Chapter 4

Chapter 4

Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi dahil na rin sa sunud-sunod na pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko. I just had my lunch and was resting for a while before my next class.

Pagkatapos kong ihatid si Miss Silva sa bahay niya kagabi ay umuwi na rin agad ako. Iyon nga lang ay hindi agad ako natulog dahil sa chats nila Genesis sa akin. They thought I had brought her somewhere and did something to her.

"Genesis, come on! Stop with your nasty thoughts. Hinatid ko lang siya sa bahay nila at umuwi rin agad ako."

"Pinapaalalahanan lang din kita, Loire. 'Wag na 'wag mong ilalagay sa alanganin ang pangalan at lisensya mo."

I laughed and got my ass off my swivel chair. Kumuha ako ng tubig sa water dispenser at uminom.

"Hindi ako mahilig sa college student, Genesis," sabi ko at napailing.

"Talaga lang, ha? Hindi mahilig mag-girlfriend ng college student o tumira ng college student?"

Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilin ang muling pagtawa. Napansin ko na nakatingin sa akin si Ma'am Ruby. Kinunotan ko siya ng noo. Si Professor Corelio ay busy sa kung anong forms na nasa sarili nitong table.

Iniwas ko ang tingin kay Ma'am Ruby at medyo hininaan ang boses, "I don't fuck girls her age so she's off limits."

"Hindi ako naniniwala sa 'yo, Mr. Donovan. Iba ang tingin mo kay Miss Silva kagabi."

"Bahala ka sa buhay mo. Isipin mo ang gusto mong isipin. D'yan ka na at malapit na ang klase ko."

Ibinaba ko na ang tawag kahit siya mismo ang tumawag sa akin. I threw the paper cup into the trash bin and gave Ma'am Ruby a small smile. Dinampot ko ang laptop sa table at lumabas ng faculty room.

Itinutok ko ang sarili sa trabaho at hindi pinansin ang mga text na natatanggap ko mula kay Miss Silva. Last night was enough. Napagbigyan ko na siya sa gusto niya.

Dumaan ang mga araw na nagtagumpay ako sa pag-iwas sa babaeng iyon. Pero, Lunes, naglalakad ako sa hallway ay namataan ko siya na lumapit sa grupo ng mga babae. Pito sila sa bilang kasama siya.

"Good morning, mga pokpok!" malakas niyang bati na tila walang pakialam sa kung nasaan siya.

Binati rin siya ng mukhang mga kaibigan niya mula sa iba't-ibang colleges. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Malapit na ako sa kanila nang narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"How's that guy, Isla? Masarap ba?" tanong ng babae na naka-uniporme na pang HRM.

"Masarap humalik," natatawang tugon ni Miss Silva.

"So may nangyari ba? Daks ba?" tanong naman ng babaeng naka-nursing cap.

"Uy, gags! 'Gang, make out lang ako. Pero oo, daks. Pinahawakan niya sa akin. Ang haba at taba, sis. Mabubulunan ka."

I cleared my throat and they turned their faces to my direction. Umabante ako palapit sa kanila, iba't-ibang reaksyon ang natanggap ko mula sa mga kaibigan niya.

"Girls, you're in Hasse, a school," I said in a serious tone. "Pakihinaan ang boses. Kung ibang professor o teacher ang nakarinig sa inyo, baka kung saan na kayo pulutin."

Natawa iyong HRM student at tumitig sa mukha ko. "This is the first time I hear your voice, Sir Loire. Totoo nga ang sabi nila, pati boses mo ang hot."

Humigpit ang hawak ko sa libro at tuluyan na silang nilagpasan. Malapit na ako sa faculty room nang may humawak sa braso ko at hinila ako sa likod ng building.

Binitawan ako ng babae at hindi ako nagkamali nang nakita na si Miss Silva siya.

Sumandal siya sa pader at masama ang tingin na ipinukol sa akin. "Why are you ignoring my texts and calls?"

"Am I obligated to read and answer them?"

Patalikod na ako para iwan siya ngunit muli siyang nagsalita, "hindi pa ako tapos sa 'yo, Sir Loire. Nagsisimula pa lang ako. You can't turn your back after giving me a chance to be with you that night."

Pagak akong natawa. "Hindi ako katulad ng mga lalaking dumadaan sa mga kamay mo, Miss Silva. Professor ako at estudyante ka rito. I don't know why you're doing this, but to be honest, you are really annoying."

Tumaas ang kilay niya at lumarawan ang hilaw na ngisi sa magaganda niyang mga labi.

"Naiinis ka? Bakit?"

"Masyado kang papansin," mariin kong sabi.

"Oh? Effective naman, 'di ba?" Lumapit siya sa akin at inayos ang collar ng puti kong long sleeve polo. "Mainis ka hangga't gusto mo. Sa susunod, wala na ang salitang inis, gusto na lang 'yan."

Pinalis ko ang mga kamay niya, at bahagyang umatras dahil sa lapit namin sa isa't-isa. I could even smell her expensive perfume.

"Hinayaan kitang gawin ang gusto mo sa loob ng isang linggo, which includes avoiding me." Binasa niya ang mapula niyang mga labi. I didn't know if that was natural or she had put something on it. "Don't stare at my lips. Maganda talaga 'yan."

Umangat ang tingin ko sa mga mata niya.

"I prayed to God last night to give me a sign. Sinabi ko na kapag nilapitan mo ako ngayon, that just means may pag-asa tayo. And you did."

Umangat ang sulok ng mga labi ko. "You're crazy. You even believe in signs."

"Oo naman. Malandi ako at bastos pero marunong akong mag-pray."

Matamis siyang ngumiti at muling lumapit sa akin. Inilibot ko ang tingin sa paligid dahil baka may makakita sa aming dalawa.

"Narinig niya nga ako kagabi. 'Cause here you are, trying your best to resist me." Humawak siya sa dibdib ko. Gumalaw ang panga ko nang haplusin niya ito.

"Alisin mo ang kamay mo d'yan!"

Tumaas ang kilay niya, hindi ako sinunod.

"Isa!" banta ko.

"Kahit bumilang ka pa hanggang sa maubos ang numero, hindi ko susundin ang gusto mo."

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit itong inalis. Lumayo siya sa akin at muli siyang sumandal sa pader. Doon ko napagmasdan ang suot niya.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko.

She was wearing a grunge black and white checkered grid front zipper skirt, partnered with a white sleeveless crop top, and a pair of white branded sneakers.

"Naiinitan ako, bakit ba?" Tiningnan niya ang sariling suot.

"Paano ka nakapasok nang ganyan?"

She looked at me with furrowed forehead. "I just drove my car inside. Hindi naman nila tsine-check ang suot ko."

I let out a sigh and said nothing. Tumalikod na ako at paalis na nang muli siyang nagsalita.

"Gustuhin mo na ako. Sawa na akong makipaghalikan sa mga lalaking wala akong feelings."

Iniwan ko siya at pumasok na ako sa faculty room.

The day went smoothly and also my classes. Ramdam ko na inis na inis sa akin ibang estudyante dahil sa dami ng activities na ibinibigay ko sa kanila. Ganoon talaga. We were readying them to the real world so they had no choice but to do the things that would help them. Hindi namin sila pinapahirapan. Sadyang kailangan lang na matuto silang pagsabay-sabayin ang pinagagawa ng professors sa kanila, dahil kapag sila na ang nagtatrabaho, mare-realize nila kung para saan ang ginagawa nila ngayon. It wasn't always the application of knowledge, it was how you deal with different situations and challenges in life.

Natapos ang klase ko at sumandal ako sa swivel chair. I closed my eyes and massaged my temples. Pagod ako dahil sa pinagpuyatan kong exams kagabi.

Hindi ko alam kung oras ba ang naitulog ko kaya agad akong napabalikwas sa upo. Kumunot ang noo ko nang nakitang nakapatay ang ilaw. Kinapa ko ang cell phone sa bulsa ko at binuksan ang flashlight nito.

Lumakad ako papunta sa switch at bubuksan na sana nang may narinig akong paggalaw.

"You looked so tired that's why I didn't wake you up."

Nakilala ko ang boses. Hinanap ko siya at ilang dipa lang ang layo niya sa akin.

"Ang swerte naman ng babae mo kagabi. Pinagod mo ata. Ikaw kasi mismo, pagod din." Bumuntong-hininga siya.

Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Siguro kung ibang tao ako ay kumaripas na ako ng takbo sa labas.

Humarap ako sa switch at tuluyan nang binuksan ang ilaw. Nang nagliwanag ay saglit akong napapikit.

"Why did you turn off the lights?" I asked as I went back to my chair.

Lumapit siya sa table ko at umupo sa harapan. Humilig siya sa upuan at antok na ang mga mata.

"Anong oras na?" tanong niya.

Tumingin ako sa orasan at agad na ibinalik ang tingin sa kanya. "10 pm."

She nodded her head.

"Bakit ka nandito?"

"I just want to see you before I go home. Ang kaso mo, nag-enjoy ako na panoorin ka pagtulog kaya hindi na ako nakauwi."

Ibinaling niya ang mukha sa akin at antok na ngumiti.

"Pinagtaguan ko rin ang mga barkada ko. Inaaya nila akong mag-inom pero marami pa rin kasi akong gagawin. 'Pag nalasing ako, baka hindi ako makapagpasa bukas sa taxation and income tax laws."

Sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit at dinampot ang bag ko. Pinatay ko rin ang aircon at hinugot ang water dispenser.

Tumayo siya at lumabas ng faculty dala ang gamit niya. I locked the door before walking down the hall with her beside me.

Nasa parking lot na kami nang napansin ko na nakatingin lang siya sa jeep ko. Humarap ako sa kanya at nilingon din niya ako.

"Itigil mo na ang ginagawa mo, Miss Silva. I'm no good for you."

Pumasada ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. "What are you saying? Bagay na bagay ka nga sa akin."

I heaved out a sigh and gripped the key in my hand. "Seriously, you're creeping me out. Makikita na lang kita sa faculty room na pinapanood akong tulog? Daig mo pa ang multo."

She let out a hearty laugh. "Hey, I didn't mean to scare you. Ayoko lang talagang iwan ka mag-isa. Ikaw na lang ang nandito sa Hasse maliban sa nagra-rounds na guards at utility men."

"What I'm implying here is you shouldn't do this."

"What? Liking a professor?" Tumaas ang kilay niya. "You can't stop me from doing what I want. Kapag may gusto akong gawin, ginagawa ko. Kapag may gusto akong makuha, kinukuha ko."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at sumakay ng jeep. Naglakad na rin siya palapit sa kulay itim na Range Rover Evoque.

Hinintay ko muna na makaalis siya bago ko ini-start ang sasakyan.

Primo and Hugo were playing Mobile Legends when I got home. Umupo ako sa tabi ni Hugo. Sinulyapan niya ako at ibinalik din agad ang tingin sa phone niya.

"May problema ka ba? Iinom na ba natin?" tanong ni Hugo.

Sumandal ako sa sofa at tumingala sa kisame. "May beer pa ba? Labas tayo sa veranda."

Batid ko ang pagtingin sa akin ni Primo pero hindi siya nagsalita. Nag-inom nga kami at pagkatapos ay naligo ako.

As I was showering, her face, when I saw her in the dim with the help of my phone's flashlight, came back to my mind. Ang lakas ng trip ng babaeng iyon.

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil iniwan ko sa faculty ang trabaho ko. Sa bench, kung saan ko nakita sila Miss Silva kahapon, ay napatingin ako.

Nandoon ulit siya. Kinawayan niya ako bago may sinabi sa mga kaibigan at tumakbo palapit sa akin.

"Pogi ng motor mo. Pasabay pag-uwi," aniya.

Nilingon ko siya at malawak ang kanyang ngiti. As usual, she was wearing a skirt again. Kulay light mustard ito at nai-partner niya sa plain white shirt na hapit sa katawan niya. Bumagsak ang tingin ko sa sneakers niyang puti rin na sigurado akong hindi iyong suot niya kahapon. Nabasa ko pa ang kulay gold na pangalan ng sapatos sa tabi ng stitches malapit sa laces at sa tongue nito.

Dolce & Gabbana.

Muli kong ibinalik ang tingin sa mukha niya. Ngunit nang lingunin niya ako ay inilihis ko ang mga mata at nagpokus sa paglalakad.

"You have a car. Bakit kita isasabay?"

She chuckled and walked past me. Hinarap niya ako at naglakad patalikod.

Agad kong nahaklit ang bewang niya nang muntik na siyang mauntog sa bulletin board. Batid ko ang gulat niya at umangat ang tingin sa akin.

She gulped when our eyes met. Binalewala ko ang tingin ng ibang mga estudyante na dumadaan.

Marahan ko siyang binitawan at iniwas ang tingin. Ang ganda ng mga mata niya na halos makita ko na ang repleksyon ko roon.

Nilagpasan ko siya at pilit niya akong sinabayan. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa nang tumunog ito. Si Hugo lang ang nag-text kaya ibinalik ko rin ito sa bulsa.

"Sabay ako sa 'yo mamaya, ha?" Tinusok niya ng daliri ang tagiliran ko.

Tiningnan ko siya at uulitin pa niya sana iyon, ngunit tumigil na ang hintuturong daliri niya sa ere. Ngumuso siya at inirapan ako.

"Silence means yes, right?" May kinawayan siya, kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. There was a guy leaning against a pole near the Business building. "Puntahan kita sa faculty n'yo mamayang uwian. Wait mo 'ko, oks?"

Sinulyapan niya ako bago tumakbo palapit doon sa lalaki. The guy was looking at me intently as if I did something wrong to him. Humalik siya sa pisngi ni Miss Silva.

Lumiko ako sa building namin. Pagpasok ko sa faculty room ay si Professor Andres pa lang ang nadatnan ko.

"Nakita ko ang nangyari sa corridor. Baka lang pag-isipan ka nang masama ng mga tao, Professor Donovan," concerned na sabi niya.

"Ma'am Cyrine, problema na nila 'yon. Muntik nang tumama ang ulo ni Miss Silva sa bulletin board kaya nahawakan ko siya."

She went back to typing on her laptop. Tipid siyang ngumiti at uminom sa kanyang kape. "Many guys have a crush on that student. Parang modelo ang babaeng 'yon sa ganda ng mukha at sa inam ng katawan."

Sumandal ako sa table ko at naalala ang nangyari rito sa faculty. Naiiling akong tumingin sa kinatatayuan ni Miss Silva kagabi.

"Alam mo ba ang usap-usapan tungkol sa kanya? Dito siya pinag-aral ng parents niya dahil gabi-gabi siyang nasa bar o club no'ng sa Manila pa nag-aaral. Kaya ilang araw pa lang n'ong first year siya e, pinatapon na agad dito."

Bumaling ako kay Ma'am Cyrine. Nakatingin na siya muli sa akin at nakatuon ang baba sa magkasalikop na mga kamay.

"A party girl, always drunk at night, and is always seen with different guys. I can't understand teenagers nowadays. Parang normal at hobby lang ang pakikipag-sex. Don't they feel dirty about themselves?"

My lips formed into a thin line before speaking, "are you saying that she's a fuck girl?"

If I was not mistaken, Professor Cyrine Andres was just a year older than me. Hindi ganoong kalayo ang agwat ng edad namin kila Miss Silva kaya dapat ay nauunawan niya sila. Not like this. Hindi niya dapat sinasabi sa ibang tao ang tungkol sa nalalaman niya sa isang estudyante.

"If you can't understand their generation, let's just stop spreading or sharing hearsays about them."

Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Are you mad, Sir Loire?" Nagpilit siya ng ngiti na parang na-offend sa sinabi ko.

Umiling ako at umupo na sa swivel chair. Nagsimula na akong magtrabaho hanggang sa oras na para magturo.

I was about to enter the room of my first class when someone called me. Hinanap ko kung sino iyon at nakita si Miss Silva sa dulong bahagi ng Education building. Malapit lang ito kaya narinig ko ang pagsitsit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya nang bigla siyang may kinuha sa bag niya.

Notebook at marker. She wrote something in it and raised her notebook.

GWAPO MO. KAINIS!

I shooed her away. Pagpasok ko ng room ay hindi ko napigilan ang mapangiti.

Baliw ang babaeng iyon.

Natapos ang klase at nilapitan ako ng dalawang babaeng estudyante. Kumunot ang noo ko dahil sa inaabot nila sa aking box ng chocolates.

"Thanks," sabi ko na lang.

Lumipat ako sa kabilang room kung saan ang sunod kong klase. Good thing, I was used to my everyday routines.

Nag-ayos ako ng gamit at nagsiuwian na ang mga professor maliban sa akin. Someone knocked on the door before opening it. Pumasok si Miss Silva at sumandal sa pinto, pinanood ako sa ginagawa.

"Grabe, lagi kang late umuwi. Hindi ka ba natatakot na mag-isa rito?

"Bakit ako matatakot?" Ipinasok ko ang laptop sa bag nito at ipinasok ito sa locker.

"Dapat na matakot ka, haller! Daming students na patay na patay sa 'yo. Pinagpaplanuhan na nga ng iba kong kaklase na pasukin ka rito," natatawa niyang sabi. "Pero syempre 'di ako papayag. Akin ka lang."

My brow arched. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Agad kong pinalis ang kamay niya.

"Sungit!" Umuna na siya paglabas.

Nakarating kami sa parking lot at hindi ko napansin ang range rover niya. She stopped right beside my motorcycle and tapped its pillion.

"Hindi ko sinabing isasabay kita," sabi ko.

"Kaya nga ako na ang nagsabi. Ito naman." She smiled widely and ran her fingers through her hair.

"No, Miss Silva. Umuwi ka nang sa 'yo. Ayokong ma-issue."

Naghalukipkip siya at tumingin sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. "Paano tayo mai-issue? Wala na halos tao rito sa Hasse. At obvious naman na hinintay mo ako bago umuwi. That means, you also want to take me home."

"I always go home late," I said and wore my helmet. Sumakay ako sa motor ko at pinaandar ang makina.

Paalis na ako nang nagsalita siya. "Seryoso ka? Iiwan mo ako rito?"

Nilingon ko siya at kita ko ang pilit na ngiti sa mga labi niya. Nakatingin lang siya sa motor ko na para bang hindi makapaniwala na iiwan ko siya.

Iniwas niya ang tingin at naglakad na. Pinaandar ko ang motor at sinabayan siya, pero hindi na niya ako pinapansin.

"Sakay na," pagbabago ng isip ko.

Tigil-abante ang nangyari, pero mukhang wala siyang balak na pansinin ako.

"Miss Silva," I called her.

"Uwi ka na. Kaya kong umuwi mag-isa. Magji-jeep na lang ako, maaga pa naman. 9:45 pm pa lang," aniya pagkatapos tingnan ang oras sa wristwatch niya.

Tuluyan ko nang itinigil ang motor at mariin siyang hinawakan sa braso. Hinubad ko ang helmet at isinuot ito sa kanya.

"Isakay pa ba kita?" Seryoso ko siyang tiningnan at ang pillion ng motorsiklo.

"Pwede naman."

Napatitig ako sa kanya, namangha dahil sa bilis na pagbabago ng mood niya. Ngumisi siya at sumakay sa likuran ko. Gumapang ang mga kamay niya sa bewang ko at nanigas ako.

Dire-diretso kaming lumabas ng Hasse at hindi na pinansin ang pagsaludo ng guard. Malamig ang hangin dahilan nang paninindig ng balahibo ko.

Napatikhim ako nang naramdaman na may kinakapa siya sa dibdib ko.

"Uy, ang tigas!" komento niya.

Hindi ko maalis ang mga kamay niya dahil baka maging sanhi pa ito ng aksidente.

"Tigilan mo 'yan, Miss Silva!" saway ko.

"Ayoko! Sorry ka na lang! Pagkakataon ko na 'to para manyakin ka."

Nadagdagan ang kilabot ko sa pagtama nang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"'Wag kang magalit, ah? Pwede ka namang gumanti. Pahawak ko rin sa 'yo ang dibdib at tyan ko, bet mo?"

"Miss Silva!"

Natawa siya at noon lang tumigil ang mga kamay niya sa pagkapa. "Swerte ko naman. Wala talagang nakakatanggi sa isang Isla Silva. Pati professor, tumitiklop. Hanga ka na ba sa akin, Sir?"

"Hindi na mauulit 'to," matigas kong sabi. "Hahayaan na kitang umuwi mag-isa sa susunod."

"Aww, mukhang malabo nang mangyari 'yan."

I focused my eyes on the road ahead and drove faster. Her arms tightened around my waist.

Mabilis kaming nakarating sa bahay niya. Bumaba siya at hinubad ang helmet. Inilapit niya ito sa akin na malaki ang ngiti sa mga labi. Kinuha ko ito sa mga kamay niya.

"Thanks for the ride. I enjoyed it... a lot."

Muli ko siyang tiningnan. Humigpit ang hawak niya sa bag niya habang titig na titig sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya maituloy.

"What is it?" I asked.

She gulped hard and looked at the big house in front of us. "Gusto mo bang pumasok? Wala akong kasama. Pina-checkup kasi ng Tita ko si Lola sa Manila. Bukas pa sila makakauwi."

"I don't enter a student's house without the permission of her guardian.

Tumango siya. "Sayang, ipagluluto sana kita. 'Di ka pa rin nagdi-dinner, right?"

Isinuot ko na ang helmet sa ulo ko at nag-ready pag-alis. I saw from my peripheral vision how she continued staring at me.

"Stop staring, Miss Silva," I said in a low voice.

"Bakit? Naiilang ka?"

Umiling ako at muling tumingin sa bahay nila. It was too big and modern. Ngayon ko lang ito napagmasdan nang husto dahil noong isang linggo na inihatid ko siya ay hindi ko iyon nagawa.

"Mag-ingat ka pag-uwi. Ayokong mabyuda nang maaga, okay?"

Nilingon ko siya, seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"At kailangan mo talagang mag-ingat kasi hindi pa natin natitikman ang isa't-isa. Unfair 'yon sa ating dalawa."

I pursed my lips tight and she inched forward to me. Tinanggal niya ang helmet ko at inilapit ang bibig sa tenga ko. Umangat ang kamay niya sa tyan at dibdib ko at muling humaplos dito.

Pinigil ko ang kamay niya.

"Ang manyak mo," komento ko.

"Sa 'yo lang, Loire," bulong niya at mahinang natawa. "Sa 'yo lang kakalampag."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top