyang ngumiti at patakbong lumapit sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong yakapin.
"'Pag may nami-miss akong tao at nagkita kami, niyayakap ko talaga. Ako na mismo ang gumawa dahil alam kong miss mo 'ko."
She sniffed my neck so I pushed her and she stepped back. Maaliwalas ang kanyang mukha at nagniningning ang mga mata niya. Hindi ko itatangging tama ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya.
Mula sa mga mata niya ay bumagsak ang tingin ko sa kanyang tiyan. "Anong suot 'yan?"
"Damit."
Napabuntonghininga ako at muling tumingin sa mukha niya. "Where are you now?"
Kinagat niya ang loob ng kanyang pisngi na tila pinipigilan ang muling pagngiti. "Sa puso mo."
"Miss Silva, I don't have time for your jokes."
Nagtagal ang paghinang ng mga mata namin. Bumagsak ang tingin ko sa sneakers niyang puti na may touch na kulay cream at itim na sintas. It had the double-C logo.
"Nag-lunch ka ba?" bigla niyang tanong.
Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay seryoso na ang kanyang mukha. Tumango ako.
"I heard that you shouted at a student earlier. Why? Are you okay? May ginawa ba siya sa 'yo? Binastos ka ba?" sunud-sunod niyang tanong at tumabi sa akin. Sumandal din siya sa puno.
Hindi ako sumagot.
"Kaya hindi rin kita pinuntahan kanina kahit gustung-gusto kitang makita. Kalat kasi na mainit ang ulo mo."
"Natatakot ka rin sa akin?" tanong ko.
Umiling siya at nilingon ako. "Hindi. Ayoko lang guluhin ka."
Tiningnan niya ang mga daliri niya sa kamay. She had a colorless nail polish which made her hands look more expensive. Naalala ko ang usapan noong mga kolehiyong lalaki.
"Narinig kong may manliligaw ka raw kanina? Sinagot mo ba?"
Natigilan siya sa tanong ko. Nagkatinginan kami.
"Nope."
"Why?"
Tumitig siya sa mga mata ko. Nag-iwas ako at tumikhim.
"'Cause I already like someone."
Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Wala nang umimik hanggang sa umupo siya at ini-stretch ang mga binti sa damuhan. She tapped her lap and smiled.
"Come, sleep here."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa tumaas ang kilay niya at muling tinapik ang kanyang kandungan.
"Naghikab ka. You look like you didn't sleep last night. I'm offering you a good nap here."
Hindi ko 'yon namalayan. Hindi pa rin ako gumalaw at natawa siya.
"Sabagay, tatanggi ka. Estudyante nga pala ako rito. Kapag may nakakita sa atin—"
Umupo ako at biglang humiga sa kanyang kandungan. Napansin ko ang bahagya niyang paglunok. Ipinikit ko ang mga mata.
"Loire..."
"Wala naman sigurong pupunta rito ng ganitong oras."
Hindi siya nagsalita hanggang sa lumapat ang kamay niya sa buhok ko. She caressed my hair as if she was so used to doing it.
"I can't believe that you..." she couldn't finish her sentence.
"Shh. I'm here to take a nap."
Nagpatangay ako sa antok at nagising lang ako dahil may pumatak sa aking pisngi. I opened my eyes and saw Miss Silva sleeping. Bumangon ako at dahil doon ay nagising na rin siya.
"Umaambon." Tumayo ako.
Gumaya siya at pinagpagan ang jeans niya at ang damit. "Did you have a good nap?"
Hindi ako sumagot. Nakita ko na lang ang sarili na nagsimula nang humakbang.
"Loire!" tawag niya sa akin.
Napatigil ako.
"Iiwan mo ako rito na wala man lang sinasabi na kahit ano?" tanong niya na mahihimigan ang pagkalito sa boses.
Nilingon ko siya at nakatingin lang siya nang deretso sa akin.
"Hintayin mo ako mamaya. Sabay tayong umuwi."
I didn't wait for her reaction and went back to the faculty room. Pabagsak akong napaupo sa swivel chair. Napahilamos ako sa mukha at hindi napigil ang pag-igting ng panga.
Tangina.
Pagkatapos nga ng huling klase ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Miss Silva.
+639*********
Nasa room 510 ako. Umuwi ka na kung hindi mo ako mahihintay. May tinatapos lang ako.
Nakatitig lang ako sa text niya. Ibinaba ko ang cell phone sa table at dumampot ng paper cup sa tabi ng water dispenser. Uminom ako at sumandal sa pader.
Matagal ako sa ganoong tayo nang nag-beep ang cell phone ko. Kinuha ko ito.
+639*********
Nakauwi ka na ba?
Iniligpit ko ang mga gamit ko at pinatay ang mga ilaw. Wala nang masyadong estudyante. I walked down the long hallway of Business building and searched for the room.
Nasa pinto na ako ng room 510 nang narinig ko ang mga nagtatalong boses sa loob.
"Paulit-ulit tayo! Sinabi ko nang hindi kita gusto! Ano bang hindi mo maintindihan doon?" sigaw ni Miss Silva.
"Isla, nagpakita ka rin ng motibo sa akin! Kaya nga ngayon ko hiningi ang sagot mo dahil alam kong may nararamdaman ka rin sa akin! We even kissed, right? Noong birthday ko!" A guy shouted back.
Tumawa si Isla. "Excuse me, Darryl? I kissed you back that time 'cause you wanted it first. Regalo ko na rin kasi birthday mo."
"So you're just playing around, huh?"
"Hindi porke hinalikan kita, e may nararamdaman na ako sa 'yo," inis ang boses na sabi ni Miss Silva.
"Ang gago mo, Isla! Paasa ka!"
"Umasa ka," aniya. "I didn't say I like you. We just kissed. And haven't you heard what kind of a girl I am?"
"Tangina, hindi pwedeng ganito!"
Wala na akong narinig mula sa loob. May kung ano akong naramdaman at binuksan ko ang pinto. Napatingin ako sa table kung saan na-corner ng lalaki si Miss Silva.
The guy was kissing her harshly, but she didn't even dare to move. Parang wala lang sa kanya ang ginagawa ng lalaki.
"Kissing in the school premise? It's a major offense," I said.
Humiwalay ang lalaki sa kanya at natigilan ito sa kinatatayuan nang napagtanto kung sino ako. Bumakas sa mukha nito ang takot.
"Anak ka ng mayor. Tama ba, Mr. Lozaar?" tanong ko.
Inilipat ko ang tingin kay Miss Silva na deretso lang ang tingin sa lalaki sa harapan niya.
"Are you satisfied now?" she asked him. "Sana nakuntento ka na sa ginawa mo. A guy like you is not my type. Hindi ako nakukuha sa pera. Hindi ako nakukuha sa mga regalo. You're a loser, Darryl."
Pabalik-balik ko silang tiningnan. Mr. Lozaar couldn't open his mouth, looking afraid, obviously because they were being caught in the act.
"Tinatanong ka ni Sir. Asan na balls mo? Lumubog na ba?" Pinahiran niya ang sariling mga labi gamit ang likod ng kanyang kamay. "Patawag n'yo na lang kami bukas, Sir Loire. I don't care if we'll get suspended for days because of this dickhead."
Umalis si Miss Silva sa pagkakasandal sa teacher's table at inirapan ang lalaki.
"FYI lang, I accepted your gifts but I don't use them. Kung gusto mo, pa-deliver ko sa inyo bukas lahat. 'Yong chocolates kinain ng friends ko, pero 'wag kang mag-alala kasi kaya ko naman paltan lahat ng 'yon. Honestly, ayokong tumanggap ng kahit ano sa 'yo kaso ayokong mapahiya ka sa mga tao rito. Ayokong harap-harapan na natu-turn down ang anak ng mayor. Dapat nga pasalamat ka pa, e. Pero kanina, hindi ko na talaga kinaya, sorry ha? OA ka na kasi. Hindi mo ako girlfriend pero kung ipagdamot mo ako sa iba, 'kala mo pag-aari mo 'ko. Eww ka!"
Matapos nang mahabang litanya ay nilagpasan na niya ako. I looked at Mr. Lozaar once more before I followed her.
Nakarating kami sa parking na tahimik lang siya. Kinuha niya sa kamay ko ang helmet at sinuot niya 'yon. Sumakay kami.
Nilingon ko siya nang hindi siya kumapit sa bewang ko. "Baka mahulog ka."
Napabuntonghininga siya bago pinagapang ang mga kamay sa akin.
"Nakakainis! Kadiri si Darryl. Ang laway-laway niya humalik!"
Pinaandar ko na ang motor. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang nadatnan ko.
"Hinayaan kong halikan niya ako kasi naisip ko na baka 'pag pinagbigyan ko, tigilan na niya ako."
Pinaharurot ko ang takbo at humigpit ang yakap niya sa akin. Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Ibinalik niya sa akin ang helmet pero hindi ko ito kinuha.
"Uy, masyado kang seryoso. Ano bang iniisip mo?"
I didn't answer her. Naglakad ako sa pinto nila at nagtataka siya na sinundan ako.
"My lola is not here. Akala ko ihahatid mo lang ako," sabi niya at binuksan ang pinto.
Nauna akong pumasok at nakasunod lang siya sa akin. Umakyat ako sa hagdan at batid ko ang pagkalito niya sa ikinikilos ko.
I sat on her bed and looked at her. Nakakunot ang kanyang noo at halatang hinihintay na magsalita ako.
"Are you crazy?" I asked.
Mas lalong nabalutan ng pagkalito ang mukha niya. "What are you saying?"
"What if the guy did something bad to you? Paano kung hindi ako dumating?"
Nakatingin lang siya sa akin. "Is this another way of showing concern 'cause I'm a student of Hasse?"
Hindi ako sumagot at tumabi siya sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko. Alam ko rin ang ginagawa ko."
Tumingin ako sa kawalan. Hinawakan niya ang braso ko at lumipat ang tingin ko roon.
"But I wanna say thank you. Mukhang talagang titigilan na ako ni Darryl kasi nahuli mo kami."
"You sounded happy that I caught you red-handed," I commented.
Mahina siyang tumawa. "Funny kasi. 'Yong itsura ni Darryl, 'di mawarian. Hindi ko akalaing makikita ko siya na ganoon. Kulang na lang maihi siya sa pants."
Nilingon ko siya at hindi pa napapawi ang tawa niya. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tumayo.
"Bayaran mo 'ko sa paghahatid ko sa 'yo pag-uwi. I'm hungry."
I went out of her room and heard her footsteps behind me. Nakababa kami at inunahan na niya ako paglalakad papasok sa kusina.
"Anong paborito mong ulam?" tanong niya sa akin.
"Adobong atay."
Napapalakpak siya. Agad siyang lumapit sa refrigerator at binuksan 'yon. "Mabuti na lang pumunta sa market sina manang kaninang umaga. I think may atay naman dito."
Binuksan niya ang mga compartment ng ref at may inilabas siya na naka-plastic. Agad niya 'yong dinala sa sink at hinugasan.
Kinuha niya ang nakasabit na apron malapit sa ref at lumapit sa akin. Inginuso niya ang upuan. Nakuha ko ang gusto niyang gawin ko kaya umupo ako.
"Hintay ka lang po, ah?" Matamis siyang ngumiti at ipinagpatuloy na ang pagkilos sa kusina.
Inilabas ko ang cell phone ko at binuksan ang messenger. Nakita ko ang message ni Hugo sa GC naming magkakapatid. Binuksan ko ito na ang pangalan ay yummy brothers. Hugo was the one who created the GC three days ago.
Hugo
Anong oras na?! Hindi pa kayo umuuwing dalawa!
Primo had already seen the message but he didn't reply.
Hugo
Mag-reply kayo, mga gago!
Loire
Kahit sa chat napakaingay mo.
Hugo
Wala akong magawa rito sa bahay. Uwi na kasi kayo.
Primo
I'm driving.
Hugo
Dalian mo. Ikaw, Kuya?
Loire
Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi.
Hugo
Nasa babae mo na naman ikaw.
"Who are you chatting with?"
Umangat ang tingin ko kay Miss Silva na nakapangalumbaba sa kitchen counter habang nakatingin sa akin. "My brothers."
"Mukhang super close n'yo."
Tumulo ang pawis niya sa noo pababa sa gilid ng kanyang mukha. Pupunasan niya sana 'yon ngunit napatigil siya nang naalalang basa ang mga kamay niya.
I rose from my seat and walked towards her. Kumuha ako ng tissue na nasa countertop at pinaharap siya sa akin.
Halata ang gulat sa mukha niya nang idampi ko 'yon sa noo niya pababa. I even saw her gulp. Nang napatingin ako sa mga labi niya ay agad akong tumalikod at itinapon ang tissue sa trash bin. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina.
"Maluluto na 'to. Wait lang," sabi niya.
Inangat ko ang tingin at pansin ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa sandok. Nilingon niya ako at agad akong nagbawi. Saglit pa ay naghanda na siya ng pagkain sa mesa. Inilapag niya ang plato sa harapan ko at isa rin sa kanya.
I cleared my throat when she sat in the chair across me. "Nasaan mga katulong n'yo?"
"Wala. Pinapauwi ko sila kapag umaalis si Lola. Gusto ko kasi na mag-isa lang ako sa bahay."
"Para magawa mo lahat ng gusto mo?"
Dinampot niya ang utensils at inangat ang tingin sa akin. "What do you mean?"
"Pagdadala ng mga lalaki rito."
Naibaba niya ulit ang utensils sa plato at natawa, pero hindi siya nagsalita.
"What's funny?"
She just shook her head and started eating. Hindi na rin ako nagsalita at sinimulan na rin ang pagkain nang napagtanto ko na tumagal ang tingin ko sa kanya.
Iniligpit niya ang pinagkainan. Gusto ko nga siyang tulungan pero pinigilan niya ako at itinaboy rito sa living room.
"Uuwi na ako," sabi ko nang umupo siya sa tabi ko, pagkatapos niyang maghugas ng mga pinagkainan namin.
Pawis-pawisan na naman ang mukha niya. Kakaupo niya lang ay tumayo na ulit siya. "Sige, kunin ko lang 'yong helmet mo sa kwarto. Naiwan mo ro'n, right?"
Tumango ako. Pinanuod ko siya pag-akyat ng hagdan. Ilang minuto na ang nakalipas nang naisipan ko na sundan siya at ako na mismo ang kukuha ng helmet dahil nagtagal na siya roon.
Pagpasok ko ay natigilan ako nang nakita siya na nakatalikod at akmang tatanggalin ang bra niya. Nilingon niya ako at pareho kami ng reaksyon.
Nagtama ang mga mata namin.
"You don't know how to close the door," I said.
Gumalaw ang mga paa ko at lumapit sa kung saan nakapatong ang helmet. Patalikod na ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko.
Iniharap niya ako sa kanya at bumagsak ang tingin niya sa sariling dibdib. My gaze went down at where she was looking at.
Halos magkasing kulay na ang kutis niya at ang tanging suot na tumatakip sa kanyang dibdib.
"Ang hilig mo talagang umalis nang walang paalam," halos pabulong niyang sabi.
Pansin ko ang kanyang paglunok. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Pinigil ko ang sariling magmura nang naghinang ang aming mga mata.
"Magbihis ka," mariin kong utos.
"Magbibihis talaga ako noong pumasok ka. I'm sweating. Nahihiya ako dahil amoy pawis na ako."
"How about this? Hindi ka nahihiya sa itsura mo ngayon?" Kinunotan ko siya ng noo.
Binitawan niya ako. "Bakit pa ako mahihiya? E nakita mo na."
Umupo siya sa kama at tila nawala na ang kaninang kaba na nakita ko sa mga mata niya. Iniwas ko ang tingin sa katawan niya dahil na rin sa ikli ng kanyang suot na shorts.
"Miss Silva, ano ako sa eskwelahang pinapasukan mo?"
"Professor."
Ramdam na ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa akin.
"How about you?"
"A student."
Hinarap ko siya at ganoon pa rin. Nakatingin ang magaganda ngunit mapangahas niyang mga mata sa akin.
"May mga pakiramdam na hindi natin naiiwasang maramdaman," mahina niyang sabi.
Her eyes were like talking to my soul. Nang hindi ko na napigilan ang sarili ay tinungo ko siya at sinunggaban ang malalambot niyang mga labi.
Lumuhod ako sa harapan niya at naramdaman ko ang pag-angat ng mga kamay niya sa buhok ko. She kissed me back with the same intensity, making me forget who she was.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top