Chapter 2

Chapter 2

"Sinabi nang retreat! Ayaw pang bumalik sa base!" gigil na sabi ni Hugo. Halos masira na ang screen ng phone niya dahil sa tindi ng paggalaw ng mga daliri niya rito.

We were playing ML for almost four hours. Sa harapan namin ay ang mga bote ng beer na binili namin sa savemore kanina bago umuwi. Hindi talaga pwedeng hindi kami nag-iinom na tatlo sa loob ng isang linggo.

"Pota! Paka-bobo! MM pa, tangina!"

"Relax, Hugo, this is just a game," Primo said calmly.

Napailing na lang ako at itinuon ang tingin sa sarili kong cell phone. Sa aming tatlong magkakapatid ay si Primo ang pinakakalmado sa halos lahat ng bagay. Hindi ko lang alam kung advantage ito sa kanya dahil sa Senior High siya nagtuturo. Hindi ko rin alam kung paano niya pinakikitunguhan ang mga estudyanteng nagkakagusto at baliw na baliw sa kanya. Aware ako roon dahil madalas kong marinig ang pangalang Primo sa kahit saang parte ng Hasse.

Primo became more attractive because of his eyeglasses. Malabo na ang mga mata dahil bata pa lang ay tutok na sa pag-aaral. Samantalang si Hugo, kilala bilang trendsetter sa Hasse. My brothers really knew how to attract attentions in their own natural ways. Bata pa lang din kasi ay maporma na si Hugo at dahil doon ay sobrang daming babae na ang naloko ng mukhang iyan.

"Pota, Kuya! Ayusin mo pag-set! Napatay tuloy ako!"

Natawa ako. Ramdam ko na umangat ang tingin sa akin ni Hugo. Pabagsak niyang inilapag ang phone sa mesa at tinungga ang bote ng beer. He downed the bottle, wiped his lips with the back of his hand, and then leaned back in his chair.

"Hindi tayo matatalo. Tiwala ka lang. Magaling ang kuya n'yo," pagsisigurado ko.

"Magaling? Tangina sa kama ka lang ata magaling, pota!" pagtutol niya.

"Do you curse in school, Hugo? Elementary students ang hawak mo, baka nakakalimutan mo."

"Oh please, Primo! Nasa bahay tayo ngayon! Wala munang usapan tungkol sa trabaho. Kaya nga tayo nag-iinom para makalimutan ko ang tanginang nangyari!" Muli niyang dinampot ang cell phone dahil nabuhay na ang gamit niyang hero na si Kagura. "Bwisit na principal 'yan! Inggit lang ata siya dahil may gusto sa akin si Ma'am Leah."

He was talking about a co-teacher who was flirting with him. Papaano ay may nakakitang grade 1 na hinawakan ni Ma'am Leah ang kamay ni Hugo sa ilalim ng mesa. Naikwento niya sa amin bago kami maglaro ng ML ang tungkol doon. Gulat siya sa ginawa ni Leah. Hindi sila aware na may bata sa ilalim ng mesa na pumulot ng krayola na nalaglag nito. Nalaman ng principal dahil naikwento ng bata sa parents niya at naitawag agad sa opisina ng principal ang tungkol dito. Hindi raw tama na makakita ang anak nila ng ganoon sa mga teacher.

Batid ko ang pag-iling ni Primo. Hindi na lang siya nagsalita dahil ayaw rin niya siguro na ma-badtrip pa si Hugo. Natapos ang laro at nanalo kami. Sabay-sabay pa naming nailapag ang kani-kaniyang phone sa mesa.

"Ano, bunso?" Tumaas ang mga kilay ko.

Ipinakita ni Hugo ang middle finger at inilabas ang dila. His face contorted with pride.

"Ikaw lang ang nakapagpabagsak sa base pero ako ang pumatay sa mga kalaban. Don't be too full of yourself, bro."

"Ayaw talagang patalo." Tinungga ko ang bote na naiiling.

Humalukipkip siya at bumagsak ang tingin sa sarili niyang bote. Marami na kaming nainom pero wala pang nalalasing sa amin. We had a high tolerance for alcohol.

"Ayoko talaga kay Sir De Guzman. Masyado niyang pine-personal ang mga bagay," sabi niya, hindi pa rin napigilan ang sariling alalahanin ang nangyari. "Una pa lang ramdam kong ayaw niya sa akin. Tanginang principal 'yon, sa lahat ng teachers sa elementary department ako lang ang hindi niya napapadala sa seminars! Nagreklamo ba ako sa kanya? Hindi! Tapos ngayon, tinatakot niya ako na baka matanggal ako sa Hasse kapag umulit pa raw ako?"

Tumingin ako kay Primo na nakikinig lang din kay Hugo. Umabot siya ng chicken lollipop at kinain iyon. Muli kong ibinalik ang pansin kay Hugo.

"Hindi ka paaalisin ng Hasse. Asset ka ng department n'yo. You're obviously the reason why the enrollment of elementary boomed."

Napabuntong-hininga si Hugo. "Alam ko naman. Sa gwapo ko ba namang 'to, hindi pa lumaki ang population ng elem."

Dumampot ako ng candy at ibinato iyon sa kanya. Tinamaan siya sa noo at napahimas siya roon.

Kumunot ang noo niya at masama akong tiningnan. "Tangina, Kuya!"

"Tinawag mo pa akong Kuya kung mumurahin mo lang din naman," natatawa kong sabi. "Magpa-humble ka naman minsan, hayop ka!"

"Wow, Loire! 'Di uso pa-humble sa akin. 'Di uso pagsisinungaling, masama 'yon. Dapat marunong tayong um-appreciate ng ipinagkaloob sa atin ng Diyos!"

Muli akong dumampot ng candy at tinamaan naman siya sa ulo. Natawa si Primo na nasa tabi ni Hugo dahil napatayo pa siya sa pag-iwas sa bato ko.

"Wala kang galang. Dapat nga lang na matanggal ka na sa Hasse," pagbawi ko sa sinabi ko kanina. "Maghanap ka na ng bagong school bukas na bukas—" hindi ko na natapos ang sinasabi dahil sa pagtunog ng cell phone ko.

Kukuhanin ko na sana ito nang unahan ako ni Hugo. Napangisi siya nang nakitang walang pangalan ang numerong tumatawag.

He accepted the call and distanced himself from us. I tried to grab my phone from him, but he immediately avoided my hand.

"Give my phone back to me, Hugo."

"Hello, who's this?" Lumayo pa siya hanggang sa sumandal siya sa pader. "Oh, you're Isla! That gorgeous business ad student! Bakit ka napatawag sa Kuya ko?"

Muli akong lumapit sa kanya at marahas na inagaw ang cell phone. Pumasok ako sa loob ng bahay at kinausap ang babae.

"I just want to hear his voice." She softly laughed.

"What do you need?" I started.

Saglit na hindi nakapagsalita ang babae. "You. I need you in my life."

Nagtangis ang bagang ko. "Are you fucking crazy, Miss? Hindi mo ba kilala ang kausap mo?"

Muli siyang tumawa at narinig ko ang pagsara ng pinto sa linya niya. "Uy, ang hot lalo kapag nagmumura ka po."

"Will you stop?"

"Hmm, I won't. I can't. Nakuha ko na nga ang number mo, nakakausap na kita, ngayon pa ba ako titigil?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata at humigpit ang hawak ko sa cell phone. "I will tell your dean about your absurd doings."

"Go. Then that means, we'll see each other tomorrow again even before our date, huh? That sounds so exciting!"

"What date?" I walked back and forth the living room. "Sa tingin mo ba papayag ako sa kabaliwan mo? Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa babaeng katulad mo, Miss Silva."

"Ouch!" she overreacted. "Ang sakit mo naman magsalita. Hindi naman ako babae lang, Sir Loire. Babae mo ako."

Napailing na lang ako at pinatay ang tawag. Pabagsak akong naupo sa sofa at sumandal dito. Mariing nakapikit ang mga mata ko habang hawak pa rin ang cell phone.

Tumunog ito at binuksan ko ang message na dumating.

+639*********
Ang cold mo naman. Pwede kitang painitin. 😉

Inihagis ko ang cell phone sa tabi ko at iniwan na ito bago ko nilabas muli ang mga kapatid ko sa veranda.

Bago pa makapagtanong si Hugo ay malamig ko na siyang binalingan. "'Wag ka nang magsalita at baka masungalngal kita."

Natatawa siyang bumalik sa kanyang upuan. Nagpatuloy na lang kami sa pag-iinom at ipinagpasalamat ko na hindi na sila nagtanong pa.

Maaga kaming pumasok sa Hasse kinabukasan. Primo was sitting quietly in the shotgun seat, while Hugo in the backseat. Sinilip kami ni Hugo na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Lalakas uminom! Kala mo hindi teachers!" natatawang sabi niya.

Nilingon ko siya at ngumisi. Walang reaksyon si Primo na nakatingin lang sa unahan.

As we got off the car, I saw three SHS students approaching us. Kinalbit ko si Primo at inginuso ang dalawang babae at mukhang bakla nilang kasama na lalaki.

"Sir Primo, chocolates po. My mom just got back from Italy," simula ng nasa gitnang estudyante na may magagandang brown at bilog na mga mata. Inilahad niya ang box ng mukhang mamahalin na chocolates. "I can't give it you in the faculty room. Nakakahiya po sa mga teacher."

"Teacher din kami!" Itinaas pa ni Hugo ang kamay niya. "Hindi ka nahihiya sa amin?"

The girl's cheeks were flushed. I looked at Primo but he was just staring at the girl with no expression at all. Kinuha niya ang box at tumango. "Thanks."

Nilagpasan ni Primo ang mga estudyante. Kita ko pa ang tila kinikilig na pagngiti ng babae na nagbigay sa kanya ng chocolates. I tried to keep up with his pace and nudged his shoulder.

"Sabay ka sa akin mamaya pag-uwi?" tanong ko. Hindi ko alam ang trip ng mga kapatid ko at hindi nagdala ng sarili nilang sasakyan.

"No, I'll go somewhere. Magji-jeep na lang ako," sagot ni Primo.

Tumatawa si Hugo na naabutan kami. Nilingon ko siya na nakapokus ang tingin kay Primo.

"Chicks 'yong student na 'yon, Primo. What is her name?"

"Bexley."

Tumangu-tango si Hugo at makalokohang ngumiti. "Baka ikaw naman ang mapatawag sa opisina. Ready ka na ba?"

"What are you saying, Hugo?" I asked.

"Don't be so slow, Kuya." Umirap siya at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang trousers. "May gusto kay Primo ang student na 'yon!"

"Hindi ako mapapatawag, maayos akong pakitunguhan ng boss," ang tinutukoy ni Primo ay ang principal. "And I didn't do anything wrong."

"Are you implying that I did something wrong?"

Nahimigan ko ang iritasyon sa boses ni Hugo. Bago pa siya may gawin ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Tama na 'yan. Nasa Hasse na tayo, Hugo."

Umirap si Hugo at binilisan ang paglalakad. Hindi na namin siya hinabol. Inakbayan ko si Primo na parang wala lang sa kanya ang inasta ng bunso naming kapatid.

Naghiwalay kami nang malapit na ako sa faculty room namin. Ang kanila ay malayo pa dahil doon siya sa elementary building.

Pagpasok ko sa faculty ay napatigil ako sa paghakbang nang nakitang may babaeng nakasandal sa harapan ng table ko. Nakatuon ang mga kamay niya rito at matamang pinanonood ako.

"Good morning, handsome. Kanina pa kita hinihintay. Here, I brought you breakfast." Tiningnan niya ang paper bag na nakapatong sa table.

Hindi ko siya pinansin at umikot sa table ko. Umupo ako sa swivel chair at ibinaba ang aking bag. Humarap siya sa akin at umupo siya sa upuang nasa tapat ng table ko.

She rested her chin on her knuckles and shamelessly watched me arrange some documents in my drawer.

"Pansinin mo ako. Pagkatapos mo akong pagbababaan ng tawag kagabi."

I really couldn't understand what she'd been up to. Hindi na ako nakatiis at inangat ang tingin sa kanya.

"Miss Silva, are you gonna leave this room or do I need to drag you outside?"

Lumarawan ang ngiti sa mga labi niya at kumurap. Binasa niya ang mga labi at nagpakawala ng buntong-hininga.

"Pinuntahan kita para i-remind tungkol sa date natin mamayang gabi. I even made a reservation in one of the best restaurants here in Rizal."

"You don't need to remind me, there's no date to happen. Mag-aral ka at nang gumanda ang future mo. Hindi ganito na puro walang katuturan ang pinaggagagawa mo."

Natawa siya na ikinakunot ng noo ko. I crossed my arms over my chest and watched her laugh like crazy.

"God, what I'm doing actually leads me to my future," she said.

Tumingin ako sa kisame at pigil na pigil ang sarili sa pagsigaw.

"Ikaw ang future ko. Tayong dalawa. Maganda ang future ko kasama ka."

Muli ko siyang tiningnan at itinuro ang direksyon ng pinto. "Labas," malamig kong utos.

Pero hindi siya kumilos. Tumayo ako at akmang hahawakan siya sa braso para kaladkarin na palabas nang bumukas ang pinto at pumasok si Professor Martinez. Saglit lang kaming tiningnan nito at tumungo na sa sariling table.

Doon lang tumayo si Miss Silva pero hindi agad umalis.

"I don't want to see your face here anymore. Now, go!" I whispered harshly.

"Sungit! Type rin naman ako!" Umirap siya ngunit nakangiti pa rin.

Muli kong itinuro ang pinto dahil sa inis. Hindi ko siya type at hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya.

She finally went out of the faculty room, and I sat back in my chair. Kinuha ko ang cell phone ko at nagtipa ng message.

Me:
Tigilan mo na ako.

Nag-isip pa ako ng magandang sabihin sa kanya.

Me:
Hindi ako naa-attract sa estudyante.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng tatlong replies.

+639*********
Ayoko po.

+639*********
'Wag kang magsalita nang tapos, baka kainin mo ako... este, baka kainin mo ang sinabi mo.

+639*********
Check your messenger now. I sent you a photo.

Binuksan ko ang messenger ko at hinanap siya sa message requests. Nang buksan ko ang message niya ay napatitig lang ako sa screen ng phone ko.

It was a photo of me and a random girl near the ladies' room of a club. The girl's legs were wrapped around my waist, while being pushed up against the wall. Naghahalikan kami at kita pa ang papasok na dila ko sa bibig ng babae sa picture.

Naka-receive ako ng bagong message mula sa kanya.

Isla Silva
See you later! 😉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top