Chapter 12
Chapter 12
Nagkakape ako sa kusina nang may tumapik sa aking balikat. Lumingon ako at nakita si Hugo na ikinakunot ng noo ko.
"Akala ko pumasok ka na?" tanong ko. Kung hindi ako nagkakamali ay pasado alas sais na ng umaga.
Inginuso niya ang bintana. "Mukhang kanina ka pa gising pero hindi ka nanonood ng balita. Cancelled ang classes, Kuya!" sabi niya at ibinalik ang tingin sa akin.
"All levels?"
"Yup! Kaya maghapon lang tayo rito sa bahay."
"May bagyo?"
"Ay, hindi. Wala. Ambon lang 'yan, o!" Umirap siya at napailing. "Grabe ka, Sir Loire! Naturingan kang professor, 'di ka nanunuod ng balita tungkol sa panahon!" Kumuha siya ng baso at nagsimulang magtimpla ng sarili niyang kape. "Wala kang kwenta."
Pareho kaming napalingon sa entrada nang nakarinig kami ng yabag. My forehead crumpled as Primo walked into the kitchen wearing only a towel around his waist.
"Naligo ka?" tanong ni Hugo kay Primo. "Ang lamig-lamig pa."
"Gaya mo pa siya sa 'yo. Hindi naliligo," mahina kong sabi.
"Naliligo ako! Punyeta ka, Loire!"
Sumeryoso ang mukha ko at lumarawan ang pilit na ngiti sa mga labi niya. "Pogi mo, Kuya," pagbawi niya. "Ikaw ang pinakapoging kuya sa balat ng lupa!"
Napailing na lang ako at bumaling kay Primo. Kumuha siya ng tinapay at pinalamanan 'yon.
"Magbihis ka muna sa taas. Lalamigin ka," sabi ko.
"Kuha lang ako nito," seryosong sagot ni Primo at itinaas ang pinapalamanan niyang tinapay.
Hindi ko alam kung anong spread ang ginamit niya. Iniwan din niya kami kaagad at tiyak na bumalik na siya sa sariling kwarto.
Dinampot ko ang cell phone ko sa mesa at nag-text kay Isla. I smirked as I remembered what happened yesterday. Pagkatapos niya akong sagutin ay tumambay muna kami sa labas. Nagkwentuhan lang tungkol sa mga nangyayari sa Hasse. Sinabi rin niya sa akin na hindi na dapat Miss Silva ang tawag ko sa kanya dahil masyado raw pormal para sa aming may relasyon.
Me:
Good morning! You can stay in bed all day. No classes.
Naghintay ako ng reply niya.
Baby:
Walang good sa morning kung hindi naman kita makikita. Bad trip! :(
Me:
I'll come to your house. You like that?
Baby:
Weh?
Me:
Ayaw mo?
Baby:
Syempre, gusto! Hoy, gags! Makikita ko boyfriend ko!
Kahit anong pigil ko ay napangiti pa rin ako. Itinuon ko ang noo sa cell phone ko at napailing dahil sa sayang nararamdaman ko.
"Kuya..." tawag sa akin ni Hugo.
Awtomatikong napawi ang ngiti ko.
Ramdam ko na umupo si Hugo sa tapat ko. Inilayo ko ang cell phone sa mukha at tumunghay. Hinalo niya ang kape habang deretso ang tingin sa akin.
"I'm sure Primo didn't tell you this. May nahuli na STEM student na nagsasarili habang nakatingin sa picture ng isang college student."
Kumunot ang noo ko. Bihira sa aming magkakapatid na mag-usap tungkol sa mga kaso ng mga estudyante dahil confidential ang mga 'yon. Lalo na sa Senior High School na talamak ang kabi-kabilang katarantaduhan.
"At ang babae sa picture ay 'yong ini-stalk mo sa Facebook. Si Isla Silva."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Hay, teenagers!" Bumuntonghininga siya.
I stood up. Inilagay ko ang baso sa sink at walang salita siyang iniwan, dahil bigla akong nakaramdam ng inis.
When I was already in my room, I immediately called her.
"Hi..." she greeted. I could imagine the big smile on her face.
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Umupo ako sa kama at pinagdikit ang mga labi ko.
"Baby..." malambing niyang tawag sa akin.
Mahina akong napamura. She really had this effect on me that I couldn't explain.
"Do you always post pictures like that on your social media accounts?"
"Huh?" lito niyang tanong.
Tumikhim ako at napagtanto ang sariling ikinikilos. It was not her fault. Nasa swimming pool siya sa picture na ipinakita sa akin ni Hugo at normal lang na ganoon ang suot niya.
"It's cold. Wear warm clothing," I said, changing the topic.
"Yes, Sir!"
"Nandyan ba ang lola mo?"
"Yup. She's in her room, why? Mag-back out ka na?"
Gumalaw ang panga ko. "Of course not."
Muli siyang tumawa. "Tapang!"
"Wala akong kinatatakutan, Isla."
"Meron."
"Ano?"
"Ang mawala ako sa buhay mo."
Natahimik ako pero siya ay humagalpak ng tawa.
"You're right."
Her laugh suddenly disappeared. Lumunok ako nang naalala ang itsura niya kagabi. Hindi ko siya nagawang halikan kahit gustung-gusto ko, dahil sa halik na namagitan sa kanila ng Royce na 'yon.
"See you later," I said and ended the call.
Kumuha ako ng tuwalya at naligo. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng bahay. Sobrang lakas ng ulan na kulang na lang ay masira ang gamit kong payong. Medyo nabasa rin ako kaya agad kong pinunasan ang sarili ng bimpo na nakita ko sa jeep.
Maingat akong nagmaneho. Habang tutok ang tingin sa daan ay hindi ko napigil ang pagngiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko ang babaeng pinagpapantasyahan ng karamihan.
Bukas ang gate kaya malaya kong naipasok ang jeep. I knocked on the door and waited outside. Bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha ni Mrs. Tanco.
"Oh, hi, Sir Loire! What brings you here?" she asked warmly and smiled.
Sabay kaming napalingon nang nakarinig ng magagaan na yabag. Naka-oversized sweatshirts si Isla at hindi ko alam kung may suot siyang shorts sa loob noon. Pinatabi niya ang lola niya at hinawakan ako sa braso.
Tumaas ang kilay ni Mrs. Tanco. "Makahawak ka, apo. Nobya ka?"
"Okay lang 'to kay Sir Loire, 'La," aniya at kinindatan ito.
Tipid akong ngumiti nang lumipat ang tingin sa akin ni Mrs. Tanco. Nilingon ko si Isla na ngiting-ngiti. "Honestly—"
"Walang pasok kaya pinapunta ko na lang po rito si Sir," putol niya sa dapat na pag-amin ko. "Tutor ko siya sa isang major subject. Medyo nahihirapan po kasi ako sa subject na 'yon."
Gumalaw ang panga ko sa narinig. Bumaling ako kay Mrs. Tanco na titig na titig sa kanya.
"Hindi ka na nahiya, Isla. Hindi mo muna pinalagpas ang araw. Alam mong bumabagyo," kunot-noong sabi nito.
Biglang kumulog kaya nahila na ako ni Mrs. Tanco papasok at iginiya ako sa living room. Isinenyas niya ang sofa at umupo sa harapan ko. Tumabi sa akin si Isla.
"Sorry, 'La," mahinang sambit ni Isla.
Nilingon ko siya at may lungkot akong nakapa sa mga mata niya. Mukhang hindi niya talaga gusto ang magsinungaling pero nagawa niya pa rin.
Tumango na lang ito. "Magluluto muna kami ng agahan. Ikaw muna ang bahala sa Sir mo, Isla." Mrs. Tanco stood up and went to the direction of the kitchen.
Nang kaming dalawa na lang ay humarap siya sa akin at ninakawan ako ng halik sa mga labi. She gently touched my face and gave me a sweet smile.
"Tara sa kwarto." Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila paakyat sa kwarto niya.
She closed and locked the door before lying in her bed. Tinapik niya ang kanyang tabi.
"Come here and let's take a nap. Kulang ako sa tulog," aniya.
Tinabihan ko siya. Niyakap niya ako at sumiksik sa leeg ko.
"Why did you lie to her?" I combed her hair using my fingers.
"I didn't know what to say to her, Loire."
"Hinayaan mo dapat akong magsalita." Napatitig ako sa kisame at mahinang bumuntonghininga.
"Were you planning to tell her already?"
Umayos ako ng higa at sumandal sa headboard. Naghinang ang aming mga mata. "Lola mo 'yon. Hindi ka dapat nagsinungaling."
"Mabibigla 'yon."
"Perhaps. Pero kailangan nating ipaalam sa kanya." Wala akong balak itago ang relasyon namin sa lola niya dahil ayokong magsinungaling dito.
She let out a sigh. "I'm not yet ready. Ayokong malagay ka sa alanganin."
"Do you think she won't support our relationship?"
Umiling siya. "It's not like that."
"Then what?"
"Just give me time, please."
Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumango. Hindi ko balak na isikreto siya. Siguro sa Hasse, oo, habang hindi pa siya nakaka-graduate, pero sa pamilya namin ay gusto ko siyang i-legal. I would never keep her as a secret to those important to us.
"Sige," tipid kong sagot.
Naglaro ang hintuturo niya sa dibdib ko. Parehas kaming natahimik.
Tiningnan ko lang siya nang napansin ko ang pagtigil ng daliri niya. Napangiti ako nang nakitang tulog na siya. Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukha, bago ko kinuha ang cell phone ko sa bulsa para libangin ang sarili. Hindi ako inaantok tulad niya.
Binuksan ko ang messenger at tama ako na may message na ang mga kapatid ko sa GC.
Primo:
Si Kuya?
Hugo:
Tatanungin nga rin sana kita. Wala sa kwarto, e. Aayain ko sana mag-ML.
Loire:
Hindi ako makakalaro.
Hugo:
Whyyyy? Saan ka ba? Nawawala ka na naman.
Loire:
Umalis ako.
Primo:
Let's play, Hugo.
Hugo:
Sige.
Primo:
Mag-OL na ako.
Hugo:
Ge. Ikaw, Kuya? Hindi ka ba talaga sasali?
Loire:
Hindi nga. Mag-agahan muna kayo. Mamaya na laro.
Hugo:
Tapos na. Teka, huwag mong sabihin na nandoon ka na naman sa tinu-tutor mo?
Mariin akong pumikit. Napakakulit niya talaga.
Loire:
Oo, bakit? May angal ka?
Hugo:
Wala. Ikinagwapo mo 'yan?
Loire:
Nasa sinapupunan pa lang ako ng ina natin, gwapo na ako.
Hugo:
Awit! Kita mo 'yon? Humangin nang malakas.
Primo:
Saan ka na? Kanina pa ako online, Hugo.
Loire:
Ayan! Chat pa!
Nag-seen na lang ang dalawa. Umalis na rin ako sa GC namin at nagtingin-tingin sa Facebook. Nakita ko na lang ang sarili na pumunta sa profile ni Isla at tiningnan muli ang pictures niya. Mayroong nasa rooftop sa kung saan man at nakatuon ang mga kamay sa barricade, kita ang tiyan niya sa suot na top at pantalon. Marami pa siyang pictures at isa lang ang pagkakaparehas ng mga ito, ang pagiging magaling niya sa pananamit.
Binisita ko ang profiles ng mga lalaking nagko-comment sa pictures niya. Pero mabilis akong napagod dahil sa dami nila.
I put the phone on the bedside table and watched her sleeping peacefully. Mas inilapit ko pa siya sa akin at mahina siyang napaungol. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.
Kung sila ay ginagawa ang lahat para lang mapansin niya, ako heto, walang kahirap-hirap na nadadala siya sa bisig ko. My heart fluttered like crazy with the thought.
Sandali pa ay nagising siya. She smiled as she saw me staring at her. Bumangon siya at biglang umupo sa pagitan ng mga hita ko.
"May energy na ako." Tumingin siya sa inuupuan niya at napakagat sa ibabang labi. "Game?"
My manhood started to react and she felt it. Gumalaw pa siya para ayusin ang pagkakaupo at mas lalo 'yong nabuhay.
"Get off me!" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.
Gumapang ang mga kamay niya sa dibdib ko. "Pinapaalis mo ako pero gusto ng katawan mo na nandito ako."
I stopped her hands and held them firmly. Tumaas ang kilay niya.
Gumalaw ang panga ko. "Nandito ang lola mo."
"So?"
"Isla, I respect her."
Umirap siya. "Fine!"
Aalis na sana siya sa taas ko pero bigla ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi ay itinungo siya sa akin. Mabagal kong hinalikan ang mga labi niya.
"O, akala ko ba ayaw mo?" tanong niya sa pagitan ng mga halik ko.
"Hindi sa ayaw." Kinagat ko ang ibabang labi niya at marahang ipinasok ang dila ko sa loob ng kanyang bibig.
Umungol siya na mas nagpatindi ng nararamdaman ko. Gumapang ang kamay niya papunta sa pagkalalaki ko kaya agad ko siyang pinakawalan. Lumayo ako sa kanya at natatawa siyang humiga sa tabi ko.
"Grabe, sarap mong maging tutor! Ibang klaseng lesson!"
Seryoso ko siyang tiningnan pero parang wala lang ito sa kanya.
"Ano kayang mararamdaman ng mga babaeng nagpapantasya sa 'yo kapag nalaman nilang ako ang girlfriend mo?"
Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang ako sa kisame. Kailangan kong patayin ang apoy na sinindihan niya.
"Seryoso, ang swerte ko na ikaw ang boyfriend ko ngayon."
Doon ko siya nilingon muli. She was staring at me with a smirk on her face.
"Ngayon lang? May balak ka pa na magpalit ng boyfriend?"
Marahan siyang tumango. "Oo naman. Ano bang akala mo sa akin? Mag-i-stay sa 'yo?"
Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Umigting ang panga ko at hindi makapaniwala na muling tumingin sa kanya.
"There's plenty of fish in the sea. Marami akong mahuhuli. Marami akong choices."
Naglaban kami ng tingin. Umupo na rin siya at hinarap ako.
"Are you serious?" Namanhid ang mga kamay ko dahil sa inis sa sinasabi niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Umalis ako sa kama at tinalikuran siya. Malapit na ako sa pinto nang may kumatok dito.
"Sir Loire, Isla, mamaya na kayo mag-aral. Breakfast is ready!" It was Mrs. Tanco.
Umikot ako para tingnan si Isla at sobrang lapit niya sa akin.
"Galit ka?" tanong niya, at lumandas ang tingin sa pagitan ng mga hita ko. "Wait, dalawa kayong galit?"
I covered her mouth with my hand and pointed to the door. Natatawa niyang inalis ang kamay ko at nilagpasan ako. Binuksan niya ang pinto na parang walang nangyari at bumungad sa amin ang lola niya. Nginitian niya ito at nauna na siyang bumaba ng hagdan.
Umabrisyete naman sa braso ko si Mrs. Tanco. Hinayaan ko lang ito at tiningnan si Isla na nauuna sa amin.
"It's cold so I cooked chicken sotanghon soup. Kumakain ka ba no'n, Sir Loire?" tanong nito.
Tumango ako at nilingon ito. Matamis itong ngumiti.
Pumasok kami sa kusina at sa halip na tumabi siya sa akin ay sa tapat ko siya pumwesto. Si Mrs Tanco ay umupo sa kabisera. Nilingon ko ito bago tingnan ang mga pagkain sa hapagkainan.
"Let's eat?"
We started eating and the only sound that could be heard was of the utensils. Hindi ko na lang pinansin ang babae sa harapan ko na seryoso ring nag-aagahan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla akong napatigil dahil sa pag-abot ng paa niya sa binti ko. Pumasada ito pataas habang patuloy siyang kumakain.
"So I guess, you are also friends. You two seem so close."
Tumingin ako kay Mrs. Tanco na walang alam sa ginagawang kalokohan ng apo niya. Hindi ako makagalaw nang maayos sa ilalim dahil baka mapansin kami nito. Umangat ang paa niya at nilingon ko siya. Humigop siya ng sabaw at marahang pumikit.
"Hmm... ang sarap!" sabi niya.
Humigpit ang hawak ko sa kutsarang nasa kamay ko. Sa kabila ng suot kong pantalon ay naaapektuhan pa rin ako sa ginagawa niya.
Akmang aangat pa ang paa niya sa hita ko pero inipit ko na ito.
"Masarap talaga 'yan," segunda ng lola niya.
Tumawa siya at kinindatan si Mrs. Tanco. Nagtawanan sila at pilit siyang kumawala sa pagkakapigil ko sa paa niya.
"Totoo po." Nilingon niya ako at matamis na ngumiti. "'Di ba, Sir Loire?"
Tumikhim ako. "Yes, Mrs. Tanco."
Binilisan ko ang pagkain at naunang natapos ang lola niya. Agad din akong tumayo. Nang tingnan ko siya ay malawak ang kanyang ngisi.
"We'll go back to my room now, 'La," she said.
"All right. Ayaw n'yo ba sa library?"
Umiling siya. "Nasa room po ang mga kailangan namin ni Sir."
Tipid kong nginitian si Mrs. Tanco bago siya sinundan. Pagpasok ko ng kwarto ay ini-lock ko ang pinto. Umupo siya sa kama at binuksan ang TV.
"Masarap, Loire?"
"What?" I asked, slightly irritated.
"'Yong soup nga!" natatawa niyang sabi. "Ikaw kung anu-anong iniisip mo!"
"You shouldn't have done that! Papaano kung napansin niya tayo?"
Nilingon niya ako at bigla niyang hinubad ang sweatshirts niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil wala siyang suot na bra at tanging kulay itim na underwear ang natira.
"Naiinitan na ako."
I clenched my fists as she walked into her walk-in closet. Ayaw matanggal sa isip ko ang maganda at mapuputi niyang dibdib. She was really a tease!
Pagbalik niya ay nakasuot na siya ng kulay puting sleeveless pero walang suot na shorts.
"Isla!" tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako pagkaupo sa kama. "What?"
"Change your clothes! Ang lamig-lamig!"
Dinampot niya ang remote at sumandal siya sa headboard. Tumutok ang tingin niya sa TV habang naghahanap ng mapapanuod sa Netflix. Napili niya 'yong Lucifer.
"Hey, I left the heater on before we went to the dining. Look at yourself, you're sweating!" Itinuro niya ang noo ko.
Pinakiramdaman ko ito at totoo nga na pinagpapawisan ako. Naiiling siyang muling tumingin sa TV.
Itinuon ko na lang din ang atensyon sa pinapanood niya hanggang sa tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa bedside table, tumatawag si Zara. Nilingon ko siya na nakatingin na rin sa akin.
"Zara?" tanong niya.
I put my phone on silent mode and rejected the call. Inalis ko ang tingin sa kanya dahil halatang-halata ang nipples niya sa suot na sleeveless.
"Sino 'yon? Ex mo?"
"Ex fling," tugon ko.
"Ah, K."
Napabaling akong muli sa kanya. Inilapit ko ang sarili at inangat ang ulo niya. Inihiga ko ito sa bisig ko. "Are you jealous?"
Napairap siya at bahagyang inilayo ang sarili sa akin, pero muli ko siyang hinila palapit. Nasasanay na ako sa pagiging prangka niya.
"Really? Bakit nakakunot ang noo mo?"
"Wala. Pake mo?"
Mahina akong natawa na umagaw sa atensyon siya. Tumutok ang tingin niya sa akin at napalunok. Ako naman ang napakunot-noo dahil sa reaksyon niya.
I cleared my throat. "Stop staring at me like that."
"Kung nakakabuntis lang ang tawa, buntis na ako." Titig na titig siya sa mga mata ko.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Tumatawa ka rin ba nang ganyan kapag kasama mo 'yong Zara na 'yon?"
Umiling ako.
"Weh?"
"You are jealous," I stated.
"Gago, hindi nga! Hindi naman kayo nag-usap, e."
"Talaga? Bakit ako? Nagseselos ako isipin ko pa lang na nakikipaghalikan ka sa ibang lalaki."
Iniharap niya ang mukha ko sa kanya. "Tama ba ang narinig ko?"
Inirapan ko siya. Bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko at binasa niya ang kanya.
"Bingi ka ba?" Tuluyan na akong tumagilid para harapin siya.
"Hindi." Hinarap na rin niya ako.
We were facing each other and staring deeply in each other's eyes.
"But I think I'm gonna go deaf hearing my heartbeat," she almost whispered.
My jaw tightened and I closed my eyes. Umakyat ang kamay niya sa buhok ko at dinig ko ang mabilis na pagbabago ng paghinga niya.
"Isla, not here," I almost begged.
Mariin siyang pumikit. "Nahihirapan akong magpigil sa 'yo. Nakakainis ka!"
"Sa amin ka matulog mamaya," bigla kong sabi.
"Makikita ako ng mga kapatid mo."
We were both helpless for restraining our emotions. Inilayo ko ang sarili sa kanya at ganoon din siya sa akin. Pumasok ako sa bathroom at mariing itinuon ang mga kamay ko sa salamin. Tiningnan ko ang sarili rito. Matagal kong kinalma ang sarili bago ko siya binalikan. Paglapit ko sa kanya ay napansin ko na iba na rin ang suot niya. Inangat niya ang kumot sa kanyang katawan at mas itinuon ang sarili sa panonood.
"Ipagpapaalam kita sa Lola mo."
Marahan siyang tumango.
Inubos namin ang oras sa panonood na may sapat na distansya sa isa't-isa. Hindi na rin niya ako masyadong kinausap kahit noong nagtanghalian kaming tatlo ng lola niya.
Naliligo siya nang lumabas ako ng kanyang kwarto. Nadatnan ko si Mrs. Tanco sa living room.
Tinabihan ko ito sa sofa. "Pwede po bang isama ko si Isla pauwi?"
Ngumiti si Mrs. Tanco at tinapik ang balikat ko. "Walang problema. Basta iingatan mo ang apo ko," makahulugan niyang sabi.
I swallowed hard and looked her in the eye. Batid kong alam na niya ang namamagitan sa amin ni Isla. Her warm smile gave me enough courage.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. "I will."
Marahan siyang tumango. "Go and don't worry about me. My sister will come by here later. Nandito rin ang mga katulong kaya hindi ako mag-iisa."
"Thank you," magalang kong sabi.
Wala nang sinabi si Mrs. Tanco at ibinalik ang atensyon sa pakikipag-chat sa kung sino sa kanyang cell phone.
Bumaba si Isla at ready na siya paalis. Tumikhim siya bago hinarap ang kanyang lola.
"'La, uuwi akong maaga bukas. May tatapusin lang kami ni Sir Loire," pagsisinungaling niya kahit hindi na dapat.
"Sure! Maayos-ayos na rin ang panahon, pero mag-iingat pa rin kayo sa daan." Nilingon ako ni Mrs. Tanco. "Sir Loire."
"Makakaasa po kayo."
Lumabas na kami at sumakay kami sa Jeep ko. Wala ng ulan kaya na-enjoy ko ang pagmamaneho habang siya ay tahimik pa rin.
Nakarating kami sa bahay at ipinarada ko ang sasakyan. Mukhang umalis ang mga kapatid ko dahil tahimik ang bahay.
Pagkasara ko ng pinto ay agad ko siyang itinulak dito at hindi na nag-aksaya ng oras. Sabik kong inangkin ang mga labi niya. Pumulupot ang mga kamay niya sa batok ko at lumaban sa mapusok kong mga halik.
She groaned as my tongue deliriously entered her mouth. Hinawakan ko ang pang-upo niya at nanggigigil itong pinisil.
"Shit, Loire..." daing niya.
Nakarinig kami ng pagkahulog ng babasagin at agad kaming napahiwalay sa isa't-isa. Pareho kaming lumingon sa direksyon ng kusina. Sa entrada noon ay nakatayo si Hugo, at sa paanan niya ang mga bubog ng mangkok.
"Tangina, Kuya!" mahinang mura ni Hugo. Nalilito ang mga mata niyang nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Isla. "Bakit ka nakikipaglaplapan sa estudyante?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top