Chapter 13

Chapter 13

"Linisin mo 'yang mga bubog," utos ko kay Hugo na matagal na nakatitig sa amin.

Hinila ko si Isla paakyat sa kwarto ko at inilapag ang bag niya sa paanan ng kama. She sat beside me, still silent because of what just happened.

"Loire..."

"Don't be nervous. I honestly planned on telling them today." Kinuha ko ang kamay niya at marahan itong pinisil.

She just nodded but I could see in her eyes that it was troubling her. Hinaplos ko ang pisngi niya at doon na siya napangiti. Hindi siya takot na mahusgahan sa relasyon namin, pero ang gumugulo sa kanya ay ang maaring sabihin ng mga kapatid ko sa akin.

She crawled into my bed. Her eyes roamed the room, perhaps distracting herself from her own thoughts. Halos itim at puti lang ang bumubuong kulay sa kwarto at mga gamit ko.

"Your room is so manly," she observed. "Ilang babae na ang dinala mo rito?"

"Ikaw pa lang."

Naagaw ko ang atensyon niya. Gumapang din ako at tinapik niya ang sariling mga hita. I got her signals and rested my head in her lap. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Maniwala!"

"You don't believe me?" Tiningala ko siya. "You should ask my brothers."

Ngumisi siya at muling inilibot ang tingin sa kwarto. "Pansin ko lang, ang gwapo pala talaga ng bunso n'yo. Aware ka ba na kilala si Sir Hugo bilang trendsetter sa Hasse?"

"Yes."

Kumurap siya at tumigil ang paningin sa litrato kong nakasabit sa pader. I was only 12 years old in the picture. Medyo gulo ang buhok ko habang nakahawak ang sariling kamay sa batok. Nakasuot ako ng itim na jacket doon.

"Gwapo ka pala talaga kahit noong bata pa lang." Lumipat ang tingin niya sa akin. "Ganyang edad ba may girlfriend ka na?"

"Yup. Also the age when I had my first sex," I confessed.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla akong nahampas sa noo.

"Aray!" mahina kong angal.

"Grabe ka! You were so young when you had your first!"

Mahina akong natawa dahil hindi ko inasahan ang naging reaksyon niya.

"First love mo ba 'yong una mong naka-sex?" tanong niya.

Umiling ako. "Inakit lang ako no'ng babae. I was 12 while she was 16 that time. Hindi na ako tumanggi."

"Bata ka pa lang, pokpok ka na. Proud ka pa talaga, ha?"

"Maagang namulat ang isip ko sa sex. Kung hindi nangyari 'yon, baka virgin ka pa rin ngayon."

Mahina siyang natawa at bibig ko naman ang sinampal. Hinawakan ko na ang palapulsuhan niya para hindi na umulit.

"Nakakailan ka na," puna ko.

"Nagagalit ka?" Tumaas ang kilay niya.

Umiling ako. "Hindi po, Ma'am."

"Very good, student."

Natawa ako dahil mabilis niyang nasakyan ang sinabi ko. Bumangon ako at hinarap siya. Inayos ko ang buhok niya at hinigit pa siya palapit sa akin.

Nagkatitigan kami. Pinigilan ko ang sarili na tingnan ang mga labi niya, dahil alam ko kung gaano 'yon mapanukso.

"Swerte mo talaga kasi ikaw nakauna ka sa akin."

Tumaas ang kilay ko. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at dumausdos ang mga kamay sa braso ko.

"Ang ganda ko kasi," puno ng kumpiyansa niyang sabi. "Laki pa ng boobs ko, sa'n ka pa?"

Bumagsak ang tingin ko sa kanyang dibdib. Hindi ko ikakailang totoo ang sinabi niya.

"Really? Pahawak nga—"

Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko at iginalaw 'yon sa kanyang dibdib. Mahina siyang umungol habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

I pulled my hands away. Pinigilan ko ang sarili sa maaari kong gawin.

"Kunwari pa ang boyfriend ko. Gusto rin naman," natatawa niyang sabi.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga lalaking dumaan sa buhay niya. Pinagdikit ko ang mga labi at bahagyang lumayo sa kanya.

I stared at her face and couldn't stop admiring her beauty. I needed to divert my attention so I laid my head on her lap again. "Kwentuhan mo ako."

"Hmm... anong gusto mong ikwento ko?" tanong niya.

"Anything you want to."

Inilapit niya ang hintuturo sa kanyang baba, nag-iisip. "I had my first crush when I was 7 years old. A childhood friend. Kapitbahay namin sa Manila."

She smiled. Para talaga siyang anghel kapag ngumingiti at sobrang nakakaloko 'yon.

"He's really handsome and smart. Siguro kung hindi sila nag-migrate sa States, naging boyfriend ko 'yon."

"Nanghihinayang ka?" tanong ko.

"Sinong hindi? Ang gwapo-gwapo no'n. Tapos ngayon ang sarap niya, swear. Whenever I see his posts on IG, I feel like drooling."

"Girls are easily attracted to handsome faces."

"Not all the time," she opposed.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Why can't you believe me?" she asked, suppressing another smile.

Bigla kong naalala ang unang beses ko siyang nakita. Sariwa pa sa isip ko ang lahat ng kalokohan na ginawa niya.

Hindi ko na pinigil ang sarili na magtanong. "Why did you do that crazy trick? Noong pumasok ka sa klase ko at kinuha ang number ko na kunwari makiki-text lang."

Tumuon ang mga mata niya sa akin. "Crush talaga kita unang kita ko pa lang sa 'yo. E wala, mahina mga estudyante. Ako lang malakas."

Muli akong napatitig sa mga mata niya. She held my face and smiled sweetly at me.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Umiling ako at hinawakan ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi. "It's just that, I'm thankful that I've met someone like you."

"Walang katulad 'to, Loire. Kaya 'wag mo na akong papakawalan."

Hinapit ko ang bewang niya at mas inilapit pa siya sa akin. Gusto ko 'yong ganito na sobrang lapit niya sa akin.

"Do you think that will happen?"

Pinagdikit niya ang mga labi at hindi sumagot.

"Hindi kita papakawalan. Kahit dumating pa sa punto na gusto mo na akong bitiwan, Isla."

May kumatok sa pinto kaya pareho kaming napalingon dito. Lumayo siya sa akin at napabangon ako.

"Kuya, may bisita ka!" si Hugo.

"Sino?"

"Zara!"

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. "Where is she?" I asked him.

Dinig ko ang mahinang yabag ni Isla sa likuran ko. Sinilip niya si Hugo at matamis niya itong nginitian na parang hindi kami nito nahuli kanina.

"Hi, Sir!" Itinaas pa niya ang kamay niya.

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Titig na titig si Hugo sa kanya na bigla na lang naglahad ng kamay.

"Hugo na lang." He flashed that smile he always used to girls. "Kapag tayo-tayo lang, Hugo ang itawag mo sa akin."

"Okay!" Kinuha ni Isla ang kamay ng kapatid ko. "Isla Silva."

Tiningnan akong muli ni Hugo bago sila tumalikod at iniwan ako.

"First time magdala ni Kuya ng babae rito sa bahay." Kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ni Hugo ay batid ko ang hilaw niyang ngisi.

Nakasunod lang ako sa kanila at pinanonood silang mag-usap. Sinulyapan ako ni Hugo at binasa niya ang ibabang labi.

Ngumiti lang si Isla. Sa sala ay naroon nga si Zara. Agad ko itong nilapitan bago pa ako maunahan ng dalawa. Sa harapan nito ay si Primo na tahimik na nakaharap sa kanyang laptop.

Tumayo si Zara pagkakita sa akin at agad akong nilapitan. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi na hindi ko nagawang ilagan dahil sa bilis noon.

"What are you doing here?" Hindi ko magawang tingnan ang babaeng umupo sa kabilang dulo ng sofa malayo kay Zara. Batid ko ang tutok na mga mata niya sa akin.

"I brought beers." Tumingin si Zara kay Hugo.

Nilingon ko rin ang kapatid ko.

"Nasa kitchen. May usapan daw kayo na mag-iinuman tayo rito sa bahay. Madami siyang dala. Itinaon na yata ni Zara dahil wala na ring pasok bukas. Nagkansela na ang Rizal."

Ibinalik ko ang tingin kay Zara at marahang tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Tumikhim si Isla at alam kong lahat kami ay napatingin sa kanya.

"That's a brilliant idea!" Nilingon niya si Hugo na nakatayo sa gilid niya. "Bili tayong pulutan?"

"Oo ba. Teka kukuhanin ko lang wallet ko," paalam ni Hugo.

"Primo?" tawag ko sa pangalawang kapatid.

Inilipat ni Primo ang tingin sa akin mula kay Isla. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka kung bakit may estudyante rito.

Naghahalo ang inis at pagkalito sa sistema ko dahil kahit kailan ay hindi ko inaya si Zara na mag-inom dito sa bahay. Idagdag pa si Isla na wala man lang akong mabasang reaksyon sa mukha.

"Ano?" tugon ni Primo.

"Ikaw na ang sumama kay Hugo pagbili ng pulutan."

Isinara niya ang laptop, dumekwatro, at sumandal sa couch.

"Ako na," pagsingit ni Isla. "Gusto ko rin talagang lumabas para magpahangin."

Nilingon ko siya at titig na titig siya kay Zara. Ang huli naman ay nakatingin lang sa akin, walang ideya sa ipinupukol na tingin ni Isla.

Iniwan ko sila at pumasok sa kusina. Sandali lang ay narinig ko na may sumunod sa akin.

Pagharap ko ay si Zara ito. I controlled my anger. Madali lang matunton ang bahay namin kaya hindi ko siya masisi. Hindi ko rin sinasagot ang texts at tawag niya pero hindi pa rin tamang pumunta siya rito.

"Are you mad?" she asked using her sweet tone. Dahan-dahan siyang lumapit at agad akong umatras. Sinilip ko ang entrada dahil baka biglang pumasok si Isla.

"Zara, ang alam ko wala tayong usapan na mag-iinuman tayo rito sa bahay." Kumuha ako ng pitcher nang malamig na tubig sa ref at nagsalin sa baso. Uminom ako, nagbabakasakaling lumamig ang ulo ko.

"You're not replying to my texts. And you're also ignoring my calls."

Inangat ko ang tingin sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang tampo.

"Look, I'm certain that we talked about this the first time we met. We're not obligated to answer texts and calls from each other."

"I know. Pero ano 'yon, kapag ikaw ang may kailangan sa akin, okay lang? Kapag ako, hindi? That's so unfair!" Inagaw niya sa akin ang baso at nagsalin din siya ng tubig. "Nami-miss na kita, Loire."

Lumingon ako sa entrada kung saan biglang lumitaw si Isla. Nagkatinginan kami pero agad lumipat ang tingin niya kay Zara na nasa tabi ko, walang pakialam sa presensya niya.

Isla opened the refrigerator and took an apple. Lumapit siya sa sink at hinugasan 'yon bago niya kinagatan. She licked her bottom lip while looking at me. Wala pa rin akong makapang emosyon sa kanya.

"Aalis na kami. Baka may gusto kayong ipabili?" basag niya sa katahimikan.

"Ice cream," tugon ni Zara at dinukot ang wallet sa purse niya, naglabas ng cash.

"No need, babe. May pambili ako," Isla stopped her which made the latter finally looked at my girl.

Bago pa makapagsalita si Zara ay hinarap na niya ako at muling kumagat sa hawak niyang mansanas.

"Ikaw, Sir Loire?"

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi sumagot.

"K. Balik din kami agad. Gusto ko rin malasing." Ngumiti siya at bago lumagpas sa akin ay ibinigay niya sa akin ang mansanas.

Hindi ko na siya pinigilan. Kailangan ko ring makausap si Zara para mas malinawan siya sa naging setup namin.

"Zara..."

"You can get mad at me after this, okay? Wala akong maisip na puntahan. Gusto ko lang din talaga na makipag-inuman."

She didn't let me react and went out of the kitchen. Napatingin ako sa case ng beers sa paanan ng mesa. Lima 'yon at mayroon pang ilang bote ng hard sa mismong mesa.

Sinundan ko si Zara. Naupo siya sa sala kung saan nandoon pa rin si Primo, naglalaro na ng ML.

Ipapakilala ko na sana si Isla sa mga kapatid ko, pero mukhang hindi ko 'yon magagawa ngayon dahil kay Zara. Hindi naman palatanong si Primo, pero gusto ko pa rin na malaman nila kung ano talaga ang namamagitan sa aming dalawa.

Pagbalik ni Isla at Hugo ay agad akong tumayo. Nagtatawanan sila. Tinulungan ko siya sa dalang tub ng ice cream. Mukhang bumili na rin sila ng hapunan dahil maraming dala si Hugo.

"Saan tayo?" tanong ni Hugo.

"Veranda," tipid kong sagot.

"Ewan ko ba. Ang OA kasi no'n e. 'Di ko talaga siya bet," sabi ni Isla kay Hugo.

Pumasok kami sa kusina. Masayang nag-uusap ang dalawa na hindi ko malaman kung tungkol saan ang pinag-uusapan. Malaki ang ngiti ni Hugo habang nakatingin kay Isla na tinatanggal sa foil 'yong binili nilang roasted chicken.

"Kuya, bakit hindi pa kayo nagsaing?" tanong ni Hugo.

Nilapitan ko sila at saka lang napatingin sa akin si Hugo. Tumingin ako sa labas at nakuha niya ang tingin ko. Iniwan niya kami ni Isla kahit halatang labag sa kalooban niya.

"You look happy," I commented.

Humarap siya sa sink at kinuha ang mga nasa supot na ice cubes na binili nila. Inagaw ko 'yon sa kanya at inilagay muna sa ref.

Dumampot ako ng dalawang case ng beer at sinenyasan siya na sundan ako.

Palabas ng veranda ay nagsalita ako. "Close na agad kayo ni Hugo?"

"Yup! Madali naman palang maka-close ang kapatid mong 'yon. Ayaw niya ngang tawagin ko siyang Sir." Inilapag ko sa ilalim ng table ang mga beer.

"Hugo, 'yong ibang alak pakilabas na rito!" sigaw ko na alam kong dinig sa loob.

"I'll help Hugo. Wait lang—"

"Let him do it alone, Isla," I said firmly.

Umupo siya sa upuan at umangat ang tingin sa akin. "Iniwan mo sa loob ang bisita mo."

Nanatili akong nakatingin sa kanya. "'Yong nakita mong paghalik niya sa pisngi ko—"

"You don't need to explain." Pumangalumbaba siya sa table. "'Wag lang siyang may gagawin na mas malala ro'n."

Lumabas si Hugo na tinulungan na ni Zara at Primo sa ibang alak at pagkain.

"Kakasalang ko lang ng bigas sa rice cooker. Dito na tayo kumain?" tanong ni Hugo.

Tumango ako na nakatuon pa rin ang tingin kay Isla. May kinuha siya roon sa papel na supot na inilapag ni Hugo sa mesa. Naglabas siya ng chupachups at binuksan 'yon. She put it into her mouth while looking at me.

Iniwas ko ang tingin. Hindi ko alam kung nananadya siya pero iba ang naging epekto noon sa katawan ko.

I cleared my throat. "Girls, I haven't introduced you to my brothers yet."

Napatingin na rin si Zara sa akin.

Hinawakan ko ang balikat ni Hugo. "This is Hugo, the youngest." Nilingon ko si Primo. "And he's Primo, the second child."

Isla held out her slim hand to Primo. "Isla," aniya.

Tinanggap ito ni Primo at tipid na ngumiti ang kapatid ko. Ganoon din ang ginawa ni Zara kina Hugo at Primo. Nilingon ni Zara si Isla, pinanonood ang huli sa ginagawang pag-ikot ng lollipop sa bibig.

Inayos namin ang upo. Akmang patatabihin ko siya sa akin nang naunahan siya ni Zara. Her eyebrow arched before sitting in between Primo and Hugo's chairs.

Umalis si Hugo na mukhang titingnan ang sinaing. Nagsukatan kami ng tingin ni Isla. Bumalik si Hugo nang luto na ang kanin at may dala na ring plato at mga kubyertos.

Nagsimula kaming kumain. Pinaglagay pa ako ng ulam ni Zara sa plato na kahit anong pigil ko ay hindi nagpatinag. Nang tingnan ko si Isla ay nakatingin lang siya kay Hugo na parang walang pakialam sa ginagawa ng babae sa akin.

"Zara, enough. Ang dami ko ng ulam."

Hindi nito pinansin ang sinabi ko. "Punta ka sa weekend sa bahay, ipagluluto kita."

"Ikaw, Isla, punta ka rin dito sa weekend. Ipagluluto rin kita."

Napatingin kami kay Hugo na siya namang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ni Isla.

"Sure! Marunong ka?"

"Ako pa?" Tumaas-taas ang mga kilay ni Hugo. "Basic, Miss Silva. Makakalimutan mo kung sinong jowa mo."

Nagtawanan sila at nag-apir pa. Pinigil ko ang muling pagkalat ng inis sa sistema ko.

"Kayo ba?" tanong ni Zara sa dalawa.

"Nope," sagot ni Isla.

"Kung hindi siguro siya taken, niligawan ko na," walang pakundangan na sabi ni Hugo.

"Where's your boyfriend? Does he know you're here?" Inilipat ni Zara ang tingin kay Hugo. "Anyway, kaano-ano n'yo pala siya?"

"She's my—"

"Friend," maagap na putol ni Isla sa pagsasalita ko. "Friends ko silang magkakapatid. Why?"

Zara just shrugged her shoulders. "Nothing. Just asking."

Pinanood ko ang walang emosyon na mukha ni Isla.

Pagkatapos kumain ay nagsimula na kaming uminom. Parang may sariling mundo sina Hugo at Isla na hindi kami isinasaling tatlo sa usapan.

Walang rason para itago ko kay Zara ang relasyon naming dalawa ni Isla kaya hindi ko mapigilan ang mas paglala ng inis ko. Idagdag pa ang ginagawang ito ng dalawa.

"Kapag nakita mo ang friends ko, sure ako na may matitipuhan ka. Walang patapon sa mga barkada ko. Mga pokpok nga lang," natatawang sabi ni Isla kay Hugo habang nagbubukas muli ng lollipop.

Marami na kaming nainom at alam kong may tama na siya. Si Zara nga ay napapayuko na sa mesa. Samantalang si Primo sa tabi ay tahimik lang na nagse-cell phone.

"Mas maganda ba sa 'yo? Kung oo, pakilala mo sa akin, sige." Idinantay ni Hugo ang kamay sa likod ng inuupuan ni Isla.

"Hugo..." tawag ko, pero hindi niya ako narinig.

"Ako ang pinakamaganda sa amin," natatawang sagot ni Isla. "Paano 'yon?"

"Sad." Ngumuso ang kapatid ko.

Pabagsak kong inilapag ang bote ng beer na kauubos ko lang ang laman. Namumungay ang mga mata na napatingin sa akin si Hugo.

Tiningnan ko ang mga nasa mesa. Nakatingin na sa akin ang lahat.

"Stop flirting with her," I said firmly.

"Why? Boyfriend ka ba?" Hugo asked, provoking me.

Humigpit ang hawak ko sa bote na hindi ko pa rin nabibitawan.

"Hindi ko nilalandi si Isla, Kuya. Nagbibiruan lang kami," nakangising sabi niya.

"Iba ang nakikita ko, Hugo!"

"Ay wow, triggered!"

Napatayo ako at ganoon din siya. Agad ring tumayo sina Primo at Isla. Sa peripheral ko ay gagaya sana si Zara pero hindi na 'yon natuloy dahil mukhang hilung-hilo na ito.

Hinaklit ko ang dibdib ng kanyang puting shirt at mas lalo siyang ngumisi.

"Hindi ako gago para agawin ang babaeng taken na." Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nagngangalit ang ugat dahil sa higpit ng hawak ko sa kanya.

Hinawakan niya ito at tinanggal ang pagkakapit ko sa damit niya.

"Now, answer me. Are you the boyfriend?"

"Fuck, yes!" I shouted at him.

Batid ko ang iba't-ibang reaksyon nila.

Unti-unting sumilay ang totoong ngiti sa mga labi ni Hugo. "Ayon naman pala. Selos na selos ka na, 'di mo pa ako sapakin."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"'Wag kang matakot sa kagwapuhan ko, Kuya." Tinapik niya ang balikat ko. "Wala akong balak na agawan ka."

Hinawakan niya sa balikat si Isla at mahinang itinulak palapit sa akin.

"Grabe, Isla! Anong lasa ng laway mo at nagkaganyan si Dr. Donovan?" Pabagsak na umupo si Hugo.

Napaupo na rin si Primo at si Isla ay nasa harapan ko, titig na titig sa aking mukha.

"What time is it? I need to go home now," sabi ni Zara na nakatungo na muli sa mesa. "Loire, pwede mo akong ihatid?"

Hindi ko alam kung naintindihan ni Zara ang pag-amin ko tungkol sa relasyon namin ni Isla. Nanatili pa ring nakatingin si Isla sa akin at hindi ko mapigilan ang mailang.

Primo cleared his throat. "Ako na lang maghahatid sa 'yo, okay lang?" tanong niya kay Zara.

"Is Loire drunk? If he really can't, then okay." Inangat ni Zara ang mukha at nilingon si Primo.

Tumayo ang kapatid ko. "I'll just get my car key."

Zara nodded her head. Tumayo muli si Hugo at itinuro ang loob ng bahay.

"Iihi lang ako, mga pre. 'Di ko na kaya," natatawang sabi niya.

Pagbalik ni Primo ay mahina niyang tinapik ang balikat ni Zara. "Let's go."

"Okay lang ba sa 'yo?" tanong ko kay Primo.

"Take care of your girlfriend, Kuya." Tiningnan niya si Isla na nanatili pa ring nakatingin sa akin. Lasing na nga.

"Thank you," I said.

Inalalayan niya si Zara at lumabas na sila gamit ang kanyang sasakyan.

Nang kami na lang dalawa ay tinapik ko ang katabing upuan. "Come and sit here. Lasing na lasing ka na."

Lumapit pa siya sa akin at inusod ang upuan ko palayo sa mesa. She sat on my lap, not breaking her innocent stare.

"Nagselos ka kay Hugo?" tanong niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

Hindi ko siya sinagot. "Isla, get off me."

"Ayaw! Gusto kitang makausap."

"Kanina ayaw mo 'kong kausap." Hinawakan ko ang bewang niya at bubuhatin sana siya paalis sa kandungan ko nang bigla niya akong sinabunutan.

"Isla!" gulat kong sabi at inalis ang kamay niya sa buhok ko. "What the hell? Bakit mo ako sinabunutan?"

"Hirap kayang magpanggap na hindi nagseselos! Muntik ko na ngang subuan ng sampung lollipop 'yong Zara na 'yon! Nakakainis! Mas lalo kang gumugwapo kapag nagseselos!" Ngumuso siya at hinaplos ng muli ang buhok ko. "Wait, masakit ba? Bakit kapag nagse-sex naman tayo hindi ka umaaray?" tukoy niya sa pagsabunot sa akin.

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Idagdag pa kung gaano siya kaganda lalo na ngayon na kakaunti ang distansya sa pagitan namin.

May pawis na tumulo sa noo niya at agad ko itong pinunasan.

"Gusto mo nang matulog?" pag-iiba ko ng usapan.

Umiling siya at biglang nilingon ang sariling cell phone sa table. Nilakasan niya ang volume ng music. Naka-connect kasi 'yon sa speaker na inilabas ni Hugo kanina.

"What are you doing?" I asked.

Ngumisi siya at hinarap akong muli. "Nilakasan ko para walang makarinig ng ungol ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top